Repost: CROSSROAD

Minsan dumarating sa buhay mo ‘yung mga pagkakataon na naguguluhan ka at nagda-dalawang isip kung tama ba o mali yung ginawa mong desisyon. Gusto mong bawiin pero huli na, nagbitiw ka na ng salita; nagdesisyon ka na. Maiiwan ka sa sitwasyon na alam mong ikaw ang maiipit at dehado. Pero wala kang choice kasi dalawa lang naman ang kalalabasan ng susunod mong aksyon; (1) babawi ka para maituwid mo ang lahat, pero may siguradong masasaktan at matatapakan o (2) papanindigan mo ang desisyon mo at mag-suffer sa magiging consequence nito. Alin man sa dalawa ang piliin mo, alam mong hindi ka magiging masaya.

Minsan naiisip ko, masarap siguro ‘yung may power kang i-predict ang future. Alam mo na agad kung tama o mali ‘yung mga gagawin mong hakbang at mabibigyan ka ng warning para baguhin mo ang nasa isip mo ngayon. Masarap sigurong maging tulad ni Isaac Mendez ng Heroes na may kakayahang ipinta ang future. Ang mga pinta niya ang naging daan upang mailigtas ang buhay ng cheerleader na nakatakda sanang mamatay. O di kaya ang power ni Hiro Nakamura na kayang mag-travel through time. Pupunta ka sa future para malaman ang outcome ng aksyon mo, at babalik ka sa past para baguhin ito. Sana may totoong mga Heroes na tutulong s’yo sa paggawa mo ng desisyon. Sana may powers tayo na katulad nang sa kanila para maituwid ang tama at mabawasan ang mali. Pero mas pinili ng Dios na maging simple lang ang power ng mga tao. Ito ay ang power na gamitin ang utak sa pamamagitan ng lohikal na pag-iisip at pag-aanalisa ng sitwasyon. Para kung magkamali man tayo, matutunan nating bumangon, mag-move on at bumaling sa Kanya. Dahil wala pang nagsisi sa unahan. Lahat ay nasa hulihan.

crossroad

Hindi madali ang maiwan sa gitna ng daan at pumili kung sa kaliwa o sa kanan ka ba daraan. Mahirap ang mapunta sa crossroad. Walang kasiguruhan. Ang minsang akala nating tama, lumalabas na mali rin pala. Ang akala mong safe, delikado pala. Kung ma-encounter mo man ito, sana makapag-isip ka nang tama bago ka magbitiw ng salita at gumawa ng hakbang. Iyon bang nasa maayos kang disposisyon – hindi lito, gutom, lasing, o bangag – para sigurado ka sa mga sasabihin mo at wala kang pagsisisihan.

Dahil mahirap ang magsisi sa huli.

More than any other time in history, mankind faces a crossroads. One path leads to despair and utter hopelessness. The other, to total extinction. Let us pray we have the wisdom to choose correctly.

7 responses

  1. AC

    okay lang yan.

    “im only HUMAN, born to make MISTAKES”😀

    pero hindi ka naman matututo kung wala kang mistakes in the past eh. sa bawat pagkakamali meron at merong magandang bagay na darating, hindi man soon.. pero in the future darating yon.

    naks. siryus ako ngayon. hahaha.😀

    April 23, 2009 at 12:25 PM

  2. hmmm sa mga ganyang panahon tanging c Lord lang makakapagturo sa iyo sa tamang landas…

    ask for His guidance… surely he will lead you…😉

    April 23, 2009 at 11:29 AM

  3. Mahirap talaga yung ganyang sitwasyon, pero dito matetest ang decision-making skills naten. Yun nga lang, once you made a decision, wala nang bawian yun. If you made a mistake, learn from it nalang para next time hinde mo na gagawen.

    I’d always wanted to have that superpower: to see the future, parang yung kay Alice sa Twilight. Kahit hinde specific kase nagbabago din yun once mabago ang decision ng taong involved, at least may idea ka na what will happen the future.

    Pero minsan naisip ko din, parang wala nang thrill kung alam mo na ang mga mangyayari diba, wala nang “supraaaays!”

    Hehehe. Nice post Ate!

    *mwahugggs*

    April 22, 2009 at 10:06 PM

  4. sandijmartin

    sa ating buhay di talaga maiiwasan magkamali..dapat lang tandaan nating ang bawat pagkakamaling ating nagawa at itama ito sa susunod at kung may nasagasaang damdamin, maganda sigurong humingi ng paumanhin. Hanggang sa bawat pagdaan ng araw ang ating mga maling kilos at salita ay unti unti ng nababawasan dahil alam nanatin ang mali at ang tama at huwag natin Siyang kalimutang isama lagi sa ating paglalakbay

    salamat ang dami kong natutunan..

    gandang post🙂

    April 22, 2009 at 9:13 PM

  5. At iyan na rin ang kasarapan ng buhay — ang pagkakaroon ng something exciting. Ung hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa susunod. How boring life would be if we already know what’s to happen tomorrow!

    Pero kahit na ako na may edad na, hirap pa rin sa pagdedesisyon. At may mga bagay pa rin akong pangsarili na talagang kinakalimutan ko just so I can give way to my family’s well-being. Being in Saudi is one of them.

    Isa lang ang advise ko sa yo: Kung anuman ang magiging desisyon mo, dapat mo itong panindigan at tanggapin ng buong puso. At siyempre, dapat kasama palagi si Lord God.

    April 22, 2009 at 6:19 PM

  6. Naks HEROES..

    Mahirap talaga ang mapunta sa sitwasyon na pipili ka at maiwan mag isa sa crossroads pero kung nagkamali ka man sa pagpili.. mauulit at mauulit lang din ang sitwasyon gang sa mai-tama ito, kung di mo man iyon kayang itama maaring may matutunan ka at magiging malaking bahagi ito sa pagbabago mo.

    Ahhh… nga pala… i wanna save the cheerleader too! hehehe GB Enjoy!

    April 22, 2009 at 6:16 PM

  7. isa ka palang panatiko ng HEROES🙂

    tama ka, ang pagsisisi ay nasa huli. kaya nga nilikha ang tao na higit na matalino kaysa sa anupamang bagay sa mundo. we have the mind and heart para magbalanse ng mga bagay-bagay.

    hindi tayo kagaya ng daga na kapag nakakita ng keso ay kaagad susunggab at hindi namamalayang may mouse trap…

    kung madami mang daan sa paglalakbay natin sa buhay… hindi iyon ginawa para titigan o daanan lahat. may mga bagay sa buhay natin ng kinakailangan ng masusing pagpapasya dahil mahirap malamang pagdating sa dulo ng daan ay bangin ang nandon at hindi bahaghari!

    samahan mo ng dasal ang bawat desisyon upang di ka maligaw. samahan mo ng lakas ng loob at tapang upang kahit anumang”trap” ang nasa daraanan mo ay malampasan mo yon…

    enjoy🙂

    April 22, 2009 at 5:54 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s