Latest

The Untold Story

Mahigit isang buwan na rin pala ang nakalipas mula ng isulat ko ang aking huling entry. Maraming nangyari ngunit hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na i-share ang mga iyon sa inyo. Kinain ng ibang bagay ang aking brain cells at kinailangan pang mag-regenerate. Pasensya na po. Kaya tuloy sa kagustuhan ko na pagbigyan ang hiling ng aking mga friends sa Bloggywood (na mag-post na ako ng bagong entry) eh kinailangan ko pang makiusap at lumuhod at magmakaawa humingi ng pabor sa aking sissy (as I fondly call her) na si Joycee, na agad naman po niyang pinagbigyan… without any hesitations. Thanks again sissy! 🙂

Ang Katanungan:

Bakit nga ba nawala si Enjoy? Bali-balita na naadik na siya ng husto sa FaceBook at nawalan na ng gana na magsulat. Ito ba ay katotohanan o pawang propaganda lamang  upang pagtakpan ang kanyang baluktot na paniniwala na hindi siya mami-miss ng Bloggywood hindi man siya muling sumulat? Ano nga ba ang katotohanan? Alamin ang kasagutan sa kanyang susunod na entry.

Akala niyo ngayon na noh?! Bibitinin ko muna kayo para siguradong magbabalik ako 😆

Advertisements

May Inspirasyon Ka Ba?

I Believe
Fantasia

♪ I believe in the impossible
If I reach deep within my heart
Overcome any obstacle
Won’t let this dream fall apart ♪

Good day everyone!! Ako po si Joycee galing sa joyceish.com at narito po ako para aliwin kayo habang si Ate Enjoy ay naaaliw sa Facebook. Isa lamang po sya sa napakadaming bloggers na nawawala sa ating mundo dahil naaliw sa Facebook. 🙂

Pero Facebook o Tumblr nga ba ang dahilan baket nawawala ang mga bloggers??

I am pretty sure that every blogger has experienced this.

You want to create a new blog post dahil medyo madami-dami na ang comments sa last post mo, ilang araw na din naman ang nakalipas kaya sa tingen mo, it’s time to publish a new post. You already have an idea what to post, you type some words, backspace, type ulet, bura… arghhhhhhhhhh! In the middle of the post, you run out of words, so nagdecide ka na wag nalang magpost.

Matanong nga kita, what inspires you to blog??? What’s driving you to write?? Kung ako ang tatanungin, madame akong masasabi, madame akong maisasagot pero syempre hindi ibig sabihin nyan eh lagi akong may maisusulat.

So ngayon, ipapakilala ko sa sila sa inyo, the people who inspire me to blog. 🙂

Read the rest of this page »

My Super Friends

Masarap talaga ang magkaroon ng mga kaibigan na makakausap mo sa mga panahong nalulungkot ka. ‘Yung magpapasakit ng tiyan mo sa kakatawa dahil sa kanilang kakulitan, ‘yung kakamustahin ang araw mo at bibigyan ka ng mga advices kung ano ang mga dapat gawin para ‘wag malungkot. Mga kaibigan na dadamayan ka sa paraang alam at kaya nila. Kaya naman salamat at kahit medyo madalang ang pagsulpot ko dito sa blogosperyo ay may matiyaga pa ring dumadamay sa aking pag-iisa. At hindi lamang kayo ang aking naging karamay ngayon na wala si Gard. Sa post na ito ay ipakikilala ko sa inyo ang aking bagong Supah Friends. Sina Chiqui at Pinky, plus my old buddy, Macky.

Unahin natin si Macky.

Matagal ko ng kaibigan si Macky. Almost a year na rin pala kaming magkakilala. Siya ang madalas kong kasama sa mga oras na wala akong magawa. Lalo na kapag naghahanap ako ng kakuwentuhan o nagpapalipas ng oras sa pagba-blog.  Siya rin ang kasa-kasama ko sa paghahanap ng work. Sobrang professional ang dating niya kaya siguro noong una ay nahirapan akong pakibagayan siya. But as days pass by, unti-unti naming nakilala ang isa’t isa at kung ano ang mga limitations namin. Ngayon, gamay na gamay na namin ang bawat isa. I’m so comfortable being with him because I know we share a lot in common. We’re both techie, we like to entertain people and make them happy, and siempre friendly. 🙂

Next is my new friend, Chiqui. I met her only last July 7, dahil kay Gard. Kung hindi niya ako inaya sa IT show para i-renew ang aming internet subscription, hindi ko siguro siya makikilala. Bagay sa kanya yung name nia because she’s really chic. I just don’t like her skin color. Sobra siyang maputi. Feeling ko, madikit lang ako sa kanya, magsisilbi na akong mantsa sa balat niya. Naman di ba! But what I like about her is that she’s easy to get along with. Hindi mahirap pakisamahan, hindi kumplikado ang buhay. Siya ang madalas kong kausap sa gabi habang nagpapaantok. Isang kalabit ko lang dun, ay sus umaarangkada na agad ang energy. Full charged palagi. Katulad ngayon, panalo na naman sa energy habang ginagawa ko ang entry na ito. Dependable talaga ang lola ko. 🙂

Last but not least, my so cutie friend, Pinky. 🙂 Ironically, she doesn’t like pink. Red ang peborit color niya. Pero bagay din sa kanya yung name niya dahil parang babaeng-babaeng ang dating and because she likes red, she’s also passionate. We both love to take pictures and capture special moments. She’s trendy at talagang swak kami sa isa’t isa. Malamang madalas ko syang makakasama sa mga lakwatsahan. Siya ang magiging official photographer ko dahil adik din sa picture-picture ‘yun eh. But she’ll also be my worst critic when it comes to photography 😦 . Gusto kasi nun laging picture perfect. Eh kung ako ba naman ang subject, paano pa magiging picture perfect yun? 😆

Naiintriga na kayo noh? Gusto niyo na ba silang makilala? Sya, hindi ko na patatagalin ang inyong pagkainip dahil eto na po sila… my ever dependable super friends – Macky, Chiqui and Pinky 🙂

mackyMy iMac MACKY

Chiqui

Chiqui, my 10″ Lenovo Netpad

pinkyPinky, my red-hot Sony Cybershot

Hindi ako gaanong mahilig sa gadgets, but I’m so blessed to have them. Thanks to Gard 🙂

O di ba, ang cool nila? Sweet! 😉

Alone Again Naturally

Ayokong malungkot!!! 🙂

Hindi naman talaga ako nalulungkot as in depressed na naiiyak. I just feel sad because I will be alone again. May business trip kasi si Gard sa Thailand for a week. Mamayang 8am na ang alis niya (1:25AM na ngayon). Uuwi siya on Friday, pagkatapos ay babalik ulit para tapusin ang kanyang project. Sa totoo lang, sanay na naman akong maiwan. Gustuhin ko man kasing sumama, napaka-impractical lalo na’t next month ay nakahanda na kaming lumipat ng bagong bahay. Sayang ang pera, pandagdag din iyon. Nasa sales kasi ang linya ni Gard kaya madalas ang kanyang business trip. Nakakalungkot dahil kahit may housemates ako dito, pagdating sa gabi, mag-isa pa rin akong matutulog. Uhm, hindi pala. Maaaring makasama ko pala ang mga “bisita” namin dito sa bahay. Madalas kasi magparamdam ang mga iyon. Marahil nais akong makatabi sa pagtulog. 🙂

Ayon sa isang personality quiz na sinagutan ko sa Facebook, (opo, ako po ay Facebook addict) dependent daw ang personality type ko. Hindi ko raw kaya ang mag-isa. Kumportable ako sa constant companionship. Sa isang banda ay tumugma sa akin ang resulta. Hindi kasi ako sanay kumain mag-isa. Nawawalan ako ng gana. Hindi rin ako sanay na maglakwatsa mag-isa, o kaya ay kahit mag-window shopping man lang. Mas masaya kung may kasama. Hindi nakakainip. Sa dalawang linggo na maiiwan akong mag-isa, pihadong restless na naman ang aking mga araw. Aalis na naman pala siya ulit next month. Isang linggong US trip naman para umatend ng isang conference. Sana nandito na ang mga kids para hindi na ako mag-iisa. Di bale, malapit na naman. Ilang tulog na lang kasama na namin sila. Yahoo!!!

Ayokong malungkot… sasamahan niyo ba ako? 🙂

Glitzy Crisis

Isang balita ang bumungad sa akin mula sa pang-Sabadong pahayagan na nabili ko. Taliwas sa atin sa Pinas kung saan Linggo kung lumabas ang pinakamaraming job advertisements sa classified ads, dito sa SG, tuwing Sabado mo iyon makikita.

“Job outlook remains gloomy”

Matindi pa rin ang epekto ng global financial crisis dito sa Singapore. Maraming kompanya ang inaasahan pa rin ng MOM o Ministry of Manpower na magsasara o kung hindi man ay magsasako ng daan-daang empleyado.  Madaragdagan na naman ang porsyento ng mga walang trabaho. Nais ng gobyerno na bigyan ng tsansa ang mga job seekers pero karaniwan raw ang mga dahilan kung bakit mahina pa rin ang employment ay skill mismatch, salary expectation o freeze hiring. Ibig sabihin, maliit pa rin ang tsansa ko na makahanap ng trabaho.  Tsk… tsk… tsk. Eto na lang ang tanging nasabi ko sa sarili. But of course, hindi pa rin ako tumitigil sa paghahanap. Alam ko na darating na rin ang tamang trabaho para sa kin. Ramdam ko, malapit na malapit na. 🙂

20090529-the-great-singapore-saleAng nakakatuwa dito sa SG, sa kabila ng malaking balita na ito, kabi-kabila pa rin ang mga nangyayaring pagbabago. Ilang shopping malls ang nasa kalagitnaan ng malaking renovation ngayon at ang Orchard Road kung saan matatagpuan ang mga luxury boutiques na Louis Vuitton, Chanel, Gucci, Ferragamo, D&G at marami pang iba ay nanatili pa rin glitzy hanggang sa ngayon. Tuluy na tuloy pa rin ang Great Singapore Sale (GSS) na tradisyonal na ginaganap every year. Big discounts, great deals! At pati ang mga kaibigan namin dito ay  sumabay na rin sa sale. Kailan lang ay ibinenta ni kaibigan 1 ang kanyang 3-month old 42″ inches na Samsung Plasma TV at XBox 360 sa halagang SGD1150 (SGD1400 ang original price noong TV) na binili naman ni kaibigan 2.  At itong si kaibigan 2 dahil nga sa nakabili na ng plasma, ibinenta naman sa amin ang kanyang one-year old 37″ Sony Bravia sa halagang SGD 500 (original price: SGD 1700) lang! Oh di ba? Big discount, great deal!  Pano mo nga ba naman mararamdaman ang krisis dito maliban sa hindi ako makahanap agad ng trabaho? 😉

Gusto ko rin yung kanta ng Switchfoot. One of my favorites actually from OTH. 🙂

God bless to you too Karen. Keep smiling 🙂

Bigger Than Any Mountain

The Climb by Miley Cyrus

How do you describe your life? Masaya ba ito, maingay na kulang ang 24-hours para sa mga happenings o gatherings? Magulo na animo’y isang karnabal, maraming clowns na nagpapasaya sa iyo pero kasiyahang superficial lang? O di kaya ay parang roller coaster na puno ng ups and downs? Halika, ikuwento mo.

mountainLahat tayo ay may hinaharap na struggles sa ating buhay. Along the road, we meet mountains one after the other that we need to climb to be able to get to the other side. Mayroong madaling akyatin na halos walang kahirap-hirap, mayroon namang napakahirap na magbibigay sa iyo ng mga galos at sugat. Kung mahina ang loob mo at ikaw ang klase ng tao na madaling sumuko, hindi mo kakayanin ang pag-akyat. Baka sa umpisa pa lang ay bumigay ka na. Hindi ka pa man nagsisimulang tumapak sa lupa ay tumatalikod ka na sa bundok na iyong aakyatin.

Mula ng magtake-over ako sa responsibilities ng isang pagiging “nanay” sa pamilya, maraming bundok na akong inakyat. I would always experience feelings of anxiety. Some were obvious, some were totally unnoticeable. Tulad nga ako ng isang payaso na makulit at nakangiti, pero sa likod nito ay may nakatagong lungkot. Nasanay na kasi ako na i-project ang sarili ko bilang babaeng strong ang personalidad, palatawa, masayahin. At sa mga pag-uusap natin maging sa personal o messenger ay pupunuin ko ng “ha-ha-ha” at “lol” ang usapan natin. Ito ang isa sa paraan ng pagharap ko sa mga aking mga problema. But I feel that, if I weren’t able to fulfill my dreams for my loved ones, babalik at babalik pa rin ang mga anxieties ko. Naging malaki rin ang naitulong ng blogging upang mailabas ko ang aking mga agam-agam. It will serve as a time capsule as I journey through life. Gayundin sa mga taong nakilala ko na sa blogosphere na nagsilbing inspirasyon at kaibigan.

mountain_climbSabi nga sa kanta ni Miley Cyrus, “there’s always gonna be an uphill battle… ain’t about how fast I get there; ain’t about what’s waiting on the other side. It’s the climb.” Ibig sabihin nasa atin nakasalalay kung paano ang gagawing pag-akyat sa bundok na masasalubong natin; kung ano ang mga paraan na gagamitin para malagpasan ang hirap, pagod at kapagalan ng katawan; kung paano natin pakakainin ang isip ng mga positibong ideya kapalit ng mga anxieties. Tuloy lang ang buhay ano mang pagsubok ang dumating sa atin. Lakas ng loob at talas ng pag-iisip ang labanan. Remember that there’s always gonna be another mountain, which may seem immovable. Our faith will be shaken and sometimes, we’ll be disappointed with the results of our own efforts. But what is important is we keep moving, we keep on taking chances and we keep our faith alive because our FAITH is bigger than any mountain.

God bless everyone!

mountain2

The life of man is a struggle on earth.

But without a cross, without a struggle, we get nowhere.

The victory will be ours if we continue our efforts courageously, even when at times they appear futile.

Author: Boniface Wimmer

Anxiety Attacks

I feel sick today. I have a runny nose and a mild cough. Nakaka-praning lalo na’t lumabas na naman ako kagabi. I had dinner with my hubby and some of his colleagues. As usual, I took the bus from our place then transferred to MRT to get to my destination at puno na naman ng tao. Since A(H1N1) virus reached Singapore, natakot na akong lumabas. I’m starting to develop this phobia called “emetophobia” or the fear of being sick or being around with people who might be sick. I am a bit psychosomatic so it aggravates my paranoia. Would you believe that I have alcohol spray, antibacterial gel and antibacterial wet tissue inside my bag? Masyado na nga daw akong OA sabi ni Gard. Di ko maiiwasan, I’m also OC.

Minsan, kahit ako ay hindi na rin natutuwa sa sarili ko. I have so many aversions and they’re eating all my energies. It’s like living a miserable life. Nasabi ko na rito na acrophobic ako o may fear ako sa heights. I hate taking long steep escalators or stairs, especially when both rail sides are widely open wherein you can see the grounds. Alternative palagi ang elevator. Ganun kasi ang mga escalators at hagdanan dito sa Singapore. Palibhasa’y maliit lang ang kanilang land area kaya naman lahat ng buildings ay pataas at hindi pahaba. Kaya noong Wednesday lang, sa isang interview na pinuntahan ko, nangako akong hindi ko na babalikan ‘yun kahit na tawagan pa ako. Paano ba naman kasi ay kinailangan ko pang tumawid ng mataas na uncovered overpass papunta sa location noong kompanya at habang bumababa ako ay abut-abot ang aking dasal at tumatagaktak ang aking pawis sa noo at kili-kili. Impractical naman kung lagi akong magta-taxi papunta doon. And being OC, ayoko rin ng alikabok sa lugar kung nasaan ako, lalo na sa kuwarto. Hindi ko matagalan kaya minsan, 2-3x ako kung magwalis. At dumadagdag pa sa discomfort ang falling hair ko na kapag inipon ay pwede ng makagawa ng wig. Kahit na ano pang ginagawa ko (kahit na nasa romantic moment pa kami ni Gard), basta may nakita akong dumi kailangang linisin ko muna ‘yun just to ease my irritation. Nakakatawa na nakakainis, hindi po ba? Pasensya na kung sa tingin ninyo ay isa itong kaartehan o kaselanan but as much as I want to act normal or live a normal, comfortable life, nahihirapan ako and I regard this matter as a psychological disorder. I really hope that the people around me, my friends and family would understand what I am going through because this is really difficult for me… and I’m trying very hard to help my self cope with those aversions/fears. Pero hindi ‘yun madali at hindi rin overnight. I know it will take a while. So for those people who are happy flaunting their “I’m OC” labels (obsessive-compulsive), remember that these two words came from the medical term “Obsessive-Compulsive Disorder”. It’s a disorder and there is nothing to be happy about.

———————————————————————————————————————————–

P.S.

Nabanggit ko ba na big fan ako ni Michael Jackson? Nakakalungkot. Excited pa naman ako sa big comeback niya, na kahit di ko man mapanood ng personal, hinihintay ko talaga ‘yun para ma-redeem niya ang sarili niya sa lahat ng mga negative publicities tungkol sa kanyang gender at sexual scandals. I believe he’s truly a good man. He’s too young to die.

May his soul find peace in our Father’s arms…

Goodbye Michael.

The Return of the Marsian

Mahigit isang linggo na rin pala ang nakalipas mula ng sulatin ko ang aking huling entry. Nahuhuli na ko sa balita sa blogosphere at maraming birthday celebrators din ang aking nakalimutang batiin (Joycee, belated happy birthday ulet). Gusto kong humingi ng paumanhin kung naging madalang din ang pagbisita ko sa inyong mga bahay. I really appreciate all the bloggers who visit my house every now and then. Sa mga nag-iwan at nag-iiwan pa rin ng komento kahit na ako po ay out-of-reach na naman. Abala lang po talaga ako ngayon sa paghahanap ng mapapasukan at pati na rin sa minsanang raket. Huwag niyo po sana akong makalimutan, dahil ako naman po ay magbabalik para muli kayong bisitahin kapag naayos ko na ang lahat. Salamat din po sa mga bumoto na sa aking entry na “Bayani? o Bayani”. Sa kasalukuyan ay kasama po ako sa Top 12 nominees (13 lang po kaming may entries… hehehe!), gayunpaman, isa pa rin ako sa may pinakamababang boto. Sa totoo lang, hindi ako naging masipag sa pagpro-promote ng aking entry dahil naniniwala pa rin ako na makukuha ko ang tamang boto hindi dahil sa promosyon kundi dahil sa essence ng sinulat ko. Kaya po kung sa tingin ninyo ay karapat-dapat manalo ang entry ko para sa Pinoy/OFW Blog Awards, huwag niyo po sana ako kalimutang iboto. Paalala lang po mula sa PEBA na hindi counted ang repetitive voting. May kakayahan po silang i-track ang inyong IP address kaya kung naiboto mo na ako minsan, di na counted ang mga susunod mong boto sa akin. Sayang. Tsk…tsk… 🙂

Nagbalik na rin lang ay sasamantalahin ko na ang oras na ito para batiin ng Happy Father’s Day ang lahat ng mga tatay dito sa blogosperyo pati na rin sa inyong mga tatay, at sa aking tatay. Pasensya na po kung nahuli man ang aking pagbati pero sabi nga, it’s better late than never di ba? Isang pagbubunyi po sa inyong matagumpay na pagharap sa responsibilidad ng isang ama at sa pagiging isang matatag na haligi ng tahanan. Let’s us always remember that any man can be a father, but it takes a real man to be a “dad”.

Nang dahil sa A(H1N1) ay naging madalang rin ang aking paglabas ng bahay. Sa liit ng Singapore, ang mahigit sa 50 biktima ay nakakatakot na. Baka nasa tabi-tabi lamang pala sila. Lalo na ng may isang German at isang Indonesian ang na-confirm na nagpalaboy-laboy muna bago nalaman na infected din sila ng virus. Dumalo pa raw ang German sa isang assembly at nag-shopping gayundin ang Indonesian. Now, the Ministry of Health of Singapore is busy tracking all the people who have had contact with the two foreigners. I was also saddened when I heard the news about the first A(H1n1) victim who died in our country. Mahirap ipaliwanag kung iyon ba ay sanhi ng kapabayaan ng biktima o dahil sa kinulang ang DOH sa information dissemination sa kung paano maiiwasan ang nakamamatay na virus. Ano pa man ang dahilan, nangyari na ang lahat. Mas ibayong pag-iingat na lang sana ang ating gawin.

Maging slow po muna ako sa pagba-blog for some reasons. I miss blog-hopping but there are more important things that I have to attend to right now. Bibisita po ako sa inyo, lalung-lalo na sa aking favorite rolls of cake. In the meantime ay pagtiyagaan niyo ulit muna ang mga nasa loob ng aking baul. At sa mga hindi pa nakakaboto sa PEBA, lalo na sa mga friendly OFW bloggers, sana po ay huwag niyo akong kalimutan. Makikita niyo po ang link sa aking entry pati na rin sa voting site doon po aking sidebar. Thank you in advance!

‘Till next time! God bless us all.

P.S.

Kung nagtataka po kayo kung bakit ganun ang title nitong aking entry, sa pakiramdam ko kasi ay isa akong taga-Mars na napadpad sa blogosphere. Isang alien na pasulpot-sulpot…

chic1


Bayani? o Bayani.

Bata pa ‘ko nang maisipan ng tatay kong mag-abroad. OFW or Overseas Filipino Worker daw ang tawag sa kanya. Hindi ko pa alam kung ano ang ibig sabihin nun. Di ko rin maalala kung ano ang naramdaman ko nung umalis siya. Basta ang alam ko lang, may malaking box kami pag pasko at ‘pag umuuwi si tatay, sigurado, maraming pasalubong.
Noong mag-Saudi si tatay, dun ko naranasan kumain ng masasarap na tsokolate; Cadbury, M&M, Snickers at marami pang iba. Dati kasi goya at egg chocolate lang ang kayang ibili ng nanay ko sa amin. ‘Nung panahong din iyon ako nagkaroon ng mga magaganda at mukhang mamahalin na mga school supplies⎯notebooks, retractable pencil, scented ballpens, pati scented erasers. Pagkatapos mag-Saudi, lumipat si tatay sa Oman. Nadagdagan ang mga koleksyon namin sa bahay. Minsang umuwi si tatay, may dala na siyang wool rug (bukod pa sa mga figurines na korteng ewan). Galing daw ‘yung sa balat ng isang tunay na tupa. Ang dami niyang dala. Nakakatuwa. Feeling rich na ko ‘nun! Lalo na sa mga classmates ko.
After a couple of years, umuwi na si tatay. Na-homesick daw siya. Hindi ko na inintindi usapan nila ni nanay. Kasi hindi ko naman talaga naiintindihan ang mga hinaing niya. Ang mga personal na hinaing ng isang OFW, until today.
Ang akala ng iba ‘pag sa abroad ka nagta-trabaho, marami ka nang pera. Kahit ano kaya mo nang bilhin. Kung dati naglalaway ka lang sa mga branded or signatures na mga gamit, ngayon kaya mo ng bilhin basta may dolyar ka. Ilan na nga bang pinoy ang naging successful matapos mangibang-bayan? Ang nakabili ng bahay  at sasakyan? Ang nakapagtayo ng negosyo? Marami-rami na rin sila. Pero hindi natin alam kung ano ang mga sinuong nila para makuha lahat ‘yun? Now I can speak for most of them. Isa na rin kasing OFW ang asawa ko. Eventually ako rin. Sa ngayon, isa muna akong nagpapakadakilang may-bahay.
Sana ‘wag isipin ng iba na madali lang makuha ang pera. Kung paano kumakayod ang isang Pinoy sa sariling bansa, ganun din sa banyagang lugar. Minsan nga doble o triple pa. May kaibigan ako na nakatira na US. Green-card holder, may dalawang trabaho. Araw-gabi kung kumayod. Kung minsan, ginagawang araw ang gabi pero wala pa rin naiipon. Lahat kailangan ipadala sa pamilya niya sa ‘Pinas. Marami din kasi ang umaasa sa dolyar na padala niya. Dito sa SG, marami din tayong mga kababayan ang nagbabaka-sakaling umunlad. Kumakayod ng doble para lang sa mga umaasang pamilya. Suma-sideline para lang kumita ng mas malaki. Kung gaano kahirap ang buhay ng mga iniwang pamilya sa ‘Pinas, ganun din ang paghihirap ng loob nila dito. Marami nga ang successful, pero madami din ang lugmok. Ang hindi alam ng ilan, kailangan pang magbenta ng laman ng iba para lamang madagdagan ang perang ipapadala. Akala ng iba, OK ang buhay ng OFW. Hindi naman lahat ganun. Kasi hindi naman lahat pinapalad.
Ngayon ko naintindihan kung bakit umuwi agad ng bansa si tatay noon. Sa ibang bansa, higit pa sa homesick ang kalaban mo. Kalaban mo ang sarili mong pag-iisip. Kung nasanay ka na parang palaging may liga ng basketball sa bahay niyo, ‘pag OFW ka, masasanay ka na mabuhay mag-isa. Suwerte mo kung marami kang kasamang Pinoy; marami kang kakuwentuhan. Pero pag patay na ang ilaw at tulog na ang ilan, kulang na lang ay pitikin mo ang buwan para palitan na ng araw. Nakakabaliw ‘pag gumagabi. Nakakaloka ang magising na wala ang mga nakasanayan mong katabi. Siguro ‘yun ang di kinaya ni tatay.
Kung ang batayan ay ang mga tiniis na hirap at mga sakripisyo ng isang OFW para lang buhayin ng marangal ang kanyang pamilya, tama nga lang na tawagin siyang bagong bayani. Dahil sa bawat dolyar, dirham, yen, o pounds na ipinapadala nila (kasabay ang mga request na rubber shoes, pabango, bag, shades at gintong alahas), ganun din ang katumbas ng pawis, pagod at homesick na tinitiis nila. Kaya kung may kapamilya kang OFW, makuntento ka na muna sa kung anong meron ka at matuwa na sa kabila ng lahat, nakakatawa pa rin sila.

**Ito po ang aking opisyal na lahok para sa PEBA 2009. Kung sa inyo pong palagay ay karapat-dapat na manalo ang lahok na iyo ay mangyaring bisitahin lamang ang kanilang pahina upang ako’y iboto gayundin din po ang iba pang mga kalahok.

Maraming salamat po!

****************************************

pinoy-blog-awards3

Bata pa ‘ko nang maisipan ng tatay kong mag-abroad. OFWOverseas Filipino Worker daw ang tawag sa kanya. Hindi ko pa alam kung ano ang ibig sabihin nun. Di ko rin maalala kung ano ang naramdaman ko noong umalis siya. Basta ang alam ko lang, may malaking box kami pag pasko at kapag umuuwi si tatay, sigurado, maraming pasalubong.

Noong mag-Saudi si tatay, doon ko naranasan kumain ng masasarap na tsokolate; Cadbury, M&M, Snickers at marami pang iba. Dati kasi goya at egg chocolate lang ang kayang ibili ng nanay ko sa amin. ‘Nung panahong din iyon ako nagkaroon ng mga magaganda at mukhang mamahalin na mga school supplies⎯notebooks, retractable pencil, scented ballpens, pati scented erasers. Pagkatapos mag-Saudi, lumipat si tatay sa Oman. Nadagdagan ang mga koleksyon namin sa bahay. Minsang umuwi si tatay, may dala na siyang wool rug (bukod pa sa mga figurines na korteng ewan). Galing daw ‘yung sa balat ng isang tunay na tupa. Ang dami niyang dala. Nakakatuwa. Feeling rich na ko ‘nun lalo na sa mga classmates ko. Makalipas ang ilang taon, umuwi na rin si tatay. Hindi niya kinaya ang homesick. Madalas silang mag-usap noon ni nanay pero hindi ko inintindi ang usapan nila dahil hindi ko naman talaga naiintindihan ang mga hinaing niya. Ang mga personal na hinaing ng isang OFW, hanggang dumating ang araw na ito.

Hindi ko alam kung saang makating bibig ng bubuyog nasagap ng ilan ang balitang mapera ang nagta-trabaho sa ibang bansa. Akala kasi ng karamihan, basta dolyar o basta hindi peso ang kinikita mo at lumalagpas ng limang libo ang ipinadadala mo sa pamilya mo sa Pinas, mapera ka na. Kahit ano kaya mo nang bilhin. Abot kamay mo na lamang ang mga branded na gamit na noon ay nagpatulo ng laway mo sa loob ng isang mamahaling department store. Kung ipinanganak kang isang kahig-isang tuka at tanging pulbos ang nagagamit mong pabango, marahil ngayon ay higit pa sa Victoria’s Secret ang kaya ng bulsa mo. Kasi nga ay tinahak mo ang daan palayo sa sariling pamilya nang dahil sa nais mong kumita ng malaking pera. At baka nga dahil nasa abroad ka na, ikaw ay isa nang mapera.

Ilan na nga bang pinoy ang naging successful matapos mangibang-bayan? Ang nakabili ng bahay  at sasakyan? Ang nakapagpatayo ng negosyo at nakatulong sa mga kamag-anak/kaibigan/kakilalang walang mapapasukan? Marami-rami na rin sila ngunit hindi sing-dami ng mga Filipinong naghihikahos pa rin sa ating sariling bayan. Kung limpak man ang salaping pinadaraan ng mga OFW sa remittance centers papunta sa pintuan ng kani-kanilang pamilya, hindi pa rin natin alam kung ano ang kanilang pinagdaanan kapalit ng dolyar, riyal o pounds. Ngayon ay maaari ko nang irepresenta ang karamihan sa kanila. Isa na rin kasing OFW ang asawa ko at paglao’y ako rin na nagsisikap makahanap ng magandang oportunidad dito sa Singapore.

Sana ‘wag isipin ng iba na madali lang nakuha ng mga OFW ang pera. Kung paano kumakayod ang isang Pinoy sa sariling bansa, ganoon din sa banyagang lugar. Minsan nga ay doble o triple pa matustusan lamang ang pangangailangan pang-pinansyal ng mga mahal sa buhay. Isang kaibigan ang pinalad na makapag-asawa ng isang mabait na kano. Nilunok ang sariling laway at pinakisamahan ang isang taong hindi niya gusto para lamang mabigyan ng maayos na buhay ang magulang at mga kapatid. Green-card holder, may dalawang trabaho. Araw-gabi kung kumayod. Kung minsan, ginagawang araw ang gabi pero wala pa rin naiipon. Lahat ay kailangang ipadala sa pamilyang nasa ‘Pinas. Dito sa bansang kinalalagyan ko, marami din tayong mga kababayan ang nagbabaka-sakaling umunlad. Kumakayod ng doble para sa mga umaasang bibig. Suma-sideline upang kumita ng mas malaki. Kung gaano kahirap ang buhay ng mga iniwang pamilya sa ‘Pinas, ganun din ang paghihirap ng loob nila dito. Marami nga ang successful, pero madami din ang lugmok. Ang hindi alam ng ilan, kailangan pang magbenta ng laman ang iba para lamang madagdagan ang perang ipapadala. Akala ng iba, OK ang buhay ng OFW. Hindi naman lahat ganun. Kasi hindi naman lahat pinapalad. Nagbabaka-sakali lang.

Oo. Totoo. Inaamin ko na pera ang dahilan kung bakit kami narito. Mahirap ipanganak ng mahirap. Kahit anong pagsusumikap mong umunlad ang antas ng iyong pamumuhay at mabigyan ng masaganang pagkain sa hapag kainan ang iyong pamilya, hindi pa rin sasapat ang kakarampot na kikitain mo sa Pinas lalo na’t may iba pang umaasa sa iyo. Suwerte mo kung ipinanganak kang may pilak na kutsara sa bibig at nag-aral sa isang sikat at pang-mayaman na eskuwelahan. Agaran kang mapapasok sa trabaho at kung may backer ka ay mataas na posisyon agad ang ibibigay sa’yo. Pero paano ang mga nagtapos sa isang state university? Ang mga nagtapos na may degree pero nauwi sa isang kompanyang pinatatakbo ng politika? Ang mga walang natapos at tanging pag-aalaga ng anak ng may anak ang tanging alam na trabaho? Paano na ang mga tulad ko na ang kagustuha’y makatulong pa rin sa naghihikahos na magulang sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya?

Ngayon ko naintindihan kung bakit umuwi agad ng bansa si tatay noon. Sa ibang bansa, higit pa sa homesick ang kalaban mo. Kalaban mo ang sarili mong pag-iisip. Kung nasanay ka na parang palaging may liga ng basketball sa bahay niyo, ‘pag OFW ka, masasanay ka na mabuhay mag-isa. Suwerte mo kung marami kang kasamang Pinoy; marami kang kakuwentuhan. Pero pag patay na ang ilaw at tulog na ang ilan, kulang na lang ay pitikin mo ang buwan para palitan na ng araw. Nakakabaliw ‘pag gumagabi. Nakakaloka ang magising na wala ang mga nakasanayan mong katabi. Siguro ‘yun ang di kinaya ni tatay.

Hindi karangalan na matawag na “bagong bayani” ng ating bansa. Wala rin namang ipinagkaiba ang pagtingin sa kanila. Pantay-pantay lang ang trato pagdating sa Pinas. Walang bulaklak na isinasabit sa leeg at walang bandang sumasalubong na gaya ng kay Pacquiao. Mabuti pa nga si Pacquiao, animo’y isang santo kung iparada sa lansangan. Ngunit ang mga OFW na kumakayod ng husto upang itaas ang antas ng pagtingin sa Pilipinas kapalit ang kaunting kinikita, hindi man lamang matapunan ng pansin. Kung ang batayan ay ang mga tiniis na hirap at mga sakripisyo ng isang OFW upang buhayin ng marangal ang kanyang pamilya, baka nararapat nga na tawagin siyang bagong bayani. Bayani ng sariling pamilya. Dahil sa bawat dolyar, dirham, yen, o pounds na ipinapadala nila (kasabay ang mga request na rubber shoes, pabango, bag, shades at gintong alahas), ganun din ang katumbas ng pawis, pagod at homesick na tinitiis nila. Baka nga kulang pa.

Paano Ba Ang Mangarap?

Every great dream begins with a dreamer. Always remember, you have within you the strength, the patience, and the passion to reach for the stars to change the world.

~ Harriet Tubman

Marami akong pangarap noong bata pa lamang ako. Gusto kong maging isang pintor, o kaya ay arkitekto. Gusto kong maging isang nurse o kaya ay doktor. Gusto kong maging singer o kaya ay isang dramatic actress. Gusto kong maging brodkaster o kaya ay isang field reporter.

Sabi ng mga kamag-anak ko ay ambisyosa raw ako dahil puro pang-mayaman ang mga karera na gusto kong abutin. Ambisyosa pero kung gugustuhin ko ay maaabot ko naman dahil ako raw ay “MATALINO”.

Naalala ko ang pelikula ni Vilma Santos na “Paano Ba Ang Mangarap?”. Hindi ko napanood ‘yung pelikula pero alam ko na kasama niya doon si Christopher de Leon at may remake sina Jennylyn Mercado at Mark Herras ngayon. Hindi ko rin alam ang istorya kaya please wag niyo akong tanungin, pero gusto kong subukang sagutin ang tanong. Ewan ko pero naisip ko, madali lang naman ang mangarap di ba? Kung tutuusin lahat ng tao ay kayang mangarap. Uupo ka lang sa isang tabi at titingin sa langit at saka mo sasambitin kung ano ang pangarap mo sa buhay, tapos ‘yun na. Maging ang batang paslit ay may mumunting pangarap na maging isang guro sa kanyang paglaki o kaya ay Cinderella; anuman ang lahi at estado sa buhay ay may ninanais na marating at maabot kahit na mukha pa itong imposible. Sabi nga, LIBRE LANG naman ANG MANGARAP kaya kung mangangarap ka rin lang ay taas-taasan mo na. Huwag mong pakinggan ang mga taong sumusuway sa iyo. Buhay at pangarap mo naman yan. ‘Yun nga lang, kung paano mo ito tutuparin, iyon ang dapat mong pag-isipan dahil dito na magsisimula ang pagsuong sa mabatong landasin patungo sa iyong pangarap.

Isang malaking disappointment para kay tatay at sa aking mga kamag-anak ang pag-aasawa ko ng maaga. Ako kasi ang inaasahan nilang mag-aahon sa aming pamilya mula sa pagkalugmok nito sa kahirapan. Nagkasunud-sunod ang trahedya sa aming buhay at ako ang inakala nilang saving grace. Iyon ang pangarap ng mga kamag-anak ko para sa aming pamilya na sa tingin nila ay ako ang sumira. Ganun rin naman ang aking adhikain. Bilang panganay ay ipinangako ko sa sarili na pipilitin kong ilagay sa ayos ang aming kalagayan. Pinangarap kong mabigyan si tatay at ang aking mga kapatid ng magandang pamumuhay sa kabila ng aming mga pinagdaraanang pagsubok. Alam kong batid na nila ngayon iyon. Kaya nga ako nandito sa Singapore upang sumugal na rin dahil alam kong walang mararating ang kakarampot na kikitain ko sa Pinas. Isang pasasalamat na maunawain si Gard sa aking sitwasyon at patuloy na tumutulong upang matupad ko ang mga nais ko para kina tatay.

Binalikan ko ang lahat ng mga naging pangarap ko noon… ni isa pala ay wala akong narating. Nauwi lang pala sa kusot ang mga binulong ko sa bituin. Tunay na ang pagrerebelde ay walang matinong mararating kungdi ang daan patungo sa EDSA at Mendiola.

Sa aming magkakapatid, ako ang may pinakamaayos na buhay may-asawa. Maalwan ang aming pamumuhay at nakasisiguro sa kinabukasan ng aming mga anak. Kaya siguro bilang isang ate ay masakit sa aking loob na makitang hindi ko nagabayan ang aking mga kapatid. Ni isa sa amin ay walang nakapagtapos ng kolehiyo. Isang malaking kabiguan para sa aming magulang na nagsikap na maituwid ang aming landas.

Marami pa rin akong pangarap sa buhay kahit ako ay hindi na bata. Pero hindi ko na gustong maging isang doktor, o arkitekto, o isang sikat na artista o brodkaster. Matanda na siguro ako para doon at napaglipasan na ng panahon. Mahabang oras ang muli kong bubunuhin sa pag-aaral. Gayunpaman ay buo pa rin ang pangarap ko para kina tatay. Hanggang sa pagtulog ay dinadalangin ko pa rin na maisakatuparan ko iyon bago man lamang dumating sa takipsilim ang kanyang buhay. Ang pangarap na mabigyan siya ng isang maayos na pamahingahan sa panahon ng tag-init; matibay na kublihan sa panahon ng tag-ulan; masarap na almusal, at masustansyang tanghalian at hapunan. Ang pangarap na marating niya ang lugar kung nasaan ako ngayon at magbiyahe hindi dahil sa trabaho kungdi bilang isang regalo sa kanyang mga naging pagsisikap. Matatag pa rin ang loob ko na makakatulong pa rin ako sa aking mga kapatid sa kahit na anong paraan, maliit man o malaki. Gusto kong maranasan din nila ang mamuhay ng maayos at masagana kasama ng aking buong pamilya.

Paano nga ba ang mangarap? Madali lang at libre pa nga. Pero kung mangangarap ka, dapat ay GUSTO mo at hindi PARANG GUSTO mo lang. Dahil ang salitang GUSTO ang magbibigay sayo ng motibasyon para kumilos. At siguraduhin mong gusto mo rin itong tuparin at pagsisikapan mong abutin dahil ang ibinulong mo sa langit ay ibibigay sa’yo ng nasa Itaas kung sasabayan mo ng sikap at tiyaga. Naniniwala ako doon gaya ng paniniwala ko na sasamahan pa Niya ito ng isandaang porsyentong lakas.

I have learned, that if one advances confidently in the direction of his dreams, and endeavors to live the life he has imagined, he will meet with a success unexpected in common hours.

~ Henry David Thoreau

chic1

*Isang pagbubukas din ang ang naging pakontes ni kaibigang Otep upang muli kong ma-analisa ang mga pangarap ko sa buhay maging ng iba pang bloggers. Hindi man manalo ang entry na ito, sa isang banda ay nakatulong sa akin ito upang lalo ko pang pagsikapang abutin ang nais ko para sa aking pamilya.