Hanggang Sa Muli (Post-Mother’s Day Entry)

Madilim ng langit at kay lamig ng hangin;

Waring nagbabadya ng bagyong paparating.

May hinapuhap ang aking mga mata;

Ang aking mga matang may bakas pa ng luha.

Sisinghap-singhap.

Ulo’y napayukayok.

Hinagpis ay abot langit.

Pighati’y di marurok.

Ilang taon na nga ba ng ika’y lumisan?

Ang dalampung taon ay kay bilis na lumipas.

Ilang taon na nga simula ng magpaalam?

Ang aking lungkot ay sadyang di maparam.

Sing’ dilim ng langit at sing’ lamig ng hangin;

Ang bawat araw na di kita kapiling.

Nakisama ang langit sa ‘king pangungulila;

Paalam na Inay. ‘Gang sa muling pagkikita.

10 responses

  1. Ay ang galing naman nito! Nakakaiyak.. Sobrang lungkot talaga siguro kapag nawalan ng ina. Sigurado akong masaya siya ngayon at binabantayan ka lagi.

    Ang galing mo pala mag-drawing. Ang sosyal ng nanay mo. Naka-off shoulders pa. ^_^

    July 15, 2011 at 6:36 AM

  2. aw, can’t help not to get teary-eyed. *big hugs*

    Pinaiyak mo ko Enjoy! hihi.

    Ganda ng doodle mo! Didn’t know you can draw. Seems like every blogs i go to they are into photography or drawing or both. *envy* haha.

    June 9, 2011 at 5:47 PM

  3. Hi! I am Earvs and I’m currently finishing my MA Thesis at UP. The focus of the research is about OFW Bloggers. Upon review of your blog, I can say that it has the lead to be part of my study/research. Should you be willing to participate (please!), please drop me a mail at ecabalquinto@gmail.com. I will formally give you the invitation and interview questions.

    June 2, 2011 at 4:46 PM

  4. AC

    *Hugs*

    May 26, 2011 at 9:55 PM

    • Enjoy

      thank you girl, este Eys🙂

      May 29, 2011 at 12:32 AM

  5. hmmm, sigurado namang anjan lang sya palage sa tabi mo, di mo man makita, tiyak nakamasid lang sya para umaalalay kung kinakailangan🙂

    May 23, 2011 at 6:57 PM

    • Enjoy

      hindi kasi ako nagkaroon ng chance na makilala ko talaga siya CM. hindi kasi close ng nanay ko nung bata pa ko… lagi kasi ako pinapalo :p nung mawala siya, saka ko hinanap yung presence niya lalo na yung mga pagkakataon na ang kailangan ko ng mother figure kaya ganun na lang ang pagka-miss ko sa kanya🙂

      May 24, 2011 at 12:13 PM

      • ganun naman talaga enjoy, di mo masabi kung kailan mo dapat gawin ang isang bagay para sa mahal mo, di mo alam kung kailan mo ito dapat sabihin, bigla bigla na lang na mawawala…eto ka at nagsisisi, pero ano’t ano pa man, sigurado namang naiintindihan ka nya. walang magulang na hindi umintindi sa anak, alam mo yan dahil nanay ka na rin🙂

        May 24, 2011 at 7:56 PM

      • u must have really missed her so much..

        May 26, 2011 at 9:39 PM

        • Enjoy

          Sobra…😥

          May 29, 2011 at 12:31 AM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s