Semana Santa ni Enjoy

Buhay na naman ang blogosperya at busy na naman ang mga keyboard. Makalipas ang mahaba-habang bakasyon na dala ng kwaresma, handa na naman ang bloggers sa pagbabahagi ng kani-kanilang mga kuwento.

Hindi gaanong ginugunita ang lenten dito sa SG. For obvious reason that this is a multi-religious country na binubuo ng Buddism, Taoism, Confucianism, Muslim, Hinduism at iba pang -ism, maliban sa Francism (may he rest in peace). Kung kakalkulahin ay maliit na porsyento pa lamang ng Kristiyanismo ang naninirahan sa bansang ito kaya naman Biyernes lang ang idinideklarang holiday bilang respeto na rin sa ating relihiyon. Unang lenten season na wala ako sa Pinas. Namiss ko rin ang mga nakasanayan na natin sa tuwing sasapit ang kuwaresma:

Station of the cross – Halos kalyuhin ka na sa dami ng simbahang binibisita upang sambitin ang dasal at misteryo ng rosaryo. Para mas matindi ang sakripisyo, ang iba’y naglalakad lang papunta sa mga simbahan at ang pinipili pa ay mga tig-limandaang kilometro lang naman ang layo. Sa karamihan, ang pagod, uhaw, gutom at pamimintig ng paa ay para na ring pagsasabuhay sa naging hirap ni Bro noong pasan niya ang krus patungo sa Kanyang huling hantungan. Para naman sa iba, ito ay sort of bonding para sa mga mag-syota at nagliligawan. Mas madilim ang daraanan, mas exciting.

Pabasa – Namiss ko ‘yung boses ni manang na kahit paos na sa pagkanta ng pasyon dahil walang may ibang gustong kumanta sa magdamag na pagkanta, eh sige pa rin ang birit. Keber kung wala sa tono dahil ang tanging intensyon ay maipamahagi ang naging buhay at paghihirap ni Bro sa paraan ng pagkanta. Ready na ang tsaa at salabat para sa namamagang lalamunan. Saglit pa at mga kabataan naman ang pupuwesto para bumasa ng pasyon sa tono ng “Mga Kababayan Ko” bilang paggunita sa buhay ni Francis M.

Senakulo – Pagsasadula ng mga huling araw ni Bro kasama ang Kanyang mga apostoles. Naalala ko noong mapasali ako dito. Bahagi ng aking kabataan ang pagiging aktibo sa simbahan. Binigyan namin ng kakaibang twist ang senakulo at doon higit na nakilala si Enjoy bilang “lukaret na taong bayan.” Aheks!

Penitensya – Sa totoo lang, kahit naaaliw at namamangha ako sa kaugaliang ito, hindi ko pa rin mawari kung bakit kailangang saktan at sugatan ang sarili bilang paraan ng pagsisisi sa mga nagawang kasalanan. Hindi naman ginusto ni Bro na gawin natin iyon para sa Kanya. Ang nais pa nga Niya ay ingatan natin ang ating katawan sapagkat ito ang “templo ng Dios” at ang Espirito ay namamahay dito (1 Cor.). Ang sabi ng iba ay nais lang nilang sundan ang yapak ni Bro na boluntaryong tinanggap ang pahirap at kamatayan mailigtas lamang ang sangkatauhan. Kung tulad ng mokong sa ibaba ang magpepenitensya, baka kahit ipako siya sa krus ay kulang pa para tubusin ang sariling kasalanan.

mokong1

mokong2

Namiss ko rin ang pasang-krus pasang-krus na nakagawian kong makita sa hanay ng mga nagpepenitensya , siete palabras o ang pitong huling salita ni Bro na isinadula rin noon sa aming parokya; ang baptism of fire o ang gabi kung kailan naramdaman ang muling pagkabuhay ni Bro; at ang salubong kung saan ay muling nagtagpo si Mama Mary at si Bro para sa isang masayang pagkabuhay.

Namiss ko man ang lahat ng ito ay hindi pa rin naging hadlang upang ako ay mangilin. Ang naging form of abstinence ko ay ang pag-iwas sa paggamit ng kompyuter sapagkat ito ang madalas kong kaulayaw at pagba-blog ang hilig kong gawin. Pero naging marupok pa rin ako dahil 99% ko lang itong naisakatuparan at ang 1% ay di ko pa rin naiiwas dahil sa RSS feeds na dumarating sa aking mobile phone. Ang kagandahan nito ay naging mabait, caring at maasikaso ako the whole time na nangingilin ako. Ewan ko ba pero di ko lahat iyon sinadya. At marahil nga sa mga panahong ‘yun ay kinatigan ako ng Espiritu Santo (amennnnn….).

Isang eksena noong Biyernes…

Gard: Bakit ang bait mo yata ngayon? Kanina pa kita inaasar pero di ka nagsusungit. Himala.

Enjoy: Ayaw mo nun walang nagbubunganga sa’yo. Walang ingay.

Gard: Nakakapanibago eh. Mukhang may hihingin ka. May gusto kang ipabili noh?

Enjoy: Nangingilin ako.

Gard: Huwatt?! Talaga lang ha? Kelan pa? Uso pala ‘yun sa iyo ha.

(Hindi ako kumibo at saka marahan na lumayo.)

Submit yourselves therefore to God. Resist the devil, and he will flee from you.

Jas 4:7

❦ HAPPY EASTER EVERYONE!

PEACE BE WITH YOU

🙂

9 responses

  1. enjoy

    ALING BABY:
    oo nga. kung pwede nga lang tuwing holy week ay nasa pinas ako gagawin ko pero shempre hindi naman ako mayaman para gawin yun di ba? hehehe… di bale, kahit nasan man tayo, am sure magagawa pa rin natin gunitain ang semana santa.

    PAJAY
    salamat sa pagdaan pajay. sana ay makabalik ka pra muling magbasa🙂

    SANDI
    ikaw rin… sana ay matagpuan mo ang daan pabalik dito sa aking bahay. bibisita rin ako sa’yo one of these days🙂

    April 14, 2009 at 11:00 PM

  2. sandijmartin

    napadaan lang..babalik muli🙂

    Hapi Easter..

    April 14, 2009 at 8:18 PM

  3. nakibasa at walang masabi…hehehehe

    April 14, 2009 at 4:44 PM

  4. hay sinabi mo. nakaka-miss sa pakiramdam ang semana santa sa pinas indi tulad sa mga bansa kung nasan tayo.

    happy easter din seo, enjoy!🙂

    April 14, 2009 at 2:44 PM

  5. alam mo ba dati… at hindi ko sya makalimutan ngayon…

    meron isang mamang nagpapako sa krus bilang si hesukristo..

    at sa kalagitnaan ng pagsambit nya sa 7 huling habilin.. ay nalaglag ang krus kung saan sya nakapako.

    tumahimik ang lahat.. samantalang kami ng aking kuya ay muntik maipako ng aking lola dahil ang lakas namen tumawa!

    share lang, ateh.

    Ok..let’s move on.

    asteg talaga mga pinoy.. nabalitaan ko nga nagpapako rin si Rosanna Roces sa Krus. Seryoso.

    napanood ko nga yun sa the buzz. hehehe! pero girl, isang palad lang yun at di pa bumaon. maniniwala akong astig talga siya kung parehong kamay yung pinapako niya.😀

    ang isa pang namiss ko sa semana santa ay yung mga pagkain. grabe sa dami lalo na pag may pabasa. yan ang pinoy! nangingilin pero sandamakmak na putahe ang nakahain sa table. at panalo ang talaba at tahong para sa mga sunog-baga dun sa min. hehehe.

    April 14, 2009 at 9:20 AM

  6. Uwe ka na, ibang-iba talaga ang Holy Week dito.

    Nawa’y nakapagmuni-muni ka ng maayos nitong nakaraang Kuwaresma.

    Godbless!🙂

    Ehehe! Kung pwede nga lang umuwi na. Nakapagmuni-muni naman ako Joycee. Nawa’y umepekto nga lang yung pagmumuni ko sa sa kin.🙂

    April 14, 2009 at 4:37 AM

  7. teentoinks

    Nun bata ako, madalas ako nasa pabasa kasi may meryendang ginatang mongo… hehehe

    Happy Easter Enjoy!

    Ako din… ako din! Hahaha! Yun ang isa pang masarap sa Semana Santa, db? Habang ang iba’y nangingilin, ako naman lumalamon😀

    *bad cheetah*

    April 13, 2009 at 11:52 PM

  8. aheks…uwi ka na kasi…yung pinsan ko din na najan sa lugar nyo..namiss din da ang pinas…aheks…weepeee… balik normal na nmn ang buhay…ahahay… ;D

    April 13, 2009 at 8:07 PM

  9. 🙂 Happy Easter Enjoy…

    Kakamiss sa Pinas noh?

    Lalo na pagkatapos ng Holy Week… madaming lalakeng nakapalda! aheks!🙂

    ang bilis ah. hahaha! kagagaling ko lang sa haus mo. kaya pala wala ka dun kasi andito ka sa bahay ko. nagkasalisi tayo. hehehe!

    hay, ang sarap umuwi sa pinas…

    happy easter din🙂

    April 13, 2009 at 3:08 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s