Anxiety Attacks

I feel sick today. I have a runny nose and a mild cough. Nakaka-praning lalo na’t lumabas na naman ako kagabi. I had dinner with my hubby and some of his colleagues. As usual, I took the bus from our place then transferred to MRT to get to my destination at puno na naman ng tao. Since A(H1N1) virus reached Singapore, natakot na akong lumabas. I’m starting to develop this phobia called “emetophobia” or the fear of being sick or being around with people who might be sick. I am a bit psychosomatic so it aggravates my paranoia. Would you believe that I have alcohol spray, antibacterial gel and antibacterial wet tissue inside my bag? Masyado na nga daw akong OA sabi ni Gard. Di ko maiiwasan, I’m also OC.

Minsan, kahit ako ay hindi na rin natutuwa sa sarili ko. I have so many aversions and they’re eating all my energies. It’s like living a miserable life. Nasabi ko na rito na acrophobic ako o may fear ako sa heights. I hate taking long steep escalators or stairs, especially when both rail sides are widely open wherein you can see the grounds. Alternative palagi ang elevator. Ganun kasi ang mga escalators at hagdanan dito sa Singapore. Palibhasa’y maliit lang ang kanilang land area kaya naman lahat ng buildings ay pataas at hindi pahaba. Kaya noong Wednesday lang, sa isang interview na pinuntahan ko, nangako akong hindi ko na babalikan ‘yun kahit na tawagan pa ako. Paano ba naman kasi ay kinailangan ko pang tumawid ng mataas na uncovered overpass papunta sa location noong kompanya at habang bumababa ako ay abut-abot ang aking dasal at tumatagaktak ang aking pawis sa noo at kili-kili. Impractical naman kung lagi akong magta-taxi papunta doon. And being OC, ayoko rin ng alikabok sa lugar kung nasaan ako, lalo na sa kuwarto. Hindi ko matagalan kaya minsan, 2-3x ako kung magwalis. At dumadagdag pa sa discomfort ang falling hair ko na kapag inipon ay pwede ng makagawa ng wig. Kahit na ano pang ginagawa ko (kahit na nasa romantic moment pa kami ni Gard), basta may nakita akong dumi kailangang linisin ko muna ‘yun just to ease my irritation. Nakakatawa na nakakainis, hindi po ba? Pasensya na kung sa tingin ninyo ay isa itong kaartehan o kaselanan but as much as I want to act normal or live a normal, comfortable life, nahihirapan ako and I regard this matter as a psychological disorder. I really hope that the people around me, my friends and family would understand what I am going through because this is really difficult for me… and I’m trying very hard to help my self cope with those aversions/fears. Pero hindi ‘yun madali at hindi rin overnight. I know it will take a while. So for those people who are happy flaunting their “I’m OC” labels (obsessive-compulsive), remember that these two words came from the medical term “Obsessive-Compulsive Disorder”. It’s a disorder and there is nothing to be happy about.

———————————————————————————————————————————–

P.S.

Nabanggit ko ba na big fan ako ni Michael Jackson? Nakakalungkot. Excited pa naman ako sa big comeback niya, na kahit di ko man mapanood ng personal, hinihintay ko talaga ‘yun para ma-redeem niya ang sarili niya sa lahat ng mga negative publicities tungkol sa kanyang gender at sexual scandals. I believe he’s truly a good man. He’s too young to die.

May his soul find peace in our Father’s arms…

Goodbye Michael.

7 responses

  1. sandi

    hmmm.. pahinga ka na lang muna dyan enjoy

    ingat ng marami😉

    June 30, 2009 at 9:28 PM

  2. jologz naman ng mga nagfo-flaunt na OC kuno raw sila, though wala naman tayong dapat ikahiya about it as long as nobody gets gets hurt ‘di ba? may kanya kanyang quirks and weirdness naman talaga tayo..😀

    June 29, 2009 at 7:27 PM

  3. hitokirihoshi

    hi! ako rin medyo may pagka-paranoid… sa sobrang sensitive naman sa iba. hindi ko alam kung ano tawag dun e. parang slight na commotion nakakaisip ako ng ‘di maganda.

    anyway, i think kailangan ma-deveop natin ang faith and trust. trust na hindi lahat ng bagay makakasama at malulusutan din natin ang problema. and bahala na si God sa ating security. di ba tayong mga pInoy mahilig tau sa “pag oras muna, oras muna.” medyo nega yung dating pero parang nalo-loose niya yung saradong thinking natin for perfection.

    heheh problema ko ngayon pagtulog– sabi nila anxiety rin daw yun medyo.. lalo na nagsasalita ako habang tulog.
    more power sa atin nawa’y ma-solve natin angating problema. mabuhay!

    June 27, 2009 at 11:36 PM

  4. A-Z-E-L

    ako din OC…

    i want everything clean and in it’s place.
    dati hindi ako ganon… pero when i started to live alone, parang sobrang naging conscious ako sa paligid ko. hindi naman ako gaya mo na ganon ka-health conscious.. wala akong alcohol or any anti-bacterial soap/gel.

    i know it’s a disorder… the OC. pero it isn’t that bad naman siguro.. pero gaya ng sabi mo mahirap nga siguro kung nasa “intimate moment” ka with your hubby tapos biglang maisipan mong magwalis ng sahig… parang bad na nga un! lolz!

    June 27, 2009 at 12:43 PM

  5. Aguy Sana naman mawala na agad yan…I hope you feel better soon. Lagi mag ingat dyan…mahirap talaga magkasakit. awts…I know how it feels also i can totally relate with you being OC and indeed it’s not easy.

    And To M.J. : May He Rest In Peace.

    Get Well!! *hugs*

    June 27, 2009 at 12:08 AM

  6. AC

    hay nako ako din ate. bago pa mauso yang mga ewan-ewan flu na yan eh ang bag ko di nawawalan ng alcohol at kung anik2 na antibacterial chuvaness. nagagalit na nga nanay ko sa kin kase ayun napakaarte ko daw pagdating sa “kalinisan” hehe. e ayoko nga ng nag-aabot ng bayad sa mga PUVs eh. o kaya pagkaabot ko alkohol agad ako ng kamay. bwahahha!

    tapos alam mo nagpremonisyon yata sa kin si MJ.. nyahaha.. adik lang. kase lately panay songs nya tugtog ko sa mp3 player ko. a few weeks ago nga LSS ko paulit-ulit “i just cant stop loving you” at take note, status ko pa sa FB that time “when morning awakes me, will you come and take me” nyahahahah!😆

    June 26, 2009 at 11:54 PM

  7. hayssss! ang taas ng level ng anxiety mo..di ko alam kung anong ipapayo ko sa iyo….pero one thing ang pwede kong magawa…. ang makinig sa mga litanya mo.
    got another listening ear here, my friend.

    June 26, 2009 at 11:12 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s