The History of (the name) ENJOY

Ito ang madalas na komento/tanong sa akin sa tuwing ipakikilala ko ang aking sarili sa mga bagong nakakasalamuha:

“Talaga? Enjoy ang nickname mo? Ang galing ha! Eh di lagi kang masaya?”

“Bakit Enjoy? Ano yan real name mo o ginugud taym mo lang kami?”

“Really?! Hanep sa name ha? Unique.”

“Enjoy, nag-eenjoy ka ba?”

Bakit nga ba Enjoy? Ito na po ang tugon sa matagal ko nang naipangakong istorya.

Maraming nagtataka kung bakit sa dinami-dami ng magiging alyas ay Enjoy pa ang naibigay sa akin. Matagal-tagal rin bago ko nalaman ang kuwento. Mahaba po kasi ang aking pangalan at binubuo pa ulit ng dalawa pang pangalan. Ang kuwento nang nanay ko ay mashado na daw common kung yung first name ko ang itatawag sa akin, ANNA na bagama’t magandang pakinggan at may kasosyalan (AC makinig ka), masyado na daw common at wala nang dating. Lalo na ang aking ikalawang pangalan na VICTORIA (oh di ba? sosyal pa rin at tunog kastilaloy) na sa kalauna’y mababago na rin ang bigkas lalo na sa aking pagtanda kaya mas minabuti nilang huwag nang gamitin. (Ganyan po ka-advance ang utak ng aking magulang at mga kamag-anak. Iniisip na agad nila ‘yung magiging tunog ng aking pangalan ‘pag ako’y lola na).

Derivation of Victoria:

  • Vicky
  • Vic
  • Torya
  • Bikay (tawag ng tatay ng aking best friend. ang sagwa lalo na kapag isinisigaw nya para lang ako i-welcome sa kanyang bahay)
  • Oryang

Kaya naman nag-isip ang aking butihing tiyuhin/ninong ng isang pangalang kakaiba. Para sa isang magandang masayahing sanggol na katulad ko, dapat ay may dalang saya din ang magiging pangalan ko.

Noong panahong iyon, mga 1980’s (konsensiya: “tamaan ka ng kidlat, Enjoy“) ay pumailanlang sa ere ang station ID ng IBC Channel 13 na may tagline na, “Enjoy yourself. Channel 13….“. ‘Wag kayong mag-alala dahil hindi rin ako nakarelate noon. Ginamit yata nila ito ng isang dekada pa bago napalitan. At eto na nga, habang nasa gitna ng malalim na pag-iisip ang aking tiyuhin ay bigla itong inere at saka sinabayan ng isang hagikgik na mula sa tiyanak inyong lingkod . At mula noon, ako ay binansagang kalapating mababa ang lipad ENJOY.

Sa totoo lang ay hindi ko naman na-enjoy ang aking alyas noong ako ay bata pa. Madalas pa rin kasing maiba ang banggit ang aking mga kalarong buyoy sa aking linsyak na nickname. Uso na noon ang match-making sa mga magkakalaro kaya sa pader ng isang garment factory na malapit sa amin, madalas kong makita ang aking pangalan na iminamatch sa iba,

Undyoy love Tunay

Unyoy lab Jon

Noong una ay hindi ko inisip na ako nga iyon. Akala ko ay may bago lamang kaming kalaro hanggang sa lumapit sa akin ang mastermind ng unang sulat sa dingding.

Uyy, Undyoy! Crush ka daw ni Tunay! Yihee!

At doon ko nakumpirmang ako nga si “Undyoy”.

Hindi nagtagal ay natutunan ko na ring mahalin at i-appreciate ang kagandahan ko ng aking alyas. Ito kasi ay malinaw na deskripsyon ng aking buong pagkatao. Isang masayahin na nilalang, na emosyonal man sa pagsusulat ay mae-ENJOY mong kasama sa personal. Makulit, madaldal, palabiro, palangiti. Kaya kalauna’y ginamit ko na rin ito bilang pagpapakilala ng aking sarili sa mga bagong nakakasalamuha at nagiging kaibigan (tulad ninyo). Nagkaroon pa nga ng pagkakataon kung saa’y nabagong muli ang alyas na Enjoy at napalitan ng HAPPIE na kinuha naman mula sa ginamit kong email ID.

There’s more behind the name Enjoy. Iilan pa lamang ang nakakadiskubre nito. Hindi lamang ito isang pangalan o alyas. Ito ay isang personalidad. Sabi sa aking nabasa, ang ating pangalan ay nagre-reflect daw ng ating pagkatao. Kung susuriin mong mabuti ang mga kahulugan ng iyong pangalan, mababatid mong ito ay may malaking kinalaman sa iyong buhay at sa iyong pananaw. Kaya nga ako ngayon ay talaga namang nag-eenjoy na. Kung tutuusin, hindi naman talaga unique ang alyas na ito dahil marami na akong nakasalamuhang mga tao na may ganito ring alyas. Ang kaibahan ko lamang ay mas maganda ako sa kanila.🙂 (Ang kumontra walang keyk!)

At ngayon, sa mga bagong kaibigan at kakilalang nagtatanong kung bakit Enjoy ang aking alyas, ito ang aking seryosong tugon,

Eh kasi sobrang nag-eenjoy ang tatay at nanay ko nung ginagawa nila ako kaya naisipan nilang Enjoy ang ipangalan sa first baby nila”😀

Pwede ba? Pwede!!!

And that’s the story behind the name… ENJOY.🙂

akoito1

chic1

48 responses

  1. okei pala ang pinagmulan ng nickname mo eh..😀 kaya pala enjoy..’yung kapatid kong sumunod sa akin naman, laging bukang bibig ang “enjoy,” like kung makikita niya akong may ginagawa:

    “Enjoy ba?”

    hehe

    newey, i’ll leave the same question to you😀

    May 4, 2009 at 3:47 PM

  2. Pingback: Thank you, and more… « Life Is A Piece Of Keyk

  3. And I really thought that Enjoy is just your online name! Ang galing! Na-surprise ako na nickname mo pala talaga ‘yan. Hmn, ako kaya, pag nagka-anak, ano kayang magandang nickname? Live? Love? Shout (for joy)? Sing (His praises)? hehehe

    Thank you for sharing this piece of you. Nakakatuwa itong post mo na ito.

    Napadaan lang po ang nagbabalik na si Miss N😉

    April 30, 2009 at 6:10 PM

    • enjoy

      Salamat Ms. N at welcome back🙂

      April 30, 2009 at 7:56 PM

      • salamat sa pag-welcome sa aking pagbabalik hehehe

        May 4, 2009 at 3:13 PM

  4. AC

    hoooy! mag-update ka nga! mag-update nga kayo! wala na ko mabasa! wahahah!

    April 29, 2009 at 10:57 AM

    • enjoy

      eto na po… adik! hahahaa!

      April 30, 2009 at 7:56 PM

  5. Hangkyuuut naman ng kwento, nag-enjoy ako basahin, pramis naimagine ko yung mga bata sa utak ko habang tinatawag ka ng Undyoy weee.

    Akala ko pseudoname mo lang yun, nikneym mo pala talaga hehe cool!

    April 29, 2009 at 4:54 AM

    • enjoy

      sana inimagine mo rin na tumatakbo sila habang hinahabol ko ng tsinelas. hahaha!

      salamat sa pagdaan joycee🙂

      April 30, 2009 at 7:58 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s