Sisters

Pasensya na po sa paudlot-udlot na pagsibita ko sa inyong mga bahay. Ako po ay kasalukuyang nagpapakadalubhasa sa paghahanap ng trabaho dahil masyado na akong pine-pressure ni Gard. Buti na lang, I’m flexible and I can handle pressure. If my abilities meet the need🙂

Salamat po sa lahat ng mga bumati sa akin noong nakaraang Mother’s Day. Yes, oo, affirmative. Ako po ay isa ng Nanay, Mama, Inang, Mummie. And I’m a proud mother of two pretty girls like me. Marahil ay nagtataka kayo kung baka hindi ko man lamang sila naikukuwento. Tulad ni Gard ay pinili ko rin na ‘wag muna silang banggitin dito dahil sa personal na kadahilanan. Pero ngayon ay kukuwentuhan ko na kayo tungkol sa aking future beauty queens. Mayo pa naman so ito ay buwan pa rin ng mga ina kaya kuwentong nanay muna ulit tayo.😀

Maikokonsidera pa ring bata ang aking edad ng ako ay maging mommy (21 lamang ako noon). Aksidente pero ito ang pinakamagandang aksidenteng nangyari sa akin. Year 1996 ng isang munting prinsesa ang dumating sa buhay namin ni Gard na nagpaikot ng husto sa aming mundo. Bata pa kami noon at parehong walang alam sa buhay pero si “Ate” ang nagpatatag sa bonding namin. She’s a shy little girl pero sobrang appreciative. Kahit maliit na bagay na ibinigay o ginawa mo para sa kanya, maa-appreciate niya ng bonggang-bongga. Then “Bunso” came. Ate was very protective of her. Hangga’t maaari nga ay ayaw niya itong pahawakan sa hindi niya kilala. She would always kiss and embrace her little sis na nakatutuwang pagmasdan. ‘Though medyo na-outgrow na ni Ate ang pagiging protective at affectionate kay Bunso, marami pa rin silang lambingan moments.

Modesty aside but my Ate and Bunso are pretty in their own ways. Naalala ko pa noong magsimula silang mag-aral. Madalas ikuwento ng teachers nila ‘yung mga estudyanteng lalaki na may crushes sa dalawa. How one student fought with his classmate para lamang makatabi sa upuan si Bunso. Kilala sila sa buong pre-school department. At maging sa buong grade school department noong tumuntong sila ng grade school. Sabagay, maliit na private school lang naman ‘yun kaya madali rin maging popular. And both at the age of 7, nagkaroon na sila ng suitors! Hindi ako OA na nanay pero I make sure na realistic pa rin ako kaya madalas ko silang kinakausap tungkol sa ganitong issue. Gusto ko rin naman kasing ma-experience nila ang kilig without having the fear na baka mapagalitan sila. So at the age of 7, sinabihan ko na si Ate na dalhin sa bahay ang suitor niya🙂

They’re both charming and brainy. Si Ate, madalas na kasama sa top students while Bunso is trying hard to excel too. Talagang “hard” dahil nadi-disappoint siya kapag hindi siya napapasama sa top 3 ng klase nila. Active din sila sa extra-curricular activities. Ate played volleyball at si Bunso naman ay basketball. Opo, babae po sila. Lagi rin silang kasali sa mga school programs. They both sing and dance. Si Bunso nga ay nanalo pa sa on-the-spot dancing contest kung saan ay tinanghal siyang Little Miss Bambini.

Pero hindi madaling maging nanay sa dalawang magkaibang personalidad. Kahit kasi pantay ang ipinaparamdam naming pagmamahal sa kanila, may isang pa rin nagseselos… nagtatampo. Mayroong mahirap pakiusapan… mayroon din namang nagdudunung-dunungan. Pero sa kabila ng kanilang mga flaws, walang UNA  sa pagmamahal at walang SECOND BEST. Sinisiguro namin na anuman ang hindi pagkakaunawaan between them at maging ang mga tampo nila sa amin ni Gard ay agad na naiko-communicate. Lalo na ngayon na nasa adolescent stage na si Ate. Natuto na kami ni Gard mula sa mga experience namin sa aming mga magulang. Pareho kasing hindi communicative ang parents namin kaya kahit na nandito kami at sila ay nasa Pinas pa, madalas pa rin kaming mag-usap at mag-chat.:)

Alam ko na mahaba pa ang bubunuhin ko sa pagpapalaki kay Ate at Bunso. Sana ay maging successful ako. Buti na lang at madaling makihalubilo at sakyan ang kanilang ugali at kakulitan dahil halos para lang kaming magkakapatid. (‘wag na kayong umangal… hehehe) At excited na ako dahil malapit nang dumating ang araw na magkakasama-sama na ulit kami🙂

22 responses

  1. natawa talaga ako ate sa comment mo… salamat… lika miryenda tayo…

    May 18, 2009 at 3:27 PM

  2. Naks.. ang cute naman!

    Mukang talented at sporty mga kiddos ahh… at Imagine on the spot dancing contest… abah abah… kanino pa nga ba nagmana? hehe

    May 17, 2009 at 7:13 PM

    • enjoy

      hindi sa kin tin.. hahaha! marunong akong umindak pero parehong saliwa ang paa ko.

      may sikreto akong sasabihin syo ha… pero atin lang ito at wag mong ipagkakalat. ang daddy nila, may dance group noong bata pa sya at madalas silang sumayaw sa mga malls. nakasama na rin niya sa sayawan si Ai-Ai delas Alas at ilan sa Ang TV casts dati. sigurado ako doon nila nakuha ang talent nila. hihihi!🙂

      May 18, 2009 at 12:48 AM

      • teentoinks

        Aha! kala ko naman sayo na nag mana, aba magpaturo ka na mag sayaw sa mga kiddos at kay hubby… ang saya! hehe Ingat lagi enjoy! hehe Regards to your family!

        May 18, 2009 at 11:15 AM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s