The Untold Story II

Pasensya na po kung medyo natagalan ang part two ng aking “untold story”. Nakakapanibago ang muling pagsusulat. Parang akong si Sleeping Beauty na matagal na nakatulog at sa muling paggising ay nawindang sa kanyang environment. Parang ang daming kakaiba, o ako lang ang kakaiba?😉 But as I promised ay ikukuwento ko pa rin sa inyo ang dahilan ng aking hiatus at nang matapos na rin ang speculations tungkol sa aking pagkawala. Mahirap na at baka umabot pa ito sa SNN… now na!😀

ANG KASAGUTAN:

Kung maaalala ninyo ay naikuwento ko na pansamadalian akong mawawala upang seryosohin ang paghahanap ng trabaho. Hindi po ako nagsinungaling doon. Ang inyo pong kapitbahay na si Enjoy ay nagpursige talaga na makahanap ng trabaho at pinalad naman na magkaroon ng mangilan-ilang interview. Wala nga lamang naipasa😀 Dumalo pa nga ako ng mga job fairs para pangatawanan ang ginawang pag-aapply. Ngunit hindi pa yata umaayon sa akin ang kapalaran. Maybe because there are plenty of things that I still need to attend to that might require more of my time so He wants me to focus on these matters first at ayun, wala pa rin akong trabaho until now (sourgraping, hehehe!). So ano nga ba ang mga pinaggagawa ko noong panahon na ako ay nawawala bukod sa paghahanap ng trabaho? Eto po ang ilan sa mga iyon:

I’ve been here in SG for almost 2 years now. Wala akong matatawag na direktang kaibigan dito. All my friends here are Gard’s friends whom by chance ay na-meet ko through gatherings. Kaya para ma-ease ang aking boredom ay isinama niya ako sa ilang paglabas nila… (yeah, I know, blogging sometimes helps pero iba pa rin yung may social life ka)🙂

Esplanade Hawker Centre, July 16, 2009

kenevie

Alley Bar, July 19, 2009

akoerichedfoodmojito

Alley Bar (ulet; nagiging favorite hang-out na ng tropa) July 26, 2009

withlorna

Cafe d’ Manila (na dinayo pa namin kahit super-duper layo from our place pero sulit dahil sa masasarap na Filipino dishes), July 31, 2009

tropaa3a1a2a4

Dahil kinailangan na rin sa trabaho, si Gard ay madalas na mag-out of the country – Indonesia, Thailand, Vietnam, at Pinas. Usually, one week lang ang assignment but since he is handling the implementation of their new product, kinailangan niyang magpunta sa Thailand for three (3) weeks, going back to SG on weekends. Kaya sa kanyang huling linggo sa Thailand, ako po ay biglang nag-fly na rin🙂

Bangkok, Thailand, August 4-7, 2009 (namamasyal na, pero si Gard on-call pa rin)

grand palace, thailandDSC00689DSC00609DSC00678DSC00709Temple of the Emerald BuddahDSC00689DSC00829

..at ang pagdalaw recently ng isa sa aking best buddies na si Kaye🙂

Night Safari, August 23, 2009
29merlion park3337

In between days ay naghanap din ako ng bagong flat na malilipatan namin ni Gard. As you all know, or maybe some of you know, we’re bringing the kids here to study and so we can be a family again. Viewing dito, viewing doon until we finally found the right place for us live in: a 2-BR, half-furnished corner flat. And we’re moving in on the 1st of September! Nakakatuwa di ba? Things seem to be going pretty much according to plan. Pagbalik ni Gard galing US (yup, he left last Fri for a conference kaya alone na naman ako), aayusin na namin ang aming paglipat. This September, buo na kami🙂

And to confirm all your speculations, YES, ako nga po ay totoong naadik rin sa Facebook. Eto lang kasi ang portal ko sa mga friends ko na nasa ibang bansa, na ayaw mag-Friendster dahil jologs daw. Nakakatuwa kapag nababasa mo ang mga shout-outs nila. Naa-update ako sa mga nangyayari sa kanila without really visiting their profiles unlike Friendster. Nakakaaliw rin ang iba’t ibang applications and quizzes na umagaw talaga sa aking precious time. I’m sure hindi lang naman ako ang naaadik sa Facebook, right bloggers?😉

Eto po ang ilan sa mga “kinaadikan” ko sa Facebook:

PET SOCIETY at aking pet na si Yukiki…

pet societypet soc visit6580_1196753883680_1373464001_546537_3234563_n

BUDDYPOKE at mga kaibigang bloggers…

6460_1218250701087_1373464001_616952_2901947_n6460_1218242700887_1373464001_616937_1461275_n6460_1218237820765_1373464001_616927_4506643_n

FARM TOWN…

n1373464001_517282_1108022farmtown6420_1219839380803_1373464001_622113_3846395_n

at ang aking latest craze, RESTAURANT CITY🙂

restaurant cityresto photo

Ngayong alam niyo na ang dahilan ng aking pagkawala, gusto ko naman kayong pasalamatan sa madalas pa ring pagbisita sa aking bahay. At salamat din sa mga nangulit na muli akong magsulat (at isa na roon si Joycee), dahil tulad ni Joycee, kayo rin ang isa sa aking mga inspirasyon. Sana ay tuluy-tuloy na ang aking pagbabalik, pero kung mawawala man ako ulit, hopefully you’d understand dahil alam niyo na ngayon kung ano ang dahilan😉

May Facebook ba kayo? Just click here to add me. Kita-kits!🙂

34 responses

  1. nakakatuwa naman itong post na ‘to.. may litrato pa galing sa fb..ay teka naalala ko tuloy yung alaga ko sa pet society..ilang linggo na yatang hindi kumakain at naliligo.😉

    September 8, 2009 at 7:46 PM

    • enjoy

      Ang tagal mong hindi nadalaw Sandi ah. Don’t worry abt your pet. Napaliguan ko na🙂

      September 8, 2009 at 8:27 PM

  2. Wahehehe ako nga late na dito, ngayon lang ulet nakabloghop!

    Ayun naman pala, puro gala din hihi. So nakalipat na pala kayo, at alam ko super excited ka nang makasama ang mga bebe mo!🙂

    Aminado ako nakakaadik ng ang FB! Pero di na ko nag-oopen ng applications, baka maadik ako lalo waaaah.

    Nararamdaman ko tuloy-tuloy na ‘tong pagbabalik mu weee.🙂

    September 4, 2009 at 2:10 AM

    • enjoy

      Oo nga, ikaw pa ang late. Kala ko di ka na rin nakawala sa FB eh. Hehehe!

      Naku sana nga Joycee ay tuluy-tuloy na ang pagbabalik ko. Minsan kasi ay inaabot pa rin ako ng katamaran eh😆

      Hindi pa kami completely nakakalipat. Marami pa kasing kulang sa bahay eh pero next week, sigurado na talaga🙂

      September 4, 2009 at 4:16 PM

  3. sosyal naman!

    September 3, 2009 at 9:08 PM

    • enjoy

      hehehe! hindi naman po. nag-eENJOY lang🙂

      salamat sa pagdaan!

      September 4, 2009 at 8:41 AM

  4. Hi Enjoy!
    Dumaan lang si Miss N to say hi🙂
    Hope you are having a great week.

    September 3, 2009 at 1:18 AM

    • Miss N, kadaraan ko lang sa bahay mo. Sayang hindi ako nakasama sa pagpunta mo sa tabing dagat🙂

      September 3, 2009 at 12:07 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s