Bigger Than Any Mountain

The Climb by Miley Cyrus

How do you describe your life? Masaya ba ito, maingay na kulang ang 24-hours para sa mga happenings o gatherings? Magulo na animo’y isang karnabal, maraming clowns na nagpapasaya sa iyo pero kasiyahang superficial lang? O di kaya ay parang roller coaster na puno ng ups and downs? Halika, ikuwento mo.

mountainLahat tayo ay may hinaharap na struggles sa ating buhay. Along the road, we meet mountains one after the other that we need to climb to be able to get to the other side. Mayroong madaling akyatin na halos walang kahirap-hirap, mayroon namang napakahirap na magbibigay sa iyo ng mga galos at sugat. Kung mahina ang loob mo at ikaw ang klase ng tao na madaling sumuko, hindi mo kakayanin ang pag-akyat. Baka sa umpisa pa lang ay bumigay ka na. Hindi ka pa man nagsisimulang tumapak sa lupa ay tumatalikod ka na sa bundok na iyong aakyatin.

Mula ng magtake-over ako sa responsibilities ng isang pagiging “nanay” sa pamilya, maraming bundok na akong inakyat. I would always experience feelings of anxiety. Some were obvious, some were totally unnoticeable. Tulad nga ako ng isang payaso na makulit at nakangiti, pero sa likod nito ay may nakatagong lungkot. Nasanay na kasi ako na i-project ang sarili ko bilang babaeng strong ang personalidad, palatawa, masayahin. At sa mga pag-uusap natin maging sa personal o messenger ay pupunuin ko ng “ha-ha-ha” at “lol” ang usapan natin. Ito ang isa sa paraan ng pagharap ko sa mga aking mga problema. But I feel that, if I weren’t able to fulfill my dreams for my loved ones, babalik at babalik pa rin ang mga anxieties ko. Naging malaki rin ang naitulong ng blogging upang mailabas ko ang aking mga agam-agam. It will serve as a time capsule as I journey through life. Gayundin sa mga taong nakilala ko na sa blogosphere na nagsilbing inspirasyon at kaibigan.

mountain_climbSabi nga sa kanta ni Miley Cyrus, “there’s always gonna be an uphill battle… ain’t about how fast I get there; ain’t about what’s waiting on the other side. It’s the climb.” Ibig sabihin nasa atin nakasalalay kung paano ang gagawing pag-akyat sa bundok na masasalubong natin; kung ano ang mga paraan na gagamitin para malagpasan ang hirap, pagod at kapagalan ng katawan; kung paano natin pakakainin ang isip ng mga positibong ideya kapalit ng mga anxieties. Tuloy lang ang buhay ano mang pagsubok ang dumating sa atin. Lakas ng loob at talas ng pag-iisip ang labanan. Remember that there’s always gonna be another mountain, which may seem immovable. Our faith will be shaken and sometimes, we’ll be disappointed with the results of our own efforts. But what is important is we keep moving, we keep on taking chances and we keep our faith alive because our FAITH is bigger than any mountain.

God bless everyone!

mountain2

The life of man is a struggle on earth.

But without a cross, without a struggle, we get nowhere.

The victory will be ours if we continue our efforts courageously, even when at times they appear futile.

Author: Boniface Wimmer

25 responses

  1. wow, very inspiring naman ito ate. Go lang tau sa buhay. kahit na minsan, super pagod na as in NO BREAKS AT ALL, yung tipong lalawit na yung dila mo sa dami ng ginagawa mo, kelangan talaga umusad. Or else, maiiwan ka.

    I guess faith serves as the best tool for moving on noh? Kasi as long as alam mong they’re just challenges and Someone’s guiding you, you’ll never lose hope.

    Message ko tlaga ito para sa sarili ko. Charot! joke lang. Kasi naman, I really need to tighten my faith in times likes this.

    More power po.

    God bless.

    August 5, 2009 at 12:46 AM

  2. kaya mo ya ‘te, go go go lang… mahirap man paniwalaan na dito lang keme kung kailangan mo kahit hindi pa tayo close, gagawan ko ng paraan yan.

    July 6, 2009 at 2:03 PM

    • enjoy

      Salamat Alvin. Salamat din sa muli mong pagdalaw🙂

      God bless…

      July 7, 2009 at 8:26 PM

  3. nakakatuwa naman..😀
    ‘la lang..kasi magkatulad nga ang ating mga posts ngayon..at pareho pa tayong inspired ng kanta ni miley cyrus..actually perstaym ko narinig ko yung kanta noong isang araw sa isang blog kaya ayun dinownload ko at isa na sa most played song sa mp3 ko..hehe..nakakauplift at nakakainspire yung kanta..i also thought of embedding it with my post..😀

    newey, i hope na maconquer mo lahat ng mga “mountains” na maeencounter mo along the way..always keep the faith on.😀

    July 4, 2009 at 3:51 PM

    • enjoy

      Na-inspire rin ako agad the first I heard the song from ASAP. Hindi ko pa alam ang title nun kaya hinanap ko agad sa net and I was surprised to know na si Miley Cyrus pala ang kumanta.

      I wish you the same Jem ’cause I know that you’re conquering mountains too. God bless🙂

      July 7, 2009 at 8:30 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s