Meron Akong Kuwento

Meron akong ano… meron akong kuwento! Meron akong ano… meron akong kuwento! Ah wala wala wala!🙂

Parang baliw lang ano? Pasensya na po at wala lang akong maisip na mabisang pambungad sa inyo.

Kamusta na po? Napadaan lang ako para magkuwento. Isang bagong balita tungkol sa akin na iilan (uhm, ilan nga ba?🙂 ) pa lang ang nakakaalam. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nagawa ko ‘to pero nagdala rin naman ng saya at satisfaction ang isang desisyon na nagawa ko. Ano yun?

May bago ulit akong blog site! =)

Sa totoo lang, na-realize ko na kapraningan ang iwan ko ang isang bagay na nagkaroon na ng magandang parte sa buhay ko. Ang Life Is A Piece of Keyk ay naging isang bagong simulain na sa akin. Nakakilala ng mga bagong kaibigan; nakahanap ng mga karamay sa panahon ng kasiyahan at kalungkutan. Pero may sakit yata akong ADD (Attention Deficit Disorder) at di ko magawang mag-focus sa isang project at i-sustain ito. Kahit ako sa katagalan ay hindi na rin nae-entertain at nakakaramdam na ng kapaguran sa iba’t ibang ideya na pumapasok sa aking kukote.

Nasaan ang bago kong blog site? Naandon sa kabilang hosting site at nag-iisa. Naghahanap ng mambabasa at mukhang hindi pa nga nadidiskubre. Pero masaya pa rin ako. Sa isip ko man ay wala akong reader, o walang pang bored sa internet ang naliligaw pa doon, nakakagaan pa rin ng pakiramdam ang makapag-kuwento at mailabas ang saloobin mo sa mga oras na gusto mong magkuwento. Walang pipigil sa mga daliri mo sa pagta-type, walang magpapahinto ng utak mo sa pagtakbo. Ngayon ay iniisip ko pa kung kaya kong i-sustain ang bago kong site. Madali kasi akong kapitan ng katamaran, o baka nga mayroon akong ADD (?). Basta isa lang ang alam ko ngayon… Gusto kong magkuwento sa inyo.🙂

9 responses

  1. asan nga?diko mahanap?
    aba’t nagbalik pero sa kabilang bahay! ayos. aabangan ko ang mga kwentong sinasabi mo.

    November 9, 2010 at 7:16 PM

  2. ay nasa kabila ka na pala…..waaah…bakit mo kami iniwan…..hahahahahhahahhaa…..
    ngayon lang nakabalik ng lubusan…

    September 9, 2010 at 4:34 AM

    • enjoy

      Hi Blu! Buti ka pa nakabalik na… ako inaantok pa rin🙂

      September 13, 2010 at 7:18 AM

  3. Oo nga. Nasaan sya?

    August 3, 2010 at 3:08 AM

  4. AC

    san yan teh? paboso.. hihi

    July 14, 2010 at 2:00 PM

  5. enjoy

    thank you anabelle at LCM sa pakikinig, este sa pagbabasa pala sa aking kuwento😆

    July 5, 2010 at 9:26 PM

  6. anabelle vicente

    gusto ko din makinig sa kwento mo. lahat tayo may kwento pero bihira lang ang handa magkwento lalo na sa hindi kakilala…isang web friend, tama ba yun? web friend? parang pato may web feet! hahaha!

    July 3, 2010 at 6:44 PM

  7. Nasaan? nasaan? ah,wala wala wala😀

    July 3, 2010 at 12:19 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s