Here’s to Friendship!

After a rainy weekend, muli na namang nagpasikat si Haring Araw. Ilang araw din na nagcloud seeding ang air force (opo, ganyan kayaman ang Singapore na pati ang ulan ay ginagawang hi-tech) kaya noong Linggo ay parang binagyo na naman ang Singapore. Palibhasa’y malapit sa ekwador kaya medyo may kadalangan ang pag-ulan sa bansang ito. Bumbunan ko lang yata ang di nabasa sa tindi ng bagsak ng ulan, na nakisabay pa sa Palm Sunday. Isang pagbabasbas, ika nga. At umatend po ako ng Sunday Mass kaya ako ay nabasbasan din ng biyaya.🙂

2009friendlyblogger

Dahil nga maganda ang panahon ngayon, na-thrill akong gawin ang isa pang blog award na aking natanggap mula kay tukayong beautilicious AC na medyo napending na rin sa aking kaha de yero. Thank you po ulit for considering me as one of your friendly bloggers. Apir tayo sister!

Medyo may pressure ang award na ito dahil kailangan ko daw i-install yung photo ko (pramis install talaga yung sabi sa rule, mababasa niyo mamaya. di ko lang alam kung exe o dmg file ang gagamitin ko sa pag-install. joke! hehehe). Sa aking pagkakaalam ay isang beses ko pa lang naman naipaskel ang aking magandang mukha *ubo-ubo* pero grupo pa ‘yun dahil gusto kong may misteryo akong maiwan sa inyo. Sa award na ‘to, mukhang mapapasubo yata ako. Pfft!

Here are the rules for this award :

1. Take a Photo or install one now . (aheks! sabi ko sa inyo eh :D)
2. Do not change clothes,do not trim the hair, the main image is to be captured (we want to see the real you…he..he..) .
3. Post a picture that is in edit.
4. Post these instructions (required).
5. Tag people to show appreciation to them that touch your heart because of their friendly attitude (required).

expiredAng challenge ng blog na ito (talagang challenge ito) ay maipakita mo ang iyong tunay beautyness/handsomeness sa madlang people without putting on make-up or fixing your hair or even changing your dugyot clothes to a cool outfit. So kung mukha kang nireyp ng sampung tomador habang ginagawa mo ang entry ay talaga namang malas kang tulad ko (sabagay, wala naman makakaalam kung magbabagong-anyo ka. hihihi!). So here’s my latest, unedited photo. May expiration ang picture na ito kaya kabisaduhin niyo na ang aking mukha at baka ako na pala ang dyumidyekwat ng bag niyo ay di niyo pa alam. Kuha ito habang ginagawa ko ang entry na ito. Hindi pa ko naliligo kaya dugyot ang itsura ko dyan.

expiredHere’s another photo but this time I look better. Nakaligo at nakapagsuklay na ko niyan. Kuha ito nung Sabado habang kami ay nasa bus stop na malapit sa aming block. Papunta kami ng Lucky Plaza (ang mall na tambayan ng karamihan sa mga Pinoy dito sa SG) sa Orchard Rd. para mag-remit ng pera sa Pinas. Sa tabi ko ay ang aking bodyguard na abala sa paglalaro ng PSP. Napatagal ang dating ng bus at sa kainipan ay napekchur-pekchur muna ako. Muli, may expiration ang pekchur na ito.🙂

At ito po ay aking ipinapasa sa lahat ng nasa aking blogroll.

Thank you for making me smile, frown, mad, happy, excited, confused, perplexed etc, etc…

I keep my friends as misers do their treasure, because, of all the things granted us by wisdom, none is greater or better than friendship.

Pietro Aretino (1537)


chic1

24 responses

  1. Awesome read…

    December 5, 2011 at 1:44 AM

  2. ken

    hi how are you

    June 15, 2009 at 3:48 PM

  3. AC

    ano ba yun ateh di man lang pinalipas muna ng maghapon bago iexpire ng tuluyan ang kanyang pektyur. wahahah!

    ahaha! late ko na narealize neng na hanggang 11:59PM pala ang april 14. atat na mawala ang pekchur dahil baka magdala ng curse dito sa bahay ko at wala ng dumalaw. nyahaha!

    April 14, 2009 at 11:39 AM

  4. coeline

    wow! very inspiring naman po un..🙂 heheh.. keep on filling the blogosphere with inspiration.

    –> http://coeline.wordpress.com/

    Thanks Coeline! And also for the drop. I’ll visit your page soon🙂

    April 13, 2009 at 11:04 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s