Repost: Kontrabida

Pagdamutan niyo muna ito habang ako ay namamahinga pa rin. A repost from my old account🙂

-0o0o0o0-

It really doesn’t matter whether it’s the villain or the hero. Sometimes the villain is the most colorful. But I prefer a part where you don’t know what he is until the end.
~ Glenn Ford

Hindi talaga kumpleto ang buhay kapag walang kontrabida. Eto raw ang nagpapasarap sa bawat yugto at eksena ng buhay mo. Kumbaga, kung may tamis dapat ay may asim din. Ano nga naman ang saysay ng isang pelikula kung puro bida lang? E di para lang siyang naglaro ng baril-barilan mag-isa? Ang okray di ba?

Nagpakulay ako ng buhok kahapon sa isang salon na malapit sa amin. Habang prenteng naghihintay na magkulay pula ang medyo brown kong buhok, isang maanghang na panlalait ang pumailanlang sa apat na sulok ng parlor. OMG! Nilalait ng isang kustomer at ng isa sa may-ari ng salon ang isa mga bading na beautician. Evils!

May-ari: Eh kasi naman bumili ng damit hindi naman bagay sa kanya.

Customer: Oo nga. Ang pangit niyang bading noh! Lalaking-lalaki yung itsura niya.

May-ari: Assistant nga siya ng partner ko (tomboy ang may-ari) bukas para mag-ayos sa kasal. Ayaw sa kanya nung bride. Di raw siya kagandahan.

Customer: Ay talaga naman noh! Mukha siyang kabayo! Naku ang sagwa talaga ng mukha niya.

Hay, nakakaawang bading. Buti na lang at umalis sandali ‘yung pobre kaya naman nagkaroon ng pagkakataon ang mga kontrabida na manlait at mang-api. Mahihiyang lumapit ang sinumang may masagwang mukha sa dalawang ito, lalo na sa aleng kustomer na simbaho ng imburnal ang amoy ng bunganga. Mukhang nakalimutan yatang mag-sepilyo ng isang buwan kaya naman mamamatay sa baho ang mabugahan ng kanyang hininga. Sana man lang nag-mouthwash kahit paano si manang o di kaya ay sinubukan niya munang tumingin sa salamin bago sinilaban sa apoy ang kapwa nya. Nakakaloka!!!

Ang aleng ‘yun ang klase ng kontrabida na masarap balikan. ‘Yung bang matapos mong marinig ang mga pinagsasabi niya ay bigla kang magkakaroon ng conviction na magparetoke ng buong katawan at saka mo siya haharapin ng taas ang noo sabay sabi na, “Ako ang nagwagi!” (with matching arko ng kilay). Mapapatumbling siguro yun sa magiging transpormasyon mo [kailangan mo nga lang pag-igihan at baka mas nakasusulasok pa ang ibalik niyang salita sa iyo].

Sari-sari ang mga taong itinuturing nating kontrabida sa ating buhay. Minsan nga may connivance pa ang mga lokong iyan. ‘Yung tipong kakasabwatin ang mga malalapit o may mga konesyon sa buhay mo para tuluyan kang paiyakin. Siempre pa ang tingin mo sa sarili mo eh lumalagapak na underdog kaya kung minsan krayola na lang ang drama mo para mapalabas na ikaw ang api at sila ang kontrabida. Parang Juday at Gladys; Sharon Cuneta at Cherie Gil.

***************************

  • Kaibigan – gaano man kabait ang kaibigan mo, paminsan-minsan kontrabida pa rin ang turing mo sa kanya. Lalo na kapag di niya type ang bago mong suitor o kahit na ang jowa mo mismo sa kabila ng sangkaterba mong pagtatanggol. Kung tutuusin may punto rin naman sila minsan. Baka naman talagang concern lang sila di ba? Pero kakaiba pa rin ang feeling mo. Hindi mo pa rin ma-explain kung bakit ganoon na lang ang pagkulo ng kanyang dugo sa iyong sinisinta. Eto na lang isipin mo. Alin kasi sa dalawa lang yan: type siya ng kaibigan mo o ikaw ang type niya?😀
  • Kamag-anak – sa mga plano mo sa buhay, sila ang mas madalas manguna. Gusto mong mag-IT pero pipilitin kang mag-teacher dahil teacher daw ang nanay mo. Pipilitin kang mag-abroad kahit ayaw mo; isisingit ang pagpapakasal kahit enjoy ka pa sa buhay single. Halos sila na nga ang magpatakbo ng buhay mo eh. Ang hangad lang daw naman nila ay ang iyong kabutihan kaya ikaw ay ginagabayan pero kung minsan mahirap talagang i-take yung gusto nila. Kulta na ang utak mo sa kakasulsol ng mga bagay na di mo naman trip gawin at tanging sila lang naman ang mag-eenjoy. Kung pwede nga lang iisantabi ang kamag-anak, naku, marahil ay matagal mo ng ginawa. Pero sabi nga, blood is thicker than water kaya minsan kahit ayaw mo, ‘pag nagsimula ng mangilid ang luha sa mata nila, napapa-OO ka na rin.
  • In-laws – kapag pinasok mo na ang buhay may-asawa ito ang unang balang haharap sa iyo. In fairness, marami rin naman ang mga okay na in-laws pero aminin ng mga pamilyado dyan na marami rin ang tunay na kontrabida. Andyan ang mother in-law na lalatiin ka ng bonggang-bongga dahil di ka marunong magluto o kaya ay maglaba. Ang sisters at brothers in-law na ang tingin sa ‘yo ay pampam/papansin/epal at atribida/kontrabida. Samahan pa ng mga extended families na kikilatisin ka muna mula ulo hanggang paa na akala mo’y kung saan ka nagmula bago ka maisali sa family tree. Kung tutuusin di naman sila ang pinakasalan mo pero dahil nga sa package deal ‘yan, may ikakasa ka pa ba? Maki-ride ka na lang hangga’t kaya mo. ‘Yan ang tunay na Pinoy Fear Factor. He-he-he!
  • Boss/Colleagues – eto na. Kumayod ka ng husto noong nakaraang taon para makahabol sa increase at promotion. Nagsikap ka, nag-OTY (overtime na walang bayad “TY” short for “thank you”), pumapasok on-time. Nang bumaba ang promotion, isa ka sa mga tinawag sa boss’ office… hindi para i-congratulate kungdi para sabihan ng “sorry you’re not qualified for the promotion. Better luck next time“. Amfness! Halos dugo na nga ang tumatagaktak sa noo mo, hindi ka pa rin qualified?!? At malalaman mo na lang na ‘yung rival mong officemate na laging late at absent, madalas mag-undertime, telebabad sa fone, ang na-promote. Ang lamang lang niya ay seksi siya at maganda. Aba eh pag ganyan ang sitwasyon, lumayo-layo ka muna sa kutsilyo at baka maitarak mo sa boss mo. Siempre di ka pwedeng magmaktol dahil ulet, dalawa lang ‘yan: gagawan ka ng incident report for insubordination para gawing palamuti sa record mo O magigising ang boss mo sa mga sasabihin mo (mga dramang pang Best Actor/Best Actress) pero dahil sa napahiya na siya, aalisin ka na lang sa trabaho. Alin man sa dalawa, at the end of the day, ikaw pa rin talo. He-he-he!

***************************

Marami pang kontrabida ang hindi ko nabanggit. Sindami ng mga umusbong at nalaos na mga kontrabida sa pelikula Pilipino at international. Mahirap isa-isahin dahil malamang maubos ang word count ng post na ito bago ko mabanggit lahat. Kung aanalisahin, ikaw rin naman ay nagiging kontrabida paminsan-minsan. Unaware ka nga lang dahil ikaw ang nagsasalita at iba ang nakikinig. Pinangangatawanan mo ang mga ideyang sa tingin mo ay tama pero taliwas sa pananaw ng iba. Mas safe na lang siguro kung sasabihin mong ikaw ang bida at kontrabida ng iyong buhay dahil may isang punto na lagi kang panalo at isang punto kung saan ikaw ay talunan.

Masarap maging kontrabida paminsan-minsan kasi exciting ang role na ito. Masarap i-explore ang evilness within us dahil hindi natin batid kung hanggang saan ang hangganan ng ating emosyon. Tama si Glenn Ford nang sabihin niyang ang pagiging villain ang pinaka-colorful sa lahat. Dahil kung minsan ang mga inaakala nating kontrabida sa ating buhay, sila pala ang TUNAY NA BIDA.😉

16 responses

  1. eli

    yong contrabida daw ang nagsisilbing creamer sa kape. pampalasa. hehe

    April 22, 2009 at 10:31 AM

    • enjoy

      korek! hehehe! wag lang mashado at sasagwa na lasa nun.😀

      April 22, 2009 at 3:09 PM

  2. sandijmartin

    salamat sa post na ito.. dami kong napulot! Minsan kasi nagiging kontrabida na rin ako sa tleserye ng aking buhay🙂

    April 21, 2009 at 7:45 AM

    • enjoy

      ay ako din… apir tayo! hee-hee!

      salamat sa bisita🙂

      April 21, 2009 at 3:45 PM

  3. Kung walang kontrabida sa buhay, walang hirap.

    At kung walang hirap, maiisip ba nating tumawag sa Kanya??

    April 21, 2009 at 5:06 AM

    • enjoy

      hindi ka naman galit niyan joycee? jowk🙂

      you’re right there iha. ika nga spice of life yan. di na exciting pag walang kontrabida. at di na natin maiisipang tawagin ang TUNAY na BIDA kung lahat nagbibida-bidahan na :]

      April 21, 2009 at 3:47 PM

  4. …basta ako ang bida ng buhay ko…ako nga din kasi si “bidaman” eh…yung mga nasa paligid ko, hindi yan kontrabida…mga followers yan… ahehehee…

    ang mga kontrabida? ala na…umalis na lang, hindi maka-abot sa level ng kapogian ng bida… ahahaha!

    April 21, 2009 at 4:13 AM

    • enjoy

      wohoo! di ko kinaya yun ah… ahahaha! dapat hinayaan mo na lang yung mga kontrabida superG. walang silbi ang kapogian mo dong pag walang nagsabing tagalait. aheks!

      April 21, 2009 at 3:53 PM

  5. AC

    nako ewan ko nga ba tinotopak siguro yung host. haaaaaaayy.. pag madaming-madami na ko ulet time ibaback up ko sa wordpress o sa kahit saan man para maaccess pa din. hehehe.

    lagi down yung server siguro nila these days. kainis nga eh. wala tuloy ako makachokaran. kaya eto, dalaw na lang ng dalaw sa inyo. hehehe.

    wala naman ako lablayp e. makulay na friendship lang. hahahaha!😀

    April 20, 2009 at 5:22 PM

    • enjoy

      uy masaya yan. anong color ba ng friendship mo? red o green? hehhehe😆

      April 21, 2009 at 3:54 PM

      • AC

        GREEN. kase bastush sya eh. hahahah! joooke!

        hoy ano ka ba AC ambastos mo! dumihan nga natin tong bagong look ng blog ni enjoy! nyahahah!😛

        April 21, 2009 at 9:00 PM

        • enjoy

          oy, oy, bawal magdumi dito. member ako ng MMDA. hahaha!

          April 22, 2009 at 3:11 PM

        • AC

          pulis OYSTER ka? hihi. ayun yata tawag dun sa mga nakikita kong naglilinis dito eh hehehe

          April 23, 2009 at 12:22 PM

  6. AC

    yan, yang mga kamag-anak na konserbatib at conformist ang nagbibigay ng spice ngayon sa aking buhay fag-eveg.. hahahah!😀

    April 20, 2009 at 4:58 PM

    • enjoy

      wow ang bilis mag-react! hahaha! at may lablyf ka na naman ha. neng ang hirap pasukin ng page mo. wahapen?!? nakapasok pa ko kanina pero nung sbumit ko na comment ko, nawala na naman. server busy ulet😦

      April 20, 2009 at 5:00 PM

  7. AC

    siraulo naman ng mga yun. rektang-rekta kung manlait ah. kahit naman ako di laitera di naman ganyan ka-straight. ginagawa ko namang komedi. hehehehe.😛

    pero ang totoo… MABAIT ako e. kaya di pangkontrabida ang aking beauty. ahihi😉

    April 20, 2009 at 4:56 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s