Thank you, and more…

Bago ko simulan ang isang mahaba-habang entry para sa linggong ito, komersiyal muna tayo…

Salamat po sa lahat ng mga tumangkilik ng aking produkto nakalipas na entry: sa mga nagbasa at nagkomento; sa mga nagbasa at hindi nagkomento; sa mga nag-ENJOY sa kuwento; sa mga nangialam kung bakit ENJOY ang pangalan ko at sa mga nag-imbento nang derivatives ng aking alyas… salamat po sa inyo!

Wala na po akong utang at naikuwento ko na sa inyo nang buong-buo ang pinagmulan ng aking alyas. Hindi man ako nakasali sa Name Game tag, eh nagkaroon pa rin ako ng sarili kong bersyon. He-he-he! At kung ikaw ay bago lamang dito sa aking pahina at nagtataka kung anong kalokohan sinasabi ko, puntahan mo ito nang iyong malaman.🙂

❀❀❀❀❀infinite_eight

Speaking of tag, tatlong bagong tag ang natanggap ko nitong nakalipas na linggo. At dalawa dun ay nagmula sa aking paboritong super hero na si Batman, este Super G pala [kasi naman parang si Batman na nanlilisik ang mga mata ‘yung andun sa upper-right side ng kanyang pahina] . Hehehe! Sa kanyang entry ay nadiskubre kong ako pala ay isang “palakaibigang adik.

Eh SuperG, kelan ba ko narehab? Mukhang di ko nabalitaan ‘yun ha.😀

Anyway, ang rule ng unang tag o ang “Eight Tag” ay maglista lamang ng walong mga bagay patungkol sa mga kategorya na mababanggit ko sa ibaba. At ito ay akin na nga pong sisimulan…

8 Things I’m Looking Forward To

  1. September – birthday kasi ‘yun ng mga kiddos at uwian time… miss ko na sila😦
  2. Last week of August – secret muna ngayon kung bakit. when the time comes, idi-divulge ko rin sa inyo. basta excited na ako😆
  3. pagpunta ng mga kids dito – konting tiis na lang at kasama ko na sila. woopeee!
  4. May 1 – Labor Day kaya holiday… magba-bonding kami ni Gard doon sa Sentosa🙂
  5. Bagong job opportunity – gusto ko na talaga magka-trabaho… waa!
  6. facial & a good massage – tagal na since last facial at massage ko. kaya i really need them now😦
  7. LV, Chanel or Gucci bag – pangako ito ni Gard sa akin. sana matupad😎
  8. My own domain name – opo, tumpak kayo dyan! pinag-iisipan ko na pong bumili ng sarili kong domain name na magagamit habambuhay. aheks! babalitaan ko kayo tungkol dyan🙂

8 Things I Did Yesterday

  1. naghanap ng trabaho sa internet…
  2. nagblog-hop tulad ni Super G pero ako naman ay nakigulo at nangialam. hehehe…
  3. nag-Facebook at naglaro ng Yoville!😆
  4. na-check ng email at nag-update ng feeds…
  5. nagluto ng tinolang manok na walang dahon ng sili dahil hindi uso ‘yun dito sa SG…
  6. naglibot sa mall para maghanap ng bathrobe [pero di naman ako nakahanap]…
  7. naglaro ng Bomberman sa PSP…
  8. tumawag sa mga aking mga dyunakis na super miss ko na!

8 Things I Wish I Could Do

  1. abutin ng dila ang siko ko…
  2. abutin ang talampakan ko nang di yumuyuko…
  3. mag-bungee jumping [grave! wish ko talaga ito pero dahil sa ako nga ay isang acrophobic, mananatili na lang siyang wish :roll:]…
  4. makipagbiritan kay Charice Pempengco…
  5. makapag-around the world with my family…
  6. ma-meet ang lahat ng nasa blogroll ko…EYEBALL TAYO! Wohoo!
  7. mameet in person si Obama at sabay magpa-picture sa harap ng Pyramid of Egypt😀
  8. makabuo ng isang foundation/organization/cooperative na tatapos sa problemang pang-sikmura ng mundo…

8 Shows I Watch [Super G, shows pala hindi movie… hehehe!]

  1. Oprah – dahil enlightening and heart-taking ang karamihan sa kanyang mga episodes…
  2. The Ellen Degeneres Show – dahil napaka-cowboy niya at cool kahit siya ay 50+ na [kahit na siya pa ay tibo; pero di ako tibo]…
  3. TV Patrol – para maging updated pa rin sa showbiz mga nangyayari sa ating bansa…
  4. Goin’ Bulilit – dahil nakakaaliw sila. eto trip ko, walang pakialamanan😆
  5. American Idol – dahil kay Adam at Anoop [gusto ko si Anoop… promise! kahit na isa pa siyang anap/napster/indian. he rocks! sayang nga lang at maaga siyang natigbak]
  6. Heroes – dahil gusto ko rin maging hero tulad ni Sylar!😈 joke naman siempre… pwede na ‘yung power ni Matt Parkman na kayang basahin ang isip at magteleport thru time/freeze the time tulad ni Hiro Nakamura😆
  7. Tayong Dalawa – dahil adik dito si Gard at nadadamay ako ‘pag nanonood na siya…
  8. at siempre ONE TREE HILL – dahil sa gusto ko, paki mo! hehehe… da best po kasi ito talaga para sa akin. hanep sa mga twist at talaga namang very touching ang mga episodes. at dito aaminin ko, adik talaga ako😆

8 People I Tag

  1. AC
  2. Kellie
  3. Duchess
  4. Sandijmartin
  5. Dencios
  6. Teen Toinks
  7. Ka ELIment
  8. AZEL

Ayan, natapos ko na rin ang unang tag. At isinagad na ni Super G ang pagpapatunay na ako nga ay isang palakaibigan dahil ibinigay niya rin sa akin ang… [drum roll please]

blogger_friendship_award_2009 … na akin pa ring ipinapasa sa walong taong una kong itinag doon sa itaas. Kasama na rin sina Azel, Bhing, Nebz, Joycee, Dylan, Jeremiah, Karen at Nortehanon.

Ang rule nito ay:

  1. Place the logo / banner on your blog.
  2. Add a link to the blog who gave the award.
  3. Nominate at least 7 other blogs. (It says at least! If you’ve got more friends, go ahead)
  4. Add links to the blogs that you have nominated.
  5. Let them know by leaving a message (shout) on their blogs.

❀❀❀❀❀

At ang huling tag na tinawag na “Bag Tag” ay nanggaling naman sa aking bagong ka-blog na si Karen (applause… applause) at ang rules ay ito:

  1. Post a picture of whatever bag you are carrying as of late. No, you can’t go into your closet and pull out your favorite purse! We want to know what you carried today or the last time you left the house.
  2. List how much it cost. And this is not to judge. This is for entertainment purposes only. So spill it. And if there is a story to go along with how you obtained it, we’d love to hear it.
  3. Tag some chicks. And link back to this post so people know why the heck you’re showing everyone your bag.

**In the rules we need to spill it out about the amount of our purse.

So this is the bag I last used when I met with Gard’s friends last Saturday. Isang brown Charles & Keith bag na regalo ni Gard noong aking berdey kasabay ng iba pa niyang mga regalo. Hehehe! ‘Yan na lang daw muna kasi hindi praktikal sa panahon ng krisis kung LV o Gucci ang bibilhin niya. Sabi pa niya, “it’s the thought that counts.” May say pa ba ako dun?🙂

img_6864 img_6873

Ayon pa sa rule, kailangan daw isiwalat ang halaga ng bag na ito hindi upang i-brag o ipagyabang pero for entertainment purposes lang daw [ano ito, variety show?!😛] pero para sa akin ay hindi naman importante kung magkano ang halaga ng isang bag. O kung may tatak man ito o wala. Ang mahalaga ay kapaki-pakinabang ito at may kabuluhan sa buhay mo. Kahit na bayong lang kasi ang dala mo araw-araw, kung gamit mo naman ito para sisidlan ng iyong mga pinamili ay malaki pa rin ang halaga nito. Kaya para maiba ay hindi ko idi-divulge ang halaga ng aking bag. Pero praktikal at affordable naman ito. Trendy at handy para sa aking mga anik-anik.:)

At ang tag na ito ay ipinapasa ko sa mga girls sa aking blogroll. No pressure. Kung trip niyong kunin, pakikuha na lang po.😀

Salamat po!  049

chic1

29 responses

  1. Pingback: Otso-Otso Tag | Ang Tanging Yaman

  2. ayan, nabisita ko na din ang lungga mo.😛 at ikaw pala ang pinagsimulan ng tagging craze na etech.🙂 btw, magssky diving ako, hopefully this nov. sama ka?! hahaha! ayaw ni AC eh….

    May 4, 2009 at 2:01 PM

    • enjoy

      langya ka neng. ako pang inaya mo?! di mo binasang mabuti yung about me page ko noh? acrophobic po ako! baka binubuksan pa lang yung pinto nung chopper, o plane o watevah baka tinatakbo niyo na ko sa ospital dahil nag-collapse ako.

      adik ka duchess.. promise! lakas ng trip mo. hahaha😆

      May 5, 2009 at 2:48 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s