Another Random Thoughts

Ilang beses ko nang paulit-ulit na binubuksan ang aking account para magtangkang bumuo ng isang entry. Paulit-ulit ngunit wala pa rin akong maisip na tema. Dapat nga ay refreshed ako ngayon dahil na rin sa ilang araw na pananahimik at pagmumuni-muni. Dapat ay mas marami akong maibabahaging kuwento dahil na rin sa mga ilang pangyayaring naganap nitong mga nakalipas na araw. Pero eto ako ngayon at parang pipi na walang boses maging sa pagsusulat.

words_by_coolvamp007Dumarating talaga tayo sa puntong ganito ano? ‘Yung wala kang mabuong salita sa libu-libong mga letra na nagkalat sa iyong utak. Your mind is cluttered but you can’t even find a way to unclutter it. Andami mong gustong sabihin pero hindi mo alam kung saan at paano ka mag-uumpisa. Kung period ba o exclamation point ang gagamitin mong punctuation mark; kung pasigaw ba o pabulong ang magiging pagbigkas mo; kung magiging diplomatiko ka ba o agresibo. It’s not what we say, but how we say things that makes a difference. Kaya andun yung fear na baka ma-misinterpret ang sasabihin mo dahil absent ka nang i-discuss noon sa English class mo ang intonation.

images

Do not speak unless you can improve the silence.

Ngayon ko narealize na masarap i-enjoy yung panandaliang katahimikan. Dati takot ako dun. Natural kasi akong madaldal, conversant. Ayoko ng “quiet moments” dahil feeling ko nag-aagawan ang mga emosyon sa aking sistema. I always try to fill an awkward silence. Remember the cliché “Silence has the loudest voice“? Totoo palang nakakabingi ang katahimikan. Pero nakakabingi lang iyon kung hindi ka handang makinig.

palms-clock Time. Gaano karami meron ka nito para sa mga taong mahal mo? Minsan sinasabi natin na pinapahalagahan natin ang ating pamilya. Importante sila sa atin kaya ibibigay natin ang anumang bagay na magdudulot sa kanila ng kasiyahan. Kung hihingin nila ang kaunting oras mo para sa isang pampamilyang salu-salo kapalit ng overtime na itinawag ng boss mo kahit na alam niyang restday mo, alin ang pipiliin mo? Namimiss ko na ang dalawang anghel ko. Napakaraming oras na ang nasayang ko sa kabanata ng buhay nila kapalit ng trabaho, kaibigan at mga walang kuwentang bagay. Hindi ko na sila kilala ngayon.

Kung may isang taong magsasabi sa iyo na ikaw ay bobo at tanga, maniniwala ka ba? Kung maniniwala ka pagkatapos ay magmumukmok sa tabi para magself-pity, bobo at tanga ka nga. Walang gamot dun. Kahit ilang pain reliever o analgesic ang inumin mo, hindi maaalis nun ‘yung sakit na idudulot nun sa sarili mo. Ngayon, kung maniniwala ka pagkatapos ay babangon para patunayan na ang kabobohan at katangahan mo ay bunga lang ng maling paghusga sa pagkatao mo, at ang nagsabi sa iyo noon ay mas bobo at tanga dahil sa ginawang paghuhusga sa iyo, magdiwang ka. Dahil ipupusta ko sa iyo, pagsisisihan niya ang araw na inilabas ng mabahong niyang bibig ang mga salitang iyon.

Kanina pa ko paikot-ikot sa blogosperyo. Pabasa-basa lang at kung hindi kailangan magkomento ay mas pinipili kong manahimik. Sa dami na kasi ng mga nag-advice, nag-explain, nag-kuwento, at nagpahaging, malamang ay parang inulit ko lang din ang mga sinabi nila. Mas masarap na namnamin ko na lang muna ang sustansyang dala ng kanilang mga entry.

Ang sa aki’y random thoughts lamang.

When life gives you a hundred reasons to cry, show life that you have a thousand reasons to smile.

chic1

19 responses

  1. Sa katahimikan natin maririnig ang bulong ng kapaligiran. Minsan, hindi natin marinig ang katahimikan dahil nakikinig tayo pero hindi naman natin pinakikinggan.

    Pasensiya na ngayon lang ako nakadalaw ulit. Salamat sa pagdaan sa aking bahay.

    Bulaklak para sa iyo! At siopao!

    April 18, 2009 at 9:30 AM

    • enjoy

      Mukhang napatagal nga ang di mo pagdalaw Mike. Namiss ko tuloy ang malalalim mong komento. Hehe!

      Tama ka diyan… ika nga, listen to the sound of silence

      Salamat sa pasalubong na bulaklak at siopao (asado ba yan? di kasi ako kumakain ng bola-bola eh)😆

      April 18, 2009 at 1:25 PM

  2. sandijmartin

    ayos naman ‘to Enjoy… enjoy nga ako sa pagbabasa eh🙂

    sa oras ng katahimikan dun naman tayo kinakausap ng Diyos..

    Gusto ko yung quote mo sa dulo..

    April 17, 2009 at 9:59 PM

    • enjoy

      tama ka diyan sandi. kaya nga dapat mas malaking oras ang nilalaan natin sa “quiet time”🙂

      salamat ulit at nadaan ka…

      April 18, 2009 at 1:22 PM

  3. “andun yung fear na baka ma-misinterpret ang sasabihin mo dahil absent ka nang i-discuss noon sa English class mo ang intonation.”>>>>hehehe natawa po ako dito😀

    “Do not speak unless you can improve the silence.”>>>tumpak po, para naman hindi masayang ang value ng katahimikan at hindi rin masayang ang tinig mo hehehe

    Mukhang naging maganda naman ang epekto sa yo ng Lenten Season. Inaakala mo lang na wala kang maisulat ngunit tingnan mo, you have posted another sensible post😉

    April 17, 2009 at 5:06 PM

    • enjoy

      Naging maganda naman talaga Miss N. Kasi kahit paano ay naging matahimik talaga ang mundo ko. Hehehe! Nasobrahan nga lang dahil kahit sa gitna ng katahimikan ay naging madaldal ang aking utak. Na hindi ko rin namalayan na ang hindi ko masabi ay naitype na pala ng aking mga daliri🙂

      April 18, 2009 at 1:01 PM

  4. enjoy

    BONI:
    isang pasasalamat pala kay teen at dahil sa pagkakatisod mo ay may bagong nagawi sa aking bahay. ang pagsusulat daw kasi ay naayon talaga sa mood ng tao o sa kaya naman ay sa ambiance. may mga taong kahit magaling magsulat, pag maingay ang paligid walang mailabas🙂

    sige po, bisitahin ko yang link. nawa’y mapadaan ka ulit😀

    DYLAN:
    aba’y mabuti naman kung ganun. mahirap mag-blog dun. maraming mang-aagaw ng toys. hehehe!

    sige at namnamin mo muna ang iyong pahinga. baka tuluyan kang maubusan aba’y sayang naman ang talento mo. kailangan ka pa ng mga kalalakihan blogosperyo. buti pa dyan sa pinas, natural ang ulan. masarap sa pakiramdam. dito sa SG, umulan din kahapon, kaso artipisyal lang. waaa!

    BHING:
    korek ms. bhing. pero ganun talga minsan ang blogging eh. associated na sa word na “blabbing”🙂

    God bless🙂

    April 16, 2009 at 10:51 AM

  5. enjoy

    SuperG:
    tama ka dyan bhoyet. sa sobrang bilis kasi ng panahon at dala na rin ng makabagong teknolohiya, maraming bagay na tayong napaglagpas at hindi napagtuunan ng pansin. kaya malaking tulong talaga kahit yung panandaliang katahimikan para na rin makapag-contemplate.

    DENCIOS:
    salamat po parekoy at napadaan ka ulit. mukhang mshado mong nae-enjoy ang bakasyon mo sa pinas ah… tama yan, live life to the fullest🙂

    DUCHESS:
    good for you girl. hindi kasi lahat ng nanahimik eh nabibiyayaan ng peace of mind at serenity (iisa lang yata yun ah. hehehe). yung ibang nanahimik, tlagang nanahimik na ng tuluyan. aheks! hehehe! salamat po sa pagdaan at sige, dahil wala nga akong choice, ia-add na rin kita. ahihihi!🙂

    April 16, 2009 at 10:45 AM

  6. Do not speak unless you can improve the silence (gsto ko 2!)

    go, go, go pa rin…

    d baleng sobrang tahimik kaysa maingay pero wla nmn laman (lol)…

    kitakits! tnx sa prayers!

    April 15, 2009 at 5:43 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s