Special Award for Sisters Ü

Napansin ko na nagiging weekly na lang pala ang pagsusulat ko ng entry ngayon. Dahil nga sa “productive” ako lately, ang nagagawa ko na lang pagdating sa bahay ay bumisita sa “tahanan” ng mga natatangi kong blogmates dahil na rin sa matinding pagod mula sa 1 1/2 hours na travel time ko mula opisina hanggang sa aming bahay. Isa’t kalahating oras na biyahe ng bus at train na suwertihan pa kung makakaupo ako dahil peak hours na ‘nun. Sa loob ng isang linggo, isa o dalawang beses lang ito kung mangyari; kalimitan ay aligaga ako sa pagkalkula ng aking balanse para di matumba sa maalog na biyahe. Isang simpleng reklamo na alam kong hindi na dapat pagtuunan ng pansin. Pasalamat pa nga ako at nagagawa kong bumiyahe dahil may trabaho na ako. *wohoo!*

Sa maghapong pagod, isa sa mga konsuwelo ko ang makapagbasa ng mga interesting blog entries na magpapagising sa mga inaantok ko nang diwa. Hindi man ako makapag-iwan ng komento, alam kong isa sa mga araw ay muli kong babalikan ang entry para muling namnamin ang mainam na pagkakasulat nito – maging ito man ay nakakaTAWA, nakakaTUWA, nakakaLUNGKOT, nakakaTAKOT, nakakaIN LOVE, nakakaIYAK, nakakaGALIT o nakakaTAKOT.

SISTERHOOD AWARD – isang award na natanggap ko mula kay katukayong AC. Geez! Isipin mo yun, isa pala ako sa mga bloggers na nakaka-inspire sa’yo. Super-duper touch naman ako. I feel like crying tuloy [or I’m just too emotional lately? :D] At siempre dahil “sisterhood” ang name ng award,  for “sisters” only lang ito.🙂

sisterhood

*Oh, geez! Look at the icon image… ang socy di ba?*😆

At siempre ulit, bawat award ay may rules… kaya eto na ‘yun:

  1. Put the logo on your blog or post.
  2. Nominate at least 10 blogs which show great Attitude and/or Gratitude!
  3. Be sure to link to your nominees within your post.
  4. Let them know that they have received this award by commenting on their blog.
  5. Share the love and link to this post and to the person from whom you received your award.

At ipinapasa ko ang award na ito sa mga powerpuff girls sa aking blogroll…

Yanah

Dylan

Kengkay

Nortehanon [alam kong marami nang nag-award sayo nito pero you’re really one of those bloggers who inspire me :)]

Aling Baby

Azel [babae ka ba talaga? nako-confuse ako sa blog name mo. aheks!]

Tina Teentoinks

Jeniffer

Emilayskie

Go, go, girl power!🙂

6 responses

  1. AC

    yipeeeeeeee!!!🙂
    dalaw ako. hehe. namiss ko magbloghop. ilang araw lang ako nawala pakiramdam ko ang dami ko na namiss na chika mula sa inyo.😉

    sige magbabasa na ko ng next entry mo katukayo! hehe😉

    kala ko hiatus mode ka din kaya ka laging absent… hihihi!

    March 23, 2009 at 2:54 PM

  2. salamat sa Award enjoy🙂

    medyo boyish ba ung link ko? i usually write in Tagalog kase i’m from Quezon kaya malalim ang tagalog ko (gaya ng blog name ko!). i am using my penname (mapanuring panitik) since highskul… ayoko ng palitan.

    pero, siguro nga babae ako! aheks!!!

    kinuha ko na po ung award. hindi na po ako nag-tag kase lahat ng babae sa blog roll ko napasahan na🙂 pero nakadisplay na po sa bahay ko😉 salamat ng madami enjoy…

    ahehehe… okie lang yun. actually yung name na azel ang tunog pang-lalaki. kaya naghanap muna ako ng ebidensiya na babae ka nga talga at baka makuryente ako bigla. ahahaha!

    March 22, 2009 at 2:16 PM

  3. TeenToinks

    Hmmmm… Namnamin ang award! Hehe super tenks sis! Im so tats! Naku i’l kip it na lang may utang pa nga ako na tag sayo eh, ahihi hiatus mode pa ang drama ko hehe. Idle gang holy week bah. Ü

    Salamat enjoy! Take care always. Ü

    Kaya naman pala ilang balik na ko sa bahay mo eh wala pa rin pagbabago ang laman… O siya, hanggang sa muli… Namnamin mo rin muna ang hiatus mode mo😀

    March 22, 2009 at 7:36 AM

  4. Ahaha! Powerpuff?… Napangiti tuloy ako! lolz
    Thanks sis!

    Cheers!

    Aheks! Ewan ko ba bakit powerpuff pumasok sa utak ko. May tama yata ako niyan. ahahaha!

    Salamat sa pagkuha🙂

    March 21, 2009 at 11:30 PM

  5. ayun..safe… ahahaha… mabuti na lng pambabae ito..aheks.. hays nakakapagod kaya ang tag..imagine 4 na tag yung ginawa ko last tme ng sabay sabay… ahahaha….😀

    hirap maging sikat noh? kaya ako, low profile lang eh. ahahaha! buti na lang pang-girls to… next time kasi wag pairalin ang katam ng hindi ka matambakan😀

    March 21, 2009 at 10:37 PM

  6. salamats naman for this award…
    ill take it na..
    hehehehe
    thanks again sis…
    God bless

    naku sensya na ganda di ko na-advertise agad. hahaha! naunahan mo tuloy ako🙂

    salamat sa pagkuha and hope everything’s fine now. ingat ka palagi…

    March 21, 2009 at 5:25 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s