it is written…

Ngayon ko lang napansin na matagal-tagal ko na rin palang hindi napapraktis ang aking sulat-kamay. Kadalasan kasi ay sa harap ng kompyuter ang mga nakukuha kong trabaho, at kung magsulat man ako ay pawang mga simpleng note lang para sa aking mga kasamahan o di kaya ay isang signature na kailangan para ma-aprub ang isang proposal/ma-authenticate ang budget request form/liquidation form. Dahil techy na mashado ang panahon ngayon, maaaring iilang trabaho na lamang ang nagrerequire ng madalas na pagsusulat. Pati na nga rin ang love letter ay hi-tech na. Kung noon ay pahabaan ng sulat, with matching “sealed with a kiss” at “smile before you open” sa 1st fold ng letter, ngayon ay electronic na rin at tanging computer with keyboard [shempre naman!] plus internet connection lang ang kailangan mo.

Nagamit ko nang husto ang aking handwriting skills nung nasa hayskul pa lang ako. Nauso kasi noon ang pagandahan ng design sa notebook. ‘Yung kwaderno (notebook) ko sa Filipino subject, bukod sa drawing na bamboo na ginawa kong border ang design ay ginamitan ko rin ng Engravers Old English font ang subject title. Nauso pa nga noon ‘yung mga handwriting kung saan ay hitik sa puso ang mga punctuation marks pati na rin ang tuldok sa itaas ng maliit na titik “i”. Pagandahan, paartehan. Sa mga lalaki siguro ay balewala kung pangit ang sulat-kamay nila o sabihin nang hindi iyon ganun ka-importante sa kanilang personalidad. Pero para sa aming mga babae noon, added aura points kapag maganda ang handwriting. ‘Yung ibang classmates kong babae kapag pangit ang sulat-kamay nila, hindi nagpapahiram ng notebook… sshh! Ahihihi!

Sabi nila may kinalaman daw ang sulat kamay ng isang tao sa kanyang personalidad. Graphology ang tawag sa pag-aaral ng sulat-kamay at ang analysis ay ibinabase nila sa sumusunod na mga aspeto:

  • direction ng handwriting o slant
  • spaces between letters o spacing
  • estilo ng pagsusulat (kung all print, all cursive, or combination of both)
  • pressure
  • at pagkakaayos ng mga letra o salita sa isang pahina

Pagkatapos ng masusing pag-aanalisa ay saka malalaman kung ikaw ba ay isang manipulative na tao, straightforward, patient o isang weird na nilalang [ano yun, alien?]. Maaari mong subukan ang site na ito para sa isang preview.

Ngayong araw na ito ay muli kong napraktis ang aking handwriting at iyon ay dahil sa tulong ng tag ni SuperG [isang bagsak naman dyan!]. Yey! Tatlong beses din akong nagpaulit-ulit bago ko natapos ang aking masterpiece. Makailang beses akong nagkamali sa pagsusulat ng pangalan ni superG at ng “the quick brown fox jumps over the lazy dog“. Pakiramdam ko kasi ay nanginginig ang aking kamay kapag medyo matagal nang nagsusulat kaya ang resulta ay talaga naman pong amfanget! Pero hindi ako sumuko hangga’t hindi ako nagtatagumpay at eto ang resulta… dyaraaannn!

dsc00005

Medyo may kahirapan ang tag na ito pero worth it naman kasi at the end, you’ll find yourself ENJOYing while practising your handwriting again. Kita mo naman at talagang todo design pa ako di ba? Colorful! For this tag, you’ll be needing a pen [of course, golf course], papel, scanner, kung wala ay pwede na rin ang digicam na may memory card at card reader para mai-upload mo sa computer. Kung wala pa rin ay pwede na rin ang hi-resolution na cellphone with bluetooth capability, pero shempre dapat may bluetooth din ‘yung computer mo. Pagkatapos ay sundin ang rules na ito:

  1. Write down who tagged you.
  2. Answer these:
    • your name/username/pseudo
    • right-handed or left-handed?
    • your favorite letters to write?
    • your least favorite letters to write?
    • Write “the quick brown fox jumps over the lazy dog
  3. Tag five persons.

Finish!

Sa puntong ito ay minarapat kong i-tag na lang ang lahat para naman wala ring pressure [sensya na superG ha… hehehe!]. Medyo may kahirapan din kasi ang proseso kaya kung trip mong magsulat at ipakita sa madlang blogosperyo ang iyong handwriting ay hala, sige go! Damputin ang tag at simulan na ang ritwal, este pagsusulat. Enjoy!😆

Btw, ito nga pala ang resulta ng aking Handwriting Analysis Personality test. Medyo pinahirapan din ako nito dahil mouse ang ginamit para maisulat ko ang mga salita sa ibaba:

mynameisenjoy

You plan ahead, and are interested in beauty, design, outward appearance, and symmetry.
You are a shy, idealistic person who does not find it easy to have relationships, especially intimate ones.
You are diplomatic, objective, and live in the present.
You are a talkative person, maybe even a busybody!
You enjoy life in your own way and do not depend on the opinions of others.

Kung totoo man o hindi, no comment muna ako. He-he-he! ‘Yung mga taong lubos akong kilala ang makakapag-attest kung totoo ang analysis🙂

chic4

6 responses

  1. ice

    hi enjoy.. tnx for dropping by..

    enjoy ba talaga real name mo?

    hi ice! salamat din sa pagdalaw…

    yup enjoy, but it’s only my nickname🙂

    March 14, 2009 at 3:41 PM

  2. jem

    waw nice..iba yan ah. hehe..medyo bihira na nga natin mapractice ang manual writing..mas convenient kasi sa pc..wala pang nasasayang na papel, lalo na pag walang direction ang utak sa pagsusulat..happens to me everytime..😀

    ay korek ka dyan… hehehe! yan nga lang tag na ‘yan, 3 bond paper na nasayang ko. alam ko na naman isusulat ko pero pumalpak pa din… disoriented kasi eh😆

    March 11, 2009 at 9:41 AM

  3. TeenToinks

    Wow, i’ll try to do dis tag, kaya lng no rush ha! Gus2 ko rin malaman result ng sulat ko na parang kinalahig ng manok. Hehe

    ay sure, sure kuha lang dyan… gudlak sa result…. ahehe!😀

    March 10, 2009 at 6:52 PM

  4. ELIment

    tag nanaman! hehe.. pero ok yung handwriting styles ha. masubukan nga.

    dapat di pasmado kamay mo dyan ka eli kasi baka iba din lumabas na result. hehehe!

    March 10, 2009 at 12:04 PM

  5. Waaah, nagkalat ang mga tag sa paligid.. makapagtago nga muna, hehehe.. toinks!!

    Teka, enjoy ba talga real name mo? Di nga?

    ahehe! nickname lang naman po… promise yun talaga… kaya lang di yan applicable sa kin ngayon.. sad kasi ako eh. nyahaha!

    hays…😀

    p.s.
    salamat sa dalaw🙂

    March 9, 2009 at 10:43 AM

  6. aheks… ibang klase itong tag na ito…as in effort ito eh…aheks… anyways, salamat sa pagkuha…aheks…

    sinubukan ko yan ito results…aheks..

    You plan ahead, and are interested in beauty, design, outward appearance, and symmetry.
    You are a person who thinks before acting, intelligent and thorough.
    You are diplomatic, objective, and live in the present.
    You are a talkative person, maybe even a busybody!
    You enjoy life in your own way and do not depend on the opinions of others.

    opposite ko naman ata ito… ahahaha…😀

    ako rin, parang opposing yung result. kasi naman yung mouse, prang hinahabol ng pusa pag sumulat… hahaha!

    live in the present? eh lagi nga daw akong nabubuhay sa past ko… nyahaha!
    😡

    March 9, 2009 at 5:06 AM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s