Paalam Mario…

Tahimik kong pinagmasdan si Mario. Hapis na ang kanyang payak na mukha. Halatang pagod na sa pagbibigay sa akin ng kasiyahan pero ni katiting ay wala akong narinig na pag-angal galing sa kanya. Gaano katagal na nga ba? Ilang panahon na niya nga ba akong pinagsisilbihan upang maging masaya lamang? Hindi ko inaasahan na darating ako sa punto na pagsasawaan ko na siya; na mawawala na ang dating kasiyahan na naramdaman ko sa piling niya. Siguro dahil dumating na si Charles sa buhay ko. Bagong mukha, batang-bata. Amoy mabango pa. Dapat ba akong matuwa sa dami ng mga nagdaan na sa akin? Pinilit ko namang maging responsable, pero anong magagawa ko kung laging may bagong dumarating? Marupok ba ako?  Siguro oo. Babae kasi ako. Mahina sa tukso, madaling magsawa.

Sa totoo lang naging masaya rin naman ako kay Mario. Naging magaan at maligaya rin naman ang pakiramdam ko sa tuwing ihaharap ko siya sa maraming tao. Nakakatuwa kapag may humihinto para lingunin kami. Gusto kong magyabang dahil alam kong inggit lang sila sa akin. Sa pag-uwi namin sa bahay, pagod man ako sa mahabang paglalakbay masaya pa rin ako dahil alam kong kinabukasan ay muli kong makakasama at makakaniig si Mario. Ngunit dumating na nga ang araw na ito.

Sa pagkakataong ito, sana ay mapatawad ako ni Mario. Hindi ko ginustong kalimutan siya at ipagpalit kay Charles. Naging mahina ako sa pang-aakit sa akin ni Charles. Alam ko na kahit iisantabi ko na siya o tuluyan nang kalimutan ay may isang nilalang pa rin na aako sa kanya at magmamahal kahit na sa ganoon niyang kalagayan. Sana ay hindi niya makalimutan na minahal ko rin siya tulad ng pagmamahal na ibibigay ko ngayon kay Charles. Sana ay madinig niya itong aking huling samo…

Patawad sa’yo Mario…D’ Boro. Luma ka na kasi eh, oras na para palitan ng bago. Uy, sensya na ha. Wag kang mag-alala, may kinang ka pa rin naman. May makikinabang pa rin sa’yo.🙂

Mabuhay Charles & Keith! Susme! Sa wakas ay matitikman ka na rin ng aking mga paa. Sana ay wag mo akong biguin ha…🙂

dsc00264 dsc00265

Huling alaala ni Mario                                        Ang aking si Charles

****

Eto ang aking unang entry para sa LP o Litratong Pinoy. Ang tagal na rin naantala nito. Sa wakas ay natuloy na rin ngayon. At ang tema para sa araw na ito ay… SAPATOS.😀

chic1

11 responses

  1. wenks… ahehehe… ayoz yan kaso inde naman ako nagsusuot nyan… ahahaha…da best pa din sina spartan at rambo… ahahaha…😀

    hehehe… di ko ma-imagine itsura mo superG kung ikaw magsusuot nung shoes. ang sagwa! nyahaha! buhay pa ba si rambo? si spartan na lang nakikita ko eh😀

    March 28, 2009 at 7:33 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s