Buhay SG

The Best Things in Life are FREE!

For many years, I have thought that money can buy happiness. That we can find its true meaning from things that glitter – new clothes, new bags, new jewelries. And for many years, the proverb “All that glitters are not gold” has proven me wrong.

I remember when I was in my early twenties, I would always visit a mall to window shop when I was sad or depressed. I never went home empty handed. If it wasn’t the mall, I would visit a spa and have a relaxing back massage or a facial spa. I’d always find comfort in things like a new manicure, a new pair of shoes, unbranded bags or clothes, or even in a new headband! No matter how invaluable things were as long as I bought something for my self, I couldn’t care less. Then I’d feel happy. You know that wide smile you see on a child’s face when she finally got what she had been wanting for a long time? I’ve mastered that smile. My happiness, though, wouldn’t always last too long. At the end of the day, I was as empty as my pocket.

When our family migrated here in Singapore, I learned to value the things that cannot be seen or touched: a warm embrace, a short text message from our relatives in the Philippines saying “how are you?”, simple gatherings with friends. I only have few friends here whom I see most of the time. Some are so busy living their fast paced life catching up with their tight schedules. Some are not always around but you will feel their presence at times when you need them most. I don’t need to buy their time. They’re FREE.

I am learning to love the smell of the rain because the rain here is not as natural as it may seem. I am learning to love the company of silence and the chirping of the crows in the background. They give me a feeling of serenity. Our home is my comfort zone and I always find solitude in it. I don’t need to spend money and travel away from the city. A blissful, solitary moment is always close at hand.

I’m currently unemployed but I work more than 12 hours a day, 7x a week, as a mother and a housewife. I go to bed so effin’ tired most of the time. But knowing that my family is comfortable because I make sure there’s a satisfying food on the table, or they lie on fresh linen sheets, I feel great. Taking these things into account, I couldn’t be happier.

A month ago I celebrated my birthday. The third time here since we moved in this country. It’s just a small gathering and only a few close friends were invited, including a blogger friend whom I’ve been dying to meet personally because I only get to chat with her online. Our house was jam-packed and was filled with laughter from people who have met each other only that day. One friend even commented, “grabe ang saya ang birthday party mo… as in! feeling namin, matagal na naming ka chicka yung mga visitors mo.. hehehe.. saya saya!!! =)”. Although there were people who didn’t show up, some foods have gone bad, and I was left with a broken couch and a center table, I couldn’t compare the happiness I felt that very day. It’s beyond words. Immeasurable, if I may say.

I know now what matters most. I know now that…

It’s often true, right. Just forget about the price tags. 🙂



Nakakalungkot isipin na minsan kung sino pa yung kapwa mo Pinoy, kung sino pa ang tunay na kalahi; sila pa yung unang maninira at sisira sa iyo.

Pasensya na po kung nawawala na naman ako sa sirkulasyon. Nakakuha po ako ng isang part-time job na siyang pinagkakaabalahan ko ngayon. At ngayon ay siyang sanhi rin ng sama ng loob para sa isang kapwa natin Pilipino.

Pagbigyan niyo na ako kung dito ko nailabas ang aking saloobin. Alam ko naman na marami pa rin ang handang makinig sa aking mga hinaing. Hindi ko na ii-elaborate ang mga pangyayari dahil masakit pa rin sa akin na matapos kong ituring na kaibigan at gawan ng kabutihan, siya pa pala ang agilang dadagit sa akin. Pero ngayon ko lang napatunayan na totoo pala ang ganitong mga kuwento. Akala ko ay kathang-isip lamang ng ilan sa mga kaibigang OFW.

Nakakasama ng loob. Sana ay hindi danasin ng iba pang OFW mula sa kapwa Filipino.

Confession Of A Homesick Heart

I believe that life is neither predictable nor uninteresting. I know there’s more to it than meets the eye but lately I feel a bit eccentric – an erratic mixture of glum and glee – towards the colorless and boring lifestyle of Singapore.

It’s mid-November but the temperature is still 25 degrees Celsius reaching as much as 30 degrees Celsius despite heavy rainfall. Since Singapore is a multi-religious country with only 14% Christians, you won’t find any Christmas decorations in the neighborhood unless you check the malls or visit the Orchard Road where the glamorous and fabulous shopping malls are situated.


I’m deeply yearning to feel the Christmas breeze on my face, which I believe has been brushing the islands of our beloved country since -ber month started. Every night, as we watch the Filipino news on TFC showing shopping malls full of Christmas decors; small and big houses that are still adorned with lanterns and trinkets in spite of all the tragedies that have happened in the past couple of months, I get teary-eyed on the realization that for the first time, we’ll be celebrating Christmas away from our Motherland, away from the people whom we used to share this day with. The humid air and untimely sprinkle of rain bring enough loneliness to my days. ‘Though my parents in-law are coming over for Christmas, their presence will not be enough to fill my intense longing to come back home where Christmas is much more appreciated. Where I can be with my family (father and siblings) and relatives again on this very special occasion.

Who wouldn’t miss the embrace of the cool morning breeze that makes you curl up under your sheer blanket? The dazzling Christmas displays in the streets that fascinate every passerby; the bright and twinkling lights strung in every house that playfully dance to the beat of Christmas carols; the brightly colored lanterns that come in different shapes and sizes. In the Philippines, we decorate our houses as early as September. We have the longest and merriest Christmas celebration in the world that formally begins on December 16, which also marks the start of Simbang Gabi or Misa de Gallo. Oh and how can I forget the fragrant smell of puto bumbong and bibingka dripping with melted butter and sprinkled with niyog that gets people going for the nine dawn masses? And Christmas day itself, when we celebrate the birth of Jesus Christ and meet with our relatives and friends so that we can share the blessings that we have received the whole year through.

I know that this kind of emotion is common to most OFWs/expatriates who’ve been away from their families or been living in other parts of the world for a very long time. Starting a life in a whole new world is quite tough and the adjustment period, a bit difficult. In a way I am happy that my family is complete this Christmas. We have to make little sacrifices to make ends meet but we’re looking forward to each day with hope. I firmly believe that life may look sour at the moment but eventually, all our sacrifices will come into fruition. Come what may, Christmas will come around and life in Singapore may continue to appear dull and colorless to me. But what is important is that, we value the true essence of Christmas and we keep the spirit alive in our hearts, saan man kami naroroon. Only in this way we can overcome the oddity of homesickness. Only in this way we can joyfully celebrate Christmas.

Embracing Motherhood

After another week of habitual idleness in blogosphere, it feels good to slip back into the old routine, blogging.  I’ve been away for quite a while not because I don’t have the urge to write again or could have been experiencing another writer’s block. I have a lot of things to share with you guys—like my visit in the Philippines, my kids’ impish yet amusing behaviors, their mixed emotions towards their migration to Singapore (oh yeah! they are here already), etc.—so much to tell you that I don’t know which topic do I start first. It’s just that since we got back here in SG, kids have stolen my private moments with the computer and assumed its ownership. The only time I can use the computer is while they’re still asleep or when I haggle with them so I must really make the most of  it. 😥

Continue reading this entry…

Gaya-Gaya, Puto Maya

When I read Lord CM‘s latest blog that his PEBA entry has been posted in POEA forum, I got curious about my own blog traffic. Kaya naisipan kong alamin kung sa anong page babagsak ang aking blog site by typing the words “a piece of cake” sa search bar ni Mr. Google.  Baka kasi nakabandera na rin ang aking mga entries ay di ko pa nalalaman. 🙂

Type, erase, type… searching…. loading… at dyaraan… here are the results:


click to enlarge

Nasa 1st page ang blog site ko. Panglima ako sa mga lumabas na resulta. Nakakatuwa hindi ba, na sa kabila ng pagka-urban ng spelling ko ng “cake” ay nai-post pa rin ang aking url sa unang pahina. And my PEBA entry is the significant factor contributing to this outcome. Ang galing! Pero sandali lang din ang aking naging katuwaan dahil isang bagay ang nakapukaw ng aking pansin. Ang url na sumunod sa akin na may titulong “A Piece of Cake on Shine” na pag-aari ng isang Ken Saavedra.

Picture 1

click to enlarge

Pamilyar kasi sa akin ang composition of words sa result page. Malakas ang pakiramdam ko na ang mga salitang ito ay nagamit ko na sa isa sa mga blogs ko. Kaya agad kong pinuntahan ang aking blog site at sinipat ang “A Piece Of Keyk” page at hindi nga ako nagkamali sa aking hinala. Ito po ang screenshot ng aking page at ang page ni Mr./Ms. Saavedra.

Picture 2Picture 3

[Pls. click pictures to enlarge]

Wala akong kamalay-malay na naging biktima na rin pala ako ng plagiarism (copying of another’s work). OK lang sana kung ilan sa mga salita lamang ang HINIRAMIN at hindi word for word. Pati yung ginamit kong picture (na ninenok ko rin kay Mr. Google) ay hindi rin nakaligtas. Gusto kong isipin na sikat na ako para mapagtuunan ng pansin ang aking blog. Sa isang banda ay gusto kong MATUWA, bagkus ako ay NATAWA. Natawa dahil may mga tao palang sadyang may sapat na kakayahan upang mangopya ng akda ng iba. Na imbes na pigain ang laman ng katiting na utak ay mas pinili pang manggaya na lang out of katamaran. Buti pa si Super Gulaman, “pasikretong” nabanggit ang kanyang pangalan sa kanyang akdang hiniram. Samantalang ako ay talagang hindi nabigyan ng kahit na ga-langgam na acknowledgement. I’m not mad at him/her though. Thankful pa nga ako dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadiscover kong may fan pala ako. 🙂

Whoever he/she is, I wish him/her the best of luck 🙂

Off-topic: Update lang po sa aming dilemma regarding our latest rented flat. To date ay hindi pa rin nagpaparamdam ang may-ari. Lilipat na kami bukas ay wala pa rin kaming matinong tutulugan at paglulutuan ng pagkain. Sira pa rin ang washing machine at puno pa rin ng gamit ng owner ang storage room. Madaling sabihin na hayaan na lamang ang mga iyon at bumili na lang kami ng bagong kagamitan. Pero mahirap gawin because we have already spent almost S$5,000 (PhP145,000) for this flat. At hindi basta-bastang amount of money ‘yun dito. Malaking pera na ‘yun. And also in the contract it is stated that they would provide the basic furnitures and would fix everything we find broken in a span of 1 month. Eh halos nasa gitna na September ay wala pa rin silang naaayos. Mamayang gabi ay gugulpihin bibisitahin na namin siya sa kanilang tinutuluyang flat kasama ang aming agent. Sana ay madaan namin sa marahas maayos na pakikipag-usap ang lahat ng matapos na rin ang aming problema. Mas bayolente kasi mag-isip ang aming agent 😀 Naaawa na rin ako kay Gard sa kakaisip kung saang kamay pa ni Batman kukunin ang ipang-aabono sa iba pang kulang, lalo na’t uuwi pa kami ng Pinas. Hay LIFE… sunud-sunod ang problema. Buti na lang IT’S JUST A PIECE OF KEYK. 🙂

P.S.: Napag-alaman ko na marami palang ganitong kaso dito SG. Mas malala pa nga ang iba. May mga owners na pinaparentahan ang kanilang flats kahit na may existing contract pa ito sa iba. Huli na bago malaman ng new tenants ang sitwasyon, at kalimitan ay sa mismong araw pa ng move-in. Kaya sa mga OFWs dito sa SG na nagbabalak mag-rent ng buong flat, konting ingat lang po. God bless sa ating lahat.


Matapos naming pumirma ng kontrata sa Star Cinema para sa aming pag-okupa sa bago (pero lumang) flat ay nag-umpisa na rin ang aming paglilipat. Marami pang kailangang ayusin sa bahay kaya paunti-unti rin muna ang lipat ng mga gamit. Another thing is that we’re requested by our friend who also happens to be the main tenant of our previous flat to extend our stay while he waits for the IT show on Sept. 10-11 so he can apply for a new account and enjoy the freebies to be given away to patrons only on the said event. Si Gard kasi ang account holder ng aming internet connection kaya tangay din namin ito sa aming paglipat.

Honestly, nag-uumpisa na ang aking disappointment sa bagong bahay. Naturingan akong metikulosa pero di ko nagamit sa aspeto ng pagbusisi sa bahay. Marami kasi kaming na-discover na flaws: sira yung washing machine, hindi gumagana yung kitchen mini sink, sira yung heater, nawawala yung stove hose, lahat ng storage cabinets/room ay puno ng gamit nila which they promised to vacate bago kami lumipat. Added to insult is the unresponsive land owner whom I’ve been calling and texting several times pero über dedma talaga. Naibubuhos ko tuloy ang sama ng loob ko sa aming agent. But for the benefit of the doubt, we’re still giving them until tomorrow to fix everything before we totally move in on Thursday. Gusto ko kasing maayos na ang lahat bago ako umuwi ng Pinas.

Here are some of the photos of the house. Still a bit empty but as soon as we fix everything, I’ll take new photos. 🙂


Living Room


Master's Bedroom


Kitchen Area


Kid's Bedroom


Tumaya nga pala kami sa Toto (tawag sa Lotto dito). Umabot na kasi sa $1.5M ang premyo o tumataginting na mahigit P49M! Ilan lang kami sa mga libu-libong tao dito ang nagbabaka-sakali na manalo sa Toto. Sa taas ng standard of living dito, malaking tulong talaga ‘yun. Sana suwertehin kami kahit ilang numbers lang ang tumama. Marami na rin makikinabang nun. 🙂


Secret muna ang mga numero ha. Baka kasi mausog 🙂

Love begins at home and it’s not how much we do… but how much love we put in that action.  ~ Mother Teresa

The Untold Story II

Pasensya na po kung medyo natagalan ang part two ng aking “untold story”. Nakakapanibago ang muling pagsusulat. Parang akong si Sleeping Beauty na matagal na nakatulog at sa muling paggising ay nawindang sa kanyang environment. Parang ang daming kakaiba, o ako lang ang kakaiba? 😉 But as I promised ay ikukuwento ko pa rin sa inyo ang dahilan ng aking hiatus at nang matapos na rin ang speculations tungkol sa aking pagkawala. Mahirap na at baka umabot pa ito sa SNN… now na! 😀


Kung maaalala ninyo ay naikuwento ko na pansamadalian akong mawawala upang seryosohin ang paghahanap ng trabaho. Hindi po ako nagsinungaling doon. Ang inyo pong kapitbahay na si Enjoy ay nagpursige talaga na makahanap ng trabaho at pinalad naman na magkaroon ng mangilan-ilang interview. Wala nga lamang naipasa 😀 Dumalo pa nga ako ng mga job fairs para pangatawanan ang ginawang pag-aapply. Ngunit hindi pa yata umaayon sa akin ang kapalaran. Maybe because there are plenty of things that I still need to attend to that might require more of my time so He wants me to focus on these matters first at ayun, wala pa rin akong trabaho until now (sourgraping, hehehe!). So ano nga ba ang mga pinaggagawa ko noong panahon na ako ay nawawala bukod sa paghahanap ng trabaho? Eto po ang ilan sa mga iyon:

I’ve been here in SG for almost 2 years now. Wala akong matatawag na direktang kaibigan dito. All my friends here are Gard’s friends whom by chance ay na-meet ko through gatherings. Kaya para ma-ease ang aking boredom ay isinama niya ako sa ilang paglabas nila… (yeah, I know, blogging sometimes helps pero iba pa rin yung may social life ka) 🙂

Esplanade Hawker Centre, July 16, 2009


Alley Bar, July 19, 2009


Alley Bar (ulet; nagiging favorite hang-out na ng tropa) July 26, 2009


Cafe d’ Manila (na dinayo pa namin kahit super-duper layo from our place pero sulit dahil sa masasarap na Filipino dishes), July 31, 2009


Dahil kinailangan na rin sa trabaho, si Gard ay madalas na mag-out of the country – Indonesia, Thailand, Vietnam, at Pinas. Usually, one week lang ang assignment but since he is handling the implementation of their new product, kinailangan niyang magpunta sa Thailand for three (3) weeks, going back to SG on weekends. Kaya sa kanyang huling linggo sa Thailand, ako po ay biglang nag-fly na rin 🙂

Bangkok, Thailand, August 4-7, 2009 (namamasyal na, pero si Gard on-call pa rin)

grand palace, thailandDSC00689DSC00609DSC00678DSC00709Temple of the Emerald BuddahDSC00689DSC00829

..at ang pagdalaw recently ng isa sa aking best buddies na si Kaye 🙂

Night Safari, August 23, 2009
29merlion park3337

In between days ay naghanap din ako ng bagong flat na malilipatan namin ni Gard. As you all know, or maybe some of you know, we’re bringing the kids here to study and so we can be a family again. Viewing dito, viewing doon until we finally found the right place for us live in: a 2-BR, half-furnished corner flat. And we’re moving in on the 1st of September! Nakakatuwa di ba? Things seem to be going pretty much according to plan. Pagbalik ni Gard galing US (yup, he left last Fri for a conference kaya alone na naman ako), aayusin na namin ang aming paglipat. This September, buo na kami 🙂

And to confirm all your speculations, YES, ako nga po ay totoong naadik rin sa Facebook. Eto lang kasi ang portal ko sa mga friends ko na nasa ibang bansa, na ayaw mag-Friendster dahil jologs daw. Nakakatuwa kapag nababasa mo ang mga shout-outs nila. Naa-update ako sa mga nangyayari sa kanila without really visiting their profiles unlike Friendster. Nakakaaliw rin ang iba’t ibang applications and quizzes na umagaw talaga sa aking precious time. I’m sure hindi lang naman ako ang naaadik sa Facebook, right bloggers? 😉

Eto po ang ilan sa mga “kinaadikan” ko sa Facebook:

PET SOCIETY at aking pet na si Yukiki…

pet societypet soc visit6580_1196753883680_1373464001_546537_3234563_n

BUDDYPOKE at mga kaibigang bloggers…




at ang aking latest craze, RESTAURANT CITY 🙂

restaurant cityresto photo

Ngayong alam niyo na ang dahilan ng aking pagkawala, gusto ko naman kayong pasalamatan sa madalas pa ring pagbisita sa aking bahay. At salamat din sa mga nangulit na muli akong magsulat (at isa na roon si Joycee), dahil tulad ni Joycee, kayo rin ang isa sa aking mga inspirasyon. Sana ay tuluy-tuloy na ang aking pagbabalik, pero kung mawawala man ako ulit, hopefully you’d understand dahil alam niyo na ngayon kung ano ang dahilan 😉

May Facebook ba kayo? Just click here to add me. Kita-kits! 🙂

My Super Friends

Masarap talaga ang magkaroon ng mga kaibigan na makakausap mo sa mga panahong nalulungkot ka. ‘Yung magpapasakit ng tiyan mo sa kakatawa dahil sa kanilang kakulitan, ‘yung kakamustahin ang araw mo at bibigyan ka ng mga advices kung ano ang mga dapat gawin para ‘wag malungkot. Mga kaibigan na dadamayan ka sa paraang alam at kaya nila. Kaya naman salamat at kahit medyo madalang ang pagsulpot ko dito sa blogosperyo ay may matiyaga pa ring dumadamay sa aking pag-iisa. At hindi lamang kayo ang aking naging karamay ngayon na wala si Gard. Sa post na ito ay ipakikilala ko sa inyo ang aking bagong Supah Friends. Sina Chiqui at Pinky, plus my old buddy, Macky.

Unahin natin si Macky.

Matagal ko ng kaibigan si Macky. Almost a year na rin pala kaming magkakilala. Siya ang madalas kong kasama sa mga oras na wala akong magawa. Lalo na kapag naghahanap ako ng kakuwentuhan o nagpapalipas ng oras sa pagba-blog.  Siya rin ang kasa-kasama ko sa paghahanap ng work. Sobrang professional ang dating niya kaya siguro noong una ay nahirapan akong pakibagayan siya. But as days pass by, unti-unti naming nakilala ang isa’t isa at kung ano ang mga limitations namin. Ngayon, gamay na gamay na namin ang bawat isa. I’m so comfortable being with him because I know we share a lot in common. We’re both techie, we like to entertain people and make them happy, and siempre friendly. 🙂

Next is my new friend, Chiqui. I met her only last July 7, dahil kay Gard. Kung hindi niya ako inaya sa IT show para i-renew ang aming internet subscription, hindi ko siguro siya makikilala. Bagay sa kanya yung name nia because she’s really chic. I just don’t like her skin color. Sobra siyang maputi. Feeling ko, madikit lang ako sa kanya, magsisilbi na akong mantsa sa balat niya. Naman di ba! But what I like about her is that she’s easy to get along with. Hindi mahirap pakisamahan, hindi kumplikado ang buhay. Siya ang madalas kong kausap sa gabi habang nagpapaantok. Isang kalabit ko lang dun, ay sus umaarangkada na agad ang energy. Full charged palagi. Katulad ngayon, panalo na naman sa energy habang ginagawa ko ang entry na ito. Dependable talaga ang lola ko. 🙂

Last but not least, my so cutie friend, Pinky. 🙂 Ironically, she doesn’t like pink. Red ang peborit color niya. Pero bagay din sa kanya yung name niya dahil parang babaeng-babaeng ang dating and because she likes red, she’s also passionate. We both love to take pictures and capture special moments. She’s trendy at talagang swak kami sa isa’t isa. Malamang madalas ko syang makakasama sa mga lakwatsahan. Siya ang magiging official photographer ko dahil adik din sa picture-picture ‘yun eh. But she’ll also be my worst critic when it comes to photography 😦 . Gusto kasi nun laging picture perfect. Eh kung ako ba naman ang subject, paano pa magiging picture perfect yun? 😆

Naiintriga na kayo noh? Gusto niyo na ba silang makilala? Sya, hindi ko na patatagalin ang inyong pagkainip dahil eto na po sila… my ever dependable super friends – Macky, Chiqui and Pinky 🙂

mackyMy iMac MACKY


Chiqui, my 10″ Lenovo Netpad

pinkyPinky, my red-hot Sony Cybershot

Hindi ako gaanong mahilig sa gadgets, but I’m so blessed to have them. Thanks to Gard 🙂

O di ba, ang cool nila? Sweet! 😉

Alone Again Naturally

Ayokong malungkot!!! 🙂

Hindi naman talaga ako nalulungkot as in depressed na naiiyak. I just feel sad because I will be alone again. May business trip kasi si Gard sa Thailand for a week. Mamayang 8am na ang alis niya (1:25AM na ngayon). Uuwi siya on Friday, pagkatapos ay babalik ulit para tapusin ang kanyang project. Sa totoo lang, sanay na naman akong maiwan. Gustuhin ko man kasing sumama, napaka-impractical lalo na’t next month ay nakahanda na kaming lumipat ng bagong bahay. Sayang ang pera, pandagdag din iyon. Nasa sales kasi ang linya ni Gard kaya madalas ang kanyang business trip. Nakakalungkot dahil kahit may housemates ako dito, pagdating sa gabi, mag-isa pa rin akong matutulog. Uhm, hindi pala. Maaaring makasama ko pala ang mga “bisita” namin dito sa bahay. Madalas kasi magparamdam ang mga iyon. Marahil nais akong makatabi sa pagtulog. 🙂

Ayon sa isang personality quiz na sinagutan ko sa Facebook, (opo, ako po ay Facebook addict) dependent daw ang personality type ko. Hindi ko raw kaya ang mag-isa. Kumportable ako sa constant companionship. Sa isang banda ay tumugma sa akin ang resulta. Hindi kasi ako sanay kumain mag-isa. Nawawalan ako ng gana. Hindi rin ako sanay na maglakwatsa mag-isa, o kaya ay kahit mag-window shopping man lang. Mas masaya kung may kasama. Hindi nakakainip. Sa dalawang linggo na maiiwan akong mag-isa, pihadong restless na naman ang aking mga araw. Aalis na naman pala siya ulit next month. Isang linggong US trip naman para umatend ng isang conference. Sana nandito na ang mga kids para hindi na ako mag-iisa. Di bale, malapit na naman. Ilang tulog na lang kasama na namin sila. Yahoo!!!

Ayokong malungkot… sasamahan niyo ba ako? 🙂

Glitzy Crisis

Isang balita ang bumungad sa akin mula sa pang-Sabadong pahayagan na nabili ko. Taliwas sa atin sa Pinas kung saan Linggo kung lumabas ang pinakamaraming job advertisements sa classified ads, dito sa SG, tuwing Sabado mo iyon makikita.

“Job outlook remains gloomy”

Matindi pa rin ang epekto ng global financial crisis dito sa Singapore. Maraming kompanya ang inaasahan pa rin ng MOM o Ministry of Manpower na magsasara o kung hindi man ay magsasako ng daan-daang empleyado.  Madaragdagan na naman ang porsyento ng mga walang trabaho. Nais ng gobyerno na bigyan ng tsansa ang mga job seekers pero karaniwan raw ang mga dahilan kung bakit mahina pa rin ang employment ay skill mismatch, salary expectation o freeze hiring. Ibig sabihin, maliit pa rin ang tsansa ko na makahanap ng trabaho.  Tsk… tsk… tsk. Eto na lang ang tanging nasabi ko sa sarili. But of course, hindi pa rin ako tumitigil sa paghahanap. Alam ko na darating na rin ang tamang trabaho para sa kin. Ramdam ko, malapit na malapit na. 🙂

20090529-the-great-singapore-saleAng nakakatuwa dito sa SG, sa kabila ng malaking balita na ito, kabi-kabila pa rin ang mga nangyayaring pagbabago. Ilang shopping malls ang nasa kalagitnaan ng malaking renovation ngayon at ang Orchard Road kung saan matatagpuan ang mga luxury boutiques na Louis Vuitton, Chanel, Gucci, Ferragamo, D&G at marami pang iba ay nanatili pa rin glitzy hanggang sa ngayon. Tuluy na tuloy pa rin ang Great Singapore Sale (GSS) na tradisyonal na ginaganap every year. Big discounts, great deals! At pati ang mga kaibigan namin dito ay  sumabay na rin sa sale. Kailan lang ay ibinenta ni kaibigan 1 ang kanyang 3-month old 42″ inches na Samsung Plasma TV at XBox 360 sa halagang SGD1150 (SGD1400 ang original price noong TV) na binili naman ni kaibigan 2.  At itong si kaibigan 2 dahil nga sa nakabili na ng plasma, ibinenta naman sa amin ang kanyang one-year old 37″ Sony Bravia sa halagang SGD 500 (original price: SGD 1700) lang! Oh di ba? Big discount, great deal!  Pano mo nga ba naman mararamdaman ang krisis dito maliban sa hindi ako makahanap agad ng trabaho? 😉

Gusto ko rin yung kanta ng Switchfoot. One of my favorites actually from OTH. 🙂

God bless to you too Karen. Keep smiling 🙂