Bayani? o Bayani.

Bata pa ‘ko nang maisipan ng tatay kong mag-abroad. OFW or Overseas Filipino Worker daw ang tawag sa kanya. Hindi ko pa alam kung ano ang ibig sabihin nun. Di ko rin maalala kung ano ang naramdaman ko nung umalis siya. Basta ang alam ko lang, may malaking box kami pag pasko at ‘pag umuuwi si tatay, sigurado, maraming pasalubong.
Noong mag-Saudi si tatay, dun ko naranasan kumain ng masasarap na tsokolate; Cadbury, M&M, Snickers at marami pang iba. Dati kasi goya at egg chocolate lang ang kayang ibili ng nanay ko sa amin. ‘Nung panahong din iyon ako nagkaroon ng mga magaganda at mukhang mamahalin na mga school supplies⎯notebooks, retractable pencil, scented ballpens, pati scented erasers. Pagkatapos mag-Saudi, lumipat si tatay sa Oman. Nadagdagan ang mga koleksyon namin sa bahay. Minsang umuwi si tatay, may dala na siyang wool rug (bukod pa sa mga figurines na korteng ewan). Galing daw ‘yung sa balat ng isang tunay na tupa. Ang dami niyang dala. Nakakatuwa. Feeling rich na ko ‘nun! Lalo na sa mga classmates ko.
After a couple of years, umuwi na si tatay. Na-homesick daw siya. Hindi ko na inintindi usapan nila ni nanay. Kasi hindi ko naman talaga naiintindihan ang mga hinaing niya. Ang mga personal na hinaing ng isang OFW, until today.
Ang akala ng iba ‘pag sa abroad ka nagta-trabaho, marami ka nang pera. Kahit ano kaya mo nang bilhin. Kung dati naglalaway ka lang sa mga branded or signatures na mga gamit, ngayon kaya mo ng bilhin basta may dolyar ka. Ilan na nga bang pinoy ang naging successful matapos mangibang-bayan? Ang nakabili ng bahay  at sasakyan? Ang nakapagtayo ng negosyo? Marami-rami na rin sila. Pero hindi natin alam kung ano ang mga sinuong nila para makuha lahat ‘yun? Now I can speak for most of them. Isa na rin kasing OFW ang asawa ko. Eventually ako rin. Sa ngayon, isa muna akong nagpapakadakilang may-bahay.
Sana ‘wag isipin ng iba na madali lang makuha ang pera. Kung paano kumakayod ang isang Pinoy sa sariling bansa, ganun din sa banyagang lugar. Minsan nga doble o triple pa. May kaibigan ako na nakatira na US. Green-card holder, may dalawang trabaho. Araw-gabi kung kumayod. Kung minsan, ginagawang araw ang gabi pero wala pa rin naiipon. Lahat kailangan ipadala sa pamilya niya sa ‘Pinas. Marami din kasi ang umaasa sa dolyar na padala niya. Dito sa SG, marami din tayong mga kababayan ang nagbabaka-sakaling umunlad. Kumakayod ng doble para lang sa mga umaasang pamilya. Suma-sideline para lang kumita ng mas malaki. Kung gaano kahirap ang buhay ng mga iniwang pamilya sa ‘Pinas, ganun din ang paghihirap ng loob nila dito. Marami nga ang successful, pero madami din ang lugmok. Ang hindi alam ng ilan, kailangan pang magbenta ng laman ng iba para lamang madagdagan ang perang ipapadala. Akala ng iba, OK ang buhay ng OFW. Hindi naman lahat ganun. Kasi hindi naman lahat pinapalad.
Ngayon ko naintindihan kung bakit umuwi agad ng bansa si tatay noon. Sa ibang bansa, higit pa sa homesick ang kalaban mo. Kalaban mo ang sarili mong pag-iisip. Kung nasanay ka na parang palaging may liga ng basketball sa bahay niyo, ‘pag OFW ka, masasanay ka na mabuhay mag-isa. Suwerte mo kung marami kang kasamang Pinoy; marami kang kakuwentuhan. Pero pag patay na ang ilaw at tulog na ang ilan, kulang na lang ay pitikin mo ang buwan para palitan na ng araw. Nakakabaliw ‘pag gumagabi. Nakakaloka ang magising na wala ang mga nakasanayan mong katabi. Siguro ‘yun ang di kinaya ni tatay.
Kung ang batayan ay ang mga tiniis na hirap at mga sakripisyo ng isang OFW para lang buhayin ng marangal ang kanyang pamilya, tama nga lang na tawagin siyang bagong bayani. Dahil sa bawat dolyar, dirham, yen, o pounds na ipinapadala nila (kasabay ang mga request na rubber shoes, pabango, bag, shades at gintong alahas), ganun din ang katumbas ng pawis, pagod at homesick na tinitiis nila. Kaya kung may kapamilya kang OFW, makuntento ka na muna sa kung anong meron ka at matuwa na sa kabila ng lahat, nakakatawa pa rin sila.

**Ito po ang aking opisyal na lahok para sa PEBA 2009. Kung sa inyo pong palagay ay karapat-dapat na manalo ang lahok na iyo ay mangyaring bisitahin lamang ang kanilang pahina upang ako’y iboto gayundin din po ang iba pang mga kalahok.

Maraming salamat po!

****************************************

pinoy-blog-awards3

Bata pa ‘ko nang maisipan ng tatay kong mag-abroad. OFWOverseas Filipino Worker daw ang tawag sa kanya. Hindi ko pa alam kung ano ang ibig sabihin nun. Di ko rin maalala kung ano ang naramdaman ko noong umalis siya. Basta ang alam ko lang, may malaking box kami pag pasko at kapag umuuwi si tatay, sigurado, maraming pasalubong.

Noong mag-Saudi si tatay, doon ko naranasan kumain ng masasarap na tsokolate; Cadbury, M&M, Snickers at marami pang iba. Dati kasi goya at egg chocolate lang ang kayang ibili ng nanay ko sa amin. ‘Nung panahong din iyon ako nagkaroon ng mga magaganda at mukhang mamahalin na mga school supplies⎯notebooks, retractable pencil, scented ballpens, pati scented erasers. Pagkatapos mag-Saudi, lumipat si tatay sa Oman. Nadagdagan ang mga koleksyon namin sa bahay. Minsang umuwi si tatay, may dala na siyang wool rug (bukod pa sa mga figurines na korteng ewan). Galing daw ‘yung sa balat ng isang tunay na tupa. Ang dami niyang dala. Nakakatuwa. Feeling rich na ko ‘nun lalo na sa mga classmates ko. Makalipas ang ilang taon, umuwi na rin si tatay. Hindi niya kinaya ang homesick. Madalas silang mag-usap noon ni nanay pero hindi ko inintindi ang usapan nila dahil hindi ko naman talaga naiintindihan ang mga hinaing niya. Ang mga personal na hinaing ng isang OFW, hanggang dumating ang araw na ito.

Hindi ko alam kung saang makating bibig ng bubuyog nasagap ng ilan ang balitang mapera ang nagta-trabaho sa ibang bansa. Akala kasi ng karamihan, basta dolyar o basta hindi peso ang kinikita mo at lumalagpas ng limang libo ang ipinadadala mo sa pamilya mo sa Pinas, mapera ka na. Kahit ano kaya mo nang bilhin. Abot kamay mo na lamang ang mga branded na gamit na noon ay nagpatulo ng laway mo sa loob ng isang mamahaling department store. Kung ipinanganak kang isang kahig-isang tuka at tanging pulbos ang nagagamit mong pabango, marahil ngayon ay higit pa sa Victoria’s Secret ang kaya ng bulsa mo. Kasi nga ay tinahak mo ang daan palayo sa sariling pamilya nang dahil sa nais mong kumita ng malaking pera. At baka nga dahil nasa abroad ka na, ikaw ay isa nang mapera.

Ilan na nga bang pinoy ang naging successful matapos mangibang-bayan? Ang nakabili ng bahay  at sasakyan? Ang nakapagpatayo ng negosyo at nakatulong sa mga kamag-anak/kaibigan/kakilalang walang mapapasukan? Marami-rami na rin sila ngunit hindi sing-dami ng mga Filipinong naghihikahos pa rin sa ating sariling bayan. Kung limpak man ang salaping pinadaraan ng mga OFW sa remittance centers papunta sa pintuan ng kani-kanilang pamilya, hindi pa rin natin alam kung ano ang kanilang pinagdaanan kapalit ng dolyar, riyal o pounds. Ngayon ay maaari ko nang irepresenta ang karamihan sa kanila. Isa na rin kasing OFW ang asawa ko at paglao’y ako rin na nagsisikap makahanap ng magandang oportunidad dito sa Singapore.

Sana ‘wag isipin ng iba na madali lang nakuha ng mga OFW ang pera. Kung paano kumakayod ang isang Pinoy sa sariling bansa, ganoon din sa banyagang lugar. Minsan nga ay doble o triple pa matustusan lamang ang pangangailangan pang-pinansyal ng mga mahal sa buhay. Isang kaibigan ang pinalad na makapag-asawa ng isang mabait na kano. Nilunok ang sariling laway at pinakisamahan ang isang taong hindi niya gusto para lamang mabigyan ng maayos na buhay ang magulang at mga kapatid. Green-card holder, may dalawang trabaho. Araw-gabi kung kumayod. Kung minsan, ginagawang araw ang gabi pero wala pa rin naiipon. Lahat ay kailangang ipadala sa pamilyang nasa ‘Pinas. Dito sa bansang kinalalagyan ko, marami din tayong mga kababayan ang nagbabaka-sakaling umunlad. Kumakayod ng doble para sa mga umaasang bibig. Suma-sideline upang kumita ng mas malaki. Kung gaano kahirap ang buhay ng mga iniwang pamilya sa ‘Pinas, ganun din ang paghihirap ng loob nila dito. Marami nga ang successful, pero madami din ang lugmok. Ang hindi alam ng ilan, kailangan pang magbenta ng laman ang iba para lamang madagdagan ang perang ipapadala. Akala ng iba, OK ang buhay ng OFW. Hindi naman lahat ganun. Kasi hindi naman lahat pinapalad. Nagbabaka-sakali lang.

Oo. Totoo. Inaamin ko na pera ang dahilan kung bakit kami narito. Mahirap ipanganak ng mahirap. Kahit anong pagsusumikap mong umunlad ang antas ng iyong pamumuhay at mabigyan ng masaganang pagkain sa hapag kainan ang iyong pamilya, hindi pa rin sasapat ang kakarampot na kikitain mo sa Pinas lalo na’t may iba pang umaasa sa iyo. Suwerte mo kung ipinanganak kang may pilak na kutsara sa bibig at nag-aral sa isang sikat at pang-mayaman na eskuwelahan. Agaran kang mapapasok sa trabaho at kung may backer ka ay mataas na posisyon agad ang ibibigay sa’yo. Pero paano ang mga nagtapos sa isang state university? Ang mga nagtapos na may degree pero nauwi sa isang kompanyang pinatatakbo ng politika? Ang mga walang natapos at tanging pag-aalaga ng anak ng may anak ang tanging alam na trabaho? Paano na ang mga tulad ko na ang kagustuha’y makatulong pa rin sa naghihikahos na magulang sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya?

Ngayon ko naintindihan kung bakit umuwi agad ng bansa si tatay noon. Sa ibang bansa, higit pa sa homesick ang kalaban mo. Kalaban mo ang sarili mong pag-iisip. Kung nasanay ka na parang palaging may liga ng basketball sa bahay niyo, ‘pag OFW ka, masasanay ka na mabuhay mag-isa. Suwerte mo kung marami kang kasamang Pinoy; marami kang kakuwentuhan. Pero pag patay na ang ilaw at tulog na ang ilan, kulang na lang ay pitikin mo ang buwan para palitan na ng araw. Nakakabaliw ‘pag gumagabi. Nakakaloka ang magising na wala ang mga nakasanayan mong katabi. Siguro ‘yun ang di kinaya ni tatay.

Hindi karangalan na matawag na “bagong bayani” ng ating bansa. Wala rin namang ipinagkaiba ang pagtingin sa kanila. Pantay-pantay lang ang trato pagdating sa Pinas. Walang bulaklak na isinasabit sa leeg at walang bandang sumasalubong na gaya ng kay Pacquiao. Mabuti pa nga si Pacquiao, animo’y isang santo kung iparada sa lansangan. Ngunit ang mga OFW na kumakayod ng husto upang itaas ang antas ng pagtingin sa Pilipinas kapalit ang kaunting kinikita, hindi man lamang matapunan ng pansin. Kung ang batayan ay ang mga tiniis na hirap at mga sakripisyo ng isang OFW upang buhayin ng marangal ang kanyang pamilya, baka nararapat nga na tawagin siyang bagong bayani. Bayani ng sariling pamilya. Dahil sa bawat dolyar, dirham, yen, o pounds na ipinapadala nila (kasabay ang mga request na rubber shoes, pabango, bag, shades at gintong alahas), ganun din ang katumbas ng pawis, pagod at homesick na tinitiis nila. Baka nga kulang pa.

72 responses

  1. Jay

    Nice blog po. OFW din po ako support po blog namin. http://overseasfilipinoworkersblog.blogspot.com

    February 9, 2016 at 4:17 PM

  2. Simply a smiling visitor here to share the love (:, btw outstanding design.

    May 22, 2012 at 10:57 AM

  3. ranco

    tatay ko noon OFW,ako ngayon OFW,anak ko baka OFW din pag laki,ito na ba cycle nang pinoy???

    September 21, 2011 at 3:28 AM

    • Enjoy

      Nasa anak mo pa rin naman ang desisyon kung pipiliin niyang maging OFW pagdating ng panahon. Kung sa kanyang palagay ay mas makabubuti yun para sa kanyang pamilya, why not. There’s nothing wrong being an OFW. Basta marangal na hanapbuhay, at makapagdudulot syo at sa pamilya mo ng konting kaginhawaan, go lang ng go! 🙂

      October 4, 2011 at 6:53 AM

  4. Congrats for winning the PEBA. Happy new year! You really deserve it! Cheers

    December 28, 2009 at 9:49 PM

    • enjoy

      Mraming salamat po! Sayang nga at di man lang ako nakasilip.

      Happy New Year and God bless 🙂

      December 28, 2009 at 10:49 PM

  5. Dex

    congratulations your blog is one of the best

    December 28, 2009 at 3:34 PM

    • enjoy

      Thank you! I owe this award to those who voted for me.

      Thank you for dropping by as well… God bless!

      December 28, 2009 at 10:54 PM

  6. I agree to that Kuril. 🙂

    Thanks for dropping by!

    November 11, 2009 at 9:57 PM

  7. mau..mayo gd..very good..hehe…saludo sa mga ofw/’s…baw..
    i hope the government would really value the oFW’s, not as source of income but as true heroes.

    November 10, 2009 at 8:32 PM

Leave a comment