Simpleng Kumplikado

Life is Beautiful by Vega4

Nakaradam ka na ba ng disappointment kapag may mga bagay kang gusto na hindi mo makuha? Nagawa mo na bang umiyak dahil pinanghinaan ka ng loob at dahil dito ay hindi mo nagawa ng maayos ang iyong papel? Naisipan mo na bang sumuko dahil sa dalas ng iyong pagdarasal ay pawang wala ka pa ring makuhang kasagutan sa iyong mga panalangin? Maaaring “oo” ang sagot ng karamihan. Maaari rin naman na “hindi” ang sagot ng iba pa. Kung ako ang tatanungin mo, nasa linya ako may karatulang OO.

Sabi nga ni Kellie sa kanyang entry, mas mabuti pa raw ang mamuhay noon sa panahon ng mga hobbits kasama si Frodo at Gandalf, simple ang buhay. Magtatago at kakain pagkatapos ay matutulog. Pero naisip ko lang, paano ba naging simple ang isang pagtatago? Hindi ba’t kumplikado pa rin ito? Kailanman yata ay hindi naging simple ang buhay. Dahil kung ginawa ito upang maging simple lamang, mawawalan ka ng misteryong tutuklasin; mawawalan ka na eksenang hihintayin; mawawalan ka na ng pag-asang aasamin.

Ilang daang resume na ang naipadala ko sa mga employer. Araw-araw ay nanalangin na sana ay may makulitan na sa akin at bigyan ako ng kahit na 5 minutong interview. May isang tutubi na bumulong na dapat ay matuto raw ako ng “one-step backward” strategy o bumitiw sa pag-asam na baka makuha ko rin dito sa SG ang posisyon na na-enjoy ko sa Pinas. Ang executive sa atin ay maaari rin namang maging kahera na lamang dito. Pero mayabang ba ako para ‘wag patulan ang bulong ni tutubi? Hindi naman, ako ay naniniwala lang sa aking kakayahan. At naniniwala na bawat bukas ay may bagong pag-asang aasamin basta positibo at laging nanalangin. Samahan pa ng determinisyon at tiyaga. Hindi ko ikinahihiya ang pagiging kahera pero ang akin lang naman, sasayangin ko lang ang mga talento na isinuksok ng Diyos sa aking bulsa na hindi man nag-uumapaw ay sapat pa rin para isugal.

Sandaling panahon na lamang ang aking hihintayin at makakasama ko na ulit ang mga bata. May kaba at takot sa dibdib na baka mahirapan kaming maka-survive sa bansang panlima sa listahan ng may mataas na estado ng pamumuhay. Nguni’t kung pagugupo ako sa aking takot ay habambuhay na nito akong kakainin. Sabi nga ni Franklin Roosevelt, “The greatest fear is fear itself”. Kaya kung ngayon pa lang ay magpapakita na ako ng takot, baka pati si Gard ay maisipan na rin sumuko.

Oo, nadisappoint ako. Oo, pinanghinaan ako ng loob. Oo, naisipan kong sumuko. Dahil ang lahat ng ito ay natural emotional responses ng tao lalo na kapag nakakaranas ng mga pagsubok. Gaano man kapositibo ang pag-iisip, sa isang maliit na parte ng utak ay may namumuhay pa rin na ga-kutong pessimism at nasa iyo, sa akin, sa atin nakasalalay kung patuloy mong pakakainin ang kuto ng negatibong ideya at saloobin upang maging ganap na higante at sakupin ang buo mong pagkatao. Napansin mo ba na past tense ang ginamit ko sa mga emotional responses na iyon? Dahil hindi ko hinayaang manatili ang kuto sa aking utak. Sa mga ganitong pagkakataon, ang higit na importante ay mapuno mo ng positibong pananaw at paniniwala ang iyong isipan.

Huwag kang matakot na sumugal at mangarap. Huwag mong hayaan na mawala ang pag-asa sa iyong puso. Sa mundong kumplikado pero pinipilit na maging simple, ang mahalaga, may paniniwala ka sa “tamang panahon” at biyaya ng Lumikha… because when it rains, it pours.

34 responses

  1. Habang binabasa ko itong entry na ito, naaalala ko rin ang isa kong kaibigan. Pareho kau ng tono ng pananalita, ng reasoning. Basta, na-appreciate ko itong post mo.🙂 Di muna ako magrereact. Nitatamad na ako. Niaantok na ako. Salamat.

    August 5, 2009 at 12:51 AM

  2. Ax

    mangarap lang tayo! minsan ang buhay hindi natin inaasahan, minsan tayo mismo ang kailangan gumawa ng paraan. Nakakatuwa at ikaw mismo ang gumagawa ng paraan para magkaroon ng growth sa career mo!

    Ipagpatuloy mo yan! Ayoko na rin sa trabaho ko kaya naghahanap din ako!

    May 30, 2009 at 12:26 AM

  3. ELIment

    howowowowww.. gusto ko yong last paragraph…

    alam mo minsan daw, kailangan din kabitan ng pakpak ang isang pangarap..yun ay para kaya ka nitong ilipad patungo sa buhay na gusto mo. bling..bling

    May 25, 2009 at 12:56 PM

  4. Naniniwala pa din ako na habang may buhay may pag-asa, cliche oo, pero totoo diba, pero depende pa din kung may pananampalataya ka na makakayanan mo lahat..

    May 21, 2009 at 4:13 AM

  5. ganun naman talaga diba?
    sa ganyan umiikot talaga ang buhay natin eh..
    tanggapin na lang natin kung anu mana ng binibigay satin sa araw-araw… malalagpasan din natin lahat hehehe
    ingat ka jan!

    May 19, 2009 at 3:55 PM

    • enjoy

      welcome back yanah!
      🙂

      May 19, 2009 at 7:15 PM

  6. eli

    speachless talaga ako sa mga sinabi mo… pero nabuhayan at natauhan sa huling talaga. punong puno kase ito ng pag-asa. Basta magtiwala, at umasa sa pangako Nya. GBU.

    May 19, 2009 at 12:27 PM

    • enjoy

      ‘yun naman kasi talaga ang importante eli. hindi naman Niya tayo bibigyan ng isang pagsubok kung wala itong kapalit na biyaya.

      God bless you too🙂

      May 19, 2009 at 7:37 PM

  7. Ako ay nabuhay na puno ng takot. Hindi kailanman sumugal sa buhay. Nanatiling ‘safe’. Ngayong matanda na ako (ehem pero mukha pa ring bata), tinatanong ko ang sarili ko: tama nga ba ang naging choices ko? Napaganda ba kaya ang buhay ko kung iba ang pinili kong daan na tatahakin?

    Tama ka, in God’s time. Naniniwala ako dun.

    Sometimes, we should regard the clues that fate is giving us. Ang nakakalungkot na katotohanan, hindi mo naman alam na clue pala un hangga’t hindi dadaan ang mahabang panahon.

    May 19, 2009 at 12:26 PM

    • enjoy

      Pareho pala tayo ng tanong sa sarili. But come to think of it, hindi pa naman huli para itama ang mga maling desisyon natin sa buhay. Only this time, kailangan ng ibayong pag-iisip at konsiderasyon.

      God bless you always Nebz🙂

      May 19, 2009 at 7:44 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s