Isang araw ng Linggo…

Araw dapat ng pahinga ko ngayon. Sa araw na ito mas dapat ay sinusulit ko ang aking oras sa pagpapahinga at pagre-refresh ng aking buong sistema mula sa isang linggong pagtatrabaho. Pero naging imposible ito dahil sa isang importanteng bagay na kung palalampasin ko ay isang malaking “SAYANG”. Biernes nang makatanggap ako ng text mula sa isang kaibigan. May on-going job fair daw at maraming opportunities para sa permanent residents. Hanggang ngayon na lang ang itatagal ng fair [it started Thursday] na ginawa sa convention hall ng Suntec City mall na medyo may kalayuan din sa amin. Maaga akong gumising para maghanda na rin dahil kailangan pang magsimba at magpa-print ng sangkatutak na resume. Aba, dapat maging ready dahil malamang ay maraming employers dun. Oo nga pala, hindi ko naikuwento na hindi ko tinanggap yung permanent position na in-offer sa aking ng current employer ko. Medyo may kababaan kasi ang offer at base sa kalkulasyon ko ay lugi pa rin akong lalabas dahil sa layo ng office location namin. So there, after the mass ay dumiretso na kami sa mall na tambayan ng mga Pinoy, ang Lucky Plaza.

Ang daming Pinoy! Punuan ang mga internet shops sa mall. Day-off kasi ng karamihan at sinasamantala nila ang opportunity na makausap ang mga loved ones nila sa Pinas. Parang nasa Pinas ka na rin dahil kabi-kabila ang mga Filipino restos at grocery. Andyan ang Pampanga at Dagupan Supermart, Baclaran Bazaar, Pinoy Mart at marami pa. Pati mga salons na puro Pinoy gayfriends naman natin ang bida. Nakakatuwa at nakakaalis na rin ng homesick. Pinasok ko ang isang computer shop na punuan na rin, nagbaka-sakali at pinalad naman dahil printing lang ako. Isang kopya, OK na. Pa-photocopy ko na lang….

Enjoy:  Photocopy po, 9 sets…

Manang: Galing ka na ba sa Suntec? Hindi mo na kailangan ng hard copy ng resume mo.

Enjoy: Ngayon pa lang po ako pupunta. Bakit di na po kailangan?

Manang: Kasi online yung application. Bibigyan ka lang nila ng card tapos pwede mo na upload yung resume mo basta may soft copy kang dala.

Ganun?!? Ang high-tech nun ah! Nagdala pa naman ako malaking bag para sa envelope na lalagyan ng resume ko. Di bale, magagamit ko pa ito in the future. Kailangan na magmadali at baka hindi pa ako umabot. Saka na lang kami magla-lunch.

Past 3PM na rin ng dumating kami sa mall. Dumiretso agad kami sa convention hall at nagpa-register. JobsDB pala ang may pakana ng job fair. At tama nga si manang na online ang application basta may JobsDB account ka na. Isang card na may barcode ang binigay sa akin kung saan nakalagay ang membership ID ko at ang gagawin ko lang ay hanapin ang position na gusto kong aplyan, i-scan ang barcode sa card, at i-click ang apply. ‘Yun na! Instant job application in a click. 20 minutes lang ang ibibigay nila sayo para magtagal sa isang computer. Try ka na lang ulit pag nag-expire na ang oras mo. Systematic nga naman kaya hindi gaanong mahaba ang queue. Dapat ay mai-implement din ang ganito sa Pinas para di na kailangan ang maghabang proseso during job fairs. Iilan lang ang naaplayan ko dahil karamihan sa opening ay kung hindi ko man linya, malayo sa akin ang location, mababa ang sahod o di naman kaya ay call center. Sa ngayon kasi, medyo last option ko pa ang pumasok ulit sa call center dahil na rin siguro sa nanawa na ako dati sa Pinas. Pero kinokonsider ko pa rin ‘yun. Pagkatapos sa job fair, isang food and drinks exhibition naman ang nadaan namin. Tamang-tama at gutom na kami. Kinayag ko kasi si Emengard para may kasama ako dahil di ko kakayanin ang high-rise [nyahaha] escalators dun sa mall. Kailangan ko ng alalay pag biglang nanginig ang mga tuhod ko.😀

Emengard: Anong gagawin natin dyan? Nagugutom na ko…

Enjoy: Nagugutom ka kamo di ba? O eh di dyan tayo kakain.

Emengard: Anong pagkain dyan?

Enjoy: Nakikita mo di ba, “Food and Drinks Exhibition”. Eh di malamang maraming food taste dyan…*ngisi*

At siempre pa ay isang masamang tingin ang pinakawalan niya pero wala na rin siyang nagawa. Sa exhibition hall, wala ng registration at siempre tama ako na maraming food taste! Yum… yum! Ok ang exhibit na ito dahil inexpensive na, eh nakakabusog pa. Nyahaha!

Ilan lang naman ang sinubok naming tikman talaga dahil talagang gutom na kami. At eto ang naging lunch namin…

pagkain

…at para sa pamatid-uhaw, isang malamig na sugarcane juice!🙂

dsc00021

Isa na namang productive Sunday!😆

chic1

6 responses

  1. Ayus! Napaka productive nga ng araw na yun! And a very blessed day, biruin mo, nabusog ka ng walang gastos! Food taste ba talaga yun? Parang meal na yun ah, ahaha! Wala bang ganyan dito sa Pinas? lolz

    cheers ENJOY!

    ahehe… gumastos naman kami dun ms. d. actually, yung mga nasa pics, yun ang mga nabili namin pero in a very cheap price compared dun sa mga stalls sa labas. naghanap lang talaga kami ng merong food taste… ala ng hiya-hiya. hahaha😆

    March 25, 2009 at 10:23 PM

  2. AC

    hmp. sabi ko na nga ba eh sana noon ni-grab ko na mga offers sa akin jan. kase naman eh tigas ng ulo ko ayan naabutan tuloy ng recession. takte kaseng fag-ebeg yan panira ng career. wahehehe.😉

    masarap kase minsan makipagkwentuhan sa mga aplikante, lalo na pag enjoy (uy name mo hehe) sila sa usapan. minsan parang fwends na lang kame pag nag-uusap. di nman ako nangangain ng aplikante eh, ang bait2 ko nga. hehehe.😉

    si pag-ibig talga o… pasaway mshado eh. sagabal sa career. hihihi🙂

    cge na nga sis naniniwala na kong mabait ka… hahaha! hindi ka naman siguro kagaya ng iba na habang nag-iinterview eh ung sinu-sino ang kinakausap at kung anu-ano ang binubutingting. obvious na hindi interesadong mag-interview. pakshet sila! nyahaha!!!

    March 24, 2009 at 8:14 PM

  3. ELIment

    daming foods..! pahingi naman po. wala na ako makain dito eh. hehe

    hehe… cge po kuha lang ng kuha… pakabusog ka😀

    March 24, 2009 at 4:58 PM

  4. AC

    ay oo, ganyan na ang style ng mga jobfairs ngayon. sa totoo lang kameng mga recruiters iniisip din namin ang kapakanan nyong mga aplikante eh (ahem ahem hahaha) kase syempre ayaw naman namin mahirapan pa kayo pagbitbit ng mga resume nyo eh pwede nman online o kahit soft copy tapos kame na bahala dun. hehe. at kung minsan istorbo nga sa kin ang resume eh. kase naman pag naginterview ako iba naman pinapakwento ko eh.. hihhihi.. joke lang!😉

    kmusta naman ang employment ngayon jan sa SG? madami pa din bang openings? i had some opportunities there before, pero di pa ko ready. ngayon parang naiisipan ko na.. watchathink? hehe

    haba na ng comment ko ah. sowee…😀

    ps: nakakagutom yung pictures mo ng pagkain.😀

    kayo talgang mga taga-HR, ginagawa niyong complex ang buhay naming mga aplikante. dapat kung ano nasa resume yun lang itatanong nio… sus! hahaha! oi,oi, joke lang ha. hihihi! pero tama yun online technique. convenient on both parties🙂

    abt sa job opp dito sa SG, oo naman maraming opening. kaso mas binibigyan nila ng priority ngayon ang mga singaporean at permanent residents. i believe dala yun ng recession. kaya madalang ang naha-hire na foreigner ngayon unless talagang needed. but you can still try your luck girl… baka marami kang natatago nun😀

    ako din, biglang nagutom sa mga pictures ko. kain na muna ako….😆

    March 23, 2009 at 2:59 PM

  5. wow!🙂 high tech na talaga ang job fair na un!

    at napa wow! ulit ako sa mga food for free…🙂 nakakagutom!

    tyaga-tyaga lang… dont worry, pag para sayo ang work… dadating yan. pray hard. at… ISMAYL!

    ay korek ka dyan sis… pag para sa kin, sa kin lang talaga. kaya lang andalas kong tumanggi sa grasya ngayon. bad trip. wattappening to meeee?!?!?!?😀

    March 23, 2009 at 1:39 PM

  6. weepeee…food food…wow! teriyaki pasta/canton..yumyum…

    kulang lang yan sa kain superG… hehehe! ayan ginutom na tuloy ako… kainan na!😀

    March 23, 2009 at 5:24 AM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s