Alone Again Naturally

Ayokong malungkot!!!🙂

Hindi naman talaga ako nalulungkot as in depressed na naiiyak. I just feel sad because I will be alone again. May business trip kasi si Gard sa Thailand for a week. Mamayang 8am na ang alis niya (1:25AM na ngayon). Uuwi siya on Friday, pagkatapos ay babalik ulit para tapusin ang kanyang project. Sa totoo lang, sanay na naman akong maiwan. Gustuhin ko man kasing sumama, napaka-impractical lalo na’t next month ay nakahanda na kaming lumipat ng bagong bahay. Sayang ang pera, pandagdag din iyon. Nasa sales kasi ang linya ni Gard kaya madalas ang kanyang business trip. Nakakalungkot dahil kahit may housemates ako dito, pagdating sa gabi, mag-isa pa rin akong matutulog. Uhm, hindi pala. Maaaring makasama ko pala ang mga “bisita” namin dito sa bahay. Madalas kasi magparamdam ang mga iyon. Marahil nais akong makatabi sa pagtulog.🙂

Ayon sa isang personality quiz na sinagutan ko sa Facebook, (opo, ako po ay Facebook addict) dependent daw ang personality type ko. Hindi ko raw kaya ang mag-isa. Kumportable ako sa constant companionship. Sa isang banda ay tumugma sa akin ang resulta. Hindi kasi ako sanay kumain mag-isa. Nawawalan ako ng gana. Hindi rin ako sanay na maglakwatsa mag-isa, o kaya ay kahit mag-window shopping man lang. Mas masaya kung may kasama. Hindi nakakainip. Sa dalawang linggo na maiiwan akong mag-isa, pihadong restless na naman ang aking mga araw. Aalis na naman pala siya ulit next month. Isang linggong US trip naman para umatend ng isang conference. Sana nandito na ang mga kids para hindi na ako mag-iisa. Di bale, malapit na naman. Ilang tulog na lang kasama na namin sila. Yahoo!!!

Ayokong malungkot… sasamahan niyo ba ako?🙂

14 responses

  1. Nafefeel ko yan ngayon. 😦

    August 5, 2009 at 12:34 AM

  2. sandi

    hI! malungkot ka pa rin?
    ilang arw na lang babalik na si gard mo

    July 15, 2009 at 7:14 PM

    • enjoy

      oo nga sandi. aba bukas na pala yun. hehehe. di ko namalayan ang araw🙂

      July 16, 2009 at 12:02 PM

  3. okay ka na ba?

    o malungkot ka parin?

    nwei, maraming dahilan para maging masaya… wag mong hayaang lamunin ka ng lungkot… bakit mo sasayangin yung time mo para lang malungkot di ba?

    kaya smile na jan… enjoy life…😉

    July 15, 2009 at 5:29 PM

    • enjoy

      hi yhen!

      actually di naman ako malungkot talaga. pero alam mo yung feeling na mag-isa ka lang kakain, mag-isang matutulog. kainis di ba? hehehe! buti na lang at marami talagang pwedeng gawin diversion🙂

      salamat sa pagdaan🙂

      July 15, 2009 at 5:33 PM

  4. AC

    malapit na.. tyaga-tyaga lang. before you know it njan na sila. sa ngayon eh magfesbuk ka muna, tutal adik ka naman.. at di mo na namamalayan ang oras pag nakafesbuk ka. wahahahah!

    July 15, 2009 at 9:36 AM

    • enjoy

      buti na nga lang at may fesbuk. pano kung wala pa?😀

      July 15, 2009 at 10:40 AM

  5. Nyay nakakatakot ang mga “bisita” sa bahay.

    Ate, whenever you’re alone at nalulungkot ka, divert your attention to other things. Magblog o kaya magpesbuk hihihi.

    July 14, 2009 at 4:44 AM

    • enjoy

      may iba pa ba akong choice sissy?🙂

      July 15, 2009 at 1:23 AM

  6. A-Z-E-L

    andito lang ako🙂

    magbasa ka ng books…
    magbabad ka sa harap ng PC..
    mag-aral kang magluto ng ibang menu para pagdating ni Gard magulat sya…
    magyoga ka…
    magsplit-split…
    mag-aral ng dance step ng please don’t stop the music…
    i-memorize ang Jai Ho…

    ayan.. dami na akong advices…🙂
    goodluck!

    July 13, 2009 at 1:59 PM

    • enjoy

      hahaha! natawa naman ako sa mga suggestions mo azel. magsplit-split? aba eh baka pag ginawa ko ngayon yun, sa ortho ang tuloy ko. gusto kong mag-yoga pero ang mahal ng admission fee. pero target ko na yan🙂

      mag-aral ng dance step ng please don’t stop the music? uhm… meron bang please STOP the music? sabi ni Gard, di na raw bagay sa akin ang sumaya dahil madyonda na raw ako. argh!😀

      teka… ano yung Jai Ho?🙂

      July 13, 2009 at 2:09 PM

      • A-Z-E-L

        Jai Ho… sound track ng Slumdog Millionaire… uso sa Pinas un… sinasayaw ng kahit sino… Aja.. aja…. lolz!🙂

        btw, it means BE VICTORIOUS!

        July 13, 2009 at 4:18 PM

  7. enjoy

    aba ang bilis ni kuya (ahem) blu. san ba may pakontes? may libre bang ice cream na bebelgam flavor dun?🙂

    salamat po sa iyong assurance na sa aking pag-iisa, ikaw ay aking makakasama… virtually😀

    July 13, 2009 at 1:59 AM

  8. oo naman sasamahan ng mga virtul friend na katulad namanin,,,o sya blog hop ka na ng di ka malungkot,,,ang daming bagong issue ngayon,,,at may pakontes pa,,,,

    July 13, 2009 at 1:51 AM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s