Posts tagged “ENJOY

The Best Things in Life are FREE!

For many years, I have thought that money can buy happiness. That we can find its true meaning from things that glitter – new clothes, new bags, new jewelries. And for many years, the proverb “All that glitters are not gold” has proven me wrong.

I remember when I was in my early twenties, I would always visit a mall to window shop when I was sad or depressed. I never went home empty handed. If it wasn’t the mall, I would visit a spa and have a relaxing back massage or a facial spa. I’d always find comfort in things like a new manicure, a new pair of shoes, unbranded bags or clothes, or even in a new headband! No matter how invaluable things were as long as I bought something for my self, I couldn’t care less. Then I’d feel happy. You know that wide smile you see on a child’s face when she finally got what she had been wanting for a long time? I’ve mastered that smile. My happiness, though, wouldn’t always last too long. At the end of the day, I was as empty as my pocket.

When our family migrated here in Singapore, I learned to value the things that cannot be seen or touched: a warm embrace, a short text message from our relatives in the Philippines saying “how are you?”, simple gatherings with friends. I only have few friends here whom I see most of the time. Some are so busy living their fast paced life catching up with their tight schedules. Some are not always around but you will feel their presence at times when you need them most. I don’t need to buy their time. They’re FREE.

I am learning to love the smell of the rain because the rain here is not as natural as it may seem. I am learning to love the company of silence and the chirping of the crows in the background. They give me a feeling of serenity. Our home is my comfort zone and I always find solitude in it. I don’t need to spend money and travel away from the city. A blissful, solitary moment is always close at hand.

I’m currently unemployed but I work more than 12 hours a day, 7x a week, as a mother and a housewife. I go to bed so effin’ tired most of the time. But knowing that my family is comfortable because I make sure there’s a satisfying food on the table, or they lie on fresh linen sheets, I feel great. Taking these things into account, I couldn’t be happier.

A month ago I celebrated my birthday. The third time here since we moved in this country. It’s just a small gathering and only a few close friends were invited, including a blogger friend whom I’ve been dying to meet personally because I only get to chat with her online. Our house was jam-packed and was filled with laughter from people who have met each other only that day. One friend even commented, “grabe ang saya ang birthday party mo… as in! feeling namin, matagal na naming ka chicka yung mga visitors mo.. hehehe.. saya saya!!! =)”. Although there were people who didn’t show up, some foods have gone bad, and I was left with a broken couch and a center table, I couldn’t compare the happiness I felt that very day. It’s beyond words. Immeasurable, if I may say.

I know now what matters most. I know now that…

It’s often true, right. Just forget about the price tags. πŸ™‚

Advertisements

Just Another Manic Moment

There are times in your life when you suddenly feel low and upset about almost everything. You worry a lot; you hate your life; you wished your life was better. No matter how hard you try to be happy and appreciative, or even optimistic, you still feel empty and sour at the end of the day. Sometimes such episodes are either too deep to fathom or too shallow to really worry about.

A week ago, I declared hiatus on Facebook because I was so depressed I couldn’t smile even at the lamest post anymore. I’ve my own series of ups and downs-energetic and cheerful at one point, gloomy and lethargic the next. I’m losing weight for no apparent reason. I remember when I was young, whenever I feel terribly sad or depressed I’d get a blade to cut my arms to relieve me from the overwhelming emotions. The pain caused by these small cuts would somehow give me a temporary satisfaction and made me feel alive again. The sight of blood gushing out from the wounds would give me comfort from the emotional pain that was intolerable than the cuts. The scars are still visible until now. No cream or ointment can ever erase or hide them. These scars will always be a reminder of how impulsive I was as a teenager. Am I bipolar? I often wonder.

As I’m writing this, I still feel a bit low, but I’m more mature now and I guess I can handle my self better. No more cutting of arms, no more foolishness. I’ve outgrown that stage of my life and I can’t inflict pain onto my self again. My kids are smart not to smell my fear and my dismal disposition so I think I’ll just divert my attention to writing down my emotions and deal with it positively. I know I’ll get through this any time soon. Like I always do.


Ang Kuwento ng Isang Hurado

Hindi pa full blast ang aking pagbabalik-blogosperyo pero nais ko muna ikuwento ang isang magandang oportunidad na dumating sa akin.

Noong una’y sapat na sa akin ang magsulat, magkuwento at magpahayag ng aking sariling opinyon dito sa mundo ng blogosphere. Lumipas ang ilang mga posts at nakakilala ako ng mga online bloggers at ilang followers. Na-inspire at naging isang follower din. Kuntento na sana ako sa ganoon, ngunit nang magbukas ng pinto para sa ikalawang taon ng pakontes ang PEBA (Pinoy Expat/OFW Bloggers Award), minabuti kong ibahagi ang aking sariling kuwento – pagbabahagi na di naman talaga naghangad ng anumang gantimpala o pagkilala, kung hindi upang mailabas lamang ang sariling hinagpis bilang isang anak at may-bahay ng isang OFW. Kaya ng mapabilang ako sa Top 5, halos lumundag ako sa tuwa. Hindi ko iyon in-expect.

Isang taon na ang nakalipas at ako ay muling nagbabalik-PEBA ngunit ngayon ay bilang isa sa mga hurado. Isang opportunity na napakahirap palagpasin, at napakahirap magampanan. Kung sa tingin mo ay sapat na ang magbasa ay nagkakamali ka. Bukod kasi sa may criteria na sinusunod ay kailangan mong patatagin ang itong emosyon. Mahirap ang maging symphatetic in times you are only requested to emphatize. Masakit sa dibdib, at sa ulo. If I were to decide, lahat siguro pipiliin ko na lang na manalo dahil lahat naman sill ay deserving. Pero kailangan ko pa rin ulit-ulitin ang pagbabasa upang may mapili akong number 1.

Ganito pala ang naging experience ng mga nakaraang hurado, NAKAKALOKA! πŸ™‚

Hindi ko masasabi kung ako ba ay sinuwerte sa paghirang sa akin bilang isa sa mga hurado dahil mukhang magkakasakit na yata ako sa puso (at lagi na lang daw akong umiiyak sa tuwing magbabasa, sabi ng mga bagets ko πŸ˜† ). But I wish all the finalists GOOD LUCK and CONGRATULATIONS, dahil para sa akin, lahat kayo ay WINNER!

Sa PEBA, congratulations for another successful year!


Sisters

Pasensya na po sa paudlot-udlot na pagsibita ko sa inyong mga bahay. Ako po ay kasalukuyang nagpapakadalubhasa sa paghahanap ng trabaho dahil masyado na akong pine-pressure ni Gard. Buti na lang, I’m flexible and I can handle pressure. If my abilities meet the need πŸ™‚

Salamat po sa lahat ng mga bumati sa akin noong nakaraang Mother’s Day. Yes, oo, affirmative. Ako po ay isa ng Nanay, Mama, Inang, Mummie. And I’m a proud mother of two pretty girls like me. Marahil ay nagtataka kayo kung baka hindi ko man lamang sila naikukuwento. Tulad ni Gard ay pinili ko rin na ‘wag muna silang banggitin dito dahil sa personal na kadahilanan. Pero ngayon ay kukuwentuhan ko na kayo tungkol sa aking future beauty queens. Mayo pa naman so ito ay buwan pa rin ng mga ina kaya kuwentong nanay muna ulit tayo. πŸ˜€

Maikokonsidera pa ring bata ang aking edad ng ako ay maging mommy (21 lamang ako noon). Aksidente pero ito ang pinakamagandang aksidenteng nangyari sa akin. Year 1996 ng isang munting prinsesa ang dumating sa buhay namin ni Gard na nagpaikot ng husto sa aming mundo. Bata pa kami noon at parehong walang alam sa buhay pero si “Ate” ang nagpatatag sa bonding namin. She’s a shy little girl pero sobrang appreciative. Kahit maliit na bagay na ibinigay o ginawa mo para sa kanya, maa-appreciate niya ng bonggang-bongga. Then “Bunso” came. Ate was very protective of her. Hangga’t maaari nga ay ayaw niya itong pahawakan sa hindi niya kilala. She would always kiss and embrace her little sis na nakatutuwang pagmasdan. ‘Though medyo na-outgrow na ni Ate ang pagiging protective at affectionate kay Bunso, marami pa rin silang lambingan moments.

Modesty aside but my Ate and Bunso are pretty in their own ways. Naalala ko pa noong magsimula silang mag-aral. Madalas ikuwento ng teachers nila ‘yung mga estudyanteng lalaki na may crushes sa dalawa. How one student fought with his classmate para lamang makatabi sa upuan si Bunso. Kilala sila sa buong pre-school department. At maging sa buong grade school department noong tumuntong sila ng grade school. Sabagay, maliit na private school lang naman ‘yun kaya madali rin maging popular. And both at the age of 7, nagkaroon na sila ng suitors! Hindi ako OA na nanay pero I make sure na realistic pa rin ako kaya madalas ko silang kinakausap tungkol sa ganitong issue. Gusto ko rin naman kasing ma-experience nila ang kilig without having the fear na baka mapagalitan sila. So at the age of 7, sinabihan ko na si Ate na dalhin sa bahay ang suitor niya πŸ™‚

They’re both charming and brainy. Si Ate, madalas na kasama sa top students while Bunso is trying hard to excel too. Talagang “hard” dahil nadi-disappoint siya kapag hindi siya napapasama sa top 3 ng klase nila. Active din sila sa extra-curricular activities. Ate played volleyball at si Bunso naman ay basketball. Opo, babae po sila. Lagi rin silang kasali sa mga school programs. They both sing and dance. Si Bunso nga ay nanalo pa sa on-the-spot dancing contest kung saan ay tinanghal siyang Little Miss Bambini.

Pero hindi madaling maging nanay sa dalawang magkaibang personalidad. Kahit kasi pantay ang ipinaparamdam naming pagmamahal sa kanila, may isang pa rin nagseselos… nagtatampo. Mayroong mahirap pakiusapan… mayroon din namang nagdudunung-dunungan. Pero sa kabila ng kanilang mga flaws, walang UNAΒ  sa pagmamahal at walang SECOND BEST. Sinisiguro namin na anuman ang hindi pagkakaunawaan between them at maging ang mga tampo nila sa amin ni Gard ay agad na naiko-communicate. Lalo na ngayon na nasa adolescent stage na si Ate. Natuto na kami ni Gard mula sa mga experience namin sa aming mga magulang. Pareho kasing hindi communicative ang parents namin kaya kahit na nandito kami at sila ay nasa Pinas pa, madalas pa rin kaming mag-usap at mag-chat.:)

Alam ko na mahaba pa ang bubunuhin ko sa pagpapalaki kay Ate at Bunso. Sana ay maging successful ako. Buti na lang at madaling makihalubilo at sakyan ang kanilang ugali at kakulitan dahil halos para lang kaming magkakapatid. (‘wag na kayong umangal… hehehe) At excited na ako dahil malapit nang dumating ang araw na magkakasama-sama na ulit kami πŸ™‚


It’s Too Damn Late

It was 18 years ago when I last saw you. Chubby, vibrant and so full of life. You’re sociable you’ve made a lot of friends, old and young alike. That’s why you were envied by most, too.

I remember the sound of your laugh, especially when you’re teasing your friends. Makulit ka rin kasi na tulad ko. I remember the day you fought with our neighbor, that woman who used to own a sari-sari store. You fought with her because she scolded me when I bought the wrong laundry soap. I remember the night you waited for me at the school’s main gate. That was the night of my prom and you asked me to come home before 10 P.M. I remember your voice when you’re angry, and we’re all scared. Whenever you called me by my full name, I knew you were already mad and I had to run towards you as fast as I could. I remember every hit of Tatay’s belt on my skin. That was your favorite tool and the marks would usually stay until the next day.

I remember the time when the strongest earthquake hit our country in July 1990. You helped bring some of your colleagues to the hospital because they collapsed due to shock. A few weeks after, you got sick. I remember how stupid I was for ignoring all the signs; how ungrateful I was for leaving your side when you had fever. I remember how you would softly call me “anak“, because you wanted me to comb your hair so I would see your falling hair. I remember the day you showed me your bruises all over your body. All black and blue. I asked you why and you just said you need to be hospitalized. I was 15 and naive, I didn’t ask further. I remember the day you asked me to be at your side when you see the doctor. You wanted me to hear every word he’d say. I thought you’re just overreacting so I didn’t listen. If only I knew, I’d stay and held your hand tightly. You were a picture of a strong person despite your illness kaya hindi ako natakot o nangamba. I remember the day you were brought to the hospital, you were crying to tatay and you said you couldn’t see anymore. You were fighting for your life for four long days. My siblings and I were not allowed in the hospital. All we could do is to listen to our relatives’ conversations. Until one day, one of our neighbors picked us up at home. She was crying while we’re heading to the hospital. And when we were stopped by the hospital’s security guard, I heard her murmured “Malubha na lagay ng nanay nito. Kailangan na silang makita“. I got scared, not realizing that my hands were all shaky. I began to cry and when we reached your room, all your friends and our relatives were there, weeping. Your nanay was there, too, and she was was wailing hard. Yeah, your best friend was also there, not leaving your side. She was crying too and she was holding your hand. At the time, I wished I was her. She asked me to come near you and talk to you, whisper anything in your ear. Hindi ka na daw kasi makapagsalita. You wouldn’t open your eyes. Sabi niya pa, you’ve been asking for me since you got to the hospital. You were telling stories about me and my stubborness; how much you loved me and my siblings. Inilaglag mo ako ng bonggang-bongga. Gusto ko sanang mainis sa’yo pero hindi ko nagawa. So I sat beside you and whispered, “Nanay, eto na ako. Si Enjoy.” I saw how you were trying to open your eyes, and when you saw me, tears fell down from your eyes. Exactly one month after the earthquake, you gave up fighting. I couldn’t forget the people who cried because they lost a very special friend. I couldn’t forget tatay’s face because she lost not only a wife but also a friend. I couldn’t forget how hurt my siblings were because we lost a mother. I couldn’t forget the number of people who attended your burial. You were like a celebrity! That day I realized how much you were loved. Most especially, I couldn’t forget your smile when you heard my voice despite the agony that you’re experiencing.

I miss you Nanay… so much. Kung kaya ko lang ibalik ang oras and be a good daughter to you, I would. But it’s too late. It’s too damn late.

nanay

chic1


Tustadong Utak

**Please pagbigyan niyo na po sa hindi ko muna pagdalaw sa mga bahay niyo. Matapos po ang tag na ito na 3 araw kong ginawa, dadalawin ko ulit kyo. Sana po kahit mahaba ay basahin pa rin ninyo… pleaseee!

Lately I noticed that I become so busy on Facebook that I almost forgot blogging. No, not because I’m addicted to it na but only because of YoVille. It’s an interactive game associated to Facebook and Myspace where you can design your own apartment/house. In this game, I get to know more people around the globe and interact with them. It’s truly entertaining ’cause now I am able to express my interest in interior designing thru this game and I don’t feel so bored anymore. πŸ™‚

OK. ‘Nuff on YoVille stuff. This entry is not about YoVille so let me continue… πŸ˜€

Again, I was tagged! Minsan, nakakatuwa rin ang tags dahil it helps fill the gap lalo na kapag walang-wala ka nang maisulat dahil natuyot na ang utak mo sa droga sunud-sunod na entry. It also means that bloggers are starting to notice you and appreciate your writings and you as a person. Kaya hindi ko na pahahabain ang intro dahil isa na namang mahaba-habang tag ang ise-share ko sa inyo πŸ™‚

This 1st tag was from friendly Joycee, and the rules are “Write 15 things/persons/animals/at kung-ano ano pa that you hate and/or your petpeeves. Tag 15 people afterwards.

15 Pet Peeves

Pet peeve – n. Informal.

Something about which one frequently complains; a particular personal vexation.

1. tackless

Guilty ako dito pero minsan nailalagay ko naman sa timing. ‘Pag bwisit ako sa tao, siguradong magiging taklesa ako sa kanya. Marami na kasi akong nakikilalang halos wala ng sinisino. Kung anong gustong sabihin, go na lang ng go. Para bang hindi na ipina-process ng utak ang mga salitang lumalabas sa bibig nila.

2. ipokrita/pretentious

I guess I’ve mentioned this in one of my blogs. Hate ko talaga ang mga mapagpanggap na tao. ‘Yun bang feeling rich kahit wala naman, ‘yung know-it-all type pero pag nag-komento eh nonsense naman ang sinasabi, ‘yung nagmamalinis pero may kabalahuraan naman palang ginagawa. Kung hindi mo kayang magpakatotoo, wag mo naman baguhin ang sarili mo base sa standard ng mga nakakasalamuha mo. Nakakaubos ng lakas iyon. At isa pa, kung di mo ko gusto, ‘wag mo kong pansinin. Hindi ako mamatay kapag hindi mo ako kinausap.

3. balahura sa gamit/maselang-baboy

Eh di ba nga self-diagnosed OC (obsessive compulsive) ako, kaya ang siste ayoko talaga ng makalat at burara sa gamit. Nakakainis ‘yung mga taong hindi marunong lumugar na pati ‘yung pagiging burara eh dinadala sa ibang bahay. Pati na rin ang pagiging maselan at metikuloso pero di naman kayang pangatawanan. May kakilala akong ganyan na sobrang arte sa katawan, pero pag nakita mo ang place niya, pati na ang toilet, mapapangiwi ka talaga. Maselan, pero baboy naman pala.

4. ex-links o exchanged links

Tulad ni Joycee, ayoko rin ng ex-links. Para kasing pinupuno mo lang ang bahay mo ng bisita pero hindi mo naman lahat kilala at wala ka namang interest sa kanila. Exchanged links pero after a while hindi mo naman bibisitahin at hindi ka naman bibisitahin. I’ve learned my lesson. Marami na akong nakilalang ganyan na nawala na rin sa blogroll ko. Mas fair pa rin na idinadag mo sila sa links mo because you enjoy their writings and you guarantee yourself that you will visit their sites at all times.

5. (Putek… nahihirapan na kong mag-isip) Super-duper OA

OMG! These are the people who have mastered the art of exaggerating things. Naghihingalo pa lang ang pasyente, pinapatay na sa usapan. Nagkapareho lang ng nabiling brand ng damit, ginagaya na. I mean, haller! Kung ayaw nilang magaya, magpatayo sila ng sariling factory ng damit para exclusive lang for them . Eh pano na lang ang mga nakasabay nilang bumili ng same brand of clothing? Ibig bang sabihin lahat sila ay nanggaya? People!

6. insensitive

Naglipana ang mga ganitong tao sa mundo. They don’t watch their actions and they don’t even care kung nakakasakit man sila. As long as they are happy with what they’re doing and they think that they will benefit from it, what do they care?!

7. Gloria Macapagal-Arroyo

Wala na siyang nagawang mabuti sa bayan. Hirap na nga ang mga Pilipino, lalo niya pang pinahihirapan. Ang kapal ng mukhang humarap sa altar at tumanggap ng komunyon eh demonyita naman talaga. (Ayan, sorry po sa mga pro-Arroyo. Ito po ay sarili kong opinyon lamang :D)

8. Ginisang Munggo, mansanas at lanzones

Puhleesse!

9. Indianong mabaho

Lalo na sa mga buses and trains, sows, ang dami nila! Ewan ko ba kung bakit ganun ang amoy nila. Ang alam ko hindi naman bawal sa kanila ang maligo. Nakakainis lang talaga! May mga nakilala naman kasi akong mga Indiano/na na mababango sa amoy at tingin pa lang. Hindi ako racist ha. Ayoko lang talaga sa amoy ng ilan sa kanila. Siguro naman alam ng mga bloggers sa ibang bayan ang ibig kong sabihin. (Hala! Naghanap pa ng kakampi…)

10. (Grabe, Joycee. Hindi ako likas na magagalitin kaya ang hirap talaga nito! Hoo!) Flaw finder

Uulitin ko, ‘wag kang magmalinis kung wala kang ginagawang kabalahuraan. Itong mga ‘to, ang lakas mangbuska. As if naman walang bahid ng dungis sa mga mukha kung makapanglait at umasta. Asus! Tumingin muna kyo sa salamin.

11. Feeling Senyorita

Sila ‘yung mga taong walang ginawa kungdi ang mag-utos ng mag-utos. Utos dito, utos ‘dun. Feeling senyorita/to at ang mga nasa paligid niya ay muchacha. Sukdulan sa katamaran. Kulang na lang ay tubuan siya ng ugat sa pagkakaupo. Ang lakas mag-power trip!

12. (Uy, konti na lang…) Pusa

Mabangong pusa, mabahong pusa, pusang-gala o pusang-bahay, ayoko talaga sa kanya. Wala akong asthma at hindi naman ako takot dito. Ayoko lang kasi ng amoy ng poop nila. Hehehe! Kaya bilib ako sa mga cat lovers dahil kaya nilang i-take ‘yun. Ayoko rin ng feeling na hahawakan ko sila after nilang dilaan ang buong katawan nila. Oo na, pusa na nga po ang pinakamalinis sa lahat ng hayop. Pero sensya na po talaga at matindi ang kaartehan at kaselanan ko sa katawan at pinangangatawanan ko ‘yun. (Cat-lover bloggers, alavyah!) πŸ˜†

13. Channel 7 and their stars

At our house in QC, our bedroom is my realm. May sarili kaming TV sa room and you can only watch shows from ABS-CBN or Studio 23 . Kung gusto mong manood ng palabas ng siete, doon ka sa TV sa sala o kaya ay sa kuwarto ng in-laws ko. Banned sa kuwarto ko ang taga-siete πŸ™‚

14. (Dalawa na lang… ito naman kasing si Joycee dinagdagan pa πŸ˜€) Skyscrapers, high-rise building o ano pang may kinalaman sa heights

QuΓ© horror! Ako po ay may acrophobia o altophobia. In short, takot po ako sa heights. Kaya bago niyo naman ako ayain sa mga matataas na lugar eh siguraduhin niyo naman na hindi rin kayo matatakutin (tulad ni Gard) at baka pareho tayong makitang sakay ng ambulansya, hane? Dito sa SG, karaniwan na ang high-rise buildings dahil nga maliit lamang ang kanilang land area, pati na rin ang matatarik na escalators kaya naman po ang inyong lingkod ay mas pinipiling manatili na lamang sa bahay. Adventurous po ako, pero kung atake sa puso ang kapalit, aba’y ‘wag na. May mga dalagita pa po akong dapat subaybayan. Kaya Duchess, kahit nandyan pa ako sa Pinas eh gudlak naman talaga kung patusin ko ang invitation mong sky-diving. Tumalon mula 2nd floor down to 1st flr pwede pa, basta may parachute. πŸ˜†

15. Makulit

Makulit na ako kaya ayoko na ng isa pang makulit sa buhay ko. Kapag sinabi kong hindi pwede, ‘wag nang ipilit ang gusto. Iilan lang ang mga taong pinagkakatiwalaan ko ng mga private information about me (cellphone number, address ng bahay, YM ID). Kapag hiningi mo ng minsan at hindi ko ibinigay, tapos inulit mo pa at di ko pa rin ibinigay, naman! Makahalata ka na na di kita type maging friend o kabungguang-siko. At please lang, tantanan ako sa kakatanong ng mga walang kwentang bagay dahil bihasa ito sa panonopla.

Ayun at natapos ko rin. Natusta ang brain cells ko dito, Joycee. Hoo! Sa totoo lang, ilang araw kong pinag-isipan ang pet peeves/hates ko. Nahirapan ako dahil sinasanay ko na kasing mahalin ang mga bagay na di ko gusto tapos biglang umekstra ang tag na ito. Ayan tuloy, na-revive ang negative energy nila sa ugat ko. Hahaha!

**********friendship_award1

Ito naman ay galing kay pretty Karen, na sobrang generous sa pagbibigay ng award dahil dalawa ang ibinigay niya. For the “Friendship Award“, these are the rules:

1. Take your award here.
2. Put the logo on your post.
3. Link the person who awarded you.
4. Nominate at least 7 other blogs.
5. Add links to those blogs on yours.
6. Leave a message for your nominees on their blog.


At ang 2nd award, “Over The Top Award” na may rule na halos pareho lang din noong una:

Rule: Each recipient of the award will acknowledge the person who honored them with the award and then go to Over The Top Aprons, copy/paste the award : Your Blog is Over The Top.

Kaya eto ang award image…award1

Hay, natapos din…. sa wakas! Hindi ko po ipapasa ang Pet Peeve tag ha. Bahala na kayo kung trip niyong kunin at gawin. Baka kasi magaya kayo sa akin. Tustado ang utak. Hehehe! But I’m passing the two awards from Karen to all the people of the universe on my sidebar. You all deserve the awards and your spot on my list. πŸ™‚

ENJOY!

chic1


The History of (the name) ENJOY

Ito ang madalas na komento/tanong sa akin sa tuwing ipakikilala ko ang aking sarili sa mga bagong nakakasalamuha:

“Talaga? Enjoy ang nickname mo? Ang galing ha! Eh di lagi kang masaya?”

“Bakit Enjoy? Ano yan real name mo o ginugud taym mo lang kami?”

“Really?! Hanep sa name ha? Unique.”

“Enjoy, nag-eenjoy ka ba?”

Bakit nga ba Enjoy? Ito na po ang tugon sa matagal ko nang naipangakong istorya.

Maraming nagtataka kung bakit sa dinami-dami ng magiging alyas ay Enjoy pa ang naibigay sa akin. Matagal-tagal rin bago ko nalaman ang kuwento. Mahaba po kasi ang aking pangalan at binubuo pa ulit ng dalawa pang pangalan. Ang kuwento nang nanay ko ay mashado na daw common kung yung first name ko ang itatawag sa akin, ANNA na bagama’t magandang pakinggan at may kasosyalan (AC makinig ka), masyado na daw common at wala nang dating. Lalo na ang aking ikalawang pangalan na VICTORIA (oh di ba? sosyal pa rin at tunog kastilaloy) na sa kalauna’y mababago na rin ang bigkas lalo na sa aking pagtanda kaya mas minabuti nilang huwag nang gamitin. (Ganyan po ka-advance ang utak ng aking magulang at mga kamag-anak. Iniisip na agad nila ‘yung magiging tunog ng aking pangalan ‘pag ako’y lola na).

Derivation of Victoria:

  • Vicky
  • Vic
  • Torya
  • Bikay (tawag ng tatay ng aking best friend. ang sagwa lalo na kapag isinisigaw nya para lang ako i-welcome sa kanyang bahay)
  • Oryang

Kaya naman nag-isip ang aking butihing tiyuhin/ninong ng isang pangalang kakaiba. Para sa isang magandang masayahing sanggol na katulad ko, dapat ay may dalang saya din ang magiging pangalan ko.

Noong panahong iyon, mga 1980’s (konsensiya: “tamaan ka ng kidlat, Enjoy“) ay pumailanlang sa ere ang station ID ng IBC Channel 13 na may tagline na, “Enjoy yourself. Channel 13….“. ‘Wag kayong mag-alala dahil hindi rin ako nakarelate noon. Ginamit yata nila ito ng isang dekada pa bago napalitan. At eto na nga, habang nasa gitna ng malalim na pag-iisip ang aking tiyuhin ay bigla itong inere at saka sinabayan ng isang hagikgik na mula sa tiyanak inyong lingkod . At mula noon, ako ay binansagang kalapating mababa ang lipad ENJOY.

Sa totoo lang ay hindi ko naman na-enjoy ang aking alyas noong ako ay bata pa. Madalas pa rin kasing maiba ang banggit ang aking mga kalarong buyoy sa aking linsyak na nickname. Uso na noon ang match-making sa mga magkakalaro kaya sa pader ng isang garment factory na malapit sa amin, madalas kong makita ang aking pangalan na iminamatch sa iba,

Undyoy love Tunay

Unyoy lab Jon

Noong una ay hindi ko inisip na ako nga iyon. Akala ko ay may bago lamang kaming kalaro hanggang sa lumapit sa akin ang mastermind ng unang sulat sa dingding.

Uyy, Undyoy! Crush ka daw ni Tunay! Yihee!

At doon ko nakumpirmang ako nga si “Undyoy”.

Hindi nagtagal ay natutunan ko na ring mahalin at i-appreciate ang kagandahan ko ng aking alyas. Ito kasi ay malinaw na deskripsyon ng aking buong pagkatao. Isang masayahin na nilalang, na emosyonal man sa pagsusulat ay mae-ENJOY mong kasama sa personal. Makulit, madaldal, palabiro, palangiti. Kaya kalauna’y ginamit ko na rin ito bilang pagpapakilala ng aking sarili sa mga bagong nakakasalamuha at nagiging kaibigan (tulad ninyo). Nagkaroon pa nga ng pagkakataon kung saa’y nabagong muli ang alyas na Enjoy at napalitan ng HAPPIE na kinuha naman mula sa ginamit kong email ID.

There’s more behind the name Enjoy. Iilan pa lamang ang nakakadiskubre nito. Hindi lamang ito isang pangalan o alyas. Ito ay isang personalidad. Sabi sa aking nabasa, ang ating pangalan ay nagre-reflect daw ng ating pagkatao. Kung susuriin mong mabuti ang mga kahulugan ng iyong pangalan, mababatid mong ito ay may malaking kinalaman sa iyong buhay at sa iyong pananaw. Kaya nga ako ngayon ay talaga namang nag-eenjoy na. Kung tutuusin, hindi naman talaga unique ang alyas na ito dahil marami na akong nakasalamuhang mga tao na may ganito ring alyas. Ang kaibahan ko lamang ay mas maganda ako sa kanila. πŸ™‚ (Ang kumontra walang keyk!)

At ngayon, sa mga bagong kaibigan at kakilalang nagtatanong kung bakit Enjoy ang aking alyas, ito ang aking seryosong tugon,

Eh kasi sobrang nag-eenjoy ang tatay at nanay ko nung ginagawa nila ako kaya naisipan nilang Enjoy ang ipangalan sa first baby nila” πŸ˜€

Pwede ba? Pwede!!!

And that’s the story behind the name… ENJOY. πŸ™‚

akoito1

chic1