Ang Kuwento ng Isang Hurado

Hindi pa full blast ang aking pagbabalik-blogosperyo pero nais ko muna ikuwento ang isang magandang oportunidad na dumating sa akin.

Noong una’y sapat na sa akin ang magsulat, magkuwento at magpahayag ng aking sariling opinyon dito sa mundo ng blogosphere. Lumipas ang ilang mga posts at nakakilala ako ng mga online bloggers at ilang followers. Na-inspire at naging isang follower din. Kuntento na sana ako sa ganoon, ngunit nang magbukas ng pinto para sa ikalawang taon ng pakontes ang PEBA (Pinoy Expat/OFW Bloggers Award), minabuti kong ibahagi ang aking sariling kuwento – pagbabahagi na di naman talaga naghangad ng anumang gantimpala o pagkilala, kung hindi upang mailabas lamang ang sariling hinagpis bilang isang anak at may-bahay ng isang OFW. Kaya ng mapabilang ako sa Top 5, halos lumundag ako sa tuwa. Hindi ko iyon in-expect.

Isang taon na ang nakalipas at ako ay muling nagbabalik-PEBA ngunit ngayon ay bilang isa sa mga hurado. Isang opportunity na napakahirap palagpasin, at napakahirap magampanan. Kung sa tingin mo ay sapat na ang magbasa ay nagkakamali ka. Bukod kasi sa may criteria na sinusunod ay kailangan mong patatagin ang itong emosyon. Mahirap ang maging symphatetic in times you are only requested to emphatize. Masakit sa dibdib, at sa ulo. If I were to decide, lahat siguro pipiliin ko na lang na manalo dahil lahat naman sill ay deserving. Pero kailangan ko pa rin ulit-ulitin ang pagbabasa upang may mapili akong number 1.

Ganito pala ang naging experience ng mga nakaraang hurado, NAKAKALOKA!🙂

Hindi ko masasabi kung ako ba ay sinuwerte sa paghirang sa akin bilang isa sa mga hurado dahil mukhang magkakasakit na yata ako sa puso (at lagi na lang daw akong umiiyak sa tuwing magbabasa, sabi ng mga bagets ko😆 ). But I wish all the finalists GOOD LUCK and CONGRATULATIONS, dahil para sa akin, lahat kayo ay WINNER!

Sa PEBA, congratulations for another successful year!

11 responses

  1. Wow napaka-swerte nyo naman pong mapabilang sa mga hurado. Isa talagang malaking honor ang ganyang pagkakataon kahit kanino.

    Kung sino man mananalo goodluck po sa inyo! Susubaybayan ko ito.

    December 20, 2010 at 11:30 AM

    • enjoy

      Hi Emily!

      Sayang nga hindi ako nakapunta. Inabot kasi ako ng “shyness” eh. Hehe! Pero masaya ako para sa mga winners. Ang daming magagaling. Sana magkaroon ulit ng ganitong opportunity next year and hopefully maka-attend na ko🙂

      December 21, 2010 at 6:24 PM

  2. bat an tagal mag-load.. ahehehe.. anyway…dumaan lng din… ahahaha.. wooot…welkam welkam…😀

    woot…blog happying (hopping)…saya saya..party party!.

    December 5, 2010 at 3:05 PM

    • enjoy

      salamat sa pagdaan superG! wala pa rin akong time mag-agiw kaya pasensya na at ngayon lang kita nasagot.🙂

      December 15, 2010 at 2:31 PM

  3. eh kase busy ako kaya ngaun ko lang toh nabasa..
    eh kase naka indefinite blog leave ako kaya ngaun ko lang to nasipat..
    eh kase…
    eh kase…
    oo na nagdadahilan lang ako..
    tinamad lang talaga akong magbasa ng mga updates ng ibang bloggers.. hehehehehehe

    welkam bakers! sana tuloy-tuloy na.. hehehehehe

    December 4, 2010 at 2:36 AM

    • enjoy

      “welkam bakers! sana tuloy-tuloy na.. hehehehehe” – hindi muna kita sasagutin dyan. di pa rin kasi ako sure eh. hehe!

      salamat sa pagdaan yanah!🙂

      December 15, 2010 at 2:33 PM

  4. WOW!! Aba aba aba! ahaha sensya na sa reaction ko at naging excited lang ako para sa’yo and i’m happy that you’re back in blogging. Congratulations for being chosen as one of the judges! kaya mo yan! ikaw pa! hehe God is with you. Good luck!

    November 29, 2010 at 6:18 PM

    • enjoy

      Hi Karen! Thank you!

      Tapos na ang judging at bukas na yung awarding. I made it! Hahaha!

      Seriously, it was a wonderful experience. Ang dami kong natutunan and I’ll be happy to do it again next year🙂

      December 15, 2010 at 2:37 PM

  5. enjoy

    N: wala pang partey kasi di ko pa sure kung tuluy-tuloy na ito eh. Hehehe! Nawala na tuloy pati mga kapitbahay ko dito. Mukhang kayo na lang ni CM natira :))

    CM: may ganun?! Hm, sige pwedeng pag-isipan yan basta ba may day-off ako tuwing weekends at paid leave during holidays.😆

    November 25, 2010 at 8:41 PM

  6. Maligayang pagbabalik!!!!! Wala bang pa-parteeeeee? hihihi

    November 25, 2010 at 8:23 AM

  7. me ganun?! lolz, malay mo next year parte ka ng admin ng PEBA😀 kita kits!!!

    November 23, 2010 at 1:27 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s