Unos

Nitong nakalipas na linggo ay sinamantala ng panahon ang kahinaan ng ating bansang Pilipinas. Iginupo ng matinding ulan ang buong bayan ng Rizal at Marikina, at niragasa ang ilan pang mga siyudad sa kalakhang Maynila. Marami ang nawalan ng tirahan. Marami rin ang nawalan ng buhay. Ngunit higit na marami ang habambuhay nang dadalhin ang matinding takot at pangamba na dinanas sa lupit ng bagyong Ondoy.

Dalawa pang bagyo ang inaasahang muling susuntok sa ating bansa. Kumbaga sa boksing, hindi natin alam kung alin sa mga ito ang tuluyan ng magpapatumba sa ating natitira pang mga lakas. Sa isang banda ay naisip kong mabuti na lang at nadala ko agad ang mga bata rito sa SG. Hindi na nila kailangang danasin ang trauma na bunsod ng trahedyang ito. Ngunit malaking parte ng aking puso ang nadurog sa matinding sinapit ng ating mga kababayan. Marami sa mga kaibigan ko ang naging biktima ng nangyaring pagbaha sa Marikina, Rizal at Pasig, kabilang na ang kaibigang blogger na si AC. Halos abutin din ang lugar namin sa Novaliches ng umapaw ang ilog malapit sa amin. Isang malaking pasasalamat ko na lang na lahat sila ay ligtas na at nasa maayos na ring kalagayan kahit na paano. Na-relieve rin ako na hindi naman nadamay ang bahay ng tatay ko sa Tundo. Noong sumabog ang balita tungkol sa malaking pagbaha sa tatlong munisipyo ng Maynila, inasahan ko na baka pati ang lugar ng tatay ko ay nadale na rin ni Ondoy. Salamat sa Diyos at ni hindi man lang daw sumayad sa pinto ng gate namin ‘yung baha.

Nawa’y bigyan pa tayo ng Diyos ng ibayong lakas para malagpasan ang mga dagok at unos sa ating buhay. Malayo man ako at kasalukuyang ligtas sa mga ganitong pangyayari ay mananatili pa rin ang aking puso sa mga biktima ng trahedya sa bansang iniwanan. Nasaan man kayo sa mundo, kung nais po ninyong tumulong ay maaari ninyong bisitahin ang blog site ni AC upang malaman ninyo ang mga donation drop-off point na mayroon sa inyong lugar. Anumang bagay na ating maitutulong, malaki man o maliit ay lubos na mahalaga sa panahong ito.

Para sa ating mga kababayan sa Singapore, maaari po kayong pumunta dito:

Afreight Cargo, #03-09 Lucky Plaza, Orchard Road. Contact Person: Maureen Schepers 6235-1011/9111-7855.

God bless everyone.

29 responses

  1. saludo ako sa mga NGO’s na nagpupursigeng makatulong sa oras ng kalamidad.. nawitnes ko ‘yan! Nagsumikap silang magbahay-bahay kahit na medyo malalim ang bahang kanilang pupuntahan😉

    salamat sa iyong concern Enjoy! Nagbabawi na lang ako ng tulog at nag-lilinis ng bahay😉

    October 21, 2009 at 8:42 PM

  2. Kahit sa simpleng paraan, let us do the best that we can to help the needy.

    God bless you sis!

    October 7, 2009 at 10:59 PM

    • yes, sissy! i know naman that everyone is willing to do their humble part in times like these.

      God bless you too Joycee🙂

      October 8, 2009 at 1:13 AM

  3. kami dito sa roma…nag packed na rin ng mga relief goods ….

    October 7, 2009 at 9:52 PM

    • at marami pa ang handang tumulong blu🙂

      God bless…

      October 8, 2009 at 1:10 AM

  4. eli

    ay na late ako ng dating. hehe

    pero sa ngayon, medyo okay naman ang lagay ng mga nasalanta kase ang daming tulong na dumarating. maliban nalang din sa iba na hindi parin naaabot ng grasya.

    October 7, 2009 at 1:55 PM

    • buti naman eli. nakakatuwa nga ang response ng mga Filipino sa nangyaring kalamidad. everyone is willing to help in any possible way. muli nating ipinamalas ang sa buong mundo na buhay pa rin ang espiritu ng bayanihan.

      October 8, 2009 at 1:08 AM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s