Posts tagged “tigbakan

To blog or not to blog?

Bata pa lang ako ay mahilig na kong magsulat —poem, short story, feature story. Kaya nung mag-kolehiyo ako ay naisipan ko agad kumuha ng kursong Journalism na kalauna’y nauwi sa Broadcasting. Hindi ko man natupad ang pangarap na iyon, masarap pa rin sa pakiramdam na nagagamit ko ito sa ibang paraan tulad nang  sa pagkukuwento at pakikipag-usap sa mga taong hindi ko man nakikita at nakakasalamuha ng personal, ay nagbabasa pa rin sa aking sinusulat.

Blogging. Sabi ko nga ay ilang beses na akong gumawa ng blogs sa mga networking sites (Friendster at Multiply) na kung saan ay may mahigit sa 200 katao ang nasa aking listahan. Pero iilan lang sa kanila ang nagbasa at nagkaroon ng oras na magkomento. Kung minsan ay wala pa nga. Para lamang akong nakikipag-usap sa aking sarili. Kaya naman sinubukan kong lumabas mula sa mga dating lungga. At kayo nga ay aking nakilala.

Ano ba ang gusto mong tumbukin?text

I had a YM conversation with a friend the other day. Let’s call her B. Isang mahaba-habang pag-uusap na sa kalagitnaa’y halos kinayamutan ko na. Tinanong niya ko kung bakit pinag-aaksayahan ko ng panahon ang blogging gayong wala naman akong napapala rito. Ni hindi ako kumikita ng pera at sinasayang lamang nito ang aking oras. Sabi niya pa, I could use my “spare time to something profitable“. She even cited some of my interests (photography, layout design) wherein I can use to make money.

The following are extracted from our exact chat conversation:

B: hay buti ka pa, pablog-blog na lang… tyaga mo din noh

Enjoy: diversion… outlet. buro na ko dito. ska nakakaaliw din kasi marami na kong nakilalang pinoy bloggers all over the world

B: ba’t di mo try foreigners? 😉

E: ano naman ang gagawin ko sa kanila? tagalog ang blogs ko. (at may iba pa akong binanggit tungkol sa ibang social networking sites)

B: ah basta. di ko feel gumawa ng iba pang new accounts. katamad saka ala na ko time.

E: kanya-kanyang trip lang naman din yan

B: oo nga kaya nga buti ka pa may tiyaga sa ganyan. ako kasi nalagpasan ko na yang stage na yan.

E: nakakatulong din lalo na pag out of the country. marami na kong nakilalang bloggers na professional ska aged 30-up na. pero minsan natatamad na rin ako kasi nauubusan na ko ng topic e

Dito na siya nagsimulang ipasok ang suhestiyon tungkol sa pagnenegosyo. Ibinida pa niya ang isang kaibigan na dito na rin naninirahan kasama ang lokal na asawa na ngayon ang nagpapa-order ng pastries. Pero sabi ko nga hindi ko pa kayang magtayo ng negosyo dahil pinag-iipunan namin ang paninirahan namin dito.

b: bro, use your spare time to something profitable (we call each other “bro”). learn how to bake. interesado ka to take pix. the more na dapat may extra income ka.

e: pano ako mag-aaral mag-bake eh wala naman kaming oven? umuupa lang nga kami. i’m not that into photography. no matter how much i wanted to put up a business imposible talaga ngayon. walang resources. yung blogging, as i said diversion lang while i’m looking for work.

b: ano ba mahihita mo sa blog na yan? …true diversion pero meron namang “diversion” na kung saan you find yourself having income bro… yun lang naman ang sa akin. use your talent wisely. (tahimik lang ako) kahit kami taghirap din so since aware na tayo sa ganyang sitwasyon, think of something na mabawasan ang hirap instead na you spend time blogging.

e: bro, this is an outlet. hindi ko ito ginagawa everyday. i’m looking for a job. hindi ako nandito para mag-blog lang. it happens na alam mo na nagba-blog ako ngayon so tingin mo yun lang ang ginagawa ko (sa puntong ito ay medyo nayayamot na ako)

b: sa akin lang bro, you’re a very talented person. don’t think negatively sa sinabi ko. am not having or starting an argument sayo. up to you if you’ll accept my suggestion or not. sa akin lang true na nagiging outlet mo ang mag-blog pero after posting the blog… what’s next? you just expressed yourself sa friendly sites na di naman nababasa mga blogs na pinaghirapan at binigyan mo ng oras. gaya ng sabi ko… doesn’t mean not interested for not reading your blogs. time constraint din. so your emotions… your efforts… your time… for what?

e: bro hindi rin ako nakikipag-argumento sayo. sinasabi ko lang syo yung aking palagay. if you don’t read my blogs, ok lang naman pero sabi ko nga syo this is a different site and i’ve met people all over the world na. in my blogs, i receive more than 10 comments and it keeps coming. iilan nakakaalam nito but not anyone from (my previous company) or from my other friends. it helps lalo na ngayon na nahihirapan akong humanap ng work. siempre gusto ko mag-negosyo o magkapera. at tumatanggap po ako ng freelance work pero hindi gnun kalaki ang kita so bakit ko pa ikukuwento db? blogging is fulfilling. hindi mo pa lang nare-realize yun so as the rest of the people who scrutinize the blogging community. sabi ko nga syo diba, marami akong nakilalang professionals na bloggers din and they receive different citations. yun ang fulfillment dun. it’s not just a waste of time 🙂

Humaba pa ang usapan namin na nauwi sa pagdi-disclose ko ng plano kong pagbili ng sariling domain name. Sinabi ko na since blogging ang kasalukuyang interest ko ay magagamit ko ito para kumita ng pera. Ikinuwento ko kung paano. Kinailangan kong ipaalam sa kanya para matigil na siya sa kapipilit na wala akong mahihita sa pagba-blog.

B is one of my trusted friends. She’s a blunt talker and straight shooter. Kahit alam niya na maapektuhan ako sa sasabihin niya, she wouldn’t stop talking until she proved her point. But B is also opinionated and authoritative. Minsan kahit baluktot na ang pananaw niya o wala na sa lugar, dapat pa rin akong makinig.

Naiintidihan ko ang punto at kung ano ang nais niyang gawin ko. Kinumbinsi na rin niya ako minsan na bumalik sa Pinas at tanggapin ang offer ng dati kong kumpanya (B is a former colleague in that company) dahil nahihirapan akong magkatrabaho dito. Natutuwa ako dahil isa siyang persistent friend and she’s concerned about my future. But this time, alam kong wala na siyang karapatang panghimasukan ang mga interest ko sa buhay. Gaya ng hindi ko panghihimasok sa mga ginagawa niyang “kalokohan”. Ngunit hindi ko ito nagawang sabihin sa kanya dahil naging sensitibo pa rin ako sa kanyang maaring maramdaman. At hindi ko na rin nagawang ipaliwanag ang mga bagay na natutunan ko sa blogospiya dahil anuman ang sabihin ko, wala rin naman itong saysay para sa kanya.

To blog or not to blog? This is the question. And my answer is loud and clear.

Advertisements

Repost: Kontrabida

Pagdamutan niyo muna ito habang ako ay namamahinga pa rin. A repost from my old account 🙂

-0o0o0o0-

It really doesn’t matter whether it’s the villain or the hero. Sometimes the villain is the most colorful. But I prefer a part where you don’t know what he is until the end.
~ Glenn Ford

Hindi talaga kumpleto ang buhay kapag walang kontrabida. Eto raw ang nagpapasarap sa bawat yugto at eksena ng buhay mo. Kumbaga, kung may tamis dapat ay may asim din. Ano nga naman ang saysay ng isang pelikula kung puro bida lang? E di para lang siyang naglaro ng baril-barilan mag-isa? Ang okray di ba?

Nagpakulay ako ng buhok kahapon sa isang salon na malapit sa amin. Habang prenteng naghihintay na magkulay pula ang medyo brown kong buhok, isang maanghang na panlalait ang pumailanlang sa apat na sulok ng parlor. OMG! Nilalait ng isang kustomer at ng isa sa may-ari ng salon ang isa mga bading na beautician. Evils!

May-ari: Eh kasi naman bumili ng damit hindi naman bagay sa kanya.

Customer: Oo nga. Ang pangit niyang bading noh! Lalaking-lalaki yung itsura niya.

May-ari: Assistant nga siya ng partner ko (tomboy ang may-ari) bukas para mag-ayos sa kasal. Ayaw sa kanya nung bride. Di raw siya kagandahan.

Customer: Ay talaga naman noh! Mukha siyang kabayo! Naku ang sagwa talaga ng mukha niya.

Hay, nakakaawang bading. Buti na lang at umalis sandali ‘yung pobre kaya naman nagkaroon ng pagkakataon ang mga kontrabida na manlait at mang-api. Mahihiyang lumapit ang sinumang may masagwang mukha sa dalawang ito, lalo na sa aleng kustomer na simbaho ng imburnal ang amoy ng bunganga. Mukhang nakalimutan yatang mag-sepilyo ng isang buwan kaya naman mamamatay sa baho ang mabugahan ng kanyang hininga. Sana man lang nag-mouthwash kahit paano si manang o di kaya ay sinubukan niya munang tumingin sa salamin bago sinilaban sa apoy ang kapwa nya. Nakakaloka!!!

Continue reading…


Tuts My Barreh

Dahil wala pa rin akong maisip na i-blog matapos ang aking kalituhan kahapon, naisipan kong magpalipas na muna ng stress. Nahalungkat ko sa email ang isang lumang video na pinadala ng aking reliable friend [na siya ring nagpadala ng eskandalosang recording ng isang agent at mapanghamak na pinay] at muli kong pinanood at pinakinggan upang muli ring matawa sa kakaibang Mariah Carey-wannabe na itech. Nakakaloka lang dahil talagang feel na feel niya ang pagbirit with matching hand gestures pa ha. Kaya eto, kung gusto mo ring panandaliang mawala ang iyong stress at problema, halina’t makinood ka na rin. Pwede ka rin makisabay dahil may kasamang lyrics yan. Hehehe!

Taralets! Watch and enjoy 😆

Touch My Body (Korean Version)

chic4


I’ve Been Tagged!

Mood: Chaotic but surviving… in the midst of darkness, thanks for being around folks:)

Sa tinagal-tagal ng pag-istambay at paggagala ko dito sa blogosphere ay ngayon pa lang ako nakatanggap ng award. Sa totoo lang, muntik na akong maiyak [oha! totoots ‘yun. teary-eyed pa nga ako hanggang ngayon]. At bakit naman hindi?! Ang tag kasi ay galing pa sa unang blogger na natagpuan ko dito, ang unang nagpahanga sa ‘kin, si Aling Baby. Akala ko kasi ay nananatiling tahimik ang mundo ko sa kanya but it looks like I have also caught her attention. Salamat naman kung gayon 🙂

Eto ang rule ng tag na ito:

Continue reading this entry