Slightly Productive

Grabe… ang bilis ng panahon. Imaginin mo, nangangalahati na pala ang buwan ng Marso. Halos di ko na namamalayan ang paglipas ng oras ngayon kumpara noon na kulang na lang ay i-advance ko ang ikot ng kamay ng maliit naming orasan para lang matapos na ang araw. Dati ay hindi ko na alam kung saan ko pa posibleng magamit ang mga libreng oras ko. Andyang nalibot ko na ang blogosperyo, nagwalis ng bahay, nag-mop, nagluto, natulog, kumain, nagpatumbling-tumbling at kumain ng bubog [joke!], … pero pagkatapos ng lahat, halos nasa kalahati pa lang pala ako ng isang nakababagot na araw. Ikaw ba naman ang araw-araw na maiwan sa bahay, ewan ko na lang kung di ka pa talaga ma-bored . Pero ngayon, hindi ko na gaanong dama ‘yun. Hindi ko na rin pansin maging ang late na paglubog ng araw dito sa Singapore at ang pagkaipon ng alikabok sa ilalim ng aking kama. Hindi hindi ko na rin alam na bumubuhos ng malakas ang ulan dahil… PRODUCTIVE na ako! Wohoo!

SMY [borrow muna bro. utoy], buntis ka?!?

Naman… Eto talagang alter ego ko, magbibiro lang corny pa. Alam kong may kinalaman din sa pagiging fertile ang salitang “productive” pero iba naman ang nais kong puntuhin dito. Productive, ang ibig sabihin ay mabunga o may kabuluhan ang mga araw ko ngayon. Gumagana ng maayos ang kinakalawang ko nang utak at maging ang buo kong katawan ay nae-exercise sa paglakad, pagtakbo at pagkandirit. Bakit kanyo? Nakahanap na rin kasi ako ng iba pang pagkakaabalahan maliban sa pagba-blog ng aking misfortunes😀; isang part-time job na pinatos ko bunga ng kahirapang humanap ng trabaho ngayon dito sa SG. SG$8 [o P248] kada oras ang bayad sa akin bilang Marketing and Administration Executive. Ganda ng tunog noh?! Professional ang dating [maliban lang sa sahod]. Dahil part-time at project-based nga lang, tatagal lamang ng isang buwan ang kontrata o maaaring hindi pa kung madali kong matatapos ang proyekto [kaya nga minsan binabagalan ko para umabot naman ng one month… hehehe!]. Para sa akin, OK na rin ‘yun kesa maghintay ako sa oportunidad na may kailapan ang dating sa ngayon. At least, kikita ako kahit paano. Medyo may kadalian lang ang ilan sa mga trabaho na agad kong natatapos bago pa man dumating ang alas-singko. Kahit na tatlo lang kami sa opisina [kabilang na ang mag-asawang boss ko], kumportable na rin ako sa environment dahil tahimik at condusive for work naman. May internet connection din pero di ko nga lang nagagamit ang silbi dahilan sa dami na rin ng ginagawa. Oo, produktibo ako dahil makalipas ang isang taon ay muli kong na-praktis ang kaalaman ko sa Excel. Nagamit ko rin ng husto ang intermediate skills ko sa Photoshop na talaga namang sinusukat ng amo kong Indo. Feeling niya ay henyo ako dahil pati ang graph na PDF file ay pilit na ipina-edit sa akin sa Photoshop. Buti na lang ay nagawan ko ng remedyo. Produktibo ako dahil simula pa lang sa paggising ko ng alas-singko y medya ng umaga, gumagana na ang utak ko sa kakaisip kung pano ko pagaganahin ang katawan kong lelembot-lembot pa sa antok. Produktibo hindi ba?

thought12mar08Hindi naman lahat ng nag-iisip at kumikilos ay masasabi mong productive. Tulad din na hindi lahat ng punong may mayabong na dahon ay produktibo. Tulad na lang ng isang punong mangga, kahit gaano pa kalago at kayabong ang mga dahon nito, gaano man katayog ang tindig sa mayamang lupa, kung hindi naman namumunga ay di mo pa ring matatawag na produktibo. Walang bunga, walang kita. Ganun din ang tao. Gumagana man ang utak mo pero kung ito ay sa kadahilanan lamang na gusto mong matapos na agad ang gawain upang makauwi ng maaga at sa likod nito ay di ka naman masaya sa iyong ginawa, hindi ka pa rin produktibo. Being active is different from being productive. Activity feels busy pero di ibig sabihin nun ay productive ka na. Nagiging aktibo ka lang sa mga gawain dahil kailangan mong kumita ng pera at para ‘wag mawalan ng trabaho pero hindi ka lumalago bilang isang individual, emotionally and mentally.  Walang trabaho, walang kita. Hindi rin naman madali na maging produktibo. Kailangan mo dito ay matinding mind-setting. Kalimitan kasi ay nauuna sa atin ang prokrastinasyon kesa ang kumilos agad para maisakatuparan ang mga plano. Gusto mong magka-trabaho pero hindi ka naman naghahanap. Gusto mong kumita ng pera, pero nagmumukmok ka naman sa tabi.

Ang pagiging produktibo ay ang pagkakaroon ng epektibong ugali at gawain. Eto ang mga bagay na magsisilbing gabay mo upang productivematupad ang mga mithiin mo sa buhay. Matuto kang mag-set ng goal na pipilitin mong matupad kahit na sa anong paraan at iplano ang mga dapat gawin para matupad ito. Kailangan ay matutunan mo rin ang maging organisado at alamin kung ano importante sa mga task mo at kung ano ang maaring iisantabi. Maging flexible at proactive. Ihanda mo ang sarili mo sa lahat ng maaring pagbabago. Tandaan na ang mga bagay na less important ngayon, ay maaaring maging importante kinabukasan. ‘Wag kang matakot na humingi ng tulong kung kinakailangan. Walang tao na nagiging epektibo mag-isa. Hindi ka si Wonder Woman o Superman para kayanin ang lahat ng tasks. Tao ka kaya?! Gumawa ka ng commitment at tuparin mo ito, lalo na sa sarili mo. Dapat mo ring matutunan ang pagkakaroon ng malawak na pang-unawa sa mga mithiin ng ibang tao; sabi nga watch and learn. Higit sa lahat, mag-relax at bawasan ang stress. Learn when to stop working on a task dahil wala kang maa-accomplish kung stressed ka.

Alam ko na hindi pa rin ako ganoon ka-produktibo dahil hindi naman lahat ng mga bagay na nabanggit ko ay nasusunod at nagagawa ko. Kaya nga ang title ng entry ko ay “Slightly Productive”. Palpak pa rin ako sa maraming bagay at nasa listahan ko pa rin ang salitang “procrastination” o pagde-delay ng mga gawain. Pero sa kasalukuyan kong estado, nagawa ko namang mag-set ng goal at gawan ito ng paraan na matupad; yun nga lang ay panandalian lang. Kung magtutuluy-tuloy, sana naman ay oo para ma-achieve ko naman ang iba ko pang goals. Bukod kasi sa prokrastinasyon ay nasa listahan ko rin ang salitang “katamaran” at “ningas-kugon“.😀

chic4

11 responses

  1. jem

    waah..buti ka pa, productive na..ako in search pa din sa puwedeng pagkakitaan kahit alam kong slim talaga ang chance ng employment dahil sa pisting recession na yan.. keep it up..😀 hehe..

    OK lang yan… di ka dapat mawalan ng pag-asa. ako malapit na ulit mawalan ng trabaho pero alam kong panandalian lang ulit🙂

    maging positive lang tayo😀

    March 21, 2009 at 4:23 PM

  2. hehe, ok lang na fertile ka sa pagiging productive.. nakakatulong pa nga yun eh.. hehe..

    pero totoo.. paminsan kung sino pa ang masipag xa pa ang laging bigo.. bakit kaya ganun? life is unfair talaga.. pero that’s life..

    oo nga… that’s life and we have to learn how to deal with it to survive. otherwise lagi ka talgang bigo… tingnan mo ko [yun ay kung makikita mo nga ako… hehehe], laging bigo kasi di marunong maki-ride kay “life”😀

    March 21, 2009 at 10:04 AM

  3. Hello! Nagbabalik ako! Musta na enjoy?

    Ako laging busy sa work nde ko lang alam kung productive ba, ibig sabihin busy busyhan lang, hihihi..

    Godbless!

    oyyy… aba, ang certified palaboy, napadaan sa bahay ko! ayos lang naman ako kahit hindi…😀

    productive ka naman parekoy ah… productive sa title mong certified palaboy kasi you’ve been to so many places na. o di ba?😆

    *sama naman dyan*

    March 20, 2009 at 11:44 AM

  4. AC

    wow! it’s good to know that productive ka. keep it up!🙂

    anyways, off topic. i have something for you…

    http://awefullworld.com/?p=1791

    have fun!🙂

    Saw it na! Thanks sisterhood…😀

    March 18, 2009 at 1:05 PM

  5. hisnameisdencios

    nakakaalala talaga ang recession na iyan. pero sa kabilang banda naisip ko kasi na kahit gaano pa kagaling kung kailangan na may isang tao na umalis at ikaw yun talaga WALA na talaga magagawa duon gayunpaman pakita mo pa din na kawalan ka sa kanila.

    oo maging productive sa araw2 ay importante tlaga paano naman kasi bawat secundo ng buhay na nasasayang ay hindi biro. maraming puedeng mangyari diba?🙂

    cool post!

    Katatapos ko lang manood ng news sa TFC. Nadagdagan na naman pala ang unemployment dahil sa pagkasibak ng 2000 employees ng Fujitsu. Tama ka, kahit gaano ka ka-productive, kung kailangan kang sibakin [either dahil na-pulitika ka o newbie] wala ka talagang magagawa.

    Kasama yan sa laban ng buhay. Dapat mo lang talaga ipakitang it’s their loss, not yours🙂

    See yah around!

    March 18, 2009 at 3:16 AM

  6. Naks, ang ganda naman ng pagkakapaliwanag mo tungkol sa pagiging productive. Nasa Singapore ka pala. Kumusta naman dyan? Hopefully, within the year ay makadalaw ako dyan. Pag nakaipon ng pamasahe hehehe

    Sa ngayon, I am also trying to be productive. Aside from my regular work, I also have some “raket” para makatulong kahit paano sa Pens of Hope project ko for some little kiddos.

    Pasensya na pala at ngayon lang nakadalaw uli dito.

    Yup, andito ako sa SG. Hirap ng buhay dito ngayon; taas ng commodities tapos andaming walang trabaho. Dati kahit mga Pinoy turista madaling nakakakuha ng work dito, ngayon sobrang pinagpala ka kapag na-hire ka.

    Buti ka pa may raket. Sama naman ako dyan… uuwi na ko ng Pinas eh. Hahaha!

    Okie lang yun girlaloo… at least nadadalaw mo ko db? Sabi mo nga aside sa work ay may raket ka pa db kaya obvious na busy ka😀

    March 17, 2009 at 3:45 PM

  7. eli

    ako minsan inactive..hindi pa productive. kapag naiisip ko yun naiinis ako. kaya gumagawa ako ng paraan para maging productive.

    hindi ka naman nag-iisa ka eli… marami “tayong” ganyan😆

    March 17, 2009 at 2:29 PM

  8. Naaliw ako sa pagbasa dito.

    Talagang kahit saan may recession ano?.. Pero God is good pa rin, at least you’re both active and productive sa work, sana nga magustuhan ka ng boss mo at magtagal ka pa jan habang wala pang mas malaking opportunity..

    Kumbinsihin mo lang silang magaling at henyo ka nga, ahahaha!

    Ako minsan active, pero di nga productive, mas nakakapagod yun.

    “Walang tao na nagiging epektibo mag-isa. Hindi ka si Wonder Woman o Superman…”
    – Tinamaan ako dito ah, hilig ko kasing solohin ang trabaho. Mahirap nga. Pero flexible naman ako sa tao kaya I can easily blend well with other human specie, wehehehehehe.

    Salamat sa post na ito, may natutunan ako..
    Natutuwa naman ako para sayo enjoy! Keep it up!

    cheers!!!

    ang gleng-gleng mo naman dylan… nag-DYLANg anghel ka! isipin mo, tinawag ako ng boss ko in his ofc this afternoon to inform me na ino-offer na nila sa kin ang full-time position. wohoo db?!?

    kailangan ko na lang pag-isipan mabuti kasi medyo malayo din talga yung lugar para sa kin. super pagod na ko pagdating ng haus… swerte na lang kung makapagbukas pa ko ng PC. i have until thurs to think. dapat isip-isip na mabuti😀

    March 16, 2009 at 12:33 AM

  9. sa dami ng pinasukan kong company.. sa isang kumpanya lang ako naging productive… dun nahasa ang kakayahan kong magkwenta kahit tulog! aheks! dun kahit sa panaginip nagbabalanse ako!

    pero ngayon… hindi na…. idle na nga utak ko. parang limited na lang ung iisipin ko. paubos na yata ang battery!

    mahirap ba talaga maghanap ng work sa Singapore?😦

    hanep naman ang talent mo azel! kahit tulog nagkukuwenta?!? eh ako nga gising o tulog, pagbuo lang ng piso di ko pa magawa… waaa!😀

    medyo mahirap ngayon. sobrang dama ang recession dito😦

    March 15, 2009 at 12:52 PM

  10. ako kaya productive na ba?…. ahahaha…. mas malalala ata ako ngayon… hindi na nga active, hindi pa din productive… ahahaha… masarap kaya ang matulog at kumain lang…. ahahaha…

    sana may gamot na pwedeng inumin para gumaling ang sakit na “katam”…. ahehehe…🙂

    meron parekoy… imix mo lang ang dahon ng banaba, sambong, bayabas, mangga, kamias, duhat at buto ng durian. pakuluan at saka inumin… tingnan ko lang kung di mag-alburoto ang tyan mo at maging active ka…

    [yung nga lang baka sa toilet ka maging active :D]

    March 15, 2009 at 5:55 AM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s