A Not So “New Look”

Kamusta na kayo?

Pasensya na po kung medyo napatagal ang aking pagkawala. Actually, blangko lang talaga ang utak ko nitong mga nakalipas na araw at wala akong maisip na topic na pwede kong ibahagi sa inyo. Dala na rin marahil ng pagiging abala ko sa aking job hunting at sa pabagu-bagong takbo ng panahon na nagpapasama ngayon sa aking pakiramdam kaya ang aking brain cells ay pawang humihingi na rin ng time-out. Huwag kayong mag-alala at ako ay negatibo sa H1N1 virus o swine flu kahit na nagkaroon na rin ng isang confirmed case dito sa SG. Gayunman ay ibayo pa rin ang aming pag-iingat at sana ay gayun din kayo saan man panig ng mundo.

Temporarily ay iniwan ko ang blogosperyo pero ako po ay dumadalaw pa rin ng manaka-naka sa inyong mga site at nagbabasa. Pasensya na lang po kung hindi ako gaanong nakakapag-iwan ng bakas dahil ewan ko ba kung bakit ang hina ng comprehension ko ngayon. Kailangan ko pang basahin ng paulit-ulit ang ilang entries para lang makuha ko ang nais nitong iparating. Kulang lang siguro ako sa s… syrup para sa aking makulit na ubo.😀

Kung napansin ninyo ay may ilang nabago sa aking bahay (uy, biglang kinilatis ang page ko…). Nagbago na ang aking header. Nawala ang aking tag cloud at na-update ang category list ko. Nagkaroon na rin ako ng munting decoration sa itaas at ibaba ng aking sidebar at naglaho na rin ang aking blogroll.

Picture 1

Picture 2

Nawala na ang aking magandang picture (wag na kayong umangal). Nag-disappear na rin ang makulit na alien/kengkoy na madalas bumulaga sa inyo. Ito ang aking pansamantalang pinagkaabalahan ng mga nakalipas na araw, ang pagde-decorate ng aking tahanan. Inaagiw na kasi dahil hindi ko nabisita ng ilang araw. Dala pa rin ng maraming restrictions sa WP kaya iyan lang ang kaya kong gawin. At huwag po kayong mag-alala dahil hindi tuluyang nawala ang aking blogroll. Dahil importante kayo sa akin ay iginawa ko na rin ng sariling page ang lahat ng nasa blog roll ko na tinawag kong “My Roll of Cakes“.

Picture 3

Sabi ko nga di ba you deserve a spot on this page, and I consider this site as my home and you are my guests.

Another day is over. Bukas ay sasabak ulit ako sa paghahanap ng trabaho. Kahit friday na dapat walang hinto. In between breaks (parang office girl na ah) ay dadalaw ako sa inyong mga bahay at pipilitin ko na mag-iwan na ng bakas. Oo nga pala, salamat kay Karen sa madalas na pagta-tag sa akin kahit na madalang ako makadalaw sa kanyang bahay. Thanks Karen for being a sweet lady! At salamat din po sa mga dumadalaw pa rin sa aking bahay kahit na walang bagong mababasa. Pagtiyagaan niyo na lang muna ang nasa aking archives at malapit na ulit akong maging aktibo.

Hanggang sa muli po!🙂

Every house where love abides
And friendship is a guest,
Is surely home, and home sweet home
For there the heart can rest.
~Henry Van Dyke

chic1

11 responses

  1. uhm, nasan na yung pic ng may ari???

    pero okay to, simple lang. mas madaling mag load ang site, hehe..
    lam mo sa tuwing nakikita ko yung drawing n bumubulaga natatawa ako.. hahaha! ilang beses ko nang nakikita pero same effect pa rin.. sensya na kengkoy ako eh.loz

    Anu pa man ang mukha ng blog mo walang problema!

    June 1, 2009 at 11:46 AM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s