A Silent Rant

Kamusta na?

Ang inyo pong lingkod ay muling nagbabalik sa kanyang bahay mula sa isang maikling pamamahinga. Salamat po sa lahat ng dumalaw, nakibasa, nag-iwan ng notes, nagparamdam at nagdumi nag-iwan ng pagmamahal sa aking pahina habang ako ay wala. 

Teka, naramdaman niyo ba ang aking pagkawala? I’m sure hindi, dahil nawala man ako, ay nanatili pa rin akong nakasubaybay ng palihim sa inyong mga bahay at sumasabat sa inyong mga kuwentuhan.

Maraming bagay ang nangyari sa akin these past days. Muling nagulo ang aking pag-iisip at muling sinubukan ang tibay ng aming dibdib. Friendship was again tested. At sa pagkakataong ito, mas pinili namin ni Gard na manahimik na lamang. “Sino si Gard?” Ah oo nga pala, hindi ko pa pala siya pormal na naipapakilala sa inyo. Si Gard ang aking asawa/esposo, kaibigan, kaasaran, kakulitan, ka-sex kalambingan at morale booster. Sinubok ng maraming pagkakataon ang aming samahan pero nanatili siyang linta mapagmahal at nakasuporta sa akin. Pinili kong huwag muna siyang banggitin sa aking mga blogs dahil na rin sa mga pangyayari sa aming relasyon. Kung ano man iyon, ay saka ko na ikukuwento, kung magkakaroon man ako ng pagkakataon.

Hindi ko alam kung kami ba ay sadyang sensitibo lamang kaya agad na naapektuhan ng mga pangyayari dito sa aming tinitirhan. Masakit kasing isipin na sa kabila ng ipinakita naming pakikisama ay walang pasintabi pa rin kaming naapakan at na-bypass. Sa aking pagkaka-unawa ay may karapatan rin kaming malaman ang kanilang mga desisyon na may kinalaman sa mga posibleng gastusin sa bahay. Naging issue na ito sa amin noong una at agad din namang nalinaw. Hindi ko akalain na muling mauulit pa. Lima kaming katao ang nakatira sa iisang flat. Tatlong couples sa tatlong kuwarto. Lahat ay pawang itinuring naming kaibigan. Pinakisamahan ng totoo, naging mabuting kasambahay sa abot ng makakaya. Pero sa isang samahan, sadya yatang may lalabas na talunan. Dahil ba sa nagsasawalang-kibo kami? Dahil ba sa mas pinipili naming maging praktikal sa buhay at umiwas sa luho? Nasaktan ako, pero higit na nasaktan si Gard dahil halos tatlong taon na rin siyang nakatira dito at nakisama ng totoo. At sa bawat hakbang na kanyang ginagawa, kinokonsidera niya ang kapakanan ng mga kasama; pinipilit na huwag makatapak ng iba.

Naniniwala ako sa kasabihang “Don’t do unto others what you do not want others do unto you“, pero sa pagkakataong ito ay parang bigla yatang sumablay ang kasabihan sa amin dahil as far as I can remember, hindi naman namin sila ginawan ng kung ano mang masama. We felt betrayed by people we trust, and if we stay longer with these people, mas lalalim lang ‘yung sakit dahil dama nila na kami ay apektado pero walang nagtakang kumausap sa amin para linawin ang lahat. I still care about these people so we decided to leave them soon, para maiwasan na rin na lumala pa ang sitwasyon. I just hope and pray that before we separate ways, malinawan din ang lahat.

Ito ang dahilan nang pansamantala ko ring pananamlay sa pagba-blog. Apektado lang talaga ako. Pasensiya na kung sa inyo pa ako nagbuhos ng aking sama ng loob.

20 responses

  1. ayun…alam ko na!… ahahaha…bakit hindi ko ito nabasa…nasaan kaya ako nun… ahahaha…😀

    May 1, 2009 at 5:54 AM

  2. dencios

    alam mo lahat ng bagay napaguusapan sa maayos na paraan pero may mga paraang hindi naman pedeng basta2 na lang. nasa tamang timing din iyan. pasasaan ba at maayos din ang lahat. sa ngayon humanap ka na lang muna ng ibang pagkakaabalahan. wag mo naman kameng iwan dito sa blogosperyo🙂

    April 24, 2009 at 11:21 PM

    • enjoy

      asus! ang sweet naman… hehehe!

      siempre naman parekoy, hindi ko maiiwan ang blogosperyo. dito ko lang naibubuhos ang aking sama ng loob na walang kagatul-gatol. and with people like you, and the rest of the blogosphere, i’m sure everything will be alright.
      😉

      April 25, 2009 at 12:37 AM

  3. i still don’t get the full story/scenario pero okei na din na ganun..at least ‘di kayo ang nang-agrabyado, db? what goes around comes around naman eh, at pangit mang sabihin, that’s life. so be it. hayaan niyo na lang sila..
    kung maka-clarify ang lahat, then good..pero kung patuloy silang magpapatay-malisya, then kailangan niyo na talagang humiwalay..’di naman kasi puwede na lagi na lang kayo ang nakikisama at nagtitiis..yun lang…grabeh nakarelate ako dito, pero unfair naman talaga ang buhay eh..lalo na sa ating mga ubod ng bait..hahaha! basta, stay cool na lang, enjoy..😀

    April 24, 2009 at 8:33 PM

    • enjoy

      uhm, tama ka sa sinabi mo jem. mahirap talga ‘pag ubod tayo ng bait. ahehe!

      pero sa totoo lang, mahirap kasi talaga ang makisama. para kaming nasa bahay ni Big Brother, iba-ibang personalidad. patigasan lang talaga ng mukha ang labanan. sa kasamaang palad, hindi ganun katigas ang mukha namin. anyway, malapit na rin matapos ang lahat.

      i’m cool jem… so cool😆

      April 24, 2009 at 9:17 PM

  4. sandijmartin

    sana ay maging maayos na ang inyong hindi pagkakaunawaan..

    April 24, 2009 at 5:28 PM

    • enjoy

      salamat sandi… i wish the same🙂

      April 24, 2009 at 5:49 PM

  5. thats what blogs are for… para ilabas lahat ng saloobin… rants man yan or raves… ok lang yun… thats how we get to know other people better..

    thanks for visiting my blog…

    April 24, 2009 at 6:00 AM

    • enjoy

      yup. lately dito lang talaga ako nagbubuhos ng emosyon ko. and it really helps lighten my burden.

      salamat din sa pagdaan gillboard🙂

      April 24, 2009 at 5:47 PM

  6. hmm. wala naman akong masyadong alam diyan. hmm sa tingin ko, sadyang madami lang talagang HITAD sa mundo na hindi kayang hindi pakielaman ang mga buhay ng may buhay. kaya dapat sa kanila sina-salvage. WAHAHAHAHAHAHAHAHA! Brutal?! haha.

    keep faith. be strong.🙂
    PEACE AND LOVE❤

    April 23, 2009 at 10:49 PM

    • enjoy

      nice to have you back gudang! how’s life? i’m happy na nakuha mo na yung prayers mo.

      war freak ka ba? hehehe! wag ganun… bad yun😀

      thanks for the drop🙂

      April 24, 2009 at 5:49 PM

  7. powtek… andami nyo nang na post ah!🙂

    ang saya saya!

    nagpa impluwensya ka rin kay AC, ateh!🙂

    April 23, 2009 at 6:53 PM

    • enjoy

      di mo ba pansin na puro repost yung iba. hehehe!

      kellliiiiiieeeee!!! pateng! nabuhay ka!

      welcome!😆

      April 23, 2009 at 7:00 PM

  8. AC

    sana maayos nyo yan. sayang yung friendship.🙂

    ako din tukayo matamlay ang blog ko ngayon… matamlay ang puso ko.. maysakit ako.. m,nababaliw ako… hmmm… ano pa ba.. hehehe

    baket sabay-sabay pa tayo… sino na ngayon magpapasaya sa ating mga bahay.. hehehe..🙂

    April 23, 2009 at 5:30 PM

    • enjoy

      bakit nga ba ganun friend? kasi naman pag nagsasaya tyo, sobra-sobra kaya naman ang kapalit ay agad na kalungkutan. don’t worry tukayo. sinusubok lang ng tadhana ang ating kagandahan. malay mo bukas, wrinkle-free na ulit ang beauties natin😀

      April 23, 2009 at 6:11 PM

      • AC

        huhuhuhu.. baket ba ganito ang layp. nagsmile na ko kagabi eh… ngunit, datapwat, subalit…. NABASAG pa rin. get get awwwwts!😦

        April 24, 2009 at 10:34 AM

  9. 🙂 ishmayllll EnJoY.

    maayos din yan. pagusapan at wag takasan.

    I wish you and Gard well…

    ingat🙂

    April 23, 2009 at 4:07 PM

    • enjoy

      in His time azel. sa ngayon kasi mas pinipili naming wag nang magsalita at hayaan na lamang na sa kanila magsimula ang usapin. we don’t want to be tagged as overly sensitive. we’re all grown ups and we should have all learned our lessons from our past mistakes. i just hope that they’ll realize the effect of their actions soonest.

      thanks for the warm wish azel at ingat din🙂

      April 23, 2009 at 6:08 PM

  10. things happens 4 a rison, anumat anuman un sana maging maayos ang lahat…minsan kc kht ganu tau mgpakita ng kabaitan sa isang tao andun ang posibilidad na masaktan tau kc iba-iba ang personalidad ntin….

    just rmmber the truth will set us free!

    godspeed!

    April 23, 2009 at 3:26 PM

    • enjoy

      minsan kasi umaasa pa rin tayo na yung mga taong malapit sa atin ay magiging sensitibo sa ating damdamin. matatapos din ito… sana malinawan hanggat maaga.

      God bless you🙂

      April 23, 2009 at 6:03 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s