Posts tagged “Life

The Best Things in Life are FREE!

For many years, I have thought that money can buy happiness. That we can find its true meaning from things that glitter – new clothes, new bags, new jewelries. And for many years, the proverb “All that glitters are not gold” has proven me wrong.

I remember when I was in my early twenties, I would always visit a mall to window shop when I was sad or depressed. I never went home empty handed. If it wasn’t the mall, I would visit a spa and have a relaxing back massage or a facial spa. I’d always find comfort in things like a new manicure, a new pair of shoes, unbranded bags or clothes, or even in a new headband! No matter how invaluable things were as long as I bought something for my self, I couldn’t care less. Then I’d feel happy. You know that wide smile you see on a child’s face when she finally got what she had been wanting for a long time? I’ve mastered that smile. My happiness, though, wouldn’t always last too long. At the end of the day, I was as empty as my pocket.

When our family migrated here in Singapore, I learned to value the things that cannot be seen or touched: a warm embrace, a short text message from our relatives in the Philippines saying “how are you?”, simple gatherings with friends. I only have few friends here whom I see most of the time. Some are so busy living their fast paced life catching up with their tight schedules. Some are not always around but you will feel their presence at times when you need them most. I don’t need to buy their time. They’re FREE.

I am learning to love the smell of the rain because the rain here is not as natural as it may seem. I am learning to love the company of silence and the chirping of the crows in the background. They give me a feeling of serenity. Our home is my comfort zone and I always find solitude in it. I don’t need to spend money and travel away from the city. A blissful, solitary moment is always close at hand.

I’m currently unemployed but I work more than 12 hours a day, 7x a week, as a mother and a housewife. I go to bed so effin’ tired most of the time. But knowing that my family is comfortable because I make sure there’s a satisfying food on the table, or they lie on fresh linen sheets, I feel great. Taking these things into account, I couldn’t be happier.

A month ago I celebrated my birthday. The third time here since we moved in this country. It’s just a small gathering and only a few close friends were invited, including a blogger friend whom I’ve been dying to meet personally because I only get to chat with her online. Our house was jam-packed and was filled with laughter from people who have met each other only that day. One friend even commented, “grabe ang saya ang birthday party mo… as in! feeling namin, matagal na naming ka chicka yung mga visitors mo.. hehehe.. saya saya!!! =)”. Although there were people who didn’t show up, some foods have gone bad, and I was left with a broken couch and a center table, I couldn’t compare the happiness I felt that very day. It’s beyond words. Immeasurable, if I may say.

I know now what matters most. I know now that…

It’s often true, right. Just forget about the price tags. 🙂

Advertisements

Ang Kuwento ng Isang Hurado

Hindi pa full blast ang aking pagbabalik-blogosperyo pero nais ko muna ikuwento ang isang magandang oportunidad na dumating sa akin.

Noong una’y sapat na sa akin ang magsulat, magkuwento at magpahayag ng aking sariling opinyon dito sa mundo ng blogosphere. Lumipas ang ilang mga posts at nakakilala ako ng mga online bloggers at ilang followers. Na-inspire at naging isang follower din. Kuntento na sana ako sa ganoon, ngunit nang magbukas ng pinto para sa ikalawang taon ng pakontes ang PEBA (Pinoy Expat/OFW Bloggers Award), minabuti kong ibahagi ang aking sariling kuwento – pagbabahagi na di naman talaga naghangad ng anumang gantimpala o pagkilala, kung hindi upang mailabas lamang ang sariling hinagpis bilang isang anak at may-bahay ng isang OFW. Kaya ng mapabilang ako sa Top 5, halos lumundag ako sa tuwa. Hindi ko iyon in-expect.

Isang taon na ang nakalipas at ako ay muling nagbabalik-PEBA ngunit ngayon ay bilang isa sa mga hurado. Isang opportunity na napakahirap palagpasin, at napakahirap magampanan. Kung sa tingin mo ay sapat na ang magbasa ay nagkakamali ka. Bukod kasi sa may criteria na sinusunod ay kailangan mong patatagin ang itong emosyon. Mahirap ang maging symphatetic in times you are only requested to emphatize. Masakit sa dibdib, at sa ulo. If I were to decide, lahat siguro pipiliin ko na lang na manalo dahil lahat naman sill ay deserving. Pero kailangan ko pa rin ulit-ulitin ang pagbabasa upang may mapili akong number 1.

Ganito pala ang naging experience ng mga nakaraang hurado, NAKAKALOKA! 🙂

Hindi ko masasabi kung ako ba ay sinuwerte sa paghirang sa akin bilang isa sa mga hurado dahil mukhang magkakasakit na yata ako sa puso (at lagi na lang daw akong umiiyak sa tuwing magbabasa, sabi ng mga bagets ko 😆 ). But I wish all the finalists GOOD LUCK and CONGRATULATIONS, dahil para sa akin, lahat kayo ay WINNER!

Sa PEBA, congratulations for another successful year!


Alone Again Naturally

Ayokong malungkot!!! 🙂

Hindi naman talaga ako nalulungkot as in depressed na naiiyak. I just feel sad because I will be alone again. May business trip kasi si Gard sa Thailand for a week. Mamayang 8am na ang alis niya (1:25AM na ngayon). Uuwi siya on Friday, pagkatapos ay babalik ulit para tapusin ang kanyang project. Sa totoo lang, sanay na naman akong maiwan. Gustuhin ko man kasing sumama, napaka-impractical lalo na’t next month ay nakahanda na kaming lumipat ng bagong bahay. Sayang ang pera, pandagdag din iyon. Nasa sales kasi ang linya ni Gard kaya madalas ang kanyang business trip. Nakakalungkot dahil kahit may housemates ako dito, pagdating sa gabi, mag-isa pa rin akong matutulog. Uhm, hindi pala. Maaaring makasama ko pala ang mga “bisita” namin dito sa bahay. Madalas kasi magparamdam ang mga iyon. Marahil nais akong makatabi sa pagtulog. 🙂

Ayon sa isang personality quiz na sinagutan ko sa Facebook, (opo, ako po ay Facebook addict) dependent daw ang personality type ko. Hindi ko raw kaya ang mag-isa. Kumportable ako sa constant companionship. Sa isang banda ay tumugma sa akin ang resulta. Hindi kasi ako sanay kumain mag-isa. Nawawalan ako ng gana. Hindi rin ako sanay na maglakwatsa mag-isa, o kaya ay kahit mag-window shopping man lang. Mas masaya kung may kasama. Hindi nakakainip. Sa dalawang linggo na maiiwan akong mag-isa, pihadong restless na naman ang aking mga araw. Aalis na naman pala siya ulit next month. Isang linggong US trip naman para umatend ng isang conference. Sana nandito na ang mga kids para hindi na ako mag-iisa. Di bale, malapit na naman. Ilang tulog na lang kasama na namin sila. Yahoo!!!

Ayokong malungkot… sasamahan niyo ba ako? 🙂


Simpleng Kumplikado

Life is Beautiful by Vega4

Nakaradam ka na ba ng disappointment kapag may mga bagay kang gusto na hindi mo makuha? Nagawa mo na bang umiyak dahil pinanghinaan ka ng loob at dahil dito ay hindi mo nagawa ng maayos ang iyong papel? Naisipan mo na bang sumuko dahil sa dalas ng iyong pagdarasal ay pawang wala ka pa ring makuhang kasagutan sa iyong mga panalangin? Maaaring “oo” ang sagot ng karamihan. Maaari rin naman na “hindi” ang sagot ng iba pa. Kung ako ang tatanungin mo, nasa linya ako may karatulang OO.

Sabi nga ni Kellie sa kanyang entry, mas mabuti pa raw ang mamuhay noon sa panahon ng mga hobbits kasama si Frodo at Gandalf, simple ang buhay. Magtatago at kakain pagkatapos ay matutulog. Pero naisip ko lang, paano ba naging simple ang isang pagtatago? Hindi ba’t kumplikado pa rin ito? Kailanman yata ay hindi naging simple ang buhay. Dahil kung ginawa ito upang maging simple lamang, mawawalan ka ng misteryong tutuklasin; mawawalan ka na eksenang hihintayin; mawawalan ka na ng pag-asang aasamin.

Ilang daang resume na ang naipadala ko sa mga employer. Araw-araw ay nanalangin na sana ay may makulitan na sa akin at bigyan ako ng kahit na 5 minutong interview. May isang tutubi na bumulong na dapat ay matuto raw ako ng “one-step backward” strategy o bumitiw sa pag-asam na baka makuha ko rin dito sa SG ang posisyon na na-enjoy ko sa Pinas. Ang executive sa atin ay maaari rin namang maging kahera na lamang dito. Pero mayabang ba ako para ‘wag patulan ang bulong ni tutubi? Hindi naman, ako ay naniniwala lang sa aking kakayahan. At naniniwala na bawat bukas ay may bagong pag-asang aasamin basta positibo at laging nanalangin. Samahan pa ng determinisyon at tiyaga. Hindi ko ikinahihiya ang pagiging kahera pero ang akin lang naman, sasayangin ko lang ang mga talento na isinuksok ng Diyos sa aking bulsa na hindi man nag-uumapaw ay sapat pa rin para isugal.

Sandaling panahon na lamang ang aking hihintayin at makakasama ko na ulit ang mga bata. May kaba at takot sa dibdib na baka mahirapan kaming maka-survive sa bansang panlima sa listahan ng may mataas na estado ng pamumuhay. Nguni’t kung pagugupo ako sa aking takot ay habambuhay na nito akong kakainin. Sabi nga ni Franklin Roosevelt, “The greatest fear is fear itself”. Kaya kung ngayon pa lang ay magpapakita na ako ng takot, baka pati si Gard ay maisipan na rin sumuko.

Oo, nadisappoint ako. Oo, pinanghinaan ako ng loob. Oo, naisipan kong sumuko. Dahil ang lahat ng ito ay natural emotional responses ng tao lalo na kapag nakakaranas ng mga pagsubok. Gaano man kapositibo ang pag-iisip, sa isang maliit na parte ng utak ay may namumuhay pa rin na ga-kutong pessimism at nasa iyo, sa akin, sa atin nakasalalay kung patuloy mong pakakainin ang kuto ng negatibong ideya at saloobin upang maging ganap na higante at sakupin ang buo mong pagkatao. Napansin mo ba na past tense ang ginamit ko sa mga emotional responses na iyon? Dahil hindi ko hinayaang manatili ang kuto sa aking utak. Sa mga ganitong pagkakataon, ang higit na importante ay mapuno mo ng positibong pananaw at paniniwala ang iyong isipan.

Huwag kang matakot na sumugal at mangarap. Huwag mong hayaan na mawala ang pag-asa sa iyong puso. Sa mundong kumplikado pero pinipilit na maging simple, ang mahalaga, may paniniwala ka sa “tamang panahon” at biyaya ng Lumikha… because when it rains, it pours.


To blog or not to blog?

Bata pa lang ako ay mahilig na kong magsulat —poem, short story, feature story. Kaya nung mag-kolehiyo ako ay naisipan ko agad kumuha ng kursong Journalism na kalauna’y nauwi sa Broadcasting. Hindi ko man natupad ang pangarap na iyon, masarap pa rin sa pakiramdam na nagagamit ko ito sa ibang paraan tulad nang  sa pagkukuwento at pakikipag-usap sa mga taong hindi ko man nakikita at nakakasalamuha ng personal, ay nagbabasa pa rin sa aking sinusulat.

Blogging. Sabi ko nga ay ilang beses na akong gumawa ng blogs sa mga networking sites (Friendster at Multiply) na kung saan ay may mahigit sa 200 katao ang nasa aking listahan. Pero iilan lang sa kanila ang nagbasa at nagkaroon ng oras na magkomento. Kung minsan ay wala pa nga. Para lamang akong nakikipag-usap sa aking sarili. Kaya naman sinubukan kong lumabas mula sa mga dating lungga. At kayo nga ay aking nakilala.

Ano ba ang gusto mong tumbukin?text

I had a YM conversation with a friend the other day. Let’s call her B. Isang mahaba-habang pag-uusap na sa kalagitnaa’y halos kinayamutan ko na. Tinanong niya ko kung bakit pinag-aaksayahan ko ng panahon ang blogging gayong wala naman akong napapala rito. Ni hindi ako kumikita ng pera at sinasayang lamang nito ang aking oras. Sabi niya pa, I could use my “spare time to something profitable“. She even cited some of my interests (photography, layout design) wherein I can use to make money.

The following are extracted from our exact chat conversation:

B: hay buti ka pa, pablog-blog na lang… tyaga mo din noh

Enjoy: diversion… outlet. buro na ko dito. ska nakakaaliw din kasi marami na kong nakilalang pinoy bloggers all over the world

B: ba’t di mo try foreigners? 😉

E: ano naman ang gagawin ko sa kanila? tagalog ang blogs ko. (at may iba pa akong binanggit tungkol sa ibang social networking sites)

B: ah basta. di ko feel gumawa ng iba pang new accounts. katamad saka ala na ko time.

E: kanya-kanyang trip lang naman din yan

B: oo nga kaya nga buti ka pa may tiyaga sa ganyan. ako kasi nalagpasan ko na yang stage na yan.

E: nakakatulong din lalo na pag out of the country. marami na kong nakilalang bloggers na professional ska aged 30-up na. pero minsan natatamad na rin ako kasi nauubusan na ko ng topic e

Dito na siya nagsimulang ipasok ang suhestiyon tungkol sa pagnenegosyo. Ibinida pa niya ang isang kaibigan na dito na rin naninirahan kasama ang lokal na asawa na ngayon ang nagpapa-order ng pastries. Pero sabi ko nga hindi ko pa kayang magtayo ng negosyo dahil pinag-iipunan namin ang paninirahan namin dito.

b: bro, use your spare time to something profitable (we call each other “bro”). learn how to bake. interesado ka to take pix. the more na dapat may extra income ka.

e: pano ako mag-aaral mag-bake eh wala naman kaming oven? umuupa lang nga kami. i’m not that into photography. no matter how much i wanted to put up a business imposible talaga ngayon. walang resources. yung blogging, as i said diversion lang while i’m looking for work.

b: ano ba mahihita mo sa blog na yan? …true diversion pero meron namang “diversion” na kung saan you find yourself having income bro… yun lang naman ang sa akin. use your talent wisely. (tahimik lang ako) kahit kami taghirap din so since aware na tayo sa ganyang sitwasyon, think of something na mabawasan ang hirap instead na you spend time blogging.

e: bro, this is an outlet. hindi ko ito ginagawa everyday. i’m looking for a job. hindi ako nandito para mag-blog lang. it happens na alam mo na nagba-blog ako ngayon so tingin mo yun lang ang ginagawa ko (sa puntong ito ay medyo nayayamot na ako)

b: sa akin lang bro, you’re a very talented person. don’t think negatively sa sinabi ko. am not having or starting an argument sayo. up to you if you’ll accept my suggestion or not. sa akin lang true na nagiging outlet mo ang mag-blog pero after posting the blog… what’s next? you just expressed yourself sa friendly sites na di naman nababasa mga blogs na pinaghirapan at binigyan mo ng oras. gaya ng sabi ko… doesn’t mean not interested for not reading your blogs. time constraint din. so your emotions… your efforts… your time… for what?

e: bro hindi rin ako nakikipag-argumento sayo. sinasabi ko lang syo yung aking palagay. if you don’t read my blogs, ok lang naman pero sabi ko nga syo this is a different site and i’ve met people all over the world na. in my blogs, i receive more than 10 comments and it keeps coming. iilan nakakaalam nito but not anyone from (my previous company) or from my other friends. it helps lalo na ngayon na nahihirapan akong humanap ng work. siempre gusto ko mag-negosyo o magkapera. at tumatanggap po ako ng freelance work pero hindi gnun kalaki ang kita so bakit ko pa ikukuwento db? blogging is fulfilling. hindi mo pa lang nare-realize yun so as the rest of the people who scrutinize the blogging community. sabi ko nga syo diba, marami akong nakilalang professionals na bloggers din and they receive different citations. yun ang fulfillment dun. it’s not just a waste of time 🙂

Humaba pa ang usapan namin na nauwi sa pagdi-disclose ko ng plano kong pagbili ng sariling domain name. Sinabi ko na since blogging ang kasalukuyang interest ko ay magagamit ko ito para kumita ng pera. Ikinuwento ko kung paano. Kinailangan kong ipaalam sa kanya para matigil na siya sa kapipilit na wala akong mahihita sa pagba-blog.

B is one of my trusted friends. She’s a blunt talker and straight shooter. Kahit alam niya na maapektuhan ako sa sasabihin niya, she wouldn’t stop talking until she proved her point. But B is also opinionated and authoritative. Minsan kahit baluktot na ang pananaw niya o wala na sa lugar, dapat pa rin akong makinig.

Naiintidihan ko ang punto at kung ano ang nais niyang gawin ko. Kinumbinsi na rin niya ako minsan na bumalik sa Pinas at tanggapin ang offer ng dati kong kumpanya (B is a former colleague in that company) dahil nahihirapan akong magkatrabaho dito. Natutuwa ako dahil isa siyang persistent friend and she’s concerned about my future. But this time, alam kong wala na siyang karapatang panghimasukan ang mga interest ko sa buhay. Gaya ng hindi ko panghihimasok sa mga ginagawa niyang “kalokohan”. Ngunit hindi ko ito nagawang sabihin sa kanya dahil naging sensitibo pa rin ako sa kanyang maaring maramdaman. At hindi ko na rin nagawang ipaliwanag ang mga bagay na natutunan ko sa blogospiya dahil anuman ang sabihin ko, wala rin naman itong saysay para sa kanya.

To blog or not to blog? This is the question. And my answer is loud and clear.


Repost: CROSSROAD

Minsan dumarating sa buhay mo ‘yung mga pagkakataon na naguguluhan ka at nagda-dalawang isip kung tama ba o mali yung ginawa mong desisyon. Gusto mong bawiin pero huli na, nagbitiw ka na ng salita; nagdesisyon ka na. Maiiwan ka sa sitwasyon na alam mong ikaw ang maiipit at dehado. Pero wala kang choice kasi dalawa lang naman ang kalalabasan ng susunod mong aksyon; (1) babawi ka para maituwid mo ang lahat, pero may siguradong masasaktan at matatapakan o (2) papanindigan mo ang desisyon mo at mag-suffer sa magiging consequence nito. Alin man sa dalawa ang piliin mo, alam mong hindi ka magiging masaya.

Minsan naiisip ko, masarap siguro ‘yung may power kang i-predict ang future. Alam mo na agad kung tama o mali ‘yung mga gagawin mong hakbang at mabibigyan ka ng warning para baguhin mo ang nasa isip mo ngayon. Masarap sigurong maging tulad ni Isaac Mendez ng Heroes na may kakayahang ipinta ang future. Ang mga pinta niya ang naging daan upang mailigtas ang buhay ng cheerleader na nakatakda sanang mamatay. O di kaya ang power ni Hiro Nakamura na kayang mag-travel through time. Pupunta ka sa future para malaman ang outcome ng aksyon mo, at babalik ka sa past para baguhin ito. Sana may totoong mga Heroes na tutulong s’yo sa paggawa mo ng desisyon. Sana may powers tayo na katulad nang sa kanila para maituwid ang tama at mabawasan ang mali. Pero mas pinili ng Dios na maging simple lang ang power ng mga tao. Ito ay ang power na gamitin ang utak sa pamamagitan ng lohikal na pag-iisip at pag-aanalisa ng sitwasyon. Para kung magkamali man tayo, matutunan nating bumangon, mag-move on at bumaling sa Kanya. Dahil wala pang nagsisi sa unahan. Lahat ay nasa hulihan.

crossroad

Hindi madali ang maiwan sa gitna ng daan at pumili kung sa kaliwa o sa kanan ka ba daraan. Mahirap ang mapunta sa crossroad. Walang kasiguruhan. Ang minsang akala nating tama, lumalabas na mali rin pala. Ang akala mong safe, delikado pala. Kung ma-encounter mo man ito, sana makapag-isip ka nang tama bago ka magbitiw ng salita at gumawa ng hakbang. Iyon bang nasa maayos kang disposisyon – hindi lito, gutom, lasing, o bangag – para sigurado ka sa mga sasabihin mo at wala kang pagsisisihan.

Dahil mahirap ang magsisi sa huli.

More than any other time in history, mankind faces a crossroads. One path leads to despair and utter hopelessness. The other, to total extinction. Let us pray we have the wisdom to choose correctly.


A Gasp of Inspiration

These days I’m experiencing an unusual detachment from the thing I enjoy most, which is blogging. Marahil ay dala ng mainit na panahon dito sa Singapore kaya mas pinipili ng aking katawan ang mahiga sa aking malambot na kama habang dinadama ang malagihay na hangin na nagmumula sa bentilador. Artificial air, and it’s not even enough to get rid of this humid feeling. Nevertheless, I still find comfort from the air it blows out.

Isang bagay ang higit ko pang nae-enjoy sa ganitong mga pagkakataon, ang mga musikang galing sa aking kompyuter. At ito ang isang kanta na nagbibigay sa aking ng inspirasyon. Tunay at hindi artipisyal na feeling. Actually, isang pagkamulat. Halika at samahan niyo muna ako sa panandalian pamamahinga. Ako ay agad ding magbabalik 🙂

-O0O0O0O0-

Jesus Take The Wheel by Carrie Underwood

She was driving last Friday on her way to Cincinnati
On a snow white Christmas Eve
Going home to see her Mama and her Daddy
With the baby in the backseat

Fifty miles to go and she was running low
On faith and gasoline
It’d been a long hard year

She had a lot on her mind and she didn’t pay attention
She was going way too fast
Before she knew it she was spinning
On a thin black sheet of glass

She saw both their lives flash before her eyes
She didn’t even have time to cry
She was so scared
She threw her hands up in the air

Jesus, take the wheel
Take it from my hands
Cause I can’t do this on my own

I’m letting go
So give me one more chance
To save me from this road I’m on
Jesus, take the wheel

It was still getting colder when she made it to the shoulder
And the car came to a stop
She cried when she saw that baby in the backseat
Sleeping like a rock

And for the first time in a long time
She bowed her head to pray
She said I’m sorry for the way
I’ve been living my life
I know I’ve got to change
So from now on tonight

Jesus, take the wheel
Take it from my hands
Cause I can’t do this on my own

I’m letting go
So give me one more chance
To save me from this road I’m on
Oh Jesus, take the wheel
Oh, I’m letting go
So give me one more chance
Save me from this road I’m on
From this road I’m on
Jesus, take the wheel
Oh, take it, take it from me
Oh, why, ooh


Another Random Thoughts

Ilang beses ko nang paulit-ulit na binubuksan ang aking account para magtangkang bumuo ng isang entry. Paulit-ulit ngunit wala pa rin akong maisip na tema. Dapat nga ay refreshed ako ngayon dahil na rin sa ilang araw na pananahimik at pagmumuni-muni. Dapat ay mas marami akong maibabahaging kuwento dahil na rin sa mga ilang pangyayaring naganap nitong mga nakalipas na araw. Pero eto ako ngayon at parang pipi na walang boses maging sa pagsusulat.

words_by_coolvamp007Dumarating talaga tayo sa puntong ganito ano? ‘Yung wala kang mabuong salita sa libu-libong mga letra na nagkalat sa iyong utak. Your mind is cluttered but you can’t even find a way to unclutter it. Andami mong gustong sabihin pero hindi mo alam kung saan at paano ka mag-uumpisa. Kung period ba o exclamation point ang gagamitin mong punctuation mark; kung pasigaw ba o pabulong ang magiging pagbigkas mo; kung magiging diplomatiko ka ba o agresibo. It’s not what we say, but how we say things that makes a difference. Kaya andun yung fear na baka ma-misinterpret ang sasabihin mo dahil absent ka nang i-discuss noon sa English class mo ang intonation.

images

Do not speak unless you can improve the silence.

Ngayon ko narealize na masarap i-enjoy yung panandaliang katahimikan. Dati takot ako dun. Natural kasi akong madaldal, conversant. Ayoko ng “quiet moments” dahil feeling ko nag-aagawan ang mga emosyon sa aking sistema. I always try to fill an awkward silence. Remember the cliché “Silence has the loudest voice“? Totoo palang nakakabingi ang katahimikan. Pero nakakabingi lang iyon kung hindi ka handang makinig.

palms-clock Time. Gaano karami meron ka nito para sa mga taong mahal mo? Minsan sinasabi natin na pinapahalagahan natin ang ating pamilya. Importante sila sa atin kaya ibibigay natin ang anumang bagay na magdudulot sa kanila ng kasiyahan. Kung hihingin nila ang kaunting oras mo para sa isang pampamilyang salu-salo kapalit ng overtime na itinawag ng boss mo kahit na alam niyang restday mo, alin ang pipiliin mo? Namimiss ko na ang dalawang anghel ko. Napakaraming oras na ang nasayang ko sa kabanata ng buhay nila kapalit ng trabaho, kaibigan at mga walang kuwentang bagay. Hindi ko na sila kilala ngayon.

Kung may isang taong magsasabi sa iyo na ikaw ay bobo at tanga, maniniwala ka ba? Kung maniniwala ka pagkatapos ay magmumukmok sa tabi para magself-pity, bobo at tanga ka nga. Walang gamot dun. Kahit ilang pain reliever o analgesic ang inumin mo, hindi maaalis nun ‘yung sakit na idudulot nun sa sarili mo. Ngayon, kung maniniwala ka pagkatapos ay babangon para patunayan na ang kabobohan at katangahan mo ay bunga lang ng maling paghusga sa pagkatao mo, at ang nagsabi sa iyo noon ay mas bobo at tanga dahil sa ginawang paghuhusga sa iyo, magdiwang ka. Dahil ipupusta ko sa iyo, pagsisisihan niya ang araw na inilabas ng mabahong niyang bibig ang mga salitang iyon.

Kanina pa ko paikot-ikot sa blogosperyo. Pabasa-basa lang at kung hindi kailangan magkomento ay mas pinipili kong manahimik. Sa dami na kasi ng mga nag-advice, nag-explain, nag-kuwento, at nagpahaging, malamang ay parang inulit ko lang din ang mga sinabi nila. Mas masarap na namnamin ko na lang muna ang sustansyang dala ng kanilang mga entry.

Ang sa aki’y random thoughts lamang.

When life gives you a hundred reasons to cry, show life that you have a thousand reasons to smile.

chic1


Semana Santa ni Enjoy

Buhay na naman ang blogosperya at busy na naman ang mga keyboard. Makalipas ang mahaba-habang bakasyon na dala ng kwaresma, handa na naman ang bloggers sa pagbabahagi ng kani-kanilang mga kuwento.

Hindi gaanong ginugunita ang lenten dito sa SG. For obvious reason that this is a multi-religious country na binubuo ng Buddism, Taoism, Confucianism, Muslim, Hinduism at iba pang -ism, maliban sa Francism (may he rest in peace). Kung kakalkulahin ay maliit na porsyento pa lamang ng Kristiyanismo ang naninirahan sa bansang ito kaya naman Biyernes lang ang idinideklarang holiday bilang respeto na rin sa ating relihiyon. Unang lenten season na wala ako sa Pinas. Namiss ko rin ang mga nakasanayan na natin sa tuwing sasapit ang kuwaresma:

Read more…


A Commemoration

sufferings_of_christ_i

“You are my friends. And there is no greater love than for a man to lay down his life for his friends.”

 

In observance of the Lenten Season, I will temporarily rest my keyboard starting tomorrow until Black Saturday as form of abstinence. 

May we all have a blessed Holy Week.