Food Trip

The Untold Story II

Pasensya na po kung medyo natagalan ang part two ng aking “untold story”. Nakakapanibago ang muling pagsusulat. Parang akong si Sleeping Beauty na matagal na nakatulog at sa muling paggising ay nawindang sa kanyang environment. Parang ang daming kakaiba, o ako lang ang kakaiba? πŸ˜‰ But as I promised ay ikukuwento ko pa rin sa inyo ang dahilan ng aking hiatus at nang matapos na rin ang speculations tungkol sa aking pagkawala. Mahirap na at baka umabot pa ito sa SNN… now na! πŸ˜€

ANG KASAGUTAN:

Kung maaalala ninyo ay naikuwento ko na pansamadalian akong mawawala upang seryosohin ang paghahanap ng trabaho. Hindi po ako nagsinungaling doon. Ang inyo pong kapitbahay na si Enjoy ay nagpursige talaga na makahanap ng trabaho at pinalad naman na magkaroon ng mangilan-ilang interview. Wala nga lamang naipasa πŸ˜€ Dumalo pa nga ako ng mga job fairs para pangatawanan ang ginawang pag-aapply. Ngunit hindi pa yata umaayon sa akin ang kapalaran. Maybe because there are plenty of things that I still need to attend to that might require more of my time so He wants me to focus on these matters first at ayun, wala pa rin akong trabaho until now (sourgraping, hehehe!). So ano nga ba ang mga pinaggagawa ko noong panahon na ako ay nawawala bukod sa paghahanap ng trabaho? Eto po ang ilan sa mga iyon:

I’ve been here in SG for almost 2 years now. Wala akong matatawag na direktang kaibigan dito. All my friends here are Gard’s friends whom by chance ay na-meet ko through gatherings. Kaya para ma-ease ang aking boredom ay isinama niya ako sa ilang paglabas nila… (yeah, I know, blogging sometimes helps pero iba pa rin yung may social life ka) πŸ™‚

Esplanade Hawker Centre, July 16, 2009

kenevie

Alley Bar, July 19, 2009

akoerichedfoodmojito

Alley Bar (ulet; nagiging favorite hang-out na ng tropa) July 26, 2009

withlorna

Cafe d’ Manila (na dinayo pa namin kahit super-duper layo from our place pero sulit dahil sa masasarap na Filipino dishes), July 31, 2009

tropaa3a1a2a4

Dahil kinailangan na rin sa trabaho, si Gard ay madalas na mag-out of the country – Indonesia, Thailand, Vietnam, at Pinas. Usually, one week lang ang assignment but since he is handling the implementation of their new product, kinailangan niyang magpunta sa Thailand for three (3) weeks, going back to SG on weekends. Kaya sa kanyang huling linggo sa Thailand, ako po ay biglang nag-fly na rin πŸ™‚

Bangkok, Thailand, August 4-7, 2009 (namamasyal na, pero si Gard on-call pa rin)

grand palace, thailandDSC00689DSC00609DSC00678DSC00709Temple of the Emerald BuddahDSC00689DSC00829

..at ang pagdalaw recently ng isa sa aking best buddies na si Kaye πŸ™‚

Night Safari, August 23, 2009
29merlion park3337

In between days ay naghanap din ako ng bagong flat na malilipatan namin ni Gard. As you all know, or maybe some of you know, we’re bringing the kids here to study and so we can be a family again. Viewing dito, viewing doon until we finally found the right place for us live in: a 2-BR, half-furnishedΒ corner flat. And we’re moving in on the 1st of September! Nakakatuwa di ba? Things seem to be going pretty much according to plan. Pagbalik ni Gard galing US (yup, he left last Fri for a conference kaya alone na naman ako), aayusin na namin ang aming paglipat. This September, buo na kami πŸ™‚

And to confirm all your speculations, YES, ako nga po ay totoong naadik rin sa Facebook. Eto lang kasi ang portal ko sa mga friends ko na nasa ibang bansa, na ayaw mag-Friendster dahil jologs daw. Nakakatuwa kapag nababasa mo ang mga shout-outs nila. Naa-update ako sa mga nangyayari sa kanila without really visiting their profiles unlike Friendster. Nakakaaliw rin ang iba’t ibang applications and quizzes na umagaw talaga sa aking precious time. I’m sure hindi lang naman ako ang naaadik sa Facebook, right bloggers? πŸ˜‰

Eto po ang ilan sa mga “kinaadikan” ko sa Facebook:

PET SOCIETY at aking pet na si Yukiki…

pet societypet soc visit6580_1196753883680_1373464001_546537_3234563_n

BUDDYPOKE at mga kaibigang bloggers…

6460_1218250701087_1373464001_616952_2901947_n6460_1218242700887_1373464001_616937_1461275_n6460_1218237820765_1373464001_616927_4506643_n

FARM TOWN…

n1373464001_517282_1108022farmtown6420_1219839380803_1373464001_622113_3846395_n

at ang aking latest craze, RESTAURANT CITY πŸ™‚

restaurant cityresto photo

Ngayong alam niyo na ang dahilan ng aking pagkawala, gusto ko naman kayong pasalamatan sa madalas pa ring pagbisita sa aking bahay. At salamat din sa mga nangulit na muli akong magsulat (at isa na roon si Joycee), dahil tulad ni Joycee, kayo rin ang isa sa aking mga inspirasyon. Sana ay tuluy-tuloy na ang aking pagbabalik, pero kung mawawala man ako ulit, hopefully you’d understand dahil alam niyo na ngayon kung ano ang dahilan πŸ˜‰

May Facebook ba kayo? Just click here to add me. Kita-kits! πŸ™‚


Isang araw ng Linggo…

Araw dapat ng pahinga ko ngayon. Sa araw na ito mas dapat ay sinusulit ko ang aking oras sa pagpapahinga at pagre-refresh ng aking buong sistema mula sa isang linggong pagtatrabaho. Pero naging imposible ito dahil sa isang importanteng bagay na kung palalampasin ko ay isang malaking “SAYANG”. Biernes nang makatanggap ako ng text mula sa isang kaibigan. May on-going job fair daw at maraming opportunities para sa permanent residents. Hanggang ngayon na lang ang itatagal ng fair [it started Thursday] na ginawa sa convention hall ng Suntec City mall na medyo may kalayuan din sa amin. Maaga akong gumising para maghanda na rin dahil kailangan pang magsimba at magpa-print ng sangkatutak na resume. Aba, dapat maging ready dahil malamang ay maraming employers dun. Oo nga pala, hindi ko naikuwento na hindi ko tinanggap yung permanent position na in-offer sa aking ng current employer ko. Medyo may kababaan kasi ang offer at base sa kalkulasyon ko ay lugi pa rin akong lalabas dahil sa layo ng office location namin. So there, after the mass ay dumiretso na kami sa mall na tambayan ng mga Pinoy, ang Lucky Plaza.

Ang daming Pinoy! Punuan ang mga internet shops sa mall.Β Day-off kasi ng karamihan at sinasamantala nila ang opportunity na makausap ang mga loved ones nila sa Pinas. Parang nasa Pinas ka na rin dahil kabi-kabila ang mga Filipino restos at grocery. Andyan ang Pampanga at Dagupan Supermart, Baclaran Bazaar, Pinoy Mart at marami pa. Pati mga salons na puro Pinoy gayfriends naman natin ang bida. Nakakatuwa at nakakaalis na rin ng homesick. Pinasok ko ang isang computer shop na punuan na rin, nagbaka-sakali at pinalad naman dahil printing lang ako. Isang kopya, OK na. Pa-photocopy ko na lang….

Enjoy:Β  Photocopy po, 9 sets…

Manang: Galing ka na ba sa Suntec? Hindi mo na kailangan ng hard copy ng resume mo.

Enjoy: Ngayon pa lang po ako pupunta. Bakit di na po kailangan?

Manang: Kasi online yung application. Bibigyan ka lang nila ng card tapos pwede mo na upload yung resume mo basta may soft copy kang dala.

Ganun?!? Ang high-tech nun ah! Nagdala pa naman ako malaking bag para sa envelope na lalagyan ng resume ko. Di bale, magagamit ko pa ito in the future. Kailangan na magmadali at baka hindi pa ako umabot. Saka na lang kami magla-lunch.

Past 3PM na rin ng dumating kami sa mall. Dumiretso agad kami sa convention hall at nagpa-register. JobsDB pala ang may pakana ng job fair. At tama nga si manang na online ang application basta may JobsDB account ka na. Isang card na may barcode ang binigay sa akin kung saan nakalagay ang membership ID ko at ang gagawin ko lang ay hanapin ang position na gusto kong aplyan, i-scan ang barcode sa card, at i-click ang apply. ‘Yun na! Instant job application in a click. 20 minutes lang ang ibibigay nila sayo para magtagal sa isang computer. Try ka na lang ulit pag nag-expire na ang oras mo. Systematic nga naman kaya hindi gaanong mahaba ang queue. Dapat ay mai-implement din ang ganito sa Pinas para di na kailangan ang maghabang proseso during job fairs. Iilan lang ang naaplayan ko dahil karamihan sa opening ay kung hindi ko man linya, malayo sa akin ang location, mababa ang sahod o di naman kaya ay call center. Sa ngayon kasi, medyo last option ko pa ang pumasok ulit sa call center dahil na rin siguro sa nanawa na ako dati sa Pinas. Pero kinokonsider ko pa rin ‘yun. Pagkatapos sa job fair, isang food and drinks exhibition naman ang nadaan namin. Tamang-tama at gutom na kami. Kinayag ko kasi si Emengard para may kasama ako dahil di ko kakayanin ang high-rise [nyahaha] escalators dun sa mall. Kailangan ko ng alalay pag biglang nanginig ang mga tuhod ko. πŸ˜€

Emengard: Anong gagawin natin dyan? Nagugutom na ko…

Enjoy: Nagugutom ka kamo di ba? O eh di dyan tayo kakain.

Emengard: Anong pagkain dyan?

Enjoy: Nakikita mo di ba, “Food and Drinks Exhibition”. Eh di malamang maraming food taste dyan…*ngisi*

At siempre pa ay isang masamang tingin ang pinakawalan niya pero wala na rin siyang nagawa. Sa exhibition hall, wala ng registration at siempre tama ako na maraming food taste! Yum… yum! Ok ang exhibit na ito dahil inexpensive na, eh nakakabusog pa. Nyahaha!

Ilan lang naman ang sinubok naming tikman talaga dahil talagang gutom na kami. At eto ang naging lunch namin…

pagkain

…at para sa pamatid-uhaw, isang malamig na sugarcane juice! πŸ™‚

dsc00021

Isa na namang productive Sunday! πŸ˜†

chic1


French toast for breakfast, anyone?

Ayon sa research, ang breakfast daw ang pinaka-importanteng meal sa lahat. Tumutulong daw ito upang maging masigla at alerto tayo sa buong maghapon. Iilan lang siguro ang nakakaalam sa atin ‘nun dahil kadalasa’y lumiliban pa rin tayo sa pagsu-supply ng pagkain sa ating sikmura sa umaga at enerhiya sa katawan para sa buong maghapon.

Eh pano kasi, wala ka namang daratnan na agahan paggising mo sa umaga.

Male-late na kasi ako eh. Kape lang solb na ‘ko.

Busog pa ‘ko.

Ok fine. Kung iyan ang mga palusot mo, sige lang. Concern lang naman ako sa health mo. Ganyan din kasi ako noon, pero kalauna’y napag-aralan ko na rin alalahanin ang aking sikmura. Sabi nga, kung nakasanayan mong may laman ang tiyan mo sa umaga ay hahanap-hanapin mo na rin ‘yun. At dahil breakfast ang naisip kong topic ng blog ko ngayon, gusto ko na rin i-share sa inyo ang isang simpleng recipe para sa isang simpleng agahan. Nakakasawa rin kasi kung paulit-ulit na tinapay na papalamanan mo ng itlog o peanut butter ang almusal mo. Wala ng variation. Pwede rin ang sinangag na bahaw pero ubos oras din ‘yun. Kaya ito na ang simpleng variation ng iyong agahang tinapay.

Simple French Toast Recipe

Ingredients

2 itlog

1/2 cups fresh milk

butter

4 hiwang pan amerikano (pwede na rin ang pandesal :))

Paraan ng paggawa

*Beat the eggs in a large bowl and add milk [pwede kang maglagay ng kaunting asukal base na rin sa iyong panlasa]. Sa katamtamang apoy lang, magtunaw ng butter sa isang kawali [kung sosyal ka naman, ok din ang teflon pan].

*edited due to unavoidable circumstances

Ilubog ang mga tinapay sa mixture; siguraduhin na well-coated ang magkabilang sides. Pagkatapos ay i-drain. Ilipat sa mainit na kawali at lutuin hanggang maging slightly brown. Baligtarin at lutuin ang kabilang parte. I-serve habang mainit pa kasama ang syrup. Maaari mo ring lagyan ng powdered sugar or cinnamon.

At eto na ang finish product! Dyaraaannnn!

O di ba? Ang simpleng gawin. Hindi mo na kailangan mag-exert ng so much effort. Abot kaya pa ng bulsa. Kung may budget ka naman, pwede kang gumamit ng low-fat milk at wholemeal bread katulad ng ginamit ko sa pictures sa itaas. Busog ka na, sigurado ka pang healthy ang breakfast mo.

Tara, kain na! πŸ™‚