Gaya-Gaya, Puto Maya

When I read Lord CM‘s latest blog that his PEBA entry has been posted in POEA forum, I got curious about my own blog traffic. Kaya naisipan kong alamin kung sa anong page babagsak ang aking blog site by typing the words “a piece of cake” sa search bar ni Mr. Google.  Baka kasi nakabandera na rin ang aking mga entries ay di ko pa nalalaman.🙂

Type, erase, type… searching…. loading… at dyaraan… here are the results:

google

click to enlarge

Nasa 1st page ang blog site ko. Panglima ako sa mga lumabas na resulta. Nakakatuwa hindi ba, na sa kabila ng pagka-urban ng spelling ko ng “cake” ay nai-post pa rin ang aking url sa unang pahina. And my PEBA entry is the significant factor contributing to this outcome. Ang galing! Pero sandali lang din ang aking naging katuwaan dahil isang bagay ang nakapukaw ng aking pansin. Ang url na sumunod sa akin na may titulong “A Piece of Cake on Shine” na pag-aari ng isang Ken Saavedra.

Picture 1

click to enlarge

Pamilyar kasi sa akin ang composition of words sa result page. Malakas ang pakiramdam ko na ang mga salitang ito ay nagamit ko na sa isa sa mga blogs ko. Kaya agad kong pinuntahan ang aking blog site at sinipat ang “A Piece Of Keyk” page at hindi nga ako nagkamali sa aking hinala. Ito po ang screenshot ng aking page at ang page ni Mr./Ms. Saavedra.

Picture 2Picture 3

[Pls. click pictures to enlarge]

Wala akong kamalay-malay na naging biktima na rin pala ako ng plagiarism (copying of another’s work). OK lang sana kung ilan sa mga salita lamang ang HINIRAMIN at hindi word for word. Pati yung ginamit kong picture (na ninenok ko rin kay Mr. Google) ay hindi rin nakaligtas. Gusto kong isipin na sikat na ako para mapagtuunan ng pansin ang aking blog. Sa isang banda ay gusto kong MATUWA, bagkus ako ay NATAWA. Natawa dahil may mga tao palang sadyang may sapat na kakayahan upang mangopya ng akda ng iba. Na imbes na pigain ang laman ng katiting na utak ay mas pinili pang manggaya na lang out of katamaran. Buti pa si Super Gulaman, “pasikretong” nabanggit ang kanyang pangalan sa kanyang akdang hiniram. Samantalang ako ay talagang hindi nabigyan ng kahit na ga-langgam na acknowledgement. I’m not mad at him/her though. Thankful pa nga ako dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadiscover kong may fan pala ako.🙂

Whoever he/she is, I wish him/her the best of luck🙂

Off-topic: Update lang po sa aming dilemma regarding our latest rented flat. To date ay hindi pa rin nagpaparamdam ang may-ari. Lilipat na kami bukas ay wala pa rin kaming matinong tutulugan at paglulutuan ng pagkain. Sira pa rin ang washing machine at puno pa rin ng gamit ng owner ang storage room. Madaling sabihin na hayaan na lamang ang mga iyon at bumili na lang kami ng bagong kagamitan. Pero mahirap gawin because we have already spent almost S$5,000 (PhP145,000) for this flat. At hindi basta-bastang amount of money ‘yun dito. Malaking pera na ‘yun. And also in the contract it is stated that they would provide the basic furnitures and would fix everything we find broken in a span of 1 month. Eh halos nasa gitna na September ay wala pa rin silang naaayos. Mamayang gabi ay gugulpihin bibisitahin na namin siya sa kanilang tinutuluyang flat kasama ang aming agent. Sana ay madaan namin sa marahas maayos na pakikipag-usap ang lahat ng matapos na rin ang aming problema. Mas bayolente kasi mag-isip ang aming agent😀 Naaawa na rin ako kay Gard sa kakaisip kung saang kamay pa ni Batman kukunin ang ipang-aabono sa iba pang kulang, lalo na’t uuwi pa kami ng Pinas. Hay LIFE… sunud-sunod ang problema. Buti na lang IT’S JUST A PIECE OF KEYK.🙂

P.S.: Napag-alaman ko na marami palang ganitong kaso dito SG. Mas malala pa nga ang iba. May mga owners na pinaparentahan ang kanilang flats kahit na may existing contract pa ito sa iba. Huli na bago malaman ng new tenants ang sitwasyon, at kalimitan ay sa mismong araw pa ng move-in. Kaya sa mga OFWs dito sa SG na nagbabalak mag-rent ng buong flat, konting ingat lang po. God bless sa ating lahat.

62 responses

  1. hi po
    sa inyong lahat

    June 27, 2011 at 4:03 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s