Posts tagged “photography

Semana Santa ni Enjoy

Buhay na naman ang blogosperya at busy na naman ang mga keyboard. Makalipas ang mahaba-habang bakasyon na dala ng kwaresma, handa na naman ang bloggers sa pagbabahagi ng kani-kanilang mga kuwento.

Hindi gaanong ginugunita ang lenten dito sa SG. For obvious reason that this is a multi-religious country na binubuo ng Buddism, Taoism, Confucianism, Muslim, Hinduism at iba pang -ism, maliban sa Francism (may he rest in peace). Kung kakalkulahin ay maliit na porsyento pa lamang ng Kristiyanismo ang naninirahan sa bansang ito kaya naman Biyernes lang ang idinideklarang holiday bilang respeto na rin sa ating relihiyon. Unang lenten season na wala ako sa Pinas. Namiss ko rin ang mga nakasanayan na natin sa tuwing sasapit ang kuwaresma:

Read more…

Advertisements

Paalam Mario…

Tahimik kong pinagmasdan si Mario. Hapis na ang kanyang payak na mukha. Halatang pagod na sa pagbibigay sa akin ng kasiyahan pero ni katiting ay wala akong narinig na pag-angal galing sa kanya. Gaano katagal na nga ba? Ilang panahon na niya nga ba akong pinagsisilbihan upang maging masaya lamang? Hindi ko inaasahan na darating ako sa punto na pagsasawaan ko na siya; na mawawala na ang dating kasiyahan na naramdaman ko sa piling niya. Siguro dahil dumating na si Charles sa buhay ko. Bagong mukha, batang-bata. Amoy mabango pa. Dapat ba akong matuwa sa dami ng mga nagdaan na sa akin? Pinilit ko namang maging responsable, pero anong magagawa ko kung laging may bagong dumarating? Marupok ba ako?  Siguro oo. Babae kasi ako. Mahina sa tukso, madaling magsawa.

Sa totoo lang naging masaya rin naman ako kay Mario. Naging magaan at maligaya rin naman ang pakiramdam ko sa tuwing ihaharap ko siya sa maraming tao. Nakakatuwa kapag may humihinto para lingunin kami. Gusto kong magyabang dahil alam kong inggit lang sila sa akin. Sa pag-uwi namin sa bahay, pagod man ako sa mahabang paglalakbay masaya pa rin ako dahil alam kong kinabukasan ay muli kong makakasama at makakaniig si Mario. Ngunit dumating na nga ang araw na ito.

Sa pagkakataong ito, sana ay mapatawad ako ni Mario. Hindi ko ginustong kalimutan siya at ipagpalit kay Charles. Naging mahina ako sa pang-aakit sa akin ni Charles. Alam ko na kahit iisantabi ko na siya o tuluyan nang kalimutan ay may isang nilalang pa rin na aako sa kanya at magmamahal kahit na sa ganoon niyang kalagayan. Sana ay hindi niya makalimutan na minahal ko rin siya tulad ng pagmamahal na ibibigay ko ngayon kay Charles. Sana ay madinig niya itong aking huling samo…

Patawad sa’yo Mario…D’ Boro. Luma ka na kasi eh, oras na para palitan ng bago. Uy, sensya na ha. Wag kang mag-alala, may kinang ka pa rin naman. May makikinabang pa rin sa’yo. 🙂

Mabuhay Charles & Keith! Susme! Sa wakas ay matitikman ka na rin ng aking mga paa. Sana ay wag mo akong biguin ha… 🙂

dsc00264 dsc00265

Huling alaala ni Mario                                        Ang aking si Charles

****

Eto ang aking unang entry para sa LP o Litratong Pinoy. Ang tagal na rin naantala nito. Sa wakas ay natuloy na rin ngayon. At ang tema para sa araw na ito ay… SAPATOS. 😀

chic1


Pikchur… pikchur IIa (Alay kay SuperG, et al.)

Dahil sa matinding pressure at pangamba na di ako patulugin ng komento ni SuperG, o sige at eto na agad ang isa pang sequel ng sequel ng photoblog sequel ko kanina [ang gulo… basta karugtong. ‘yun na ‘yun].

I took the first two pictures last year, noong maiisipan naming magpunta sa Bintan, Indonesia, isang island resort na halos kalapit lang ng Singapore kung saan naglipana ang mga babaeng naka-bikini [at walang bikini]. Zoom lens ang gamit ko dyan kaya hindi obvious na minamanyak binobosohan kinukunan ko ng pikchur ang dalawang caucasians na ‘to. Minabuti kong ‘wag na lang kunan ang ibang bagay na ginawa pa nila habang nagtatampisaw sa shower na yari sa palaka [kung ano ang naisip ng may-ari ng resort at ginawang palaka ang shower, ‘yan ang di ko rin alam] dahil amshure, dito pa lang sa mga piktyurs na ito, eh makakasuhan na ako ng invasion of privacy. Ngayon ang dasal ko na lang ay sana di sila mahilig mag-blog at internet… hehehe!

img_3028 img_3030 img_5391 sayaw neneng, sayaw...

img_5396 F1 ladies img_5392

The rest of the pics were taken during the 3rd day of the F1 race here in Singapore. These girls were out in the street to entertain the fanatics who’ve watched the race. Nagulat ako sa biglang pagsulpot nila kaya pagpasensyahan mo na superG kung medyo blurry ang ilan sa mga kuha. Medyo madilim kasi ‘yang part na ‘yan at bigla na lang silang sumulpot sa kung saan. Hehehe!

So there you go! Nailabas ko na ang mga nakatago ko sa baul. Mahirap kasi kung puro chicks ang lagi kong kukunan at baka magtuloy ang naudlot kong identity crisis. Natupad ko na rin ang promise ko s’yo superG. Wala na ‘kong utang ha. Sensya na nga lang at hindi ito tulad ng marahil ay inaasahan mong piktyur na pang-FHM. ‘Wag ka lang pahuhuli kay Grasya habang view mo ito ha at malamang ay mag-ala wonderG ‘yun. Hehehe!

Enjoy :p


Pikchur… pikchur II

Eto na ang sequel ng aking photoblog na “Pikchur…pikchur”. Nabanggit ko ba sa inyo na mahilig din ako sa nature? Kahit naman siguro sino ay maiinlab sa ganda ng ating kalikasan at para sa akin, hindi sapat na pagmasdan mo lang sila. Mas masarap kung naidokumento mo rin ang isinabog na biyaya ng nasa Itaas upang maibahagi mo naman sa iba. Kumpletong-kumpleto ang pakiramdam.

img_15481 kaibigang langgam img_1581 img_1615 img_1644 kamias

Ito ay ilan sa mga kuha ko noong dumalo ako sa isang Garden Festival na taunang ginagawa dito sa Singapore. Na-amaze ako sa mga landscapes na tunay na mga halaman ang ginamit at itinanghal sa isang air-conditioned hall para mapanatili ang freshness ng mga ito up to 3 days. I was awed by what I witnessed that day. 🙂 Muntik na nga akong di makapag-picture.

img_3667a img_3750a img_3673 img_3815b img_3803b

Ang ganda ng kalikasan ay simbulo ng bagong pag-asa sa ating buhay. Sa bawat pagsibol ng bagong tanim na buto, ang kapalit ay isang pag-asa na mabubuhay itong malago at mayabong. Sa buhay, marami ang daraan na pagsubok na hindi mo inaaasahan. Mga pagbabago na biglaang darating na kailangan mong harapin. Hindi ka man sigurado na magiging maganda o mayabong ang resulta ng iyong pagsisikap, pero dapat huwag ka pa rin mawalan ng pag-asa na makukuha mo rin ang bagay na iyong inaasam… gaano man kahirap ang iyong pagdaraanang proseso.

Ang blog na ito ay handog ko sa mga tulad kong kasalukuyang naguguluhan at naghahanap ng katahimikan sa magulong mundo ng buhay.


Pikchur…pikchur I

Wala itong kinalaman sa Valentine’s day pero malaki ang kinalaman nito sa buhay ko kaya hayaan ninyong i-share ko naman sa inyo.

Dito ko ginugol ang ilang mga boring days ko dito sa Singapore pati na rin sa mga panandaliang pagbisita sa Pinas. Ito ang aking part-time libangan, photography. Bakit part-time? Una ay dahil sa wala naman talaga akong alam sa mga settings pagdating sa pagkuha ng piktsur. Medyo may katamaran ako sa pag-intindi ‘nun [aperture, focal point, shutter speed, etc…] pero may kaunti na rin namang nalalaman. Ikalawa, wala akong tiyagang sumama sa mga photoshoots nga mga kachokaran ko dito. Bukod sa malalayo ang lugar, hindi rin keri ng powers ko ang tiyaga nila sa paglalakad ng malayo, lalo na ‘pag katindihan ang sikat ng araw. At ikatlo, walang binatbat ang lens kong 18mm-55mm sa hi-tech lens nila. ‘Yung tipo bang kailangan ko pang lumapit sa subject ko para lang makunan ng focus, at bago ko pa mapindot ang shutter eh naglaho na agad sa paningin ko [kumpara sa zoom at micro lens nila :(]. Nevertheless, I’m still happy with my Canon EOS 400D. Di naman ako propesyunal kaya lab ko na ‘to. Sa lens lang naman talaga nagkakatalo.

Continue reading this entry…