The Return of the Marsian

Mahigit isang linggo na rin pala ang nakalipas mula ng sulatin ko ang aking huling entry. Nahuhuli na ko sa balita sa blogosphere at maraming birthday celebrators din ang aking nakalimutang batiin (Joycee, belated happy birthday ulet). Gusto kong humingi ng paumanhin kung naging madalang din ang pagbisita ko sa inyong mga bahay. I really appreciate all the bloggers who visit my house every now and then. Sa mga nag-iwan at nag-iiwan pa rin ng komento kahit na ako po ay out-of-reach na naman. Abala lang po talaga ako ngayon sa paghahanap ng mapapasukan at pati na rin sa minsanang raket. Huwag niyo po sana akong makalimutan, dahil ako naman po ay magbabalik para muli kayong bisitahin kapag naayos ko na ang lahat. Salamat din po sa mga bumoto na sa aking entry na “Bayani? o Bayani”. Sa kasalukuyan ay kasama po ako sa Top 12 nominees (13 lang po kaming may entries… hehehe!), gayunpaman, isa pa rin ako sa may pinakamababang boto. Sa totoo lang, hindi ako naging masipag sa pagpro-promote ng aking entry dahil naniniwala pa rin ako na makukuha ko ang tamang boto hindi dahil sa promosyon kundi dahil sa essence ng sinulat ko. Kaya po kung sa tingin ninyo ay karapat-dapat manalo ang entry ko para sa Pinoy/OFW Blog Awards, huwag niyo po sana ako kalimutang iboto. Paalala lang po mula sa PEBA na hindi counted ang repetitive voting. May kakayahan po silang i-track ang inyong IP address kaya kung naiboto mo na ako minsan, di na counted ang mga susunod mong boto sa akin. Sayang. Tsk…tsk…🙂

Nagbalik na rin lang ay sasamantalahin ko na ang oras na ito para batiin ng Happy Father’s Day ang lahat ng mga tatay dito sa blogosperyo pati na rin sa inyong mga tatay, at sa aking tatay. Pasensya na po kung nahuli man ang aking pagbati pero sabi nga, it’s better late than never di ba? Isang pagbubunyi po sa inyong matagumpay na pagharap sa responsibilidad ng isang ama at sa pagiging isang matatag na haligi ng tahanan. Let’s us always remember that any man can be a father, but it takes a real man to be a “dad”.

Nang dahil sa A(H1N1) ay naging madalang rin ang aking paglabas ng bahay. Sa liit ng Singapore, ang mahigit sa 50 biktima ay nakakatakot na. Baka nasa tabi-tabi lamang pala sila. Lalo na ng may isang German at isang Indonesian ang na-confirm na nagpalaboy-laboy muna bago nalaman na infected din sila ng virus. Dumalo pa raw ang German sa isang assembly at nag-shopping gayundin ang Indonesian. Now, the Ministry of Health of Singapore is busy tracking all the people who have had contact with the two foreigners. I was also saddened when I heard the news about the first A(H1n1) victim who died in our country. Mahirap ipaliwanag kung iyon ba ay sanhi ng kapabayaan ng biktima o dahil sa kinulang ang DOH sa information dissemination sa kung paano maiiwasan ang nakamamatay na virus. Ano pa man ang dahilan, nangyari na ang lahat. Mas ibayong pag-iingat na lang sana ang ating gawin.

Maging slow po muna ako sa pagba-blog for some reasons. I miss blog-hopping but there are more important things that I have to attend to right now. Bibisita po ako sa inyo, lalung-lalo na sa aking favorite rolls of cake. In the meantime ay pagtiyagaan niyo ulit muna ang mga nasa loob ng aking baul. At sa mga hindi pa nakakaboto sa PEBA, lalo na sa mga friendly OFW bloggers, sana po ay huwag niyo akong kalimutan. Makikita niyo po ang link sa aking entry pati na rin sa voting site doon po aking sidebar. Thank you in advance!

‘Till next time! God bless us all.

P.S.

Kung nagtataka po kayo kung bakit ganun ang title nitong aking entry, sa pakiramdam ko kasi ay isa akong taga-Mars na napadpad sa blogosphere. Isang alien na pasulpot-sulpot…

chic1


17 responses

  1. Hi Enjoy!
    Pareho tayo, ako rin nitong mga huling araw naging sobrang busy. Nahihiya nga ako sa mga bumibisita sa blog ko, lalo na dun sa mga bago. When I opened my admin panel lately, ang daming comments for moderation from new visitors. Nakakahiya, baka akalain nila isnabera si Miss N hehehe.

    Anyway, good luck sa paghahanap ng trabaho at sana ay dumami pang lalo ang raket mo.

    Ingat lagi, lalo na sa kumakalat na virus.

    June 25, 2009 at 11:45 AM

    • enjoy

      Salamat Miss N. Blangko rin kasi minsan ang utak ko sa mga kuwento kaya di rin ako makapagsulat. Sa dami ba naman ng mga bali-balita sa aking tabi, asus di ko na alam kung ano uunahin. Hehehe.

      Salamat sa pagdaan at good luck din sa iyong Pens of Hope. Hopefully one day ay maging part din ako ng advocacy mo🙂

      June 26, 2009 at 1:29 AM

  2. A-Z-E-L

    🙂 basta balik-balikan mo kami… kase mamimiss ka namin… ahihihihi!

    happy father’s day sa husband mo…

    ingat jan.. prevention is better than cure.

    basta.. pumasyal ka ulit sa bahay namin pag may pamasahe ka na🙂

    June 24, 2009 at 4:35 PM

    • enjoy

      Hehehe! Oo naman Miss Azel. Pasensya nga lang kung paudlot-udlot muna ha. Basta iikot-ikot ako hanggang mahilo.😆

      Regards sa Kablogs!

      June 26, 2009 at 1:31 AM

  3. dylan dimaubusan

    babaeng marsian!!!

    baket ngayon ka lang!?

    namiss mo birthday ko! huhu! lolz ayus lang. busy ka masyado sa pag-aalala sa H1N1 na yan ah.. pero dapat talagan mag ingat. Lakasan mo lang ang resistensya mo, in short, damihan mo kain, tska tulog,.

    Di ko alam na nakasama ka pala sa PEBA.. wala namang deadline dito sa blogging kaya do what you got to do..
    ^__^

    cheers!

    June 24, 2009 at 3:36 PM

    • enjoy

      Nag-bday ka rin? Naman! Ganun ba ko katagal nawala? Hehehe! Sori naman. Happy Belated Birthday. Sana kahit huli ay nakahabol pa rin. Ipapadala ko na lang sa email ang aking regalong chocolate cake. Aheks!

      Ingat ka din dyan. Taga-Nueva Ecija ka ba? Di ba meron na dun. Di bale nurse ka naman. Kayang-kaya mong alagaan ang sarili mo. Hehehe! At yup nakasali ako sa PEBA. Sana iboto mo ko, kung gusto mo lang. Toinks!

      Ingats!🙂

      June 26, 2009 at 1:35 AM

  4. Happy fathers day din sayo😀 … sana makahanap ka na ng work🙂

    June 24, 2009 at 10:02 AM

    • enjoy

      Hindi naman ako father LordCM😦 Hekhekhek! Pero salamat pa rin. Ipapaabot ko na lang kay Gard at sa aking tatay. Para sa iyo rin ang aking pagbati (tatay ka na nga ba?). Sana nga makahanp na ko ng work. Nape-pressure na ko eh🙂

      June 26, 2009 at 1:38 AM

  5. sandi

    ingat lang Enjoy! Family first muna😉

    June 24, 2009 at 6:22 AM

    • enjoy

      Ikaw din Sandi at sa buo mong pamilya. God bless🙂

      June 26, 2009 at 1:38 AM

  6. Weeee nice to see you back Enjoy!!😀.

    Nakakatakot nga ang virus na iyan…hay talagang extra2x care nalang talaga ang ating gawin. Ok lang yan pasulpot-sulpot kasi may ibang life din tayo besides blogging pero alam kung babalik at babalik ka pa din sa pag boblog nagiging busy lang sa ngayon ahehe. Sya sya ingat lagi dyan. Happy Father’s Day sa Hubby mo and Father mo. Have a blessed day! God Bless you and your family always. Be Safe!

    June 24, 2009 at 5:27 AM

    • enjoy

      Hi Karen!

      Thanks for always visiting my site kahit na hindi ako nakakadalaw syo😦 I soo miss your sweet and “always excited” comments. Ingat din kyo ng family mo. And belated Happy Father’s Day to your dad. I’ll drop by your site one of these days. Promise ko po sa iyo yan.🙂

      God bless you too “,)

      June 26, 2009 at 1:44 AM

  7. kaya pala nawala ka sa ere…now i understand….

    June 24, 2009 at 12:54 AM

    • enjoy

      Hehehe! Ganun na nga Blu… Wag mo akong gagayahin. Baka mamiss ka nila. Aiyks!🙂

      June 26, 2009 at 1:45 AM

  8. AC

    hay nako ateh.. kung ano2 pa palusot mo kung baket ka lagi wala dito. e alam naman natin pareho ang totoong dahilan. nyahahah! (e ako din naman ganun! wahahah!)😆

    June 24, 2009 at 12:19 AM

    • enjoy

      Hahaha! Ikaw talaga, nanlalaglag. Uy, in fairness ako naman talaga ay busy sa paghahanap ng work at alam mo rin yan ha. Nape-pressure na ko kay Gard. Totoo rin na may raket ako at totoo rin na may iba pa akong “diversion”. Alam mo naman na mahirap ang magsaka at mag-araro. Hihihi😆

      June 26, 2009 at 1:48 AM

      • AC

        onga eh. ako din careerwoman mode muna ngayon. hehehe. maloloka na ko pag-isiip. mas masarap pang magsaka na lang, walang pressure. hahaha!

        June 26, 2009 at 3:41 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s