Relationship

Hanggang Sa Muli (Post-Mother’s Day Entry)

Madilim ng langit at kay lamig ng hangin;

Waring nagbabadya ng bagyong paparating.

May hinapuhap ang aking mga mata;

Ang aking mga matang may bakas pa ng luha.

Sisinghap-singhap.

Ulo’y napayukayok.

Hinagpis ay abot langit.

Pighati’y di marurok.

Ilang taon na nga ba ng ika’y lumisan?

Ang dalampung taon ay kay bilis na lumipas.

Ilang taon na nga simula ng magpaalam?

Ang aking lungkot ay sadyang di maparam.

Sing’ dilim ng langit at sing’ lamig ng hangin;

Ang bawat araw na di kita kapiling.

Nakisama ang langit sa ‘king pangungulila;

Paalam na Inay. ‘Gang sa muling pagkikita.

Advertisements

The Best Things in Life are FREE!

For many years, I have thought that money can buy happiness. That we can find its true meaning from things that glitter – new clothes, new bags, new jewelries. And for many years, the proverb “All that glitters are not gold” has proven me wrong.

I remember when I was in my early twenties, I would always visit a mall to window shop when I was sad or depressed. I never went home empty handed. If it wasn’t the mall, I would visit a spa and have a relaxing back massage or a facial spa. I’d always find comfort in things like a new manicure, a new pair of shoes, unbranded bags or clothes, or even in a new headband! No matter how invaluable things were as long as I bought something for my self, I couldn’t care less. Then I’d feel happy. You know that wide smile you see on a child’s face when she finally got what she had been wanting for a long time? I’ve mastered that smile. My happiness, though, wouldn’t always last too long. At the end of the day, I was as empty as my pocket.

When our family migrated here in Singapore, I learned to value the things that cannot be seen or touched: a warm embrace, a short text message from our relatives in the Philippines saying “how are you?”, simple gatherings with friends. I only have few friends here whom I see most of the time. Some are so busy living their fast paced life catching up with their tight schedules. Some are not always around but you will feel their presence at times when you need them most. I don’t need to buy their time. They’re FREE.

I am learning to love the smell of the rain because the rain here is not as natural as it may seem. I am learning to love the company of silence and the chirping of the crows in the background. They give me a feeling of serenity. Our home is my comfort zone and I always find solitude in it. I don’t need to spend money and travel away from the city. A blissful, solitary moment is always close at hand.

I’m currently unemployed but I work more than 12 hours a day, 7x a week, as a mother and a housewife. I go to bed so effin’ tired most of the time. But knowing that my family is comfortable because I make sure there’s a satisfying food on the table, or they lie on fresh linen sheets, I feel great. Taking these things into account, I couldn’t be happier.

A month ago I celebrated my birthday. The third time here since we moved in this country. It’s just a small gathering and only a few close friends were invited, including a blogger friend whom I’ve been dying to meet personally because I only get to chat with her online. Our house was jam-packed and was filled with laughter from people who have met each other only that day. One friend even commented, “grabe ang saya ang birthday party mo… as in! feeling namin, matagal na naming ka chicka yung mga visitors mo.. hehehe.. saya saya!!! =)”. Although there were people who didn’t show up, some foods have gone bad, and I was left with a broken couch and a center table, I couldn’t compare the happiness I felt that very day. It’s beyond words. Immeasurable, if I may say.

I know now what matters most. I know now that…

It’s often true, right. Just forget about the price tags. 🙂


Embracing Motherhood

After another week of habitual idleness in blogosphere, it feels good to slip back into the old routine, blogging.  I’ve been away for quite a while not because I don’t have the urge to write again or could have been experiencing another writer’s block. I have a lot of things to share with you guys—like my visit in the Philippines, my kids’ impish yet amusing behaviors, their mixed emotions towards their migration to Singapore (oh yeah! they are here already), etc.—so much to tell you that I don’t know which topic do I start first. It’s just that since we got back here in SG, kids have stolen my private moments with the computer and assumed its ownership. The only time I can use the computer is while they’re still asleep or when I haggle with them so I must really make the most of  it. 😥

Continue reading this entry…


Sisters

Pasensya na po sa paudlot-udlot na pagsibita ko sa inyong mga bahay. Ako po ay kasalukuyang nagpapakadalubhasa sa paghahanap ng trabaho dahil masyado na akong pine-pressure ni Gard. Buti na lang, I’m flexible and I can handle pressure. If my abilities meet the need 🙂

Salamat po sa lahat ng mga bumati sa akin noong nakaraang Mother’s Day. Yes, oo, affirmative. Ako po ay isa ng Nanay, Mama, Inang, Mummie. And I’m a proud mother of two pretty girls like me. Marahil ay nagtataka kayo kung baka hindi ko man lamang sila naikukuwento. Tulad ni Gard ay pinili ko rin na ‘wag muna silang banggitin dito dahil sa personal na kadahilanan. Pero ngayon ay kukuwentuhan ko na kayo tungkol sa aking future beauty queens. Mayo pa naman so ito ay buwan pa rin ng mga ina kaya kuwentong nanay muna ulit tayo. 😀

Maikokonsidera pa ring bata ang aking edad ng ako ay maging mommy (21 lamang ako noon). Aksidente pero ito ang pinakamagandang aksidenteng nangyari sa akin. Year 1996 ng isang munting prinsesa ang dumating sa buhay namin ni Gard na nagpaikot ng husto sa aming mundo. Bata pa kami noon at parehong walang alam sa buhay pero si “Ate” ang nagpatatag sa bonding namin. She’s a shy little girl pero sobrang appreciative. Kahit maliit na bagay na ibinigay o ginawa mo para sa kanya, maa-appreciate niya ng bonggang-bongga. Then “Bunso” came. Ate was very protective of her. Hangga’t maaari nga ay ayaw niya itong pahawakan sa hindi niya kilala. She would always kiss and embrace her little sis na nakatutuwang pagmasdan. ‘Though medyo na-outgrow na ni Ate ang pagiging protective at affectionate kay Bunso, marami pa rin silang lambingan moments.

Modesty aside but my Ate and Bunso are pretty in their own ways. Naalala ko pa noong magsimula silang mag-aral. Madalas ikuwento ng teachers nila ‘yung mga estudyanteng lalaki na may crushes sa dalawa. How one student fought with his classmate para lamang makatabi sa upuan si Bunso. Kilala sila sa buong pre-school department. At maging sa buong grade school department noong tumuntong sila ng grade school. Sabagay, maliit na private school lang naman ‘yun kaya madali rin maging popular. And both at the age of 7, nagkaroon na sila ng suitors! Hindi ako OA na nanay pero I make sure na realistic pa rin ako kaya madalas ko silang kinakausap tungkol sa ganitong issue. Gusto ko rin naman kasing ma-experience nila ang kilig without having the fear na baka mapagalitan sila. So at the age of 7, sinabihan ko na si Ate na dalhin sa bahay ang suitor niya 🙂

They’re both charming and brainy. Si Ate, madalas na kasama sa top students while Bunso is trying hard to excel too. Talagang “hard” dahil nadi-disappoint siya kapag hindi siya napapasama sa top 3 ng klase nila. Active din sila sa extra-curricular activities. Ate played volleyball at si Bunso naman ay basketball. Opo, babae po sila. Lagi rin silang kasali sa mga school programs. They both sing and dance. Si Bunso nga ay nanalo pa sa on-the-spot dancing contest kung saan ay tinanghal siyang Little Miss Bambini.

Pero hindi madaling maging nanay sa dalawang magkaibang personalidad. Kahit kasi pantay ang ipinaparamdam naming pagmamahal sa kanila, may isang pa rin nagseselos… nagtatampo. Mayroong mahirap pakiusapan… mayroon din namang nagdudunung-dunungan. Pero sa kabila ng kanilang mga flaws, walang UNA  sa pagmamahal at walang SECOND BEST. Sinisiguro namin na anuman ang hindi pagkakaunawaan between them at maging ang mga tampo nila sa amin ni Gard ay agad na naiko-communicate. Lalo na ngayon na nasa adolescent stage na si Ate. Natuto na kami ni Gard mula sa mga experience namin sa aming mga magulang. Pareho kasing hindi communicative ang parents namin kaya kahit na nandito kami at sila ay nasa Pinas pa, madalas pa rin kaming mag-usap at mag-chat.:)

Alam ko na mahaba pa ang bubunuhin ko sa pagpapalaki kay Ate at Bunso. Sana ay maging successful ako. Buti na lang at madaling makihalubilo at sakyan ang kanilang ugali at kakulitan dahil halos para lang kaming magkakapatid. (‘wag na kayong umangal… hehehe) At excited na ako dahil malapit nang dumating ang araw na magkakasama-sama na ulit kami 🙂


It’s Too Damn Late

It was 18 years ago when I last saw you. Chubby, vibrant and so full of life. You’re sociable you’ve made a lot of friends, old and young alike. That’s why you were envied by most, too.

I remember the sound of your laugh, especially when you’re teasing your friends. Makulit ka rin kasi na tulad ko. I remember the day you fought with our neighbor, that woman who used to own a sari-sari store. You fought with her because she scolded me when I bought the wrong laundry soap. I remember the night you waited for me at the school’s main gate. That was the night of my prom and you asked me to come home before 10 P.M. I remember your voice when you’re angry, and we’re all scared. Whenever you called me by my full name, I knew you were already mad and I had to run towards you as fast as I could. I remember every hit of Tatay’s belt on my skin. That was your favorite tool and the marks would usually stay until the next day.

I remember the time when the strongest earthquake hit our country in July 1990. You helped bring some of your colleagues to the hospital because they collapsed due to shock. A few weeks after, you got sick. I remember how stupid I was for ignoring all the signs; how ungrateful I was for leaving your side when you had fever. I remember how you would softly call me “anak“, because you wanted me to comb your hair so I would see your falling hair. I remember the day you showed me your bruises all over your body. All black and blue. I asked you why and you just said you need to be hospitalized. I was 15 and naive, I didn’t ask further. I remember the day you asked me to be at your side when you see the doctor. You wanted me to hear every word he’d say. I thought you’re just overreacting so I didn’t listen. If only I knew, I’d stay and held your hand tightly. You were a picture of a strong person despite your illness kaya hindi ako natakot o nangamba. I remember the day you were brought to the hospital, you were crying to tatay and you said you couldn’t see anymore. You were fighting for your life for four long days. My siblings and I were not allowed in the hospital. All we could do is to listen to our relatives’ conversations. Until one day, one of our neighbors picked us up at home. She was crying while we’re heading to the hospital. And when we were stopped by the hospital’s security guard, I heard her murmured “Malubha na lagay ng nanay nito. Kailangan na silang makita“. I got scared, not realizing that my hands were all shaky. I began to cry and when we reached your room, all your friends and our relatives were there, weeping. Your nanay was there, too, and she was was wailing hard. Yeah, your best friend was also there, not leaving your side. She was crying too and she was holding your hand. At the time, I wished I was her. She asked me to come near you and talk to you, whisper anything in your ear. Hindi ka na daw kasi makapagsalita. You wouldn’t open your eyes. Sabi niya pa, you’ve been asking for me since you got to the hospital. You were telling stories about me and my stubborness; how much you loved me and my siblings. Inilaglag mo ako ng bonggang-bongga. Gusto ko sanang mainis sa’yo pero hindi ko nagawa. So I sat beside you and whispered, “Nanay, eto na ako. Si Enjoy.” I saw how you were trying to open your eyes, and when you saw me, tears fell down from your eyes. Exactly one month after the earthquake, you gave up fighting. I couldn’t forget the people who cried because they lost a very special friend. I couldn’t forget tatay’s face because she lost not only a wife but also a friend. I couldn’t forget how hurt my siblings were because we lost a mother. I couldn’t forget the number of people who attended your burial. You were like a celebrity! That day I realized how much you were loved. Most especially, I couldn’t forget your smile when you heard my voice despite the agony that you’re experiencing.

I miss you Nanay… so much. Kung kaya ko lang ibalik ang oras and be a good daughter to you, I would. But it’s too late. It’s too damn late.

nanay

chic1


To blog or not to blog?

Bata pa lang ako ay mahilig na kong magsulat —poem, short story, feature story. Kaya nung mag-kolehiyo ako ay naisipan ko agad kumuha ng kursong Journalism na kalauna’y nauwi sa Broadcasting. Hindi ko man natupad ang pangarap na iyon, masarap pa rin sa pakiramdam na nagagamit ko ito sa ibang paraan tulad nang  sa pagkukuwento at pakikipag-usap sa mga taong hindi ko man nakikita at nakakasalamuha ng personal, ay nagbabasa pa rin sa aking sinusulat.

Blogging. Sabi ko nga ay ilang beses na akong gumawa ng blogs sa mga networking sites (Friendster at Multiply) na kung saan ay may mahigit sa 200 katao ang nasa aking listahan. Pero iilan lang sa kanila ang nagbasa at nagkaroon ng oras na magkomento. Kung minsan ay wala pa nga. Para lamang akong nakikipag-usap sa aking sarili. Kaya naman sinubukan kong lumabas mula sa mga dating lungga. At kayo nga ay aking nakilala.

Ano ba ang gusto mong tumbukin?text

I had a YM conversation with a friend the other day. Let’s call her B. Isang mahaba-habang pag-uusap na sa kalagitnaa’y halos kinayamutan ko na. Tinanong niya ko kung bakit pinag-aaksayahan ko ng panahon ang blogging gayong wala naman akong napapala rito. Ni hindi ako kumikita ng pera at sinasayang lamang nito ang aking oras. Sabi niya pa, I could use my “spare time to something profitable“. She even cited some of my interests (photography, layout design) wherein I can use to make money.

The following are extracted from our exact chat conversation:

B: hay buti ka pa, pablog-blog na lang… tyaga mo din noh

Enjoy: diversion… outlet. buro na ko dito. ska nakakaaliw din kasi marami na kong nakilalang pinoy bloggers all over the world

B: ba’t di mo try foreigners? 😉

E: ano naman ang gagawin ko sa kanila? tagalog ang blogs ko. (at may iba pa akong binanggit tungkol sa ibang social networking sites)

B: ah basta. di ko feel gumawa ng iba pang new accounts. katamad saka ala na ko time.

E: kanya-kanyang trip lang naman din yan

B: oo nga kaya nga buti ka pa may tiyaga sa ganyan. ako kasi nalagpasan ko na yang stage na yan.

E: nakakatulong din lalo na pag out of the country. marami na kong nakilalang bloggers na professional ska aged 30-up na. pero minsan natatamad na rin ako kasi nauubusan na ko ng topic e

Dito na siya nagsimulang ipasok ang suhestiyon tungkol sa pagnenegosyo. Ibinida pa niya ang isang kaibigan na dito na rin naninirahan kasama ang lokal na asawa na ngayon ang nagpapa-order ng pastries. Pero sabi ko nga hindi ko pa kayang magtayo ng negosyo dahil pinag-iipunan namin ang paninirahan namin dito.

b: bro, use your spare time to something profitable (we call each other “bro”). learn how to bake. interesado ka to take pix. the more na dapat may extra income ka.

e: pano ako mag-aaral mag-bake eh wala naman kaming oven? umuupa lang nga kami. i’m not that into photography. no matter how much i wanted to put up a business imposible talaga ngayon. walang resources. yung blogging, as i said diversion lang while i’m looking for work.

b: ano ba mahihita mo sa blog na yan? …true diversion pero meron namang “diversion” na kung saan you find yourself having income bro… yun lang naman ang sa akin. use your talent wisely. (tahimik lang ako) kahit kami taghirap din so since aware na tayo sa ganyang sitwasyon, think of something na mabawasan ang hirap instead na you spend time blogging.

e: bro, this is an outlet. hindi ko ito ginagawa everyday. i’m looking for a job. hindi ako nandito para mag-blog lang. it happens na alam mo na nagba-blog ako ngayon so tingin mo yun lang ang ginagawa ko (sa puntong ito ay medyo nayayamot na ako)

b: sa akin lang bro, you’re a very talented person. don’t think negatively sa sinabi ko. am not having or starting an argument sayo. up to you if you’ll accept my suggestion or not. sa akin lang true na nagiging outlet mo ang mag-blog pero after posting the blog… what’s next? you just expressed yourself sa friendly sites na di naman nababasa mga blogs na pinaghirapan at binigyan mo ng oras. gaya ng sabi ko… doesn’t mean not interested for not reading your blogs. time constraint din. so your emotions… your efforts… your time… for what?

e: bro hindi rin ako nakikipag-argumento sayo. sinasabi ko lang syo yung aking palagay. if you don’t read my blogs, ok lang naman pero sabi ko nga syo this is a different site and i’ve met people all over the world na. in my blogs, i receive more than 10 comments and it keeps coming. iilan nakakaalam nito but not anyone from (my previous company) or from my other friends. it helps lalo na ngayon na nahihirapan akong humanap ng work. siempre gusto ko mag-negosyo o magkapera. at tumatanggap po ako ng freelance work pero hindi gnun kalaki ang kita so bakit ko pa ikukuwento db? blogging is fulfilling. hindi mo pa lang nare-realize yun so as the rest of the people who scrutinize the blogging community. sabi ko nga syo diba, marami akong nakilalang professionals na bloggers din and they receive different citations. yun ang fulfillment dun. it’s not just a waste of time 🙂

Humaba pa ang usapan namin na nauwi sa pagdi-disclose ko ng plano kong pagbili ng sariling domain name. Sinabi ko na since blogging ang kasalukuyang interest ko ay magagamit ko ito para kumita ng pera. Ikinuwento ko kung paano. Kinailangan kong ipaalam sa kanya para matigil na siya sa kapipilit na wala akong mahihita sa pagba-blog.

B is one of my trusted friends. She’s a blunt talker and straight shooter. Kahit alam niya na maapektuhan ako sa sasabihin niya, she wouldn’t stop talking until she proved her point. But B is also opinionated and authoritative. Minsan kahit baluktot na ang pananaw niya o wala na sa lugar, dapat pa rin akong makinig.

Naiintidihan ko ang punto at kung ano ang nais niyang gawin ko. Kinumbinsi na rin niya ako minsan na bumalik sa Pinas at tanggapin ang offer ng dati kong kumpanya (B is a former colleague in that company) dahil nahihirapan akong magkatrabaho dito. Natutuwa ako dahil isa siyang persistent friend and she’s concerned about my future. But this time, alam kong wala na siyang karapatang panghimasukan ang mga interest ko sa buhay. Gaya ng hindi ko panghihimasok sa mga ginagawa niyang “kalokohan”. Ngunit hindi ko ito nagawang sabihin sa kanya dahil naging sensitibo pa rin ako sa kanyang maaring maramdaman. At hindi ko na rin nagawang ipaliwanag ang mga bagay na natutunan ko sa blogospiya dahil anuman ang sabihin ko, wala rin naman itong saysay para sa kanya.

To blog or not to blog? This is the question. And my answer is loud and clear.


Tustadong Utak

**Please pagbigyan niyo na po sa hindi ko muna pagdalaw sa mga bahay niyo. Matapos po ang tag na ito na 3 araw kong ginawa, dadalawin ko ulit kyo. Sana po kahit mahaba ay basahin pa rin ninyo… pleaseee!

Lately I noticed that I become so busy on Facebook that I almost forgot blogging. No, not because I’m addicted to it na but only because of YoVille. It’s an interactive game associated to Facebook and Myspace where you can design your own apartment/house. In this game, I get to know more people around the globe and interact with them. It’s truly entertaining ’cause now I am able to express my interest in interior designing thru this game and I don’t feel so bored anymore. 🙂

OK. ‘Nuff on YoVille stuff. This entry is not about YoVille so let me continue… 😀

Again, I was tagged! Minsan, nakakatuwa rin ang tags dahil it helps fill the gap lalo na kapag walang-wala ka nang maisulat dahil natuyot na ang utak mo sa droga sunud-sunod na entry. It also means that bloggers are starting to notice you and appreciate your writings and you as a person. Kaya hindi ko na pahahabain ang intro dahil isa na namang mahaba-habang tag ang ise-share ko sa inyo 🙂

This 1st tag was from friendly Joycee, and the rules are “Write 15 things/persons/animals/at kung-ano ano pa that you hate and/or your petpeeves. Tag 15 people afterwards.

15 Pet Peeves

Pet peeve – n. Informal.

Something about which one frequently complains; a particular personal vexation.

1. tackless

Guilty ako dito pero minsan nailalagay ko naman sa timing. ‘Pag bwisit ako sa tao, siguradong magiging taklesa ako sa kanya. Marami na kasi akong nakikilalang halos wala ng sinisino. Kung anong gustong sabihin, go na lang ng go. Para bang hindi na ipina-process ng utak ang mga salitang lumalabas sa bibig nila.

2. ipokrita/pretentious

I guess I’ve mentioned this in one of my blogs. Hate ko talaga ang mga mapagpanggap na tao. ‘Yun bang feeling rich kahit wala naman, ‘yung know-it-all type pero pag nag-komento eh nonsense naman ang sinasabi, ‘yung nagmamalinis pero may kabalahuraan naman palang ginagawa. Kung hindi mo kayang magpakatotoo, wag mo naman baguhin ang sarili mo base sa standard ng mga nakakasalamuha mo. Nakakaubos ng lakas iyon. At isa pa, kung di mo ko gusto, ‘wag mo kong pansinin. Hindi ako mamatay kapag hindi mo ako kinausap.

3. balahura sa gamit/maselang-baboy

Eh di ba nga self-diagnosed OC (obsessive compulsive) ako, kaya ang siste ayoko talaga ng makalat at burara sa gamit. Nakakainis ‘yung mga taong hindi marunong lumugar na pati ‘yung pagiging burara eh dinadala sa ibang bahay. Pati na rin ang pagiging maselan at metikuloso pero di naman kayang pangatawanan. May kakilala akong ganyan na sobrang arte sa katawan, pero pag nakita mo ang place niya, pati na ang toilet, mapapangiwi ka talaga. Maselan, pero baboy naman pala.

4. ex-links o exchanged links

Tulad ni Joycee, ayoko rin ng ex-links. Para kasing pinupuno mo lang ang bahay mo ng bisita pero hindi mo naman lahat kilala at wala ka namang interest sa kanila. Exchanged links pero after a while hindi mo naman bibisitahin at hindi ka naman bibisitahin. I’ve learned my lesson. Marami na akong nakilalang ganyan na nawala na rin sa blogroll ko. Mas fair pa rin na idinadag mo sila sa links mo because you enjoy their writings and you guarantee yourself that you will visit their sites at all times.

5. (Putek… nahihirapan na kong mag-isip) Super-duper OA

OMG! These are the people who have mastered the art of exaggerating things. Naghihingalo pa lang ang pasyente, pinapatay na sa usapan. Nagkapareho lang ng nabiling brand ng damit, ginagaya na. I mean, haller! Kung ayaw nilang magaya, magpatayo sila ng sariling factory ng damit para exclusive lang for them . Eh pano na lang ang mga nakasabay nilang bumili ng same brand of clothing? Ibig bang sabihin lahat sila ay nanggaya? People!

6. insensitive

Naglipana ang mga ganitong tao sa mundo. They don’t watch their actions and they don’t even care kung nakakasakit man sila. As long as they are happy with what they’re doing and they think that they will benefit from it, what do they care?!

7. Gloria Macapagal-Arroyo

Wala na siyang nagawang mabuti sa bayan. Hirap na nga ang mga Pilipino, lalo niya pang pinahihirapan. Ang kapal ng mukhang humarap sa altar at tumanggap ng komunyon eh demonyita naman talaga. (Ayan, sorry po sa mga pro-Arroyo. Ito po ay sarili kong opinyon lamang :D)

8. Ginisang Munggo, mansanas at lanzones

Puhleesse!

9. Indianong mabaho

Lalo na sa mga buses and trains, sows, ang dami nila! Ewan ko ba kung bakit ganun ang amoy nila. Ang alam ko hindi naman bawal sa kanila ang maligo. Nakakainis lang talaga! May mga nakilala naman kasi akong mga Indiano/na na mababango sa amoy at tingin pa lang. Hindi ako racist ha. Ayoko lang talaga sa amoy ng ilan sa kanila. Siguro naman alam ng mga bloggers sa ibang bayan ang ibig kong sabihin. (Hala! Naghanap pa ng kakampi…)

10. (Grabe, Joycee. Hindi ako likas na magagalitin kaya ang hirap talaga nito! Hoo!) Flaw finder

Uulitin ko, ‘wag kang magmalinis kung wala kang ginagawang kabalahuraan. Itong mga ‘to, ang lakas mangbuska. As if naman walang bahid ng dungis sa mga mukha kung makapanglait at umasta. Asus! Tumingin muna kyo sa salamin.

11. Feeling Senyorita

Sila ‘yung mga taong walang ginawa kungdi ang mag-utos ng mag-utos. Utos dito, utos ‘dun. Feeling senyorita/to at ang mga nasa paligid niya ay muchacha. Sukdulan sa katamaran. Kulang na lang ay tubuan siya ng ugat sa pagkakaupo. Ang lakas mag-power trip!

12. (Uy, konti na lang…) Pusa

Mabangong pusa, mabahong pusa, pusang-gala o pusang-bahay, ayoko talaga sa kanya. Wala akong asthma at hindi naman ako takot dito. Ayoko lang kasi ng amoy ng poop nila. Hehehe! Kaya bilib ako sa mga cat lovers dahil kaya nilang i-take ‘yun. Ayoko rin ng feeling na hahawakan ko sila after nilang dilaan ang buong katawan nila. Oo na, pusa na nga po ang pinakamalinis sa lahat ng hayop. Pero sensya na po talaga at matindi ang kaartehan at kaselanan ko sa katawan at pinangangatawanan ko ‘yun. (Cat-lover bloggers, alavyah!) 😆

13. Channel 7 and their stars

At our house in QC, our bedroom is my realm. May sarili kaming TV sa room and you can only watch shows from ABS-CBN or Studio 23 . Kung gusto mong manood ng palabas ng siete, doon ka sa TV sa sala o kaya ay sa kuwarto ng in-laws ko. Banned sa kuwarto ko ang taga-siete 🙂

14. (Dalawa na lang… ito naman kasing si Joycee dinagdagan pa 😀) Skyscrapers, high-rise building o ano pang may kinalaman sa heights

Qué horror! Ako po ay may acrophobia o altophobia. In short, takot po ako sa heights. Kaya bago niyo naman ako ayain sa mga matataas na lugar eh siguraduhin niyo naman na hindi rin kayo matatakutin (tulad ni Gard) at baka pareho tayong makitang sakay ng ambulansya, hane? Dito sa SG, karaniwan na ang high-rise buildings dahil nga maliit lamang ang kanilang land area, pati na rin ang matatarik na escalators kaya naman po ang inyong lingkod ay mas pinipiling manatili na lamang sa bahay. Adventurous po ako, pero kung atake sa puso ang kapalit, aba’y ‘wag na. May mga dalagita pa po akong dapat subaybayan. Kaya Duchess, kahit nandyan pa ako sa Pinas eh gudlak naman talaga kung patusin ko ang invitation mong sky-diving. Tumalon mula 2nd floor down to 1st flr pwede pa, basta may parachute. 😆

15. Makulit

Makulit na ako kaya ayoko na ng isa pang makulit sa buhay ko. Kapag sinabi kong hindi pwede, ‘wag nang ipilit ang gusto. Iilan lang ang mga taong pinagkakatiwalaan ko ng mga private information about me (cellphone number, address ng bahay, YM ID). Kapag hiningi mo ng minsan at hindi ko ibinigay, tapos inulit mo pa at di ko pa rin ibinigay, naman! Makahalata ka na na di kita type maging friend o kabungguang-siko. At please lang, tantanan ako sa kakatanong ng mga walang kwentang bagay dahil bihasa ito sa panonopla.

Ayun at natapos ko rin. Natusta ang brain cells ko dito, Joycee. Hoo! Sa totoo lang, ilang araw kong pinag-isipan ang pet peeves/hates ko. Nahirapan ako dahil sinasanay ko na kasing mahalin ang mga bagay na di ko gusto tapos biglang umekstra ang tag na ito. Ayan tuloy, na-revive ang negative energy nila sa ugat ko. Hahaha!

**********friendship_award1

Ito naman ay galing kay pretty Karen, na sobrang generous sa pagbibigay ng award dahil dalawa ang ibinigay niya. For the “Friendship Award“, these are the rules:

1. Take your award here.
2. Put the logo on your post.
3. Link the person who awarded you.
4. Nominate at least 7 other blogs.
5. Add links to those blogs on yours.
6. Leave a message for your nominees on their blog.


At ang 2nd award, “Over The Top Award” na may rule na halos pareho lang din noong una:

Rule: Each recipient of the award will acknowledge the person who honored them with the award and then go to Over The Top Aprons, copy/paste the award : Your Blog is Over The Top.

Kaya eto ang award image…award1

Hay, natapos din…. sa wakas! Hindi ko po ipapasa ang Pet Peeve tag ha. Bahala na kayo kung trip niyong kunin at gawin. Baka kasi magaya kayo sa akin. Tustado ang utak. Hehehe! But I’m passing the two awards from Karen to all the people of the universe on my sidebar. You all deserve the awards and your spot on my list. 🙂

ENJOY!

chic1


Thank you, and more…

Bago ko simulan ang isang mahaba-habang entry para sa linggong ito, komersiyal muna tayo…

Salamat po sa lahat ng mga tumangkilik ng aking produkto nakalipas na entry: sa mga nagbasa at nagkomento; sa mga nagbasa at hindi nagkomento; sa mga nag-ENJOY sa kuwento; sa mga nangialam kung bakit ENJOY ang pangalan ko at sa mga nag-imbento nang derivatives ng aking alyas… salamat po sa inyo!

Wala na po akong utang at naikuwento ko na sa inyo nang buong-buo ang pinagmulan ng aking alyas. Hindi man ako nakasali sa Name Game tag, eh nagkaroon pa rin ako ng sarili kong bersyon. He-he-he! At kung ikaw ay bago lamang dito sa aking pahina at nagtataka kung anong kalokohan sinasabi ko, puntahan mo ito nang iyong malaman. 🙂

❀❀❀❀❀infinite_eight

Speaking of tag, tatlong bagong tag ang natanggap ko nitong nakalipas na linggo. At dalawa dun ay nagmula sa aking paboritong super hero na si Batman, este Super G pala [kasi naman parang si Batman na nanlilisik ang mga mata ‘yung andun sa upper-right side ng kanyang pahina] . Hehehe! Sa kanyang entry ay nadiskubre kong ako pala ay isang “palakaibigang adik.

Eh SuperG, kelan ba ko narehab? Mukhang di ko nabalitaan ‘yun ha. 😀

Anyway, ang rule ng unang tag o ang “Eight Tag” ay maglista lamang ng walong mga bagay patungkol sa mga kategorya na mababanggit ko sa ibaba. At ito ay akin na nga pong sisimulan…

8 Things I’m Looking Forward To

  1. September – birthday kasi ‘yun ng mga kiddos at uwian time… miss ko na sila 😦
  2. Last week of August – secret muna ngayon kung bakit. when the time comes, idi-divulge ko rin sa inyo. basta excited na ako 😆
  3. pagpunta ng mga kids dito – konting tiis na lang at kasama ko na sila. woopeee!
  4. May 1 – Labor Day kaya holiday… magba-bonding kami ni Gard doon sa Sentosa 🙂
  5. Bagong job opportunity – gusto ko na talaga magka-trabaho… waa!
  6. facial & a good massage – tagal na since last facial at massage ko. kaya i really need them now 😦
  7. LV, Chanel or Gucci bag – pangako ito ni Gard sa akin. sana matupad 😎
  8. My own domain name – opo, tumpak kayo dyan! pinag-iisipan ko na pong bumili ng sarili kong domain name na magagamit habambuhay. aheks! babalitaan ko kayo tungkol dyan 🙂

8 Things I Did Yesterday

  1. naghanap ng trabaho sa internet…
  2. nagblog-hop tulad ni Super G pero ako naman ay nakigulo at nangialam. hehehe…
  3. nag-Facebook at naglaro ng Yoville! 😆
  4. na-check ng email at nag-update ng feeds…
  5. nagluto ng tinolang manok na walang dahon ng sili dahil hindi uso ‘yun dito sa SG…
  6. naglibot sa mall para maghanap ng bathrobe [pero di naman ako nakahanap]…
  7. naglaro ng Bomberman sa PSP…
  8. tumawag sa mga aking mga dyunakis na super miss ko na!

8 Things I Wish I Could Do

  1. abutin ng dila ang siko ko…
  2. abutin ang talampakan ko nang di yumuyuko…
  3. mag-bungee jumping [grave! wish ko talaga ito pero dahil sa ako nga ay isang acrophobic, mananatili na lang siyang wish :roll:]…
  4. makipagbiritan kay Charice Pempengco…
  5. makapag-around the world with my family…
  6. ma-meet ang lahat ng nasa blogroll ko…EYEBALL TAYO! Wohoo!
  7. mameet in person si Obama at sabay magpa-picture sa harap ng Pyramid of Egypt 😀
  8. makabuo ng isang foundation/organization/cooperative na tatapos sa problemang pang-sikmura ng mundo…

8 Shows I Watch [Super G, shows pala hindi movie… hehehe!]

  1. Oprah – dahil enlightening and heart-taking ang karamihan sa kanyang mga episodes…
  2. The Ellen Degeneres Show – dahil napaka-cowboy niya at cool kahit siya ay 50+ na [kahit na siya pa ay tibo; pero di ako tibo]…
  3. TV Patrol – para maging updated pa rin sa showbiz mga nangyayari sa ating bansa…
  4. Goin’ Bulilit – dahil nakakaaliw sila. eto trip ko, walang pakialamanan 😆
  5. American Idol – dahil kay Adam at Anoop [gusto ko si Anoop… promise! kahit na isa pa siyang anap/napster/indian. he rocks! sayang nga lang at maaga siyang natigbak]
  6. Heroes – dahil gusto ko rin maging hero tulad ni Sylar! 😈 joke naman siempre… pwede na ‘yung power ni Matt Parkman na kayang basahin ang isip at magteleport thru time/freeze the time tulad ni Hiro Nakamura 😆
  7. Tayong Dalawa – dahil adik dito si Gard at nadadamay ako ‘pag nanonood na siya…
  8. at siempre ONE TREE HILL – dahil sa gusto ko, paki mo! hehehe… da best po kasi ito talaga para sa akin. hanep sa mga twist at talaga namang very touching ang mga episodes. at dito aaminin ko, adik talaga ako 😆

8 People I Tag

  1. AC
  2. Kellie
  3. Duchess
  4. Sandijmartin
  5. Dencios
  6. Teen Toinks
  7. Ka ELIment
  8. AZEL

Ayan, natapos ko na rin ang unang tag. At isinagad na ni Super G ang pagpapatunay na ako nga ay isang palakaibigan dahil ibinigay niya rin sa akin ang… [drum roll please]

blogger_friendship_award_2009 … na akin pa ring ipinapasa sa walong taong una kong itinag doon sa itaas. Kasama na rin sina Azel, Bhing, Nebz, Joycee, Dylan, Jeremiah, Karen at Nortehanon.

Ang rule nito ay:

  1. Place the logo / banner on your blog.
  2. Add a link to the blog who gave the award.
  3. Nominate at least 7 other blogs. (It says at least! If you’ve got more friends, go ahead)
  4. Add links to the blogs that you have nominated.
  5. Let them know by leaving a message (shout) on their blogs.

❀❀❀❀❀

At ang huling tag na tinawag na “Bag Tag” ay nanggaling naman sa aking bagong ka-blog na si Karen (applause… applause) at ang rules ay ito:

  1. Post a picture of whatever bag you are carrying as of late. No, you can’t go into your closet and pull out your favorite purse! We want to know what you carried today or the last time you left the house.
  2. List how much it cost. And this is not to judge. This is for entertainment purposes only. So spill it. And if there is a story to go along with how you obtained it, we’d love to hear it.
  3. Tag some chicks. And link back to this post so people know why the heck you’re showing everyone your bag.

**In the rules we need to spill it out about the amount of our purse.

So this is the bag I last used when I met with Gard’s friends last Saturday. Isang brown Charles & Keith bag na regalo ni Gard noong aking berdey kasabay ng iba pa niyang mga regalo. Hehehe! ‘Yan na lang daw muna kasi hindi praktikal sa panahon ng krisis kung LV o Gucci ang bibilhin niya. Sabi pa niya, “it’s the thought that counts.” May say pa ba ako dun? 🙂

img_6864 img_6873

Ayon pa sa rule, kailangan daw isiwalat ang halaga ng bag na ito hindi upang i-brag o ipagyabang pero for entertainment purposes lang daw [ano ito, variety show?! 😛] pero para sa akin ay hindi naman importante kung magkano ang halaga ng isang bag. O kung may tatak man ito o wala. Ang mahalaga ay kapaki-pakinabang ito at may kabuluhan sa buhay mo. Kahit na bayong lang kasi ang dala mo araw-araw, kung gamit mo naman ito para sisidlan ng iyong mga pinamili ay malaki pa rin ang halaga nito. Kaya para maiba ay hindi ko idi-divulge ang halaga ng aking bag. Pero praktikal at affordable naman ito. Trendy at handy para sa aking mga anik-anik.:)

At ang tag na ito ay ipinapasa ko sa mga girls sa aking blogroll. No pressure. Kung trip niyong kunin, pakikuha na lang po. 😀

Salamat po!  049

chic1


Here’s to Friendship!

After a rainy weekend, muli na namang nagpasikat si Haring Araw. Ilang araw din na nagcloud seeding ang air force (opo, ganyan kayaman ang Singapore na pati ang ulan ay ginagawang hi-tech) kaya noong Linggo ay parang binagyo na naman ang Singapore. Palibhasa’y malapit sa ekwador kaya medyo may kadalangan ang pag-ulan sa bansang ito. Bumbunan ko lang yata ang di nabasa sa tindi ng bagsak ng ulan, na nakisabay pa sa Palm Sunday. Isang pagbabasbas, ika nga. At umatend po ako ng Sunday Mass kaya ako ay nabasbasan din ng biyaya. 🙂

2009friendlyblogger

Dahil nga maganda ang panahon ngayon, na-thrill akong gawin ang isa pang blog award na aking natanggap mula kay tukayong beautilicious AC na medyo napending na rin sa aking kaha de yero. Thank you po ulit for considering me as one of your friendly bloggers. Apir tayo sister!

Medyo may pressure ang award na ito dahil kailangan ko daw i-install yung photo ko (pramis install talaga yung sabi sa rule, mababasa niyo mamaya. di ko lang alam kung exe o dmg file ang gagamitin ko sa pag-install. joke! hehehe). Sa aking pagkakaalam ay isang beses ko pa lang naman naipaskel ang aking magandang mukha *ubo-ubo* pero grupo pa ‘yun dahil gusto kong may misteryo akong maiwan sa inyo. Sa award na ‘to, mukhang mapapasubo yata ako. Pfft!

Here are the rules for this award :

1. Take a Photo or install one now . (aheks! sabi ko sa inyo eh :D)
2. Do not change clothes,do not trim the hair, the main image is to be captured (we want to see the real you…he..he..) .
3. Post a picture that is in edit.
4. Post these instructions (required).
5. Tag people to show appreciation to them that touch your heart because of their friendly attitude (required).

expiredAng challenge ng blog na ito (talagang challenge ito) ay maipakita mo ang iyong tunay beautyness/handsomeness sa madlang people without putting on make-up or fixing your hair or even changing your dugyot clothes to a cool outfit. So kung mukha kang nireyp ng sampung tomador habang ginagawa mo ang entry ay talaga namang malas kang tulad ko (sabagay, wala naman makakaalam kung magbabagong-anyo ka. hihihi!). So here’s my latest, unedited photo. May expiration ang picture na ito kaya kabisaduhin niyo na ang aking mukha at baka ako na pala ang dyumidyekwat ng bag niyo ay di niyo pa alam. Kuha ito habang ginagawa ko ang entry na ito. Hindi pa ko naliligo kaya dugyot ang itsura ko dyan.

expiredHere’s another photo but this time I look better. Nakaligo at nakapagsuklay na ko niyan. Kuha ito nung Sabado habang kami ay nasa bus stop na malapit sa aming block. Papunta kami ng Lucky Plaza (ang mall na tambayan ng karamihan sa mga Pinoy dito sa SG) sa Orchard Rd. para mag-remit ng pera sa Pinas. Sa tabi ko ay ang aking bodyguard na abala sa paglalaro ng PSP. Napatagal ang dating ng bus at sa kainipan ay napekchur-pekchur muna ako. Muli, may expiration ang pekchur na ito. 🙂

At ito po ay aking ipinapasa sa lahat ng nasa aking blogroll.

Thank you for making me smile, frown, mad, happy, excited, confused, perplexed etc, etc…

I keep my friends as misers do their treasure, because, of all the things granted us by wisdom, none is greater or better than friendship.

Pietro Aretino (1537)


chic1


Special Award for Sisters Ü

Napansin ko na nagiging weekly na lang pala ang pagsusulat ko ng entry ngayon. Dahil nga sa “productive” ako lately, ang nagagawa ko na lang pagdating sa bahay ay bumisita sa “tahanan” ng mga natatangi kong blogmates dahil na rin sa matinding pagod mula sa 1 1/2 hours na travel time ko mula opisina hanggang sa aming bahay. Isa’t kalahating oras na biyahe ng bus at train na suwertihan pa kung makakaupo ako dahil peak hours na ‘nun. Sa loob ng isang linggo, isa o dalawang beses lang ito kung mangyari; kalimitan ay aligaga ako sa pagkalkula ng aking balanse para di matumba sa maalog na biyahe. Isang simpleng reklamo na alam kong hindi na dapat pagtuunan ng pansin. Pasalamat pa nga ako at nagagawa kong bumiyahe dahil may trabaho na ako. *wohoo!*

Sa maghapong pagod, isa sa mga konsuwelo ko ang makapagbasa ng mga interesting blog entries na magpapagising sa mga inaantok ko nang diwa. Hindi man ako makapag-iwan ng komento, alam kong isa sa mga araw ay muli kong babalikan ang entry para muling namnamin ang mainam na pagkakasulat nito – maging ito man ay nakakaTAWA, nakakaTUWA, nakakaLUNGKOT, nakakaTAKOT, nakakaIN LOVE, nakakaIYAK, nakakaGALIT o nakakaTAKOT.

SISTERHOOD AWARD – isang award na natanggap ko mula kay katukayong AC. Geez! Isipin mo yun, isa pala ako sa mga bloggers na nakaka-inspire sa’yo. Super-duper touch naman ako. I feel like crying tuloy [or I’m just too emotional lately? :D] At siempre dahil “sisterhood” ang name ng award,  for “sisters” only lang ito. 🙂

sisterhood

*Oh, geez! Look at the icon image… ang socy di ba?* 😆

At siempre ulit, bawat award ay may rules… kaya eto na ‘yun:

  1. Put the logo on your blog or post.
  2. Nominate at least 10 blogs which show great Attitude and/or Gratitude!
  3. Be sure to link to your nominees within your post.
  4. Let them know that they have received this award by commenting on their blog.
  5. Share the love and link to this post and to the person from whom you received your award.

At ipinapasa ko ang award na ito sa mga powerpuff girls sa aking blogroll…

Yanah

Dylan

Kengkay

Nortehanon [alam kong marami nang nag-award sayo nito pero you’re really one of those bloggers who inspire me :)]

Aling Baby

Azel [babae ka ba talaga? nako-confuse ako sa blog name mo. aheks!]

Tina Teentoinks

Jeniffer

Emilayskie

Go, go, girl power! 🙂