Photoblog

Bahay-Bahayan

Matapos naming pumirma ng kontrata sa Star Cinema para sa aming pag-okupa sa bago (pero lumang) flat ay nag-umpisa na rin ang aming paglilipat. Marami pang kailangang ayusin sa bahay kaya paunti-unti rin muna ang lipat ng mga gamit. Another thing is that we’re requested by our friend who also happens to be the main tenant of our previous flat to extend our stay while he waits for the IT show on Sept. 10-11 so he can apply for a new account and enjoy the freebies to be given away to patrons only on the said event. Si Gard kasi ang account holder ng aming internet connection kaya tangay din namin ito sa aming paglipat.

Honestly, nag-uumpisa na ang aking disappointment sa bagong bahay. Naturingan akong metikulosa pero di ko nagamit sa aspeto ng pagbusisi sa bahay. Marami kasi kaming na-discover na flaws: sira yung washing machine, hindi gumagana yung kitchen mini sink, sira yung heater, nawawala yung stove hose, lahat ng storage cabinets/room ay puno ng gamit nila which they promised to vacate bago kami lumipat. Added to insult is the unresponsive land owner whom I’ve been calling and texting several times pero über dedma talaga. Naibubuhos ko tuloy ang sama ng loob ko sa aming agent. But for the benefit of the doubt, we’re still giving them until tomorrow to fix everything before we totally move in on Thursday. Gusto ko kasing maayos na ang lahat bago ako umuwi ng Pinas.

Here are some of the photos of the house. Still a bit empty but as soon as we fix everything, I’ll take new photos. 🙂

DSC00011

Living Room

DSC00007#1

Master's Bedroom

DSC00012

Kitchen Area

DSC00008

Kid's Bedroom

DSC00013DSC00014

Tumaya nga pala kami sa Toto (tawag sa Lotto dito). Umabot na kasi sa $1.5M ang premyo o tumataginting na mahigit P49M! Ilan lang kami sa mga libu-libong tao dito ang nagbabaka-sakali na manalo sa Toto. Sa taas ng standard of living dito, malaking tulong talaga ‘yun. Sana suwertehin kami kahit ilang numbers lang ang tumama. Marami na rin makikinabang nun. 🙂

toto

Secret muna ang mga numero ha. Baka kasi mausog 🙂

Love begins at home and it’s not how much we do… but how much love we put in that action.  ~ Mother Teresa


The Untold Story II

Pasensya na po kung medyo natagalan ang part two ng aking “untold story”. Nakakapanibago ang muling pagsusulat. Parang akong si Sleeping Beauty na matagal na nakatulog at sa muling paggising ay nawindang sa kanyang environment. Parang ang daming kakaiba, o ako lang ang kakaiba? 😉 But as I promised ay ikukuwento ko pa rin sa inyo ang dahilan ng aking hiatus at nang matapos na rin ang speculations tungkol sa aking pagkawala. Mahirap na at baka umabot pa ito sa SNN… now na! 😀

ANG KASAGUTAN:

Kung maaalala ninyo ay naikuwento ko na pansamadalian akong mawawala upang seryosohin ang paghahanap ng trabaho. Hindi po ako nagsinungaling doon. Ang inyo pong kapitbahay na si Enjoy ay nagpursige talaga na makahanap ng trabaho at pinalad naman na magkaroon ng mangilan-ilang interview. Wala nga lamang naipasa 😀 Dumalo pa nga ako ng mga job fairs para pangatawanan ang ginawang pag-aapply. Ngunit hindi pa yata umaayon sa akin ang kapalaran. Maybe because there are plenty of things that I still need to attend to that might require more of my time so He wants me to focus on these matters first at ayun, wala pa rin akong trabaho until now (sourgraping, hehehe!). So ano nga ba ang mga pinaggagawa ko noong panahon na ako ay nawawala bukod sa paghahanap ng trabaho? Eto po ang ilan sa mga iyon:

I’ve been here in SG for almost 2 years now. Wala akong matatawag na direktang kaibigan dito. All my friends here are Gard’s friends whom by chance ay na-meet ko through gatherings. Kaya para ma-ease ang aking boredom ay isinama niya ako sa ilang paglabas nila… (yeah, I know, blogging sometimes helps pero iba pa rin yung may social life ka) 🙂

Esplanade Hawker Centre, July 16, 2009

kenevie

Alley Bar, July 19, 2009

akoerichedfoodmojito

Alley Bar (ulet; nagiging favorite hang-out na ng tropa) July 26, 2009

withlorna

Cafe d’ Manila (na dinayo pa namin kahit super-duper layo from our place pero sulit dahil sa masasarap na Filipino dishes), July 31, 2009

tropaa3a1a2a4

Dahil kinailangan na rin sa trabaho, si Gard ay madalas na mag-out of the country – Indonesia, Thailand, Vietnam, at Pinas. Usually, one week lang ang assignment but since he is handling the implementation of their new product, kinailangan niyang magpunta sa Thailand for three (3) weeks, going back to SG on weekends. Kaya sa kanyang huling linggo sa Thailand, ako po ay biglang nag-fly na rin 🙂

Bangkok, Thailand, August 4-7, 2009 (namamasyal na, pero si Gard on-call pa rin)

grand palace, thailandDSC00689DSC00609DSC00678DSC00709Temple of the Emerald BuddahDSC00689DSC00829

..at ang pagdalaw recently ng isa sa aking best buddies na si Kaye 🙂

Night Safari, August 23, 2009
29merlion park3337

In between days ay naghanap din ako ng bagong flat na malilipatan namin ni Gard. As you all know, or maybe some of you know, we’re bringing the kids here to study and so we can be a family again. Viewing dito, viewing doon until we finally found the right place for us live in: a 2-BR, half-furnished corner flat. And we’re moving in on the 1st of September! Nakakatuwa di ba? Things seem to be going pretty much according to plan. Pagbalik ni Gard galing US (yup, he left last Fri for a conference kaya alone na naman ako), aayusin na namin ang aming paglipat. This September, buo na kami 🙂

And to confirm all your speculations, YES, ako nga po ay totoong naadik rin sa Facebook. Eto lang kasi ang portal ko sa mga friends ko na nasa ibang bansa, na ayaw mag-Friendster dahil jologs daw. Nakakatuwa kapag nababasa mo ang mga shout-outs nila. Naa-update ako sa mga nangyayari sa kanila without really visiting their profiles unlike Friendster. Nakakaaliw rin ang iba’t ibang applications and quizzes na umagaw talaga sa aking precious time. I’m sure hindi lang naman ako ang naaadik sa Facebook, right bloggers? 😉

Eto po ang ilan sa mga “kinaadikan” ko sa Facebook:

PET SOCIETY at aking pet na si Yukiki…

pet societypet soc visit6580_1196753883680_1373464001_546537_3234563_n

BUDDYPOKE at mga kaibigang bloggers…

6460_1218250701087_1373464001_616952_2901947_n6460_1218242700887_1373464001_616937_1461275_n6460_1218237820765_1373464001_616927_4506643_n

FARM TOWN…

n1373464001_517282_1108022farmtown6420_1219839380803_1373464001_622113_3846395_n

at ang aking latest craze, RESTAURANT CITY 🙂

restaurant cityresto photo

Ngayong alam niyo na ang dahilan ng aking pagkawala, gusto ko naman kayong pasalamatan sa madalas pa ring pagbisita sa aking bahay. At salamat din sa mga nangulit na muli akong magsulat (at isa na roon si Joycee), dahil tulad ni Joycee, kayo rin ang isa sa aking mga inspirasyon. Sana ay tuluy-tuloy na ang aking pagbabalik, pero kung mawawala man ako ulit, hopefully you’d understand dahil alam niyo na ngayon kung ano ang dahilan 😉

May Facebook ba kayo? Just click here to add me. Kita-kits! 🙂


Thank you, and more…

Bago ko simulan ang isang mahaba-habang entry para sa linggong ito, komersiyal muna tayo…

Salamat po sa lahat ng mga tumangkilik ng aking produkto nakalipas na entry: sa mga nagbasa at nagkomento; sa mga nagbasa at hindi nagkomento; sa mga nag-ENJOY sa kuwento; sa mga nangialam kung bakit ENJOY ang pangalan ko at sa mga nag-imbento nang derivatives ng aking alyas… salamat po sa inyo!

Wala na po akong utang at naikuwento ko na sa inyo nang buong-buo ang pinagmulan ng aking alyas. Hindi man ako nakasali sa Name Game tag, eh nagkaroon pa rin ako ng sarili kong bersyon. He-he-he! At kung ikaw ay bago lamang dito sa aking pahina at nagtataka kung anong kalokohan sinasabi ko, puntahan mo ito nang iyong malaman. 🙂

❀❀❀❀❀infinite_eight

Speaking of tag, tatlong bagong tag ang natanggap ko nitong nakalipas na linggo. At dalawa dun ay nagmula sa aking paboritong super hero na si Batman, este Super G pala [kasi naman parang si Batman na nanlilisik ang mga mata ‘yung andun sa upper-right side ng kanyang pahina] . Hehehe! Sa kanyang entry ay nadiskubre kong ako pala ay isang “palakaibigang adik.

Eh SuperG, kelan ba ko narehab? Mukhang di ko nabalitaan ‘yun ha. 😀

Anyway, ang rule ng unang tag o ang “Eight Tag” ay maglista lamang ng walong mga bagay patungkol sa mga kategorya na mababanggit ko sa ibaba. At ito ay akin na nga pong sisimulan…

8 Things I’m Looking Forward To

  1. September – birthday kasi ‘yun ng mga kiddos at uwian time… miss ko na sila 😦
  2. Last week of August – secret muna ngayon kung bakit. when the time comes, idi-divulge ko rin sa inyo. basta excited na ako 😆
  3. pagpunta ng mga kids dito – konting tiis na lang at kasama ko na sila. woopeee!
  4. May 1 – Labor Day kaya holiday… magba-bonding kami ni Gard doon sa Sentosa 🙂
  5. Bagong job opportunity – gusto ko na talaga magka-trabaho… waa!
  6. facial & a good massage – tagal na since last facial at massage ko. kaya i really need them now 😦
  7. LV, Chanel or Gucci bag – pangako ito ni Gard sa akin. sana matupad 😎
  8. My own domain name – opo, tumpak kayo dyan! pinag-iisipan ko na pong bumili ng sarili kong domain name na magagamit habambuhay. aheks! babalitaan ko kayo tungkol dyan 🙂

8 Things I Did Yesterday

  1. naghanap ng trabaho sa internet…
  2. nagblog-hop tulad ni Super G pero ako naman ay nakigulo at nangialam. hehehe…
  3. nag-Facebook at naglaro ng Yoville! 😆
  4. na-check ng email at nag-update ng feeds…
  5. nagluto ng tinolang manok na walang dahon ng sili dahil hindi uso ‘yun dito sa SG…
  6. naglibot sa mall para maghanap ng bathrobe [pero di naman ako nakahanap]…
  7. naglaro ng Bomberman sa PSP…
  8. tumawag sa mga aking mga dyunakis na super miss ko na!

8 Things I Wish I Could Do

  1. abutin ng dila ang siko ko…
  2. abutin ang talampakan ko nang di yumuyuko…
  3. mag-bungee jumping [grave! wish ko talaga ito pero dahil sa ako nga ay isang acrophobic, mananatili na lang siyang wish :roll:]…
  4. makipagbiritan kay Charice Pempengco…
  5. makapag-around the world with my family…
  6. ma-meet ang lahat ng nasa blogroll ko…EYEBALL TAYO! Wohoo!
  7. mameet in person si Obama at sabay magpa-picture sa harap ng Pyramid of Egypt 😀
  8. makabuo ng isang foundation/organization/cooperative na tatapos sa problemang pang-sikmura ng mundo…

8 Shows I Watch [Super G, shows pala hindi movie… hehehe!]

  1. Oprah – dahil enlightening and heart-taking ang karamihan sa kanyang mga episodes…
  2. The Ellen Degeneres Show – dahil napaka-cowboy niya at cool kahit siya ay 50+ na [kahit na siya pa ay tibo; pero di ako tibo]…
  3. TV Patrol – para maging updated pa rin sa showbiz mga nangyayari sa ating bansa…
  4. Goin’ Bulilit – dahil nakakaaliw sila. eto trip ko, walang pakialamanan 😆
  5. American Idol – dahil kay Adam at Anoop [gusto ko si Anoop… promise! kahit na isa pa siyang anap/napster/indian. he rocks! sayang nga lang at maaga siyang natigbak]
  6. Heroes – dahil gusto ko rin maging hero tulad ni Sylar! 😈 joke naman siempre… pwede na ‘yung power ni Matt Parkman na kayang basahin ang isip at magteleport thru time/freeze the time tulad ni Hiro Nakamura 😆
  7. Tayong Dalawa – dahil adik dito si Gard at nadadamay ako ‘pag nanonood na siya…
  8. at siempre ONE TREE HILL – dahil sa gusto ko, paki mo! hehehe… da best po kasi ito talaga para sa akin. hanep sa mga twist at talaga namang very touching ang mga episodes. at dito aaminin ko, adik talaga ako 😆

8 People I Tag

  1. AC
  2. Kellie
  3. Duchess
  4. Sandijmartin
  5. Dencios
  6. Teen Toinks
  7. Ka ELIment
  8. AZEL

Ayan, natapos ko na rin ang unang tag. At isinagad na ni Super G ang pagpapatunay na ako nga ay isang palakaibigan dahil ibinigay niya rin sa akin ang… [drum roll please]

blogger_friendship_award_2009 … na akin pa ring ipinapasa sa walong taong una kong itinag doon sa itaas. Kasama na rin sina Azel, Bhing, Nebz, Joycee, Dylan, Jeremiah, Karen at Nortehanon.

Ang rule nito ay:

  1. Place the logo / banner on your blog.
  2. Add a link to the blog who gave the award.
  3. Nominate at least 7 other blogs. (It says at least! If you’ve got more friends, go ahead)
  4. Add links to the blogs that you have nominated.
  5. Let them know by leaving a message (shout) on their blogs.

❀❀❀❀❀

At ang huling tag na tinawag na “Bag Tag” ay nanggaling naman sa aking bagong ka-blog na si Karen (applause… applause) at ang rules ay ito:

  1. Post a picture of whatever bag you are carrying as of late. No, you can’t go into your closet and pull out your favorite purse! We want to know what you carried today or the last time you left the house.
  2. List how much it cost. And this is not to judge. This is for entertainment purposes only. So spill it. And if there is a story to go along with how you obtained it, we’d love to hear it.
  3. Tag some chicks. And link back to this post so people know why the heck you’re showing everyone your bag.

**In the rules we need to spill it out about the amount of our purse.

So this is the bag I last used when I met with Gard’s friends last Saturday. Isang brown Charles & Keith bag na regalo ni Gard noong aking berdey kasabay ng iba pa niyang mga regalo. Hehehe! ‘Yan na lang daw muna kasi hindi praktikal sa panahon ng krisis kung LV o Gucci ang bibilhin niya. Sabi pa niya, “it’s the thought that counts.” May say pa ba ako dun? 🙂

img_6864 img_6873

Ayon pa sa rule, kailangan daw isiwalat ang halaga ng bag na ito hindi upang i-brag o ipagyabang pero for entertainment purposes lang daw [ano ito, variety show?! 😛] pero para sa akin ay hindi naman importante kung magkano ang halaga ng isang bag. O kung may tatak man ito o wala. Ang mahalaga ay kapaki-pakinabang ito at may kabuluhan sa buhay mo. Kahit na bayong lang kasi ang dala mo araw-araw, kung gamit mo naman ito para sisidlan ng iyong mga pinamili ay malaki pa rin ang halaga nito. Kaya para maiba ay hindi ko idi-divulge ang halaga ng aking bag. Pero praktikal at affordable naman ito. Trendy at handy para sa aking mga anik-anik.:)

At ang tag na ito ay ipinapasa ko sa mga girls sa aking blogroll. No pressure. Kung trip niyong kunin, pakikuha na lang po. 😀

Salamat po!  049

chic1


Semana Santa ni Enjoy

Buhay na naman ang blogosperya at busy na naman ang mga keyboard. Makalipas ang mahaba-habang bakasyon na dala ng kwaresma, handa na naman ang bloggers sa pagbabahagi ng kani-kanilang mga kuwento.

Hindi gaanong ginugunita ang lenten dito sa SG. For obvious reason that this is a multi-religious country na binubuo ng Buddism, Taoism, Confucianism, Muslim, Hinduism at iba pang -ism, maliban sa Francism (may he rest in peace). Kung kakalkulahin ay maliit na porsyento pa lamang ng Kristiyanismo ang naninirahan sa bansang ito kaya naman Biyernes lang ang idinideklarang holiday bilang respeto na rin sa ating relihiyon. Unang lenten season na wala ako sa Pinas. Namiss ko rin ang mga nakasanayan na natin sa tuwing sasapit ang kuwaresma:

Read more…


Paalam Mario…

Tahimik kong pinagmasdan si Mario. Hapis na ang kanyang payak na mukha. Halatang pagod na sa pagbibigay sa akin ng kasiyahan pero ni katiting ay wala akong narinig na pag-angal galing sa kanya. Gaano katagal na nga ba? Ilang panahon na niya nga ba akong pinagsisilbihan upang maging masaya lamang? Hindi ko inaasahan na darating ako sa punto na pagsasawaan ko na siya; na mawawala na ang dating kasiyahan na naramdaman ko sa piling niya. Siguro dahil dumating na si Charles sa buhay ko. Bagong mukha, batang-bata. Amoy mabango pa. Dapat ba akong matuwa sa dami ng mga nagdaan na sa akin? Pinilit ko namang maging responsable, pero anong magagawa ko kung laging may bagong dumarating? Marupok ba ako?  Siguro oo. Babae kasi ako. Mahina sa tukso, madaling magsawa.

Sa totoo lang naging masaya rin naman ako kay Mario. Naging magaan at maligaya rin naman ang pakiramdam ko sa tuwing ihaharap ko siya sa maraming tao. Nakakatuwa kapag may humihinto para lingunin kami. Gusto kong magyabang dahil alam kong inggit lang sila sa akin. Sa pag-uwi namin sa bahay, pagod man ako sa mahabang paglalakbay masaya pa rin ako dahil alam kong kinabukasan ay muli kong makakasama at makakaniig si Mario. Ngunit dumating na nga ang araw na ito.

Sa pagkakataong ito, sana ay mapatawad ako ni Mario. Hindi ko ginustong kalimutan siya at ipagpalit kay Charles. Naging mahina ako sa pang-aakit sa akin ni Charles. Alam ko na kahit iisantabi ko na siya o tuluyan nang kalimutan ay may isang nilalang pa rin na aako sa kanya at magmamahal kahit na sa ganoon niyang kalagayan. Sana ay hindi niya makalimutan na minahal ko rin siya tulad ng pagmamahal na ibibigay ko ngayon kay Charles. Sana ay madinig niya itong aking huling samo…

Patawad sa’yo Mario…D’ Boro. Luma ka na kasi eh, oras na para palitan ng bago. Uy, sensya na ha. Wag kang mag-alala, may kinang ka pa rin naman. May makikinabang pa rin sa’yo. 🙂

Mabuhay Charles & Keith! Susme! Sa wakas ay matitikman ka na rin ng aking mga paa. Sana ay wag mo akong biguin ha… 🙂

dsc00264 dsc00265

Huling alaala ni Mario                                        Ang aking si Charles

****

Eto ang aking unang entry para sa LP o Litratong Pinoy. Ang tagal na rin naantala nito. Sa wakas ay natuloy na rin ngayon. At ang tema para sa araw na ito ay… SAPATOS. 😀

chic1


French toast for breakfast, anyone?

Ayon sa research, ang breakfast daw ang pinaka-importanteng meal sa lahat. Tumutulong daw ito upang maging masigla at alerto tayo sa buong maghapon. Iilan lang siguro ang nakakaalam sa atin ‘nun dahil kadalasa’y lumiliban pa rin tayo sa pagsu-supply ng pagkain sa ating sikmura sa umaga at enerhiya sa katawan para sa buong maghapon.

Eh pano kasi, wala ka namang daratnan na agahan paggising mo sa umaga.

Male-late na kasi ako eh. Kape lang solb na ‘ko.

Busog pa ‘ko.

Ok fine. Kung iyan ang mga palusot mo, sige lang. Concern lang naman ako sa health mo. Ganyan din kasi ako noon, pero kalauna’y napag-aralan ko na rin alalahanin ang aking sikmura. Sabi nga, kung nakasanayan mong may laman ang tiyan mo sa umaga ay hahanap-hanapin mo na rin ‘yun. At dahil breakfast ang naisip kong topic ng blog ko ngayon, gusto ko na rin i-share sa inyo ang isang simpleng recipe para sa isang simpleng agahan. Nakakasawa rin kasi kung paulit-ulit na tinapay na papalamanan mo ng itlog o peanut butter ang almusal mo. Wala ng variation. Pwede rin ang sinangag na bahaw pero ubos oras din ‘yun. Kaya ito na ang simpleng variation ng iyong agahang tinapay.

Simple French Toast Recipe

Ingredients

2 itlog

1/2 cups fresh milk

butter

4 hiwang pan amerikano (pwede na rin ang pandesal :))

Paraan ng paggawa

*Beat the eggs in a large bowl and add milk [pwede kang maglagay ng kaunting asukal base na rin sa iyong panlasa]. Sa katamtamang apoy lang, magtunaw ng butter sa isang kawali [kung sosyal ka naman, ok din ang teflon pan].

*edited due to unavoidable circumstances

Ilubog ang mga tinapay sa mixture; siguraduhin na well-coated ang magkabilang sides. Pagkatapos ay i-drain. Ilipat sa mainit na kawali at lutuin hanggang maging slightly brown. Baligtarin at lutuin ang kabilang parte. I-serve habang mainit pa kasama ang syrup. Maaari mo ring lagyan ng powdered sugar or cinnamon.

At eto na ang finish product! Dyaraaannnn!

O di ba? Ang simpleng gawin. Hindi mo na kailangan mag-exert ng so much effort. Abot kaya pa ng bulsa. Kung may budget ka naman, pwede kang gumamit ng low-fat milk at wholemeal bread katulad ng ginamit ko sa pictures sa itaas. Busog ka na, sigurado ka pang healthy ang breakfast mo.

Tara, kain na! 🙂


Pikchur… pikchur IIa (Alay kay SuperG, et al.)

Dahil sa matinding pressure at pangamba na di ako patulugin ng komento ni SuperG, o sige at eto na agad ang isa pang sequel ng sequel ng photoblog sequel ko kanina [ang gulo… basta karugtong. ‘yun na ‘yun].

I took the first two pictures last year, noong maiisipan naming magpunta sa Bintan, Indonesia, isang island resort na halos kalapit lang ng Singapore kung saan naglipana ang mga babaeng naka-bikini [at walang bikini]. Zoom lens ang gamit ko dyan kaya hindi obvious na minamanyak binobosohan kinukunan ko ng pikchur ang dalawang caucasians na ‘to. Minabuti kong ‘wag na lang kunan ang ibang bagay na ginawa pa nila habang nagtatampisaw sa shower na yari sa palaka [kung ano ang naisip ng may-ari ng resort at ginawang palaka ang shower, ‘yan ang di ko rin alam] dahil amshure, dito pa lang sa mga piktyurs na ito, eh makakasuhan na ako ng invasion of privacy. Ngayon ang dasal ko na lang ay sana di sila mahilig mag-blog at internet… hehehe!

img_3028 img_3030 img_5391 sayaw neneng, sayaw...

img_5396 F1 ladies img_5392

The rest of the pics were taken during the 3rd day of the F1 race here in Singapore. These girls were out in the street to entertain the fanatics who’ve watched the race. Nagulat ako sa biglang pagsulpot nila kaya pagpasensyahan mo na superG kung medyo blurry ang ilan sa mga kuha. Medyo madilim kasi ‘yang part na ‘yan at bigla na lang silang sumulpot sa kung saan. Hehehe!

So there you go! Nailabas ko na ang mga nakatago ko sa baul. Mahirap kasi kung puro chicks ang lagi kong kukunan at baka magtuloy ang naudlot kong identity crisis. Natupad ko na rin ang promise ko s’yo superG. Wala na ‘kong utang ha. Sensya na nga lang at hindi ito tulad ng marahil ay inaasahan mong piktyur na pang-FHM. ‘Wag ka lang pahuhuli kay Grasya habang view mo ito ha at malamang ay mag-ala wonderG ‘yun. Hehehe!

Enjoy :p


Pikchur… pikchur II

Eto na ang sequel ng aking photoblog na “Pikchur…pikchur”. Nabanggit ko ba sa inyo na mahilig din ako sa nature? Kahit naman siguro sino ay maiinlab sa ganda ng ating kalikasan at para sa akin, hindi sapat na pagmasdan mo lang sila. Mas masarap kung naidokumento mo rin ang isinabog na biyaya ng nasa Itaas upang maibahagi mo naman sa iba. Kumpletong-kumpleto ang pakiramdam.

img_15481 kaibigang langgam img_1581 img_1615 img_1644 kamias

Ito ay ilan sa mga kuha ko noong dumalo ako sa isang Garden Festival na taunang ginagawa dito sa Singapore. Na-amaze ako sa mga landscapes na tunay na mga halaman ang ginamit at itinanghal sa isang air-conditioned hall para mapanatili ang freshness ng mga ito up to 3 days. I was awed by what I witnessed that day. 🙂 Muntik na nga akong di makapag-picture.

img_3667a img_3750a img_3673 img_3815b img_3803b

Ang ganda ng kalikasan ay simbulo ng bagong pag-asa sa ating buhay. Sa bawat pagsibol ng bagong tanim na buto, ang kapalit ay isang pag-asa na mabubuhay itong malago at mayabong. Sa buhay, marami ang daraan na pagsubok na hindi mo inaaasahan. Mga pagbabago na biglaang darating na kailangan mong harapin. Hindi ka man sigurado na magiging maganda o mayabong ang resulta ng iyong pagsisikap, pero dapat huwag ka pa rin mawalan ng pag-asa na makukuha mo rin ang bagay na iyong inaasam… gaano man kahirap ang iyong pagdaraanang proseso.

Ang blog na ito ay handog ko sa mga tulad kong kasalukuyang naguguluhan at naghahanap ng katahimikan sa magulong mundo ng buhay.


Pikchur…pikchur I

Wala itong kinalaman sa Valentine’s day pero malaki ang kinalaman nito sa buhay ko kaya hayaan ninyong i-share ko naman sa inyo.

Dito ko ginugol ang ilang mga boring days ko dito sa Singapore pati na rin sa mga panandaliang pagbisita sa Pinas. Ito ang aking part-time libangan, photography. Bakit part-time? Una ay dahil sa wala naman talaga akong alam sa mga settings pagdating sa pagkuha ng piktsur. Medyo may katamaran ako sa pag-intindi ‘nun [aperture, focal point, shutter speed, etc…] pero may kaunti na rin namang nalalaman. Ikalawa, wala akong tiyagang sumama sa mga photoshoots nga mga kachokaran ko dito. Bukod sa malalayo ang lugar, hindi rin keri ng powers ko ang tiyaga nila sa paglalakad ng malayo, lalo na ‘pag katindihan ang sikat ng araw. At ikatlo, walang binatbat ang lens kong 18mm-55mm sa hi-tech lens nila. ‘Yung tipo bang kailangan ko pang lumapit sa subject ko para lang makunan ng focus, at bago ko pa mapindot ang shutter eh naglaho na agad sa paningin ko [kumpara sa zoom at micro lens nila :(]. Nevertheless, I’m still happy with my Canon EOS 400D. Di naman ako propesyunal kaya lab ko na ‘to. Sa lens lang naman talaga nagkakatalo.

Continue reading this entry…


Malaysia – kakasa ka ba?

Yey!

Sa wakas ay nagkaroon na rin ako ng panahon para harapin ang pagba-blog. Medyo antagal din nanahimik ng utak ko sa pag-iisip ng maikukuwento. Kung tutuusin hindi naman ako talagang busy dahil wala pa rin naman akong trabaho. Masarap lang manahimik paminsan-minsan dahil pagod pa ang bibig ko sa kakatalak [mula sa isang di makakalimutang trip] at pati ang utak ko ay mistulang tumatalak din. Slightly damaged ako noong mga nakalipas na araw kaya ang resulta: complete shutdown. Pero OK na ulet ako ngayon kaya dadaldalin ko na kayo. 😀

Noong bagong tuntong ako dito sa Singapore winish kong makarating din sana ako sa Malaysia. 6 hours bus ride lang ang capital nitong Kuala Lumpur mula SG kaya yakang-yaka ang biyahe. Para lang akong nagbiyahe mula Manila papuntang Baguio, may kasama pang free scenic views. Kaya ng magkaroon ng [very] long vacation in time for the Chinese New Year, sinunggaban na namin ng mga friends ni Gard. After ng bowling about 2 weeks ago, dumiretso agad kami sa bus terminal para bumili ng tiket papuntang Kuala Lumpur, Malaysia. Ang trip to Malaysia – GO NA GO NA!!!

Continue reading this entry…