Ako atbp.

enjoy


Updated: Nov. 25, 2011

Itago niyo na lang ako sa pangalang “Enjoy”. Hindi dahil sa trip ko ito o nagtatago sa isang pseudonym pero ENJOY ang napag-tripan ng tito ko (take note, hindi magulang) na nickname para sa akin. Madalas daw kasi nila akong makitang nakatawa noong baby pa ako. Palaging masaya at madalang umiyak, kaya naisip nila na nag-eenjoy ako bilang isang baby. Sa isip ko, tama lang naman yun di ba? Ang KJ naman kung baby pa lang eh madalas ng sumimangot.😆


*****

Panganay ako sa limang magkakapatid (ako/kolaps/pango/payat/negra). Sumbungan, shock absorber, arbiter, peace-maker. Higante sa height ang mga kapatid ko pero masasabi kong iginagalang nila ako, at mas takot sila sa akin. Isang batok ko lang, sumusunod na sila.😉

Isang anak na nagsikap na maging mabuti at masunurin pero nanaig pa rin ang katigasan ng ulo at pagiging sutil sa magulang. Gayunpaman, isa pa rin akong mapagmahal na anak at kamag-anak.

*****

k_screenshot

Isa akong tunay na miembro ng Rated-K:

kapatid

kamag-anak

kaibigan

kakampi

kakulitan

karelasyon

kasama sa bahay

kaututang-dila

kabungguang-siko

ka-chismisan

kabalitaan

kaharutan

kaaway

katext

kabit

*****

woman-listening-to-music11

Mahilig akong makinig ng music. Ito ang kasa-kasama ko sa pag-iisa. ‘Yung tamang “I want to be alone” at “I need space” moments. Tapos ang trip mo lang eh magbabad sa kama (o sa sofa) habang nagmumuni-muni ng mga nangyayari sa buhay mo. O di naman kaya habang nagbabasa ng “good book” (mahilig ako magbasa. Meron akong mga libro sa istante; lahat hindi tapos.)

*****

bloggersign

Mahilig akong magsulat mag-blog. Hindi ito ang first time kong gumawa ng isang blog site. Nagsimula ako sa Friendster out of curiosity sa isang kaibigan na blogger din doon. Pagkatapos ng 5 blogs, hindi na siya muling sumulat. Ewan ko kung bakit. Siguro tinamad na. KaiIan lang ay binura ko ang aking Friendster blogs para magpokus sa isa ko pang blog account, ang Multiply. Doon ako tumatambay kapag naiinip, nai-inspire, nasasaktan, naguguluhan at natutuwa. Doon ko ipinaskel ang ilang bunga ng pagkahilig ko sa photography (Update: Itinigil ko na hilig na ‘to gamit ang mamahaling SLR. Naisip ko na isa lamang itong luho. Pero mahilig pa rin ako sa photography, pero iPhone na lang ang gamit ko, at pinopost ko sa Instagram. Meron ka ba nun? Add mo ko. :lol:). Doon ako nagsusunog ng kilay sa gabi at nagpalipas ng mahahabang oras (may blogspot account din ako dati pero iniwan ko matapos madismaya). Kuntento na sana ako sa Multiply hanggang dumating ang (drumroll…..) WordPress. Masaya dito. Nakakaaliw. Marami ring adik sa blogging. Ayokong tawaging blogger para sabihin na ‘yun lang ang kaya kong gawin. Pero ang pagba-blog, sing-sarap ng mainit na sabaw na andun sa picture sa taas.

*****

coffee-cup

Mahilig ako sa kape. Kaya nga isinama ko ‘yun sa blog site title ko (dati). Pero hindi ako isang addict na mamatay ng walang kape. I can still live without it. Isa akong biktima ng ulcer, migrane at palpitations. Naranasan ko nang ma-disorient ‘pag di nakakainom ng kape at manatiling gising hanggang alas-sais ng umaga. Hanggang dun na lang ‘yun. I still drink coffee in moderation. Sabi nga, caffeine is healthy if consumed in moderate amounts. Susundin ko na lang ang advice na ‘yun kesa totally i-eliminate ang kape sa aking sistema. Hindi ko pa kaya. Hindi pa panahon. The best thing about coffee is, it keeps me company even when I’m blogging… and blabbing.🙂

*****

Bukod sa kape, paborito ko din ang dark chocolate. Kahit anong brand basta dark or bitter chocholate, solb na ko. Isa sa mga paborito ko ang brand na Meiji.🙂

Java Chip ng Starbucks, Double Chocolate Frappé ng Mc Café, Chocolate Macadamia Nut ng Gloria Jeans.

Pasta, Caesar Salad, pizza, garlic bread, oatmeal, non-fat milk, gulay. (Updated: favorite ko rin ang basil leaves. May tanim ako nito. I can eat the leaves right off of the stem!🙂)

Mahilig akong (mag-experiment) magluto. Mahilig din kasi akong kumain. Pero weight concious ako (never pa akong umabot ng 100lbs.).

Wala akong bisyo, maliban sa pagbili ng damit, sapatos at bag.

Marami akong damit, sapatos at bag. Hindi lahat branded.

Nabanggit ko na bang mahilig ako sa damit, sapatos at bag?

girlshopping

*****

Mahilig akong mag-drawing. Fine Arts sana ang gusto kong kunin noon sa kolehiyo. Ayaw ng nanay ko. Wala daw pera dun.

Mahilig akong kumanta. Dati akong member ng choir. Ngayon sa Magic Sing na lang ako kumakanta.

Naging hilig ko ang gitara, basketball, at volleyball.

Nahilig din ako sa skateboard at bisikleta.

Pati na sa pag-akyat sa 2nd floor ng skul namin at puno ng aratiles. Dati yun, ngayon hindi na.

Babae po ako.

*****

Hindi ako mahilig manood ng TV at pelikula. Mas gusto ko pa magbabad sa internet kesa magbabad sa harap ng wide screen. Pero marami na rin akong napanood. Nagustuhan ko naman sila. Series pa nga ang iba.

Hindi ako mahilig maglakwatsa… ng walang kasama. Nakakatamad. Boring.

Ayoko ng epal at plastic; arogante at basagulero.

Ayoko ng ginisang munggo, mansanas, lansones at peras. Pag pinilit mo kong kumain ng mga yun, magkaka…kurutan tayo.😆

Ayoko ng high o stiletto heels, pero gusto kong subukan. Ala lang. Para maiba lang. (Update: marunong na kong magsuot ng wedges. Yey!)

Ayoko ng malungkot. Kaya nga ENJOY ang nickname ko.😆

*****

Fan ako ni Bob Ong at Pol Medina.

Julia Roberts, Anne Hattaway, Orlando Bloom at Will Smith.

TV series marathon: Heroes, CSI Las Vegas, Desperate Housewives at ang bago kong kinaaadikan, One Tree Hill. Lahat downloaded galing sa internet (pirata ako, bakit ba?)

Sa music: acoustic, soft pop, ballad. Pwede na din ang dance.

Favorite ang puti, itim at fink, este pink.

*****

May pet na lhasa apso na ang pangalan ay Kiki (nakuha ko yan n’ung minsan manood ako ng show sa Singapore. Kiki d’ monkey yung pangalan ng character. Hmm, ‘wag lagyan ng malisya.) at ang namatay na shitzu, si Yuki.

Naging mga aso ko din ang mga askal na sina Cooper, Sakura, Chu-chu at dalawa pang mukhang alien na chihuahua. (Sumalangit nawa ang inyong mga kaluluwa kasama ng iba pang mga aso. Amen.)

*****

Makulit ako, madaldal makuwento, pala-kaibigan, pala-ngiti, pala-“munin”.🙄

Adik sa lip balm at wet tissue.

Kolektor ng ballpen, mugs, butones, jars.

Frustrated writer.

Acrophobic (fear of heights) at katsaridaphobic (fear of cockroaches).

Mahilig mag-organize.

OC.

*****

Mahilig ako sa bag, sapatos, at damit…..

Nasabi ko na ba ‘yun? Sorry

*****

Pansin niyo ba…

• na madaldal makuwento ako?

• na feeling blogger na ako talaga?

• na hilig ko ang damit, bag at sapatos?

• na makulit ako?

Ako po si Enjoy, ang author ng site na ito. Samahan ninyo ako sa isang masarap na kapehan at matamis na dessert.

Teker!🙂

27 responses

  1. Ruth

    Enjoy reading your blogs talaga… It follows with the name ” Enjoy ”🙂

    November 23, 2011 at 8:46 AM

    • Enjoy

      Salamat ulit Ruth!🙂

      November 25, 2011 at 10:25 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s