Sana iba naman…

birthday_cake_by_littlefantasyDi ko namalayan ang paglipas ng araw,

Ilang tulog na lang pala, akin ng karaarawan.

Parang kailan lang nang ako’y magdiwang,

Ngayo’y eto na naman, gusto ko ng mawindang.

***

Ano kaya ang naghihintay sa akin ngayon?

Kasiyahan ba o tulad ng dati na hatid ay lungkot?

Kung pwede sana ngayon ay maiba naman,

Sa bertdey ko, sana ngayon ako naman ay maligayahan.

chic1

6 responses

  1. happy birthday po🙂 napadaan lang po . godbless you . & god loves you🙂

    thanks ella for dropping by and for your warm wish. God loves you too🙂

    March 27, 2009 at 10:53 PM

  2. AC

    happy bday katukayo!🙂
    naway maging masaya ka sa araw ng iyong kaarawan at mag-enjoy katulad ng iyong pangalan. 🙂

    malapit na… ilang tulog na lang at madadagdagan na naman ang kandila sa aking keyk…

    salamat sa wish… sana magkatotoo🙂

    March 27, 2009 at 12:13 PM

  3. jem

    waah! hapi bertdey!! kung di pa ako nadaan eh di ko malalaman na bertdey mo..di kasi ako nakakabukas ng FS eh..hehe..sigurado namang hapi ang magiging year mo ngayon..life is a cake..indulge.😀

    talagang INDULGE! tagal ko nang di nakakakain ng cake noh… wee! lapit na bday ko. ahahaha!

    March 27, 2009 at 8:57 AM

  4. Hangad ko ang iyong kaligayahan
    Sa pagsapit ng iyong kaarawan
    Bagaman ang tadhana’y mapagbiro
    Alam kong liligaya ang iyong puso.

    Huwag indahin ang kalungkutan
    Dahil doon ay mayron kang matututunan.
    Huwag kang matakot humarap sa kasalukuyan
    Maaaring nandon ang hanap na kaligayahan!

    Huwag kang bibitaw at mawalan ng pag-asa
    Dahil sa bawat buhay may pangakong ligaya
    Manalig ka at manalangin sa Kanya
    Kailanman ay hindi ka mag-iisa!

    haberdeyyyyyyy!🙂

    nakakaantig naman ang iyong pagbati;
    sa aking mga labi biglang sumibol ang ngiti…

    toinks! lumalabas ang pagiging makata natin sister ah… pero in fairness, salamat sa magandang tula. parang regalo na rin yan sa kin. sana sa berdey ko talga wag mo ulit akong kalimutang regaluhan. ahehehe😛

    March 26, 2009 at 1:24 PM

  5. aba aba aba… nagmomoment… nwei, naway pagpalain ka sa iyong kaarawan at naway makamtam ang kaligayahang iyong inaasam.

    Godbless!

    ahm… salamat yhen. sana nga… dark chocolate lang ska ben & jerry’s ice cream sasaya na ko. aheks! hahaha!

    March 26, 2009 at 10:46 AM

  6. uyyy…happy birthday po…

    sa iyong kaarawan dalangin ko po ay iyong kaligayahan… kaligayahan na hindi panandalian…kundi kaligayahan para sa iyo habangbuhay…

    ..sa birthday mo, magbabago ang lahat… liligaya ka na…🙂

    madam auring ikaw ba yan? o baka naman si madam rosa in disguise? naku, sana nga magkatotoo hula mo.

    reregaluhan mo ba ako nun? ahahaha! boinks😀

    March 25, 2009 at 10:47 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s