Posts tagged “fresh start

The Best Things in Life are FREE!

For many years, I have thought that money can buy happiness. That we can find its true meaning from things that glitter – new clothes, new bags, new jewelries. And for many years, the proverb “All that glitters are not gold” has proven me wrong.

I remember when I was in my early twenties, I would always visit a mall to window shop when I was sad or depressed. I never went home empty handed. If it wasn’t the mall, I would visit a spa and have a relaxing back massage or a facial spa. I’d always find comfort in things like a new manicure, a new pair of shoes, unbranded bags or clothes, or even in a new headband! No matter how invaluable things were as long as I bought something for my self, I couldn’t care less. Then I’d feel happy. You know that wide smile you see on a child’s face when she finally got what she had been wanting for a long time? I’ve mastered that smile. My happiness, though, wouldn’t always last too long. At the end of the day, I was as empty as my pocket.

When our family migrated here in Singapore, I learned to value the things that cannot be seen or touched: a warm embrace, a short text message from our relatives in the Philippines saying “how are you?”, simple gatherings with friends. I only have few friends here whom I see most of the time. Some are so busy living their fast paced life catching up with their tight schedules. Some are not always around but you will feel their presence at times when you need them most. I don’t need to buy their time. They’re FREE.

I am learning to love the smell of the rain because the rain here is not as natural as it may seem. I am learning to love the company of silence and the chirping of the crows in the background. They give me a feeling of serenity. Our home is my comfort zone and I always find solitude in it. I don’t need to spend money and travel away from the city. A blissful, solitary moment is always close at hand.

I’m currently unemployed but I work more than 12 hours a day, 7x a week, as a mother and a housewife. I go to bed so effin’ tired most of the time. But knowing that my family is comfortable because I make sure there’s a satisfying food on the table, or they lie on fresh linen sheets, I feel great. Taking these things into account, I couldn’t be happier.

A month ago I celebrated my birthday. The third time here since we moved in this country. It’s just a small gathering and only a few close friends were invited, including a blogger friend whom I’ve been dying to meet personally because I only get to chat with her online. Our house was jam-packed and was filled with laughter from people who have met each other only that day. One friend even commented, “grabe ang saya ang birthday party mo… as in! feeling namin, matagal na naming ka chicka yung mga visitors mo.. hehehe.. saya saya!!! =)”. Although there were people who didn’t show up, some foods have gone bad, and I was left with a broken couch and a center table, I couldn’t compare the happiness I felt that very day. It’s beyond words. Immeasurable, if I may say.

I know now what matters most. I know now that…

It’s often true, right. Just forget about the price tags. 🙂

Advertisements

Slightly Productive

Grabe… ang bilis ng panahon. Imaginin mo, nangangalahati na pala ang buwan ng Marso. Halos di ko na namamalayan ang paglipas ng oras ngayon kumpara noon na kulang na lang ay i-advance ko ang ikot ng kamay ng maliit naming orasan para lang matapos na ang araw. Dati ay hindi ko na alam kung saan ko pa posibleng magamit ang mga libreng oras ko. Andyang nalibot ko na ang blogosperyo, nagwalis ng bahay, nag-mop, nagluto, natulog, kumain, nagpatumbling-tumbling at kumain ng bubog [joke!], … pero pagkatapos ng lahat, halos nasa kalahati pa lang pala ako ng isang nakababagot na araw. Ikaw ba naman ang araw-araw na maiwan sa bahay, ewan ko na lang kung di ka pa talaga ma-bored . Pero ngayon, hindi ko na gaanong dama ‘yun. Hindi ko na rin pansin maging ang late na paglubog ng araw dito sa Singapore at ang pagkaipon ng alikabok sa ilalim ng aking kama. Hindi hindi ko na rin alam na bumubuhos ng malakas ang ulan dahil… PRODUCTIVE na ako! Wohoo!

SMY [borrow muna bro. utoy], buntis ka?!?

Continue reading this entry…


Pikchur… pikchur II

Eto na ang sequel ng aking photoblog na “Pikchur…pikchur”. Nabanggit ko ba sa inyo na mahilig din ako sa nature? Kahit naman siguro sino ay maiinlab sa ganda ng ating kalikasan at para sa akin, hindi sapat na pagmasdan mo lang sila. Mas masarap kung naidokumento mo rin ang isinabog na biyaya ng nasa Itaas upang maibahagi mo naman sa iba. Kumpletong-kumpleto ang pakiramdam.

img_15481 kaibigang langgam img_1581 img_1615 img_1644 kamias

Ito ay ilan sa mga kuha ko noong dumalo ako sa isang Garden Festival na taunang ginagawa dito sa Singapore. Na-amaze ako sa mga landscapes na tunay na mga halaman ang ginamit at itinanghal sa isang air-conditioned hall para mapanatili ang freshness ng mga ito up to 3 days. I was awed by what I witnessed that day. 🙂 Muntik na nga akong di makapag-picture.

img_3667a img_3750a img_3673 img_3815b img_3803b

Ang ganda ng kalikasan ay simbulo ng bagong pag-asa sa ating buhay. Sa bawat pagsibol ng bagong tanim na buto, ang kapalit ay isang pag-asa na mabubuhay itong malago at mayabong. Sa buhay, marami ang daraan na pagsubok na hindi mo inaaasahan. Mga pagbabago na biglaang darating na kailangan mong harapin. Hindi ka man sigurado na magiging maganda o mayabong ang resulta ng iyong pagsisikap, pero dapat huwag ka pa rin mawalan ng pag-asa na makukuha mo rin ang bagay na iyong inaasam… gaano man kahirap ang iyong pagdaraanang proseso.

Ang blog na ito ay handog ko sa mga tulad kong kasalukuyang naguguluhan at naghahanap ng katahimikan sa magulong mundo ng buhay.


Mabuhay!

I would like to welcome you all to my new house/blog site here at WordPress…

(Drum rolls…) LIFE IS A PIECE OF KEYK!

Oh di ba? Über sa pagka-positive 🙂

Ito ay ang aking paunang pagbati lang. Sa totoo lang, wala pa ko sa wastong wisyo hanggang sa ngayon mula ng dumating ako galing sa isang adventurous at unforgettable trip sa Malaysia. Kung ano ang mga nangyari sa amin ng mga kasama ko eh saka ko na ikukuwento sa susunod na blog ko. He-he-he!

Sadyang walang malaking pagbabago sa appearance ng bago kong site (maliban sa header na inayos ko pa sa Photoshop) dahil bukod sa maraming restrictions ang WordPress sa pag-embed ng mga codes, hindi ko rin naman gustong maging cluttered ang site na ‘to. Utak ko lang siguro ang mananatiling cluttered dahil sa sangkaterbang mga kuwento na naipon mula sa matagal ko ring pananahimik. 😀

Mas pinili ko ring iwan na lang sa dating site ang mga blogs ko kahit na may option naman akong i-import na lang sila dito. Gusto ko kasing maging fresh ulit ang lahat kahit na siempre, di maiiwasan na magsama ka ng mga konting alaala galing sa iyong mga nakalipas. Tulad ng kape na madalas nating pagsaluhan noon.

So mga friends, kita-kits tayo sa mga susunod kong blogs ha. Maaari niyo pa ring dalawin ang dati kong blog site na Kape muna, Bro… ganun din sa mga bago kong bisita kung gusto niyo pa akong makilala ng husto. But for now, I’ll just say “good day/good night” and “’til next time!”

Ta-ta! 🙂