Guilty as Charged

unmaskinghypocrite

Hypocrisy the practice of professing beliefs, feelings, or virtues that one does not hold or possess; falseness.

Nang ma-discover ng mga archeologist ang Sepphoris, ang Jewish capital ng Galilee noong Roman period (bata pa lang noon si Bro a.k.a. Jesus), they also found out that it housed a giant amphitheater. The actors who put on play there were called hypokrites. They wore masks so that the audience could identify the different characters each was intended to portray. Pagkatapos ng play, aalisin ng mga aktor ang kanilang maskara at sila ay papalakpan ng mga manonood. So practising hypocrisy means wearing a mask designed to impress or deceive others.

Pasintabi sa paniniwala ng ilan sa mga ka-blog na may ibang relihiyon, but this is something we should reflect on not only because it’s the season of Lent. What I am about to share is very much applicable to our daily life and whether you like it or not, isa sa mga ito ay maaring tumama rin sa iyo. Maging sa akin.

In the New Testament, Bro a.k.a Jesus talks about three specific areas in which we tend to practice hypocrisy. Oh btw, Bro’s hometown Nazareth was about four miles away from Sepphoris and there’s a speculation that Bro and His father Joseph could have worked there as carpenters to restore the amphitheater. Pero ‘yun ay nanatili pa ring espekulasyon dahil wala pa ring patunay na silang mag-ama ay nanilbihan nga kay Herod the Great na siyang kasalukuyang namumuno ng panahon na ‘yun.

Anyway, let’s go back to hypocrisy. According to Bro, these areas are:

1) Giving – “When you give… do not announce with trumpets as the hypocrites do in the synagogues, and on the streets to be honored by men” (Matthew 6:2 NIV)

Do you give to charity? Do you share a dime to poor people or to beggars on the street?  How do you show your compassion to them? Napakaraming charitable institution sa bansang Pilipinas. Sangkatutak din ang mga palaboy at pulubi sa lansangan. Sa pamamahagi ng konting donasyon, kinakailangan pa ba talagang may makakakita sa pagbibigay mo ng limos, o mai-broadcast ang pangalan mo sa telebisyon at mahanay sa iba pang nag-donate para lamang maipakita mong may paki ka sa mundo? Why can’t we just hide ourselves under the name of “Anonymous”? God will know even if He doesn’t see your name in a long line of philanthropists flashing on the TV screen, or even if you use another individual to give alms to beggars. Remember that we give because we want to please God, not other people.

2) Praying – “When you pray, go into your room, close the door and pray to your Father, who is unseen. Then your Father, who sees what is done in secret, will reward you” (Matthew 6:6 NIV)

Honestly, I seldom go to church. I’m a Roman Catholic and I know that I have an obligation to attend mass every Sunday to renew my fellowship and commitment to the Lord. But I also have this belief, that even if I don’t attend the mass regularly, I can ALWAYS renew my fellowship to HIM by saying my prayers with submission and clear intentions… anywhere, anytime. The most important thing is to have a quiet time with Him in a place where there are no distractions, no gossiping and no malicious on-lookers. Only you and Him.

This belief has brought me into several arguments with my spouse. He’s a devout Catholic at matindi ang paniniwala niya na iba ang blessing na matatanggap mo sa simbahan. I agree with him pero sa mga nabanggit ko sa itaas, I am again, guilty as charged. So I’d rather prefer talking to Him in my own quiet time than spend an hour half-focused. I know that there are lots of Catholics out there who would also disagree with my belief. But we are different people with different points of view and I respect kung magkakaroon kayo ng violent reactions dito.🙂

3) Judging – “In the same way you judge others, you will be judged, and with the measure you use, it will be measured to you… How can you say to your brother, ‘Let me take the speck out of your eye,’ when all the time there is a plank in your own eye? You hypocrite, first take the plank out of your own eye, and then you will see clearly to remove the speck from your brother’s eye” (Matthew 7:2-5 NIV)

Guilty as charged din ang karamihan sa atin dito. We condemned our haters for misjudging us, kesyo hindi tayo ganito/ganoon, o nagsusumigaw ka sa pagsasabing “HINDI NIYO AKO KILALA KAYA ‘WAG NIYO KONG HUSGAHAN!” Pero sinubukan mo na bang sipatin ang iyong sarili sa salamin? Ni minsan ba ay hindi mo nagawang husgahan ang iyong kapwa? Let’s take the current national issue as an example; the humongous effect of Chip Tsao’s insult and humiliation to Filipinos and our country. He has already made his public apology and personally apologized to Filipino officials in Hong Kong. Pero mukhang hindi pa rin handa ang gobyerno para tanggapin iyon. Ano pa ba ang kulang? Kailangan pa bang lumuhod ni Chip Tsao at halikan ang ating mga paa para lamang matanggap ang kaniyang paumanhin?

Yes, I got super-duper mad at him  after I learned about it from another blogger. Sobra nang nagiging sikat ang mga Pinay para makatanggap ng mga sunud-sunod na pang-aalipusta; one after another. Pero I was checked after realizing that I’ve been ungrateful and judgmental to other races, too. Inis ako sa mga anaps na umaalingasaw ang baho sa katawan, sa mga intsik na hirap umintindi at intindihin ang ingles, sa mga manyakis na Pakistani. Nagiging judgmental din ako kaya sino ako para pagkaitan ng kapatawaran si Chip Tsao? Sino ang pangulo para huwag tanggapin ang public apology ni Chip Tsao gayon kabi-kabila rin ang dumi niya sa mukha? Take the words “land of servants” positively. When you hear other races say “Philippines is a land of servants”, answer them with pride ‘YES, SERVANTS OF GOD.

Hypocrisy. We can’t really avoid exercising it. Unconsciously, we wear a mask to hide our feelings to protect ourselves from different factors na tayo lang din ang higit na nakakaalam. Again, I’m guilty as charged. But come to think of it, if we continue to practice hypocrisy as sort of self-propaganda, baka hindi na natin alam kung kelan tayo nagpapakatotoo. Remember, practice makes perfect. Sana nga ay kaya nating iwasan ang maging ipokrita sa ating sarili at sa ibang tao. Sana nga ay magkaroon tayo ng lakas ng loob na ipakita ang tunay nating anyo. If it happens, we can lessen the possibilities of charging ourselves guilty!

Every man alone is sincere.  At the entrance of a second person, hypocrisy begins.  We parry and fend the approach of our fellow-man by compliments, by gossip, by amusements, by affairs.  We cover up our thought from him under a hundred folds.

~Ralph Waldo Emerson, “Friendship,” Essays, 1841

chic1

14 responses

  1. AC

    sa sagada naman ako mageemote. tatalon ako sa bangin. harhar. jowk!😛

    oy babae, kung may plano kang tumalon sa bangin wag mo na i-announce pwede? alam mo naman friend kita baka maisipan ko pang sumama. ikaw talaga, sosolohin mo na naman ang adventure. hahaha!

    April 7, 2009 at 7:51 PM

  2. enjoy

    DYLAN:
    Yeah, people are people. Weak sa temptations. Hehehe!
    A blessed Holy Week to you🙂

    JEREMIAH:
    Salamat Jem. Tinamaan ako dun sa 2nd to the last statement mo. Dati kasi ganun ako eh, pa-impress lang. Just for the people to know that I was a faithful servant of God.

    Have a blessed Holy Week Ü

    JOYCEE:
    Wala naman yatang tao na hindi naging judgmental kahit na isang saglit. Kasi kung meron man, isa na siyang santa/santo dito sa lupa. Madalas ko rin makatulugan ang pagdarasal. Kaya tuloy minsan eh nagigising akong parang may nambatok sa akin (siguro si Bro)😀

    God bless ♥

    AC:
    Uy, abstinence! Tama yan girl. Tingnan natin ang tibay mo kapag inalisan ka ng internet access. He-he-he!

    Eh kaya nga baka ulitin mo ulet yung puka-beach-emote-scene mo. Pero saka mo na gawin yun at baka imbes na si aga eh iba na naman ang lumapit sa iyo… grupo ng nagpipinetensya na😀

    ♥ Have a blessed Holy Week girl ♥

    April 7, 2009 at 4:53 PM

  3. AC

    @enjoy: oi oi, mangingilin din ako noh. uuwi ako sa probinsya namin at ilang araw na wala ako internet access. oha oha mahirap gawin yun. hehehe.😀

    ay ate, nagawa ko na yun sa puka beach dati pa. harhar..

    sakto pareho kame may nunal ni anne kortis sa….. yun. hahah!😉

    April 7, 2009 at 11:57 AM

  4. Very well said sis, natamaan ako sa lahat ng items.

    1. Super guilty. *hiya na*
    2. Minsan nakakalimutan ko na magpray whenever I’m alone, nakakatulugan or whatever. Pero pag sa labas, talagang taimtim akong nagpepray.😦
    3. Wala yatang araw na naging judgmental ako. I hate it when people judge me for what I am but yeah, most of the time, I am like that, too.

    Thank you for this post sis. It’s true na we can never avoid this, but let us all pray and ask God to give us the guidance to correct our mistakes and avoid hypocrisy.

    Have a blessed Holy Week.🙂

    April 6, 2009 at 10:59 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s