Tustadong Utak

**Please pagbigyan niyo na po sa hindi ko muna pagdalaw sa mga bahay niyo. Matapos po ang tag na ito na 3 araw kong ginawa, dadalawin ko ulit kyo. Sana po kahit mahaba ay basahin pa rin ninyo… pleaseee!

Lately I noticed that I become so busy on Facebook that I almost forgot blogging. No, not because I’m addicted to it na but only because of YoVille. It’s an interactive game associated to Facebook and Myspace where you can design your own apartment/house. In this game, I get to know more people around the globe and interact with them. It’s truly entertaining ’cause now I am able to express my interest in interior designing thru this game and I don’t feel so bored anymore.🙂

OK. ‘Nuff on YoVille stuff. This entry is not about YoVille so let me continue…😀

Again, I was tagged! Minsan, nakakatuwa rin ang tags dahil it helps fill the gap lalo na kapag walang-wala ka nang maisulat dahil natuyot na ang utak mo sa droga sunud-sunod na entry. It also means that bloggers are starting to notice you and appreciate your writings and you as a person. Kaya hindi ko na pahahabain ang intro dahil isa na namang mahaba-habang tag ang ise-share ko sa inyo🙂

This 1st tag was from friendly Joycee, and the rules are “Write 15 things/persons/animals/at kung-ano ano pa that you hate and/or your petpeeves. Tag 15 people afterwards.

15 Pet Peeves

Pet peeve – n. Informal.

Something about which one frequently complains; a particular personal vexation.

1. tackless

Guilty ako dito pero minsan nailalagay ko naman sa timing. ‘Pag bwisit ako sa tao, siguradong magiging taklesa ako sa kanya. Marami na kasi akong nakikilalang halos wala ng sinisino. Kung anong gustong sabihin, go na lang ng go. Para bang hindi na ipina-process ng utak ang mga salitang lumalabas sa bibig nila.

2. ipokrita/pretentious

I guess I’ve mentioned this in one of my blogs. Hate ko talaga ang mga mapagpanggap na tao. ‘Yun bang feeling rich kahit wala naman, ‘yung know-it-all type pero pag nag-komento eh nonsense naman ang sinasabi, ‘yung nagmamalinis pero may kabalahuraan naman palang ginagawa. Kung hindi mo kayang magpakatotoo, wag mo naman baguhin ang sarili mo base sa standard ng mga nakakasalamuha mo. Nakakaubos ng lakas iyon. At isa pa, kung di mo ko gusto, ‘wag mo kong pansinin. Hindi ako mamatay kapag hindi mo ako kinausap.

3. balahura sa gamit/maselang-baboy

Eh di ba nga self-diagnosed OC (obsessive compulsive) ako, kaya ang siste ayoko talaga ng makalat at burara sa gamit. Nakakainis ‘yung mga taong hindi marunong lumugar na pati ‘yung pagiging burara eh dinadala sa ibang bahay. Pati na rin ang pagiging maselan at metikuloso pero di naman kayang pangatawanan. May kakilala akong ganyan na sobrang arte sa katawan, pero pag nakita mo ang place niya, pati na ang toilet, mapapangiwi ka talaga. Maselan, pero baboy naman pala.

4. ex-links o exchanged links

Tulad ni Joycee, ayoko rin ng ex-links. Para kasing pinupuno mo lang ang bahay mo ng bisita pero hindi mo naman lahat kilala at wala ka namang interest sa kanila. Exchanged links pero after a while hindi mo naman bibisitahin at hindi ka naman bibisitahin. I’ve learned my lesson. Marami na akong nakilalang ganyan na nawala na rin sa blogroll ko. Mas fair pa rin na idinadag mo sila sa links mo because you enjoy their writings and you guarantee yourself that you will visit their sites at all times.

5. (Putek… nahihirapan na kong mag-isip) Super-duper OA

OMG! These are the people who have mastered the art of exaggerating things. Naghihingalo pa lang ang pasyente, pinapatay na sa usapan. Nagkapareho lang ng nabiling brand ng damit, ginagaya na. I mean, haller! Kung ayaw nilang magaya, magpatayo sila ng sariling factory ng damit para exclusive lang for them . Eh pano na lang ang mga nakasabay nilang bumili ng same brand of clothing? Ibig bang sabihin lahat sila ay nanggaya? People!

6. insensitive

Naglipana ang mga ganitong tao sa mundo. They don’t watch their actions and they don’t even care kung nakakasakit man sila. As long as they are happy with what they’re doing and they think that they will benefit from it, what do they care?!

7. Gloria Macapagal-Arroyo

Wala na siyang nagawang mabuti sa bayan. Hirap na nga ang mga Pilipino, lalo niya pang pinahihirapan. Ang kapal ng mukhang humarap sa altar at tumanggap ng komunyon eh demonyita naman talaga. (Ayan, sorry po sa mga pro-Arroyo. Ito po ay sarili kong opinyon lamang :D)

8. Ginisang Munggo, mansanas at lanzones

Puhleesse!

9. Indianong mabaho

Lalo na sa mga buses and trains, sows, ang dami nila! Ewan ko ba kung bakit ganun ang amoy nila. Ang alam ko hindi naman bawal sa kanila ang maligo. Nakakainis lang talaga! May mga nakilala naman kasi akong mga Indiano/na na mababango sa amoy at tingin pa lang. Hindi ako racist ha. Ayoko lang talaga sa amoy ng ilan sa kanila. Siguro naman alam ng mga bloggers sa ibang bayan ang ibig kong sabihin. (Hala! Naghanap pa ng kakampi…)

10. (Grabe, Joycee. Hindi ako likas na magagalitin kaya ang hirap talaga nito! Hoo!) Flaw finder

Uulitin ko, ‘wag kang magmalinis kung wala kang ginagawang kabalahuraan. Itong mga ‘to, ang lakas mangbuska. As if naman walang bahid ng dungis sa mga mukha kung makapanglait at umasta. Asus! Tumingin muna kyo sa salamin.

11. Feeling Senyorita

Sila ‘yung mga taong walang ginawa kungdi ang mag-utos ng mag-utos. Utos dito, utos ‘dun. Feeling senyorita/to at ang mga nasa paligid niya ay muchacha. Sukdulan sa katamaran. Kulang na lang ay tubuan siya ng ugat sa pagkakaupo. Ang lakas mag-power trip!

12. (Uy, konti na lang…) Pusa

Mabangong pusa, mabahong pusa, pusang-gala o pusang-bahay, ayoko talaga sa kanya. Wala akong asthma at hindi naman ako takot dito. Ayoko lang kasi ng amoy ng poop nila. Hehehe! Kaya bilib ako sa mga cat lovers dahil kaya nilang i-take ‘yun. Ayoko rin ng feeling na hahawakan ko sila after nilang dilaan ang buong katawan nila. Oo na, pusa na nga po ang pinakamalinis sa lahat ng hayop. Pero sensya na po talaga at matindi ang kaartehan at kaselanan ko sa katawan at pinangangatawanan ko ‘yun. (Cat-lover bloggers, alavyah!)😆

13. Channel 7 and their stars

At our house in QC, our bedroom is my realm. May sarili kaming TV sa room and you can only watch shows from ABS-CBN or Studio 23 . Kung gusto mong manood ng palabas ng siete, doon ka sa TV sa sala o kaya ay sa kuwarto ng in-laws ko. Banned sa kuwarto ko ang taga-siete🙂

14. (Dalawa na lang… ito naman kasing si Joycee dinagdagan pa😀) Skyscrapers, high-rise building o ano pang may kinalaman sa heights

Qué horror! Ako po ay may acrophobia o altophobia. In short, takot po ako sa heights. Kaya bago niyo naman ako ayain sa mga matataas na lugar eh siguraduhin niyo naman na hindi rin kayo matatakutin (tulad ni Gard) at baka pareho tayong makitang sakay ng ambulansya, hane? Dito sa SG, karaniwan na ang high-rise buildings dahil nga maliit lamang ang kanilang land area, pati na rin ang matatarik na escalators kaya naman po ang inyong lingkod ay mas pinipiling manatili na lamang sa bahay. Adventurous po ako, pero kung atake sa puso ang kapalit, aba’y ‘wag na. May mga dalagita pa po akong dapat subaybayan. Kaya Duchess, kahit nandyan pa ako sa Pinas eh gudlak naman talaga kung patusin ko ang invitation mong sky-diving. Tumalon mula 2nd floor down to 1st flr pwede pa, basta may parachute.😆

15. Makulit

Makulit na ako kaya ayoko na ng isa pang makulit sa buhay ko. Kapag sinabi kong hindi pwede, ‘wag nang ipilit ang gusto. Iilan lang ang mga taong pinagkakatiwalaan ko ng mga private information about me (cellphone number, address ng bahay, YM ID). Kapag hiningi mo ng minsan at hindi ko ibinigay, tapos inulit mo pa at di ko pa rin ibinigay, naman! Makahalata ka na na di kita type maging friend o kabungguang-siko. At please lang, tantanan ako sa kakatanong ng mga walang kwentang bagay dahil bihasa ito sa panonopla.

Ayun at natapos ko rin. Natusta ang brain cells ko dito, Joycee. Hoo! Sa totoo lang, ilang araw kong pinag-isipan ang pet peeves/hates ko. Nahirapan ako dahil sinasanay ko na kasing mahalin ang mga bagay na di ko gusto tapos biglang umekstra ang tag na ito. Ayan tuloy, na-revive ang negative energy nila sa ugat ko. Hahaha!

**********friendship_award1

Ito naman ay galing kay pretty Karen, na sobrang generous sa pagbibigay ng award dahil dalawa ang ibinigay niya. For the “Friendship Award“, these are the rules:

1. Take your award here.
2. Put the logo on your post.
3. Link the person who awarded you.
4. Nominate at least 7 other blogs.
5. Add links to those blogs on yours.
6. Leave a message for your nominees on their blog.


At ang 2nd award, “Over The Top Award” na may rule na halos pareho lang din noong una:

Rule: Each recipient of the award will acknowledge the person who honored them with the award and then go to Over The Top Aprons, copy/paste the award : Your Blog is Over The Top.

Kaya eto ang award image…award1

Hay, natapos din…. sa wakas! Hindi ko po ipapasa ang Pet Peeve tag ha. Bahala na kayo kung trip niyong kunin at gawin. Baka kasi magaya kayo sa akin. Tustado ang utak. Hehehe! But I’m passing the two awards from Karen to all the people of the universe on my sidebar. You all deserve the awards and your spot on my list.🙂

ENJOY!

chic1

18 responses

  1. Hi! Napadaan lang po. nice post! natawa naman ako dun sa number 9 mo, indianong mabaho! hehe. grabe talaga yung amoy nila. naeexperienced ko yan everyday kasi mostly dito sa office namin mga itik ang kasama ko. hehe. i have nothing against them pero yung amoy lang talaga para kang nasapak ni pacman. hahaha..😀

    June 7, 2009 at 12:58 PM

  2. Marami tayong similarities. At dissimilarities.

    I sooo love Channel 7.
    I sooo love ginisang munggo at lanzones (yoko rin ng apple).
    I sooo love GMA (pxnxia na po. lab ko sya dahil hate ko ang mga puro naninira pero wala namang ginagawa).

    The rest of your peeve’s list, I agree.

    Ung link-thing. Minsan nagsisisi na ako dahil sa dami ng mga nasa blogroll ko. I spend half a day just to visit all of them. Haaay…

    May 8, 2009 at 4:17 PM

    • enjoy

      i sooo hate you nebz for liking both GMA (the person & the network). hahahaha! joke lang ha. basta wag na lang natin siya pag-usapan😀

      kung worthy naman basahin ang lahat ng nasa list mo, OK lang na andun sila. gawan mo na lang ng skedule kung sino ang bibisitahin mo sa ganitong araw. in that case, you time is equally divided to all of them. o di ba? time management…. hehehe🙂

      May 8, 2009 at 5:13 PM

  3. enjoy

    AC:
    ibang klase talaga ang energy ng ate ko. panay kasi ang inom ng vitwater eh. partida may sakit ka pa niyan😆

    May 7, 2009 at 10:55 PM

    • AC

      but opkors! walang binatbat yang sakit na yan sa kin! kala nya ha… bacteria lang syaaaaahhhh!😛

      i drink vitwater everyday, all day.. you know.. hahahaha!

      May 8, 2009 at 9:22 AM

      • enjoy

        yeah… i know!😆

        May 8, 2009 at 5:09 PM

  4. sandijmartin

    huh! kapagod talaga yang 15 pet veeves mo… emotionally, physically, socially, showbisly at higit sa lahat politikali🙂

    May 7, 2009 at 8:19 PM

    • enjoy

      hay naku, sandi! sinabi mo pa. kaya nga natusta ng husto ang utak ko sa kakaisip e. siguro marami pa kong pet peeves, di ko pa lang nare-realize lahat. nyahaha!

      May 7, 2009 at 9:04 PM

  5. Makikisali din ako ahaha abay akalain mong dami din tayong similarities ayoko din sa burara, hate na hate ko talagang ganun kaya madalas kung nakakaaway family ko dahil sa gusto ko lagi malinis at organize. Di ko maintindihan kung bakit mahirap sa ibang taong gawin ang ganun. At d din nila ako naiintindihan, di yun kaartehan isa din yung hygiene.hay nakakaloka pag nainit ulo ko nagkaclash kami lagi ng mama ko, umaalis nalang ako papunta sa bahay ng cousin ko or baka mabuang ako. Kaya nakakarelate ako pag ganyan. Madalas ako mag nag basta tungkol sa kalinisan.hay Kapamilya din ako hindi ako kapusa ay este kapuso…diko din type ang pusa lalo na poop nila, grr tsaka dami2x pusa umaaligid sa bahay nagnanakaw pa ng pagkain o ulam namin. Pfft!
    Ay sobrang nahaba na itech. Sorry nahaba comment ko na carried away lang. Ahehehe..masaya din ako na napost mo na ang award. Maraming salamat. Magandang hapon. :d

    May 7, 2009 at 4:57 PM

    • enjoy

      neng, hindi ka naman galit niyan? hehehe! hinay-hinay lang din at baka bata ka pa ay atakihin ka na sa puso. wag ka naman maging war freak sa nanay mo lalo na ngayon at Mother’s day na. yipee! (pabulong) tayo kasing mga OC, dapat maging diplomatic din. daanan mo sa paglalambing at kita mo, mauuto mo din si mommy. aheks!😀

      thanks karen sa palaging pagdaan sa aking maralitang tahanan :kiss:

      May 7, 2009 at 9:02 PM

      • ahahaha oo nga naman kaya umaalis nalang ako ahuhuhuh tapos pumupunta sa bahay ng cousin ko…lapit na nga Mother’s Day naku heehee.

        Walang anuman un..nag eenjoy naman ako lagi tuwing nag babasa ako ng mga posts mo. nakakatuwa *giggles*

        May 7, 2009 at 11:48 PM

  6. halos laht naka relate ako! OC dn ako, madaling uminit ulo ko sa kalat. hate ko ang burara sa gamit…

    certified KAPAMILYA ako, dami yta ntin similarities!

    have a nice day!

    take care!

    May 7, 2009 at 3:12 PM

    • enjoy

      ay apir tayo sister! hahaha! mabuhay ang mga OC! toinks!

      pero alam mo ba na ang OCD daw ay isang mental disorder na dapat pagtuunan ng pansin dahil kung babalewalain ay maaaring maging destructive? kaya dapat pala ay hinay-hinay din tyo bhing at baka sa mental institution tyo damputin. ahehehe! ako malapit na. yay!😀

      May 7, 2009 at 8:06 PM

  7. AC

    ay oo nga ateh, minsan napipilitan na lang ako i-link up sila sa blog ko dahil nilink nila ako. hahaha. kaya hindi lahat ng nasa blogroll ko e lagi ko binibisita. at alam mo naman na sa iilan na binibisita ko ng matindihan at binababoy eh…. isa dun ang page mo. naks.😉

    ayoko magyoville! wahahah! baka maadik ako!😆

    May 7, 2009 at 12:04 PM

    • enjoy

      wow nakaka-touch naman ‘yung comment mo ateng… isa ang page ko sa binababoy mo. hahaha! buti pa nga nung di pa tyo close, ang titino pa ng mga comments mo. ngayon, susmio, lagi ko ng ipinagdarasal na sana matino ang matanggap kong komento syo. hahahaha!

      hoy bru, pagaling ka!

      May 7, 2009 at 7:37 PM

      • AC

        MATINO! MATINO!

        ayan oh matino na comment ko sayo. hihi.😆

        May 7, 2009 at 8:57 PM

  8. 1
    2
    3

    Ako din ang mga yan.. Pero balanse lang naman.. Minsan sobra minsan hindi naman..

    yung #4, actually nung bago ako sa blog, namimili na talaga ako ng ka exchange links ko.. pag hindi ako interesado kahit ako lang ang i link nila.. ang pinaka ayaw ko eh yung naliligo ng mura ang blog dahil siguradong hindi ko bibisitahin yun.. masakit sa matang basahin eh..

    hindi ko alam kung acrophobic din ako but one thing is sure- claustrophobic ako! at ayoko rin sa masisikip na lugar na puno ng tao! stampede!

    Siguro sing kulit din kita.. haha!

    May 7, 2009 at 11:09 AM

    • enjoy

      aheks! ikaw ay slightly 1, 2, at 3. bakit parang di halata? ang alam ko lang makulit ka talga. toinks! pero kahit ikaw ang mga yun, di naman kita hate kasi friendly ka pa rin naman at di naman kita makakasama in person. hahaha! buti na lang.😆

      teka, tama nga ba pagkaintindi ko dun sa comment mo? hahaha!

      May 7, 2009 at 7:33 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s