To blog or not to blog?

Bata pa lang ako ay mahilig na kong magsulat —poem, short story, feature story. Kaya nung mag-kolehiyo ako ay naisipan ko agad kumuha ng kursong Journalism na kalauna’y nauwi sa Broadcasting. Hindi ko man natupad ang pangarap na iyon, masarap pa rin sa pakiramdam na nagagamit ko ito sa ibang paraan tulad nang  sa pagkukuwento at pakikipag-usap sa mga taong hindi ko man nakikita at nakakasalamuha ng personal, ay nagbabasa pa rin sa aking sinusulat.

Blogging. Sabi ko nga ay ilang beses na akong gumawa ng blogs sa mga networking sites (Friendster at Multiply) na kung saan ay may mahigit sa 200 katao ang nasa aking listahan. Pero iilan lang sa kanila ang nagbasa at nagkaroon ng oras na magkomento. Kung minsan ay wala pa nga. Para lamang akong nakikipag-usap sa aking sarili. Kaya naman sinubukan kong lumabas mula sa mga dating lungga. At kayo nga ay aking nakilala.

Ano ba ang gusto mong tumbukin?text

I had a YM conversation with a friend the other day. Let’s call her B. Isang mahaba-habang pag-uusap na sa kalagitnaa’y halos kinayamutan ko na. Tinanong niya ko kung bakit pinag-aaksayahan ko ng panahon ang blogging gayong wala naman akong napapala rito. Ni hindi ako kumikita ng pera at sinasayang lamang nito ang aking oras. Sabi niya pa, I could use my “spare time to something profitable“. She even cited some of my interests (photography, layout design) wherein I can use to make money.

The following are extracted from our exact chat conversation:

B: hay buti ka pa, pablog-blog na lang… tyaga mo din noh

Enjoy: diversion… outlet. buro na ko dito. ska nakakaaliw din kasi marami na kong nakilalang pinoy bloggers all over the world

B: ba’t di mo try foreigners?😉

E: ano naman ang gagawin ko sa kanila? tagalog ang blogs ko. (at may iba pa akong binanggit tungkol sa ibang social networking sites)

B: ah basta. di ko feel gumawa ng iba pang new accounts. katamad saka ala na ko time.

E: kanya-kanyang trip lang naman din yan

B: oo nga kaya nga buti ka pa may tiyaga sa ganyan. ako kasi nalagpasan ko na yang stage na yan.

E: nakakatulong din lalo na pag out of the country. marami na kong nakilalang bloggers na professional ska aged 30-up na. pero minsan natatamad na rin ako kasi nauubusan na ko ng topic e

Dito na siya nagsimulang ipasok ang suhestiyon tungkol sa pagnenegosyo. Ibinida pa niya ang isang kaibigan na dito na rin naninirahan kasama ang lokal na asawa na ngayon ang nagpapa-order ng pastries. Pero sabi ko nga hindi ko pa kayang magtayo ng negosyo dahil pinag-iipunan namin ang paninirahan namin dito.

b: bro, use your spare time to something profitable (we call each other “bro”). learn how to bake. interesado ka to take pix. the more na dapat may extra income ka.

e: pano ako mag-aaral mag-bake eh wala naman kaming oven? umuupa lang nga kami. i’m not that into photography. no matter how much i wanted to put up a business imposible talaga ngayon. walang resources. yung blogging, as i said diversion lang while i’m looking for work.

b: ano ba mahihita mo sa blog na yan? …true diversion pero meron namang “diversion” na kung saan you find yourself having income bro… yun lang naman ang sa akin. use your talent wisely. (tahimik lang ako) kahit kami taghirap din so since aware na tayo sa ganyang sitwasyon, think of something na mabawasan ang hirap instead na you spend time blogging.

e: bro, this is an outlet. hindi ko ito ginagawa everyday. i’m looking for a job. hindi ako nandito para mag-blog lang. it happens na alam mo na nagba-blog ako ngayon so tingin mo yun lang ang ginagawa ko (sa puntong ito ay medyo nayayamot na ako)

b: sa akin lang bro, you’re a very talented person. don’t think negatively sa sinabi ko. am not having or starting an argument sayo. up to you if you’ll accept my suggestion or not. sa akin lang true na nagiging outlet mo ang mag-blog pero after posting the blog… what’s next? you just expressed yourself sa friendly sites na di naman nababasa mga blogs na pinaghirapan at binigyan mo ng oras. gaya ng sabi ko… doesn’t mean not interested for not reading your blogs. time constraint din. so your emotions… your efforts… your time… for what?

e: bro hindi rin ako nakikipag-argumento sayo. sinasabi ko lang syo yung aking palagay. if you don’t read my blogs, ok lang naman pero sabi ko nga syo this is a different site and i’ve met people all over the world na. in my blogs, i receive more than 10 comments and it keeps coming. iilan nakakaalam nito but not anyone from (my previous company) or from my other friends. it helps lalo na ngayon na nahihirapan akong humanap ng work. siempre gusto ko mag-negosyo o magkapera. at tumatanggap po ako ng freelance work pero hindi gnun kalaki ang kita so bakit ko pa ikukuwento db? blogging is fulfilling. hindi mo pa lang nare-realize yun so as the rest of the people who scrutinize the blogging community. sabi ko nga syo diba, marami akong nakilalang professionals na bloggers din and they receive different citations. yun ang fulfillment dun. it’s not just a waste of time🙂

Humaba pa ang usapan namin na nauwi sa pagdi-disclose ko ng plano kong pagbili ng sariling domain name. Sinabi ko na since blogging ang kasalukuyang interest ko ay magagamit ko ito para kumita ng pera. Ikinuwento ko kung paano. Kinailangan kong ipaalam sa kanya para matigil na siya sa kapipilit na wala akong mahihita sa pagba-blog.

B is one of my trusted friends. She’s a blunt talker and straight shooter. Kahit alam niya na maapektuhan ako sa sasabihin niya, she wouldn’t stop talking until she proved her point. But B is also opinionated and authoritative. Minsan kahit baluktot na ang pananaw niya o wala na sa lugar, dapat pa rin akong makinig.

Naiintidihan ko ang punto at kung ano ang nais niyang gawin ko. Kinumbinsi na rin niya ako minsan na bumalik sa Pinas at tanggapin ang offer ng dati kong kumpanya (B is a former colleague in that company) dahil nahihirapan akong magkatrabaho dito. Natutuwa ako dahil isa siyang persistent friend and she’s concerned about my future. But this time, alam kong wala na siyang karapatang panghimasukan ang mga interest ko sa buhay. Gaya ng hindi ko panghihimasok sa mga ginagawa niyang “kalokohan”. Ngunit hindi ko ito nagawang sabihin sa kanya dahil naging sensitibo pa rin ako sa kanyang maaring maramdaman. At hindi ko na rin nagawang ipaliwanag ang mga bagay na natutunan ko sa blogospiya dahil anuman ang sabihin ko, wala rin naman itong saysay para sa kanya.

To blog or not to blog? This is the question. And my answer is loud and clear.

26 responses

  1. Here san remo casino las vegas .and this is the best resource on .Other .hooters hotel casino reviews the need for is the same as mosselbaai casino coolcat casino code Other Whith cheap casino hotels in las vegas malta poker tournament sometime river cree casino poker room uk slots online downstream casino joplin mo This was rendezvous casino poker .

    August 2, 2009 at 5:30 AM

  2. ken

    magkatulad tayo mahilig magsulat sa katunayan nga gumawa pa ako ng sarling website. http://kesaavedra.com visit mo kung may time ka. gusto mo mag karoon ng site 75 pesos lang sa bank pwede mag bayad hindi ito promotion ha.

    June 13, 2009 at 12:10 PM

  3. Para sakin, wala naman pumilit na magblog kaya wala rin makakapigil sakin sa pagbablog kundi sarili ko lang…. (kahit madalas ang katahimikan sa blog ko)hehe Pero shempre may kanya kanya tayong outlet, kung ang pagba-blog ang magpapasaya sayo GO lang. ENJOY lang… Kung pwede iwasan na lang uli ninyo mapag usapan.😉

    Uy… belated happy mother’s day!

    May 12, 2009 at 11:02 PM

  4. aheks…ayan dito ako ulit…mejo nawala saglit…pero laging bumabalik…

    sa aking palagay…ano nga ba ang pinakamasarap sa buhay?

    …syempre ang gawin ang mga bagay na gustong-gusto mo…

    …wala itong kapalit na halaga…

    …kung gusto mong magpinta…magpinta ka…
    …kung gusto mong mag-bake ng cake…mag-bake ka…
    …kung gusto mong kumita ng pera…magtrabaho o magnegosyo ka…

    pero sa blogging…
    …maaari mong din ibahagi ang iyong mga naipinta…pakita mo sa amin ng hindi lang ikaw ang matuwa…
    …maaari mo ding kaming inggitin sa cake mo…ipakita mo lng ang picture nito..wag madamot…aheks…
    …pera? meron din ito sa blogging…sa katunayan dito ko kinuha ang pangtuition ng aking kapatid…

    …ilan lang ang mga yan sa dahilan kung bakit hindi ko maiwan ang mundong ito…pero isa lang dahilan kung bakit ako bumabalik dito…

    …kasi nga gusto ko…pakialam ba nila! mmhhhp!

    ahahaha…gandang gabi seksing enjoy ^_^

    May 12, 2009 at 10:23 PM

  5. empress

    ipag patuloy mo lang ang pag susulat sa blog. dati naitanong ko na din sa sarili ko kung dapat kong ituloy ang pag blog p idelete na lang ang account ko . pero sa mga naniniwala sa akin at sa mga sinusulat ko eto at naka isang taon na din ako. kahit minsan wala ako maisip na topic dahil sa dami ng aking work load … basta masaya ka go on….

    May 11, 2009 at 4:47 PM

  6. yun nga minsan ang problema. yung mga non-bloggers di naman nila lagi maiintindihan why we’re doing it. Sa kanila waste of time kasi iba ibang klase naman tayo ng tao. May iba naman akong kilala na ang diversion nila eh pagka-casino. Di ba entertaining…pero waste of money naman.

    Just the same wala akong karapatang panghimasukan yung paraan ng isang taong maglibang. Blogging is may be a sort of a hobby or a source of income para sa iba. Pero sabi nga different folks, different strokes. Right?

    Happy mother’s day din to your mom!

    May 11, 2009 at 12:20 AM

  7. enjoy

    Salamat Sandi! Happy Mother’s Day din sa lahat ng ina sa iyong buhay🙂

    May 10, 2009 at 8:58 PM

  8. sandijmartin

    hapi mother’s day sayo at sayong Ina

    May 10, 2009 at 8:41 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s