Posts tagged “life angst

Just Another Manic Moment

There are times in your life when you suddenly feel low and upset about almost everything. You worry a lot; you hate your life; you wished your life was better. No matter how hard you try to be happy and appreciative, or even optimistic, you still feel empty and sour at the end of the day. Sometimes such episodes are either too deep to fathom or too shallow to really worry about.

A week ago, I declared hiatus on Facebook because I was so depressed I couldn’t smile even at the lamest post anymore. I’ve my own series of ups and downs-energetic and cheerful at one point, gloomy and lethargic the next. I’m losing weight for no apparent reason. I remember when I was young, whenever I feel terribly sad or depressed I’d get a blade to cut my arms to relieve me from the overwhelming emotions. The pain caused by these small cuts would somehow give me a temporary satisfaction and made me feel alive again. The sight of blood gushing out from the wounds would give me comfort from the emotional pain that was intolerable than the cuts. The scars are still visible until now. No cream or ointment can ever erase or hide them. These scars will always be a reminder of how impulsive I was as a teenager. Am I bipolar? I often wonder.

As I’m writing this, I still feel a bit low, but I’m more mature now and I guess I can handle my self better. No more cutting of arms, no more foolishness. I’ve outgrown that stage of my life and I can’t inflict pain onto my self again. My kids are smart not to smell my fear and my dismal disposition so I think I’ll just divert my attention to writing down my emotions and deal with it positively. I know I’ll get through this any time soon. Like I always do.


A Silent Rant

Kamusta na?

Ang inyo pong lingkod ay muling nagbabalik sa kanyang bahay mula sa isang maikling pamamahinga. Salamat po sa lahat ng dumalaw, nakibasa, nag-iwan ng notes, nagparamdam at nagdumi nag-iwan ng pagmamahal sa aking pahina habang ako ay wala. 

Teka, naramdaman niyo ba ang aking pagkawala? I’m sure hindi, dahil nawala man ako, ay nanatili pa rin akong nakasubaybay ng palihim sa inyong mga bahay at sumasabat sa inyong mga kuwentuhan.

Maraming bagay ang nangyari sa akin these past days. Muling nagulo ang aking pag-iisip at muling sinubukan ang tibay ng aming dibdib. Friendship was again tested. At sa pagkakataong ito, mas pinili namin ni Gard na manahimik na lamang. “Sino si Gard?” Ah oo nga pala, hindi ko pa pala siya pormal na naipapakilala sa inyo. Si Gard ang aking asawa/esposo, kaibigan, kaasaran, kakulitan, ka-sex kalambingan at morale booster. Sinubok ng maraming pagkakataon ang aming samahan pero nanatili siyang linta mapagmahal at nakasuporta sa akin. Pinili kong huwag muna siyang banggitin sa aking mga blogs dahil na rin sa mga pangyayari sa aming relasyon. Kung ano man iyon, ay saka ko na ikukuwento, kung magkakaroon man ako ng pagkakataon.

Hindi ko alam kung kami ba ay sadyang sensitibo lamang kaya agad na naapektuhan ng mga pangyayari dito sa aming tinitirhan. Masakit kasing isipin na sa kabila ng ipinakita naming pakikisama ay walang pasintabi pa rin kaming naapakan at na-bypass. Sa aking pagkaka-unawa ay may karapatan rin kaming malaman ang kanilang mga desisyon na may kinalaman sa mga posibleng gastusin sa bahay. Naging issue na ito sa amin noong una at agad din namang nalinaw. Hindi ko akalain na muling mauulit pa. Lima kaming katao ang nakatira sa iisang flat. Tatlong couples sa tatlong kuwarto. Lahat ay pawang itinuring naming kaibigan. Pinakisamahan ng totoo, naging mabuting kasambahay sa abot ng makakaya. Pero sa isang samahan, sadya yatang may lalabas na talunan. Dahil ba sa nagsasawalang-kibo kami? Dahil ba sa mas pinipili naming maging praktikal sa buhay at umiwas sa luho? Nasaktan ako, pero higit na nasaktan si Gard dahil halos tatlong taon na rin siyang nakatira dito at nakisama ng totoo. At sa bawat hakbang na kanyang ginagawa, kinokonsidera niya ang kapakanan ng mga kasama; pinipilit na huwag makatapak ng iba.

Naniniwala ako sa kasabihang “Don’t do unto others what you do not want others do unto you“, pero sa pagkakataong ito ay parang bigla yatang sumablay ang kasabihan sa amin dahil as far as I can remember, hindi naman namin sila ginawan ng kung ano mang masama. We felt betrayed by people we trust, and if we stay longer with these people, mas lalalim lang ‘yung sakit dahil dama nila na kami ay apektado pero walang nagtakang kumausap sa amin para linawin ang lahat. I still care about these people so we decided to leave them soon, para maiwasan na rin na lumala pa ang sitwasyon. I just hope and pray that before we separate ways, malinawan din ang lahat.

Ito ang dahilan nang pansamantala ko ring pananamlay sa pagba-blog. Apektado lang talaga ako. Pasensiya na kung sa inyo pa ako nagbuhos ng aking sama ng loob.


Repost: CROSSROAD

Minsan dumarating sa buhay mo ‘yung mga pagkakataon na naguguluhan ka at nagda-dalawang isip kung tama ba o mali yung ginawa mong desisyon. Gusto mong bawiin pero huli na, nagbitiw ka na ng salita; nagdesisyon ka na. Maiiwan ka sa sitwasyon na alam mong ikaw ang maiipit at dehado. Pero wala kang choice kasi dalawa lang naman ang kalalabasan ng susunod mong aksyon; (1) babawi ka para maituwid mo ang lahat, pero may siguradong masasaktan at matatapakan o (2) papanindigan mo ang desisyon mo at mag-suffer sa magiging consequence nito. Alin man sa dalawa ang piliin mo, alam mong hindi ka magiging masaya.

Minsan naiisip ko, masarap siguro ‘yung may power kang i-predict ang future. Alam mo na agad kung tama o mali ‘yung mga gagawin mong hakbang at mabibigyan ka ng warning para baguhin mo ang nasa isip mo ngayon. Masarap sigurong maging tulad ni Isaac Mendez ng Heroes na may kakayahang ipinta ang future. Ang mga pinta niya ang naging daan upang mailigtas ang buhay ng cheerleader na nakatakda sanang mamatay. O di kaya ang power ni Hiro Nakamura na kayang mag-travel through time. Pupunta ka sa future para malaman ang outcome ng aksyon mo, at babalik ka sa past para baguhin ito. Sana may totoong mga Heroes na tutulong s’yo sa paggawa mo ng desisyon. Sana may powers tayo na katulad nang sa kanila para maituwid ang tama at mabawasan ang mali. Pero mas pinili ng Dios na maging simple lang ang power ng mga tao. Ito ay ang power na gamitin ang utak sa pamamagitan ng lohikal na pag-iisip at pag-aanalisa ng sitwasyon. Para kung magkamali man tayo, matutunan nating bumangon, mag-move on at bumaling sa Kanya. Dahil wala pang nagsisi sa unahan. Lahat ay nasa hulihan.

crossroad

Hindi madali ang maiwan sa gitna ng daan at pumili kung sa kaliwa o sa kanan ka ba daraan. Mahirap ang mapunta sa crossroad. Walang kasiguruhan. Ang minsang akala nating tama, lumalabas na mali rin pala. Ang akala mong safe, delikado pala. Kung ma-encounter mo man ito, sana makapag-isip ka nang tama bago ka magbitiw ng salita at gumawa ng hakbang. Iyon bang nasa maayos kang disposisyon – hindi lito, gutom, lasing, o bangag – para sigurado ka sa mga sasabihin mo at wala kang pagsisisihan.

Dahil mahirap ang magsisi sa huli.

More than any other time in history, mankind faces a crossroads. One path leads to despair and utter hopelessness. The other, to total extinction. Let us pray we have the wisdom to choose correctly.


Repost: Kontrabida

Pagdamutan niyo muna ito habang ako ay namamahinga pa rin. A repost from my old account 🙂

-0o0o0o0-

It really doesn’t matter whether it’s the villain or the hero. Sometimes the villain is the most colorful. But I prefer a part where you don’t know what he is until the end.
~ Glenn Ford

Hindi talaga kumpleto ang buhay kapag walang kontrabida. Eto raw ang nagpapasarap sa bawat yugto at eksena ng buhay mo. Kumbaga, kung may tamis dapat ay may asim din. Ano nga naman ang saysay ng isang pelikula kung puro bida lang? E di para lang siyang naglaro ng baril-barilan mag-isa? Ang okray di ba?

Nagpakulay ako ng buhok kahapon sa isang salon na malapit sa amin. Habang prenteng naghihintay na magkulay pula ang medyo brown kong buhok, isang maanghang na panlalait ang pumailanlang sa apat na sulok ng parlor. OMG! Nilalait ng isang kustomer at ng isa sa may-ari ng salon ang isa mga bading na beautician. Evils!

May-ari: Eh kasi naman bumili ng damit hindi naman bagay sa kanya.

Customer: Oo nga. Ang pangit niyang bading noh! Lalaking-lalaki yung itsura niya.

May-ari: Assistant nga siya ng partner ko (tomboy ang may-ari) bukas para mag-ayos sa kasal. Ayaw sa kanya nung bride. Di raw siya kagandahan.

Customer: Ay talaga naman noh! Mukha siyang kabayo! Naku ang sagwa talaga ng mukha niya.

Hay, nakakaawang bading. Buti na lang at umalis sandali ‘yung pobre kaya naman nagkaroon ng pagkakataon ang mga kontrabida na manlait at mang-api. Mahihiyang lumapit ang sinumang may masagwang mukha sa dalawang ito, lalo na sa aleng kustomer na simbaho ng imburnal ang amoy ng bunganga. Mukhang nakalimutan yatang mag-sepilyo ng isang buwan kaya naman mamamatay sa baho ang mabugahan ng kanyang hininga. Sana man lang nag-mouthwash kahit paano si manang o di kaya ay sinubukan niya munang tumingin sa salamin bago sinilaban sa apoy ang kapwa nya. Nakakaloka!!!

Continue reading…


Another Random Thoughts

Ilang beses ko nang paulit-ulit na binubuksan ang aking account para magtangkang bumuo ng isang entry. Paulit-ulit ngunit wala pa rin akong maisip na tema. Dapat nga ay refreshed ako ngayon dahil na rin sa ilang araw na pananahimik at pagmumuni-muni. Dapat ay mas marami akong maibabahaging kuwento dahil na rin sa mga ilang pangyayaring naganap nitong mga nakalipas na araw. Pero eto ako ngayon at parang pipi na walang boses maging sa pagsusulat.

words_by_coolvamp007Dumarating talaga tayo sa puntong ganito ano? ‘Yung wala kang mabuong salita sa libu-libong mga letra na nagkalat sa iyong utak. Your mind is cluttered but you can’t even find a way to unclutter it. Andami mong gustong sabihin pero hindi mo alam kung saan at paano ka mag-uumpisa. Kung period ba o exclamation point ang gagamitin mong punctuation mark; kung pasigaw ba o pabulong ang magiging pagbigkas mo; kung magiging diplomatiko ka ba o agresibo. It’s not what we say, but how we say things that makes a difference. Kaya andun yung fear na baka ma-misinterpret ang sasabihin mo dahil absent ka nang i-discuss noon sa English class mo ang intonation.

images

Do not speak unless you can improve the silence.

Ngayon ko narealize na masarap i-enjoy yung panandaliang katahimikan. Dati takot ako dun. Natural kasi akong madaldal, conversant. Ayoko ng “quiet moments” dahil feeling ko nag-aagawan ang mga emosyon sa aking sistema. I always try to fill an awkward silence. Remember the cliché “Silence has the loudest voice“? Totoo palang nakakabingi ang katahimikan. Pero nakakabingi lang iyon kung hindi ka handang makinig.

palms-clock Time. Gaano karami meron ka nito para sa mga taong mahal mo? Minsan sinasabi natin na pinapahalagahan natin ang ating pamilya. Importante sila sa atin kaya ibibigay natin ang anumang bagay na magdudulot sa kanila ng kasiyahan. Kung hihingin nila ang kaunting oras mo para sa isang pampamilyang salu-salo kapalit ng overtime na itinawag ng boss mo kahit na alam niyang restday mo, alin ang pipiliin mo? Namimiss ko na ang dalawang anghel ko. Napakaraming oras na ang nasayang ko sa kabanata ng buhay nila kapalit ng trabaho, kaibigan at mga walang kuwentang bagay. Hindi ko na sila kilala ngayon.

Kung may isang taong magsasabi sa iyo na ikaw ay bobo at tanga, maniniwala ka ba? Kung maniniwala ka pagkatapos ay magmumukmok sa tabi para magself-pity, bobo at tanga ka nga. Walang gamot dun. Kahit ilang pain reliever o analgesic ang inumin mo, hindi maaalis nun ‘yung sakit na idudulot nun sa sarili mo. Ngayon, kung maniniwala ka pagkatapos ay babangon para patunayan na ang kabobohan at katangahan mo ay bunga lang ng maling paghusga sa pagkatao mo, at ang nagsabi sa iyo noon ay mas bobo at tanga dahil sa ginawang paghuhusga sa iyo, magdiwang ka. Dahil ipupusta ko sa iyo, pagsisisihan niya ang araw na inilabas ng mabahong niyang bibig ang mga salitang iyon.

Kanina pa ko paikot-ikot sa blogosperyo. Pabasa-basa lang at kung hindi kailangan magkomento ay mas pinipili kong manahimik. Sa dami na kasi ng mga nag-advice, nag-explain, nag-kuwento, at nagpahaging, malamang ay parang inulit ko lang din ang mga sinabi nila. Mas masarap na namnamin ko na lang muna ang sustansyang dala ng kanilang mga entry.

Ang sa aki’y random thoughts lamang.

When life gives you a hundred reasons to cry, show life that you have a thousand reasons to smile.

chic1


Hindi Ako Astig

weak_by_vicdaen

Ang hirap talagang magpakasaya sa mga panahong dinadaluyong ng bagyo ang buhay mo. Pinipilit kong tumawa at ipagwalang-bahala ang ilang mga problema sa buhay ko ngayon pero para yatang nanadya ang tadhana at pilit sinusubukan ang tigas ng mukha ko. Minsan iniisip ko tuloy, ano bang meron ako at trip na trip akong paglaruan ng panahon? Tingin ba niya ay isa akong Super Woman na kayang pantayan maging ang lakas ni Super G? Mahina rin ako. Walang matibay na lakas. Isinusuko rin ako ng sarili kong katinuan.

Continue reading this entry…


Lito…

1_sad_winter_by_roadioartsBakit kaya ganun? May mga bagay kang gustung-gusto mong gawin pero hindi mo maituloy? Palaging andaming factor na pumipigil. Kahit na sa sarili mo ang tingin mo ay iyon ang tama at nararapat gawin, pagdating sa iba, maling-mali pa rin. Sige na nga, mali na kung mali. Pero pano mo mapapatunayang ikaw ang tama kung hindi ka naman bibigyan ng pagkakataon na patunayan ito?

Ang dami nang nasasayang na oras sa pagpapaliban ng mga plano. Ang dami na ring nasasayang na oportunidad. Kelan pa ang tamang panahon? Baka sa wala na lang mapunta ang lahat…

chic4


B.r.o.k.e.n

Broken by Lindsay Haun

broken_by_vainprincessriot

Hindi ko sana feel na magpaka-emo ngayon dahil ipinangako ko sa sarili ko na iiwasan kong maging malungkot sa site na ito hanggat maaari. Iiwasan pero sadyang hindi maiwasan. And a promise is made to be broken…

Ang dami kasing tanong na “bakit” sa buhay ko ngayon. Minsan kahit alam ko na ang sagot, ang hirap pa rin ibulalas ng bibig. Alam ko kasing mas lalong masasaktan ang mga taong nasasaktan ko na ngayon. Melancholic ang mood ko ngayon… meaning, even if I watch a good or a funny movie, I might not laugh about how the story goes but on how stupid my life is. Before, when something like this occurs to me, tsokolate lang ang katapat because it’s a good antidepressant. Pero sandamukal na tsokolate na nakain ko, I still feel that my life sucks (for now), broken and chained in an undying heartache.

I wish someday, somehow, I’ll find the strength to set my self free.