Angst

Untitled

Nakakalungkot isipin na minsan kung sino pa yung kapwa mo Pinoy, kung sino pa ang tunay na kalahi; sila pa yung unang maninira at sisira sa iyo.

Pasensya na po kung nawawala na naman ako sa sirkulasyon. Nakakuha po ako ng isang part-time job na siyang pinagkakaabalahan ko ngayon. At ngayon ay siyang sanhi rin ng sama ng loob para sa isang kapwa natin Pilipino.

Pagbigyan niyo na ako kung dito ko nailabas ang aking saloobin. Alam ko naman na marami pa rin ang handang makinig sa aking mga hinaing. Hindi ko na ii-elaborate ang mga pangyayari dahil masakit pa rin sa akin na matapos kong ituring na kaibigan at gawan ng kabutihan, siya pa pala ang agilang dadagit sa akin. Pero ngayon ko lang napatunayan na totoo pala ang ganitong mga kuwento. Akala ko ay kathang-isip lamang ng ilan sa mga kaibigang OFW.

Nakakasama ng loob. Sana ay hindi danasin ng iba pang OFW mula sa kapwa Filipino.


To blog or not to blog?

Bata pa lang ako ay mahilig na kong magsulat —poem, short story, feature story. Kaya nung mag-kolehiyo ako ay naisipan ko agad kumuha ng kursong Journalism na kalauna’y nauwi sa Broadcasting. Hindi ko man natupad ang pangarap na iyon, masarap pa rin sa pakiramdam na nagagamit ko ito sa ibang paraan tulad nang  sa pagkukuwento at pakikipag-usap sa mga taong hindi ko man nakikita at nakakasalamuha ng personal, ay nagbabasa pa rin sa aking sinusulat.

Blogging. Sabi ko nga ay ilang beses na akong gumawa ng blogs sa mga networking sites (Friendster at Multiply) na kung saan ay may mahigit sa 200 katao ang nasa aking listahan. Pero iilan lang sa kanila ang nagbasa at nagkaroon ng oras na magkomento. Kung minsan ay wala pa nga. Para lamang akong nakikipag-usap sa aking sarili. Kaya naman sinubukan kong lumabas mula sa mga dating lungga. At kayo nga ay aking nakilala.

Ano ba ang gusto mong tumbukin?text

I had a YM conversation with a friend the other day. Let’s call her B. Isang mahaba-habang pag-uusap na sa kalagitnaa’y halos kinayamutan ko na. Tinanong niya ko kung bakit pinag-aaksayahan ko ng panahon ang blogging gayong wala naman akong napapala rito. Ni hindi ako kumikita ng pera at sinasayang lamang nito ang aking oras. Sabi niya pa, I could use my “spare time to something profitable“. She even cited some of my interests (photography, layout design) wherein I can use to make money.

The following are extracted from our exact chat conversation:

B: hay buti ka pa, pablog-blog na lang… tyaga mo din noh

Enjoy: diversion… outlet. buro na ko dito. ska nakakaaliw din kasi marami na kong nakilalang pinoy bloggers all over the world

B: ba’t di mo try foreigners? 😉

E: ano naman ang gagawin ko sa kanila? tagalog ang blogs ko. (at may iba pa akong binanggit tungkol sa ibang social networking sites)

B: ah basta. di ko feel gumawa ng iba pang new accounts. katamad saka ala na ko time.

E: kanya-kanyang trip lang naman din yan

B: oo nga kaya nga buti ka pa may tiyaga sa ganyan. ako kasi nalagpasan ko na yang stage na yan.

E: nakakatulong din lalo na pag out of the country. marami na kong nakilalang bloggers na professional ska aged 30-up na. pero minsan natatamad na rin ako kasi nauubusan na ko ng topic e

Dito na siya nagsimulang ipasok ang suhestiyon tungkol sa pagnenegosyo. Ibinida pa niya ang isang kaibigan na dito na rin naninirahan kasama ang lokal na asawa na ngayon ang nagpapa-order ng pastries. Pero sabi ko nga hindi ko pa kayang magtayo ng negosyo dahil pinag-iipunan namin ang paninirahan namin dito.

b: bro, use your spare time to something profitable (we call each other “bro”). learn how to bake. interesado ka to take pix. the more na dapat may extra income ka.

e: pano ako mag-aaral mag-bake eh wala naman kaming oven? umuupa lang nga kami. i’m not that into photography. no matter how much i wanted to put up a business imposible talaga ngayon. walang resources. yung blogging, as i said diversion lang while i’m looking for work.

b: ano ba mahihita mo sa blog na yan? …true diversion pero meron namang “diversion” na kung saan you find yourself having income bro… yun lang naman ang sa akin. use your talent wisely. (tahimik lang ako) kahit kami taghirap din so since aware na tayo sa ganyang sitwasyon, think of something na mabawasan ang hirap instead na you spend time blogging.

e: bro, this is an outlet. hindi ko ito ginagawa everyday. i’m looking for a job. hindi ako nandito para mag-blog lang. it happens na alam mo na nagba-blog ako ngayon so tingin mo yun lang ang ginagawa ko (sa puntong ito ay medyo nayayamot na ako)

b: sa akin lang bro, you’re a very talented person. don’t think negatively sa sinabi ko. am not having or starting an argument sayo. up to you if you’ll accept my suggestion or not. sa akin lang true na nagiging outlet mo ang mag-blog pero after posting the blog… what’s next? you just expressed yourself sa friendly sites na di naman nababasa mga blogs na pinaghirapan at binigyan mo ng oras. gaya ng sabi ko… doesn’t mean not interested for not reading your blogs. time constraint din. so your emotions… your efforts… your time… for what?

e: bro hindi rin ako nakikipag-argumento sayo. sinasabi ko lang syo yung aking palagay. if you don’t read my blogs, ok lang naman pero sabi ko nga syo this is a different site and i’ve met people all over the world na. in my blogs, i receive more than 10 comments and it keeps coming. iilan nakakaalam nito but not anyone from (my previous company) or from my other friends. it helps lalo na ngayon na nahihirapan akong humanap ng work. siempre gusto ko mag-negosyo o magkapera. at tumatanggap po ako ng freelance work pero hindi gnun kalaki ang kita so bakit ko pa ikukuwento db? blogging is fulfilling. hindi mo pa lang nare-realize yun so as the rest of the people who scrutinize the blogging community. sabi ko nga syo diba, marami akong nakilalang professionals na bloggers din and they receive different citations. yun ang fulfillment dun. it’s not just a waste of time 🙂

Humaba pa ang usapan namin na nauwi sa pagdi-disclose ko ng plano kong pagbili ng sariling domain name. Sinabi ko na since blogging ang kasalukuyang interest ko ay magagamit ko ito para kumita ng pera. Ikinuwento ko kung paano. Kinailangan kong ipaalam sa kanya para matigil na siya sa kapipilit na wala akong mahihita sa pagba-blog.

B is one of my trusted friends. She’s a blunt talker and straight shooter. Kahit alam niya na maapektuhan ako sa sasabihin niya, she wouldn’t stop talking until she proved her point. But B is also opinionated and authoritative. Minsan kahit baluktot na ang pananaw niya o wala na sa lugar, dapat pa rin akong makinig.

Naiintidihan ko ang punto at kung ano ang nais niyang gawin ko. Kinumbinsi na rin niya ako minsan na bumalik sa Pinas at tanggapin ang offer ng dati kong kumpanya (B is a former colleague in that company) dahil nahihirapan akong magkatrabaho dito. Natutuwa ako dahil isa siyang persistent friend and she’s concerned about my future. But this time, alam kong wala na siyang karapatang panghimasukan ang mga interest ko sa buhay. Gaya ng hindi ko panghihimasok sa mga ginagawa niyang “kalokohan”. Ngunit hindi ko ito nagawang sabihin sa kanya dahil naging sensitibo pa rin ako sa kanyang maaring maramdaman. At hindi ko na rin nagawang ipaliwanag ang mga bagay na natutunan ko sa blogospiya dahil anuman ang sabihin ko, wala rin naman itong saysay para sa kanya.

To blog or not to blog? This is the question. And my answer is loud and clear.


A Silent Rant

Kamusta na?

Ang inyo pong lingkod ay muling nagbabalik sa kanyang bahay mula sa isang maikling pamamahinga. Salamat po sa lahat ng dumalaw, nakibasa, nag-iwan ng notes, nagparamdam at nagdumi nag-iwan ng pagmamahal sa aking pahina habang ako ay wala. 

Teka, naramdaman niyo ba ang aking pagkawala? I’m sure hindi, dahil nawala man ako, ay nanatili pa rin akong nakasubaybay ng palihim sa inyong mga bahay at sumasabat sa inyong mga kuwentuhan.

Maraming bagay ang nangyari sa akin these past days. Muling nagulo ang aking pag-iisip at muling sinubukan ang tibay ng aming dibdib. Friendship was again tested. At sa pagkakataong ito, mas pinili namin ni Gard na manahimik na lamang. “Sino si Gard?” Ah oo nga pala, hindi ko pa pala siya pormal na naipapakilala sa inyo. Si Gard ang aking asawa/esposo, kaibigan, kaasaran, kakulitan, ka-sex kalambingan at morale booster. Sinubok ng maraming pagkakataon ang aming samahan pero nanatili siyang linta mapagmahal at nakasuporta sa akin. Pinili kong huwag muna siyang banggitin sa aking mga blogs dahil na rin sa mga pangyayari sa aming relasyon. Kung ano man iyon, ay saka ko na ikukuwento, kung magkakaroon man ako ng pagkakataon.

Hindi ko alam kung kami ba ay sadyang sensitibo lamang kaya agad na naapektuhan ng mga pangyayari dito sa aming tinitirhan. Masakit kasing isipin na sa kabila ng ipinakita naming pakikisama ay walang pasintabi pa rin kaming naapakan at na-bypass. Sa aking pagkaka-unawa ay may karapatan rin kaming malaman ang kanilang mga desisyon na may kinalaman sa mga posibleng gastusin sa bahay. Naging issue na ito sa amin noong una at agad din namang nalinaw. Hindi ko akalain na muling mauulit pa. Lima kaming katao ang nakatira sa iisang flat. Tatlong couples sa tatlong kuwarto. Lahat ay pawang itinuring naming kaibigan. Pinakisamahan ng totoo, naging mabuting kasambahay sa abot ng makakaya. Pero sa isang samahan, sadya yatang may lalabas na talunan. Dahil ba sa nagsasawalang-kibo kami? Dahil ba sa mas pinipili naming maging praktikal sa buhay at umiwas sa luho? Nasaktan ako, pero higit na nasaktan si Gard dahil halos tatlong taon na rin siyang nakatira dito at nakisama ng totoo. At sa bawat hakbang na kanyang ginagawa, kinokonsidera niya ang kapakanan ng mga kasama; pinipilit na huwag makatapak ng iba.

Naniniwala ako sa kasabihang “Don’t do unto others what you do not want others do unto you“, pero sa pagkakataong ito ay parang bigla yatang sumablay ang kasabihan sa amin dahil as far as I can remember, hindi naman namin sila ginawan ng kung ano mang masama. We felt betrayed by people we trust, and if we stay longer with these people, mas lalalim lang ‘yung sakit dahil dama nila na kami ay apektado pero walang nagtakang kumausap sa amin para linawin ang lahat. I still care about these people so we decided to leave them soon, para maiwasan na rin na lumala pa ang sitwasyon. I just hope and pray that before we separate ways, malinawan din ang lahat.

Ito ang dahilan nang pansamantala ko ring pananamlay sa pagba-blog. Apektado lang talaga ako. Pasensiya na kung sa inyo pa ako nagbuhos ng aking sama ng loob.


Repost: CROSSROAD

Minsan dumarating sa buhay mo ‘yung mga pagkakataon na naguguluhan ka at nagda-dalawang isip kung tama ba o mali yung ginawa mong desisyon. Gusto mong bawiin pero huli na, nagbitiw ka na ng salita; nagdesisyon ka na. Maiiwan ka sa sitwasyon na alam mong ikaw ang maiipit at dehado. Pero wala kang choice kasi dalawa lang naman ang kalalabasan ng susunod mong aksyon; (1) babawi ka para maituwid mo ang lahat, pero may siguradong masasaktan at matatapakan o (2) papanindigan mo ang desisyon mo at mag-suffer sa magiging consequence nito. Alin man sa dalawa ang piliin mo, alam mong hindi ka magiging masaya.

Minsan naiisip ko, masarap siguro ‘yung may power kang i-predict ang future. Alam mo na agad kung tama o mali ‘yung mga gagawin mong hakbang at mabibigyan ka ng warning para baguhin mo ang nasa isip mo ngayon. Masarap sigurong maging tulad ni Isaac Mendez ng Heroes na may kakayahang ipinta ang future. Ang mga pinta niya ang naging daan upang mailigtas ang buhay ng cheerleader na nakatakda sanang mamatay. O di kaya ang power ni Hiro Nakamura na kayang mag-travel through time. Pupunta ka sa future para malaman ang outcome ng aksyon mo, at babalik ka sa past para baguhin ito. Sana may totoong mga Heroes na tutulong s’yo sa paggawa mo ng desisyon. Sana may powers tayo na katulad nang sa kanila para maituwid ang tama at mabawasan ang mali. Pero mas pinili ng Dios na maging simple lang ang power ng mga tao. Ito ay ang power na gamitin ang utak sa pamamagitan ng lohikal na pag-iisip at pag-aanalisa ng sitwasyon. Para kung magkamali man tayo, matutunan nating bumangon, mag-move on at bumaling sa Kanya. Dahil wala pang nagsisi sa unahan. Lahat ay nasa hulihan.

crossroad

Hindi madali ang maiwan sa gitna ng daan at pumili kung sa kaliwa o sa kanan ka ba daraan. Mahirap ang mapunta sa crossroad. Walang kasiguruhan. Ang minsang akala nating tama, lumalabas na mali rin pala. Ang akala mong safe, delikado pala. Kung ma-encounter mo man ito, sana makapag-isip ka nang tama bago ka magbitiw ng salita at gumawa ng hakbang. Iyon bang nasa maayos kang disposisyon – hindi lito, gutom, lasing, o bangag – para sigurado ka sa mga sasabihin mo at wala kang pagsisisihan.

Dahil mahirap ang magsisi sa huli.

More than any other time in history, mankind faces a crossroads. One path leads to despair and utter hopelessness. The other, to total extinction. Let us pray we have the wisdom to choose correctly.


Repost: Kontrabida

Pagdamutan niyo muna ito habang ako ay namamahinga pa rin. A repost from my old account 🙂

-0o0o0o0-

It really doesn’t matter whether it’s the villain or the hero. Sometimes the villain is the most colorful. But I prefer a part where you don’t know what he is until the end.
~ Glenn Ford

Hindi talaga kumpleto ang buhay kapag walang kontrabida. Eto raw ang nagpapasarap sa bawat yugto at eksena ng buhay mo. Kumbaga, kung may tamis dapat ay may asim din. Ano nga naman ang saysay ng isang pelikula kung puro bida lang? E di para lang siyang naglaro ng baril-barilan mag-isa? Ang okray di ba?

Nagpakulay ako ng buhok kahapon sa isang salon na malapit sa amin. Habang prenteng naghihintay na magkulay pula ang medyo brown kong buhok, isang maanghang na panlalait ang pumailanlang sa apat na sulok ng parlor. OMG! Nilalait ng isang kustomer at ng isa sa may-ari ng salon ang isa mga bading na beautician. Evils!

May-ari: Eh kasi naman bumili ng damit hindi naman bagay sa kanya.

Customer: Oo nga. Ang pangit niyang bading noh! Lalaking-lalaki yung itsura niya.

May-ari: Assistant nga siya ng partner ko (tomboy ang may-ari) bukas para mag-ayos sa kasal. Ayaw sa kanya nung bride. Di raw siya kagandahan.

Customer: Ay talaga naman noh! Mukha siyang kabayo! Naku ang sagwa talaga ng mukha niya.

Hay, nakakaawang bading. Buti na lang at umalis sandali ‘yung pobre kaya naman nagkaroon ng pagkakataon ang mga kontrabida na manlait at mang-api. Mahihiyang lumapit ang sinumang may masagwang mukha sa dalawang ito, lalo na sa aleng kustomer na simbaho ng imburnal ang amoy ng bunganga. Mukhang nakalimutan yatang mag-sepilyo ng isang buwan kaya naman mamamatay sa baho ang mabugahan ng kanyang hininga. Sana man lang nag-mouthwash kahit paano si manang o di kaya ay sinubukan niya munang tumingin sa salamin bago sinilaban sa apoy ang kapwa nya. Nakakaloka!!!

Continue reading…


a sketch of true self

img_67561

I prefer drawing than talking. Drawing is faster, and leaves less room for lies.

Author – Le Corbusier

Ang plano ko sana ay lumiban muna sa pagsulat ngayong araw na ito. Mabigat pa rin kasi ang aking nararamdaman patungkol sa maraming bagay. Naglibot-libot ako sa blogosperyo sa pag-asang makakahanap ako ng pansamantalang karamay sa nararamdam ko. Umaasa rin ako na baka makatisod ako ng isang masayang blog na magbabalik ng aking saya kahit sandali lang pero nabigo ako. Hindi ko alam kung bilog ba ang buwan at damay-damay ang pagiging emosyonal ng mga blogero ngayon. Hindi ako makapag-komento dahil alam kong wala rin naman akong matinong masasabi. Mas lalong mahirap ang magpaka-ipokrita that everything is fine and I’m capable of giving good advices or sharing inspiring words. Until I stumbled upon Dylan’s.

Magaling akong magtago ng totoong nararamdaman ko na sa tingin ko ay hindi magandang gawain ng matinong tao. I can easily fake my smile, my laughter. But deep inside I’m bleeding. Kung minsan matigas pa rin talaga ang ulo ko, pero napapansin kong parang mas matigas pa ang puso ko. Kung minsan, parang feeling ko nawawala pa. – excerpt from Dylan’s blog, “Untitled”

Malakas ang tama sa akin nung sinabi niya. Kasi akung-ako ‘yun. Simula ng mag-teenager ako, natutunan ko nang itago sa tao ang tunay na nararamdaman ko. Magaling akong artisa. Kaya kong paikutin ang nasa paligid ko ayon sa gusto kong mangyari. Madalang akong maglahad ng problema at kung mangyari man ‘yun ay mabibilang ko lang sa daliri, at mabibilang ko lang rin ang mga taong sinasabihan ko. I don’t often get a pat on the back, ’cause most of the time, ako ang nagbibigay nun sa kanila. Aaminin ko na, I find it hard to heed other people’s advice pero di naman laging ganun. Opinionated kasi akong tao. May sariling paniniwala. Sabi nga nila, matigas ang ulo ko na kahit yata adobe ang ipukpok ay mauuna pang madurog ang adobe sa tigas ng bungo ko. Magaling pa rin akong artista hanggang ngayon. Yet this time, it’s more dramatic.

sa totoo lang, nakaka-overwhelm yung comments ninyong lahat. suddenly na-realise ko na naging harsh ako sa sitwasyon. bugso ng damdamin at sa paghahangad na mailabas ko ang nararamdaman ko sa paraang alam ko. sa paraang malaya at walang takot na baka matapos ang paghahayag ay kalimutan at iwanan ako ng kapwa ko blogger o kung sino man ang makakabasa nito.

Ito ang reply ko kay Mike Avenue sa kanyang naging komento. This is the only way I know to unload my burdens, through blogging. Dahil dito lang ako malayang makakapaghayag ng saloobin ko ng walang halong pagkukunwari. Sa ganitong paraan lang ako hindi artista.

Ilang ulit kong pinakinggan ang profile music ni Dylan habang malayang bumabagsak ang luha sa mga mata ko. I let myself drown in tears. I cried like I’ve never cried before.

Give me your hand to hold
‘Cause I can’t stand to love alone
And love alone is not enough to hold us up
We’ve got to touch your robe
So swing your robe down low
Swing your robe down low

Pagkalipas ng sampung taon, nagawa ko ulit gumuhit. Wala pang ilang minuto ay natapos ko agad ang isang sketch na naglalarawan ng nararamdaman ko ngayon.

chic4


Hindi Ako Astig

weak_by_vicdaen

Ang hirap talagang magpakasaya sa mga panahong dinadaluyong ng bagyo ang buhay mo. Pinipilit kong tumawa at ipagwalang-bahala ang ilang mga problema sa buhay ko ngayon pero para yatang nanadya ang tadhana at pilit sinusubukan ang tigas ng mukha ko. Minsan iniisip ko tuloy, ano bang meron ako at trip na trip akong paglaruan ng panahon? Tingin ba niya ay isa akong Super Woman na kayang pantayan maging ang lakas ni Super G? Mahina rin ako. Walang matibay na lakas. Isinusuko rin ako ng sarili kong katinuan.

Continue reading this entry…


Lito…

1_sad_winter_by_roadioartsBakit kaya ganun? May mga bagay kang gustung-gusto mong gawin pero hindi mo maituloy? Palaging andaming factor na pumipigil. Kahit na sa sarili mo ang tingin mo ay iyon ang tama at nararapat gawin, pagdating sa iba, maling-mali pa rin. Sige na nga, mali na kung mali. Pero pano mo mapapatunayang ikaw ang tama kung hindi ka naman bibigyan ng pagkakataon na patunayan ito?

Ang dami nang nasasayang na oras sa pagpapaliban ng mga plano. Ang dami na ring nasasayang na oportunidad. Kelan pa ang tamang panahon? Baka sa wala na lang mapunta ang lahat…

chic4


B.r.o.k.e.n

Broken by Lindsay Haun

broken_by_vainprincessriot

Hindi ko sana feel na magpaka-emo ngayon dahil ipinangako ko sa sarili ko na iiwasan kong maging malungkot sa site na ito hanggat maaari. Iiwasan pero sadyang hindi maiwasan. And a promise is made to be broken…

Ang dami kasing tanong na “bakit” sa buhay ko ngayon. Minsan kahit alam ko na ang sagot, ang hirap pa rin ibulalas ng bibig. Alam ko kasing mas lalong masasaktan ang mga taong nasasaktan ko na ngayon. Melancholic ang mood ko ngayon… meaning, even if I watch a good or a funny movie, I might not laugh about how the story goes but on how stupid my life is. Before, when something like this occurs to me, tsokolate lang ang katapat because it’s a good antidepressant. Pero sandamukal na tsokolate na nakain ko, I still feel that my life sucks (for now), broken and chained in an undying heartache.

I wish someday, somehow, I’ll find the strength to set my self free.