Glitzy Crisis

Isang balita ang bumungad sa akin mula sa pang-Sabadong pahayagan na nabili ko. Taliwas sa atin sa Pinas kung saan Linggo kung lumabas ang pinakamaraming job advertisements sa classified ads, dito sa SG, tuwing Sabado mo iyon makikita.

“Job outlook remains gloomy”

Matindi pa rin ang epekto ng global financial crisis dito sa Singapore. Maraming kompanya ang inaasahan pa rin ng MOM o Ministry of Manpower na magsasara o kung hindi man ay magsasako ng daan-daang empleyado.  Madaragdagan na naman ang porsyento ng mga walang trabaho. Nais ng gobyerno na bigyan ng tsansa ang mga job seekers pero karaniwan raw ang mga dahilan kung bakit mahina pa rin ang employment ay skill mismatch, salary expectation o freeze hiring. Ibig sabihin, maliit pa rin ang tsansa ko na makahanap ng trabaho.  Tsk… tsk… tsk. Eto na lang ang tanging nasabi ko sa sarili. But of course, hindi pa rin ako tumitigil sa paghahanap. Alam ko na darating na rin ang tamang trabaho para sa kin. Ramdam ko, malapit na malapit na.🙂

20090529-the-great-singapore-saleAng nakakatuwa dito sa SG, sa kabila ng malaking balita na ito, kabi-kabila pa rin ang mga nangyayaring pagbabago. Ilang shopping malls ang nasa kalagitnaan ng malaking renovation ngayon at ang Orchard Road kung saan matatagpuan ang mga luxury boutiques na Louis Vuitton, Chanel, Gucci, Ferragamo, D&G at marami pang iba ay nanatili pa rin glitzy hanggang sa ngayon. Tuluy na tuloy pa rin ang Great Singapore Sale (GSS) na tradisyonal na ginaganap every year. Big discounts, great deals! At pati ang mga kaibigan namin dito ay  sumabay na rin sa sale. Kailan lang ay ibinenta ni kaibigan 1 ang kanyang 3-month old 42″ inches na Samsung Plasma TV at XBox 360 sa halagang SGD1150 (SGD1400 ang original price noong TV) na binili naman ni kaibigan 2.  At itong si kaibigan 2 dahil nga sa nakabili na ng plasma, ibinenta naman sa amin ang kanyang one-year old 37″ Sony Bravia sa halagang SGD 500 (original price: SGD 1700) lang! Oh di ba? Big discount, great deal!  Pano mo nga ba naman mararamdaman ang krisis dito maliban sa hindi ako makahanap agad ng trabaho?😉

Gusto ko rin yung kanta ng Switchfoot. One of my favorites actually from OTH.🙂

God bless to you too Karen. Keep smiling🙂

12 responses

  1. AC

    huwaw! winner ka sa bravia ate!🙂

    July 10, 2009 at 11:45 AM

    • enjoy

      sinabi mo pa sister😉

      July 13, 2009 at 12:53 AM

  2. awts grabe nga ano…hirap talaga makahanap ng work kahit saan man…but i hope talaga makahanap ka na Enjoy.

    Nice TV ;))

    Have a nice Day and Good Luck again!

    July 8, 2009 at 10:36 PM

    • enjoy

      Thank you Karen. Darating din ang time at makakahanap ako. Tiyagaan lang talaga.

      God bless and ingat din🙂

      July 8, 2009 at 10:51 PM

  3. A-Z-E-L

    kung may GSS kayo.. may DSS kami. “Dubai Summer Special” gaya sa Singapore.. madami ding sale dito lalo na ung mga electronic gadgets…

    In any country ganon talaga ang strategy, they have to find ways to attract the people para mag-spend pa rin sa kabila ng crisis. Nasa tao na un kung pano gagamitin ang pera nya.

    Crisis din dito pero sa tingin ko mas madaling makakuha ng work dito kesa jan… dahil dito basta graduate ka o kaya may mahabang experience as skilled worker mabibigyan ka nila ng Residence Visa. wala ng screening kung kaya ba talaga ng locals ung work para sa local na lang ibigay.

    Sana matapos na ang crisis… i hope you’ll be able to find a stable job there… don’t worry i’ll pray but please PRAY HARDER!

    July 8, 2009 at 1:50 PM

    • enjoy

      Dati madali lang din ang kumuha ng resident visa dito. Basta may stable job ka, maganda ang kinikita mo, qualified ka ng maging permanent resident. Punta ka lang sa Immigration nila at mag-file, half a day tapos ang application mo. Intay ka na lang ng result. Lalo na at may target population ang SG at umaasa lang sila sa mga immigrants. Ngayon dahil nga sa krisis, naghigpit sila. May limit per month pati ang application.

      Kung sa dasal, wala akong sablay dun sis.🙂 Ano man ang ginagwa ko (kumakain, naggugupit ng kuko, dyumedyebs, etc) nakikipag-usap ako sa Kanya. May tanong, may kulitan, may palusot. Alam ko naman na ibibigay Niya rin sa akin yun. Sabi Niya, wag lang daw akong mainip at uulan din ang grasya sa akin🙂

      Uy, salamat sa prayers… keep safe and God bless!

      July 8, 2009 at 2:07 PM

  4. kung problema ang kawalan ng trabaho ng karamihan dyan…dito sa pinas… ordinaryo na lng ata yun… ahahaha… kung baga nasanay na dahil sa minsan pag-popower trip ng mga kapitalista… minsan ginagawang dahilan ang global financial crisis pra mag-layoff ng ilang trabahador upang sagayon ay makapagbawas ng ilang overhead costs…

    ayon sa ilang ekonomista na aking nakausap (*my research akong ginagawa kasi ngayon ukol dito*)…tama lang daw ang madalasang paggasta ng mga mamayan upang magpatuloy daw ang sirkulasyon ng pera sa bansa… kasalanan kasi ito ng mga pulpul na lending and investment businesses sa amerika na naging dahilan ng housing bubble at credit crunch…. hayyy buhay nga naman oh…

    July 8, 2009 at 9:44 AM

    • enjoy

      naks naman oh! ang galing magpaliwanag ni sir bhoyet. hehehe! dito kasi parekoy hindi pwedeng mawalan ng trabaho. magugutom ka. sabi nga sa interview sa isang Bangladeshi na bumalik na sa kanyang bayang sinilangan, “a year without a work in Bangladesh, you’ll live. a day without a work in Singapore, you’ll die.” kaya naman pati sina grandma at grandpa dito ay walang karapatang magpahinga maliban na lang kung may sumusuporta sa kanila. sa taas ng cost of living dito, di ko pa rin maisip bakit maraming Filipino ang nagsusumiksik dito (kasama na kami😆 ) pero panay naman ang reklamo. sabagay, safe living kasi dito.

      on-going pa rin ang Great Singapore Sale dito. maraming branded apparels at gadgets ang on sale. gusto mo magpabili? hehehhe😀

      July 8, 2009 at 12:37 PM

  5. Ganun? Papunta pa naman kaibigan ko jan sa September para maghanap ng work…ewan ko dun, may work na nga sya dito sa Palau maghahanap pa ng iba…maibalita nga sa kanya to…

    Thanks sa info🙂

    July 8, 2009 at 7:38 AM

    • enjoy

      piece of advice lang sa kaibigan mo LCM. kung pupunta siya rito para maghanap ng trabaho, mas mabuti siguro na temporary leave lang ang i- file niya sa company niya. at least nakakasiguro siya na may babalikan pa siya. last Sunday umatend ako sa isang Filipino Christian fellowship as we were invited by a friend. ang daming tao. pero sabi nung kaibigan ko, karamihan daw dun walang trabaho. may sinusuwerte, may sadyang minamalas. kaya mag-isip na muna siya. kung ok naman sahod niya dyan, saka na siya pumunta dito🙂

      July 8, 2009 at 12:41 PM

  6. di ko alam kung ang crisis ba ay nasa utak lang o kung real talaga…ang spending power ng tao andon pa rin…tingnan mo na lang ang mga malls…puno!
    pero ayun sa katsika ko dito sa roma kahapon may crisis nga…kasi konti lang daw ang namimili ngayong sale season as compared last year!…..

    July 8, 2009 at 2:56 AM

    • enjoy

      sa tingin ko dyan blu, psychological man o totoong nararanasan, dapat ay matuto pa rin tyong maging practical sa mga nais nating bilhin. wise spending, ika nga. sa mga ganitong adversity kasi, karaniwan ng ginagawang therapy ng tao ang pagsha-shopping kahit na hindi naman importante ang binibili (ouch!)

      kaya nga naisip kong i-postpone na lang muna ang pagbili sa kin ni Gard ng LV bag kapalit ng isang digicam na matagal ko ng planong bilhin. marami pa kong mapaggagamitan sa sobrang money.😀

      *lumusot pa🙂

      July 8, 2009 at 12:49 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s