People say…

true love never dies…

Do you believe in this? Sabi nila gaano man daw katagal na panahon ang lumipas, marami ng daraan at mangyayari sa buhay mo, pero kahit kailan hindi mo pa rin makakalimutan ang iyong “one true love”. Maaari kang magmahal ng iba, ibibigay mo ang lahat ng iyong makakaya for that relationship to work, pero kailanman hindi noon kayang pantayan ang pagmamahal na ipinadama at naramdaman mo sa iyong true love.

soulmatesMinsan lang dadaan sa buhay natin ang taong iyon. Hindi natin alam kung kelan at kung sino at sa kung paanong paraan mo siya makikilala. Love comes like a thief in the night so isipin mo na lang darating ang araw at may nanakaw na lang bigla sa puso mo without a warning. Paano mo malalaman na siya na nga ang iyong one true love? Siya yung taong mamahalin mo sa kabila ng mga differences ninyo, without any reason at all. Hindi mo naman kasi kailangan ng dahilan para lang masabi mo na mahal mo ang isang tao eh. Ano man ang ugali niya — gago man siya, hindi sweet at thoughtful, hindi matalino, babaero/lalakero, o ano pa man ‘yung ibang characteristics na wala sa listahan ng mga isinusulat mo noon sa slumbook nung hayskul ka pa lang — tatanggapin mo pa rin siya ng buong-buo… unconditionally.  Kapag nagbigay ka kasi ng rason, parang ang mga characteristics na iyun lang ang minamahal mo sa kanya at hindi ang buo niyang pagkatao. Siya ‘yung taong magpapabago ng mga pananaw mo sa buhay, or in a way, magiging impluwensya mo. Kung noon hindi ka naniniwala sa kasal, with your true love, you’ll suddenly visualize your self at the altar with him/her. Everything will suddenly change, even your dreams. And you have this different kind of aura kapag kasama mo siya; happy and your eyes are always glowing. Ngayon kung sa tingin mo ay natagpuan mo na siya pero hindi pa rin nagtagal ang relationship ninyo, maybe there’s a deeper explanation for that. Maybe this time, you should look closely at the way you handle your relationship with your partner. Baguhin mo ang ibang traits mo na sa tingin mo ay nakakasakal sa kanya; stop nagging and setting expectations. Kung pipilitin mo kasi siyang baguhin ang sarili niya ayon sa gusto mo, you’re not making him/her a better person. You end up ruling his/her life.

Hindi lahat ng true love ay nagtatagal, sa unang tingin. Minsan nakita mo na siya pero maraming issues na dapat pang ayusin internally. Maraming bagay na dapat pang i-settle para maging handa ka sa true love. Kung may nakilala ka at hindi mo na siya kasama pero siya pa rin ang iniisip mo sa lahat ng oras pati ang mga memories na pinagsamahan ninyo, you know you’ve found your true love. There is one person you are meant to be with in life, pero hindi ganun kadali na matagpuan mo siya. Minsan kailangan mo munang dumaan sa sangkatutak na sakit ng kalooban, paghihirap bago ka maging handa para sa true love mo. Love is submission and humility. If there is any malice or contempt in your heart for that person, jealousy or whatsoever, hindi mangyayari ang mga bagay na nararapat para sa inyong dalawa. Been there, done that.

Kung tatanungin mo ako if I have found my one true love, isang malaking OO ang isasagot ko kaya nga nasabi kong “been there, done that”. Gulo na kung gulo ang kalalabasan ng sagot kong ito but this is what I feel. Pero tulad ng maraming tao na hindi naging maingat sa paghawak ng relasyon, sa paulit-ulit na paggawa ng mistakes, at kawalan ng maayos na decision, nawala rin sa akin si “true love”. And I’m not even sure kung makakasama ko pa siya ulit. Kung noon ay may pinanghahawakan pa akong 70%-30% chance para magkasama kami completely, ngayon ay 50-50 na lang. It’s extremely painful for me kasi sobra akong emotional na tao especially when it comes to relationship, adding the fact that I’m no longer free. Kaya siguro napagod na rin si “true love” sa paghihintay at pag-intindi sa akin. Our relationship is the kind that is not acceptable in our society maging sa paningin ng nasa Itaas. I know I will be criticized/condemned for this revelation pero hindi ko sinadya na matagpuan ang true love ko sa ibang tao. It’s hard to be with someone na hindi mo na mahal, even harder for the other person kasi alam mong mahal ka pa niya and he knows that you’re not happy with him anymore. Yet, there’s a reason for everything. If this is a preparation for something bigger kung saan lahat kami ay magiging masaya at tahimik, then I guess I have to cooperate and change my attitude towards relationship. I still believe that in time, makakasama ko pa rin ang true love ko. I still hold on to that 50% probability. With regard to my relationship with the person whom I’m with now, sana dumating na ‘yung oras na magkaron kami ng lakas ng loob na pakawalan ang isa’t isa at maging masaya para na rin sa ikatatahimik naming lahat. Dahil alam ko na patuloy ko lang siyang masasaktan at ang iba ang tao sa aming paligid kung mananatili pa kami sa aming relasyon [sooner or later he’ll read this entry. lagi niyang binisita itong site ko for updates].

For you, peeps… kung sa palagay mo ay nakita mo na si “the one” pero hindi mo pa rin kayang ayusin ang buhay mo para sa ikakaganda ng relasyon ninyong dalawa, i-consider mo munang mag-isip kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa relasyon ninyo. When you’re ready makikita mo na lahat ng bagay ay magmamanifest ng ayon sa gusto mo. Kung hindi mo pa rin siya ma-sight, maghintay-hintay ka lang at darating din siya. Go out and mingle with others. Start dating. ‘Wag mong siyang hanapin, dahil the more na naghahanap ka, mas lalong magiging mailap sa’yo ang tsansa.

True love doesn’t just fill your heart, it overflows into your whole body and soul.

chic4

23 responses

  1. i need advice po:(

    Bat ganun napakaicp bata ko, . Naiinz n q kc yn lage pnag aawayn namin ng bf ko ngaun, . Ganun b tlga pag sa magulng m lhat ng gux2 masu2n0d. .d q maiwsn s bf q n gnun me😦 ( nag iisang anak lng me then meanak n dn mag 6 yrs. Old n ngaun. . 22 plng aq at 35 n bf q. . Kea lage q nagbbasa ab0ut immaturty and maturity bka sakali mk2l0ng samin ng bf q lalo n sa sarili q. . Pag want k kc wnt q tlga, .d aq nag iicp, . Kagaya ng pupunta aq s bf q minsn sun0d2 n araw ayaw nea, . Lage aq nagk2mali lage s0ri d dw xia bta para ganun treat ko. . Wat po kelangan kng gawn?ty s0 much, . H0pe m2lungan aq ty ult:)

    June 5, 2012 at 4:51 AM

  2. Nakakarelate po sobra…
    Kasi yung mga bagay na hindi ko naiisip sa lahat ng mag nagustuhan ko bigla nalang pumasok sa isipan ko

    (Pasensya na po madaldal lang talaga ako’)

    Lalo na po yung “kasal”
    Nasabi ko rin po sa bestfriend ko nu’n
    Na yung nararamdaman ko sa kanya ay yung parang “asawa
    na kayo mong mhalin at makasama habang buhay,
    ,hindi ka magmamahal ng iba at kuntento ka na sa kanya habang buhay
    Sa tingin ko kaya ko yun

    (sori po madaldal lang talaga ako’)
    hhehe🙂

    December 10, 2011 at 10:57 AM

    • Enjoy

      Hi Liz!

      Na-appreciate ko naman na naka-relate ka dito. Just to let you know, may dalaga na rin ako na kagaya mo, but she’s 15.🙂 A piece of advice lang, mas mabuti siguro na i-enjoy mo muna yung teenage life at mag-focus ka sa studies mo. ‘Wag mo muna seryosohin ang love dahil pag dumating yung time na nag-mature ka na, at nasa tamang edad na, mas malaking sakit ng ulo pa ang mararanasan mo. Iisipin mo pa na sana bumalik ka na lang ulit sa pagkabata kung saan inosente ka pa sa lahat ng bagay😛

      Take it slow. You have all the time in the world to enjoy life. Ang love, darating din yan sa tamang panahon, sa tamang lugar. Kung hindi para sa iyo ngayon, baka bukas may darating pa so just be yourself and enjoy your teenage life.🙂

      December 14, 2011 at 1:52 PM

  3. Ang kaso lang po may girlfriend na po siya,medyo may pagkabastos siya at tsaka may bisyo din pero wala sa’kin yun tanggap ko siya.Kahit lahat na ng mga kaibigan ko inaasar ako dahil sabi nila “obsession” na daw ‘to,at hindi magiging kami kahit kailan…
    Hinahayaan ko nalang sila,kasi kahit ano namang sabihin nila hindi magbabago yung nararamdaman ko.Kahit ilang beses na po ‘kong nasaktan hanggang ngayon mahal ko pa din…tsaka siya rin po first love ko pero hindi ko po alam kung true love ba ‘to
    ,at tulad po ng nasabi niyo,ako rin po
    minahal ko siya sa kabila ng mga differences namin at unang-una
    kahit walang dahilan.
    Aaminin ko rin po,baliw na baliw ako sa kanya
    Kahit may gf siya wala akong pakialam basta mahal ko siya
    Kahit kilala niya ko pero hindi niya ‘ko pinapansin umaasa pa rin ako na baka balang araw dumating din yung time na ‘yon.

    December 10, 2011 at 10:40 AM

  4. Kahit isang 14 years old po ba posibleng makahanap na ng True Love?
    Kasi po tulad ng nailarawan niyo po ganung-ganun din yung nararamdaman ko,

    December 10, 2011 at 10:17 AM

  5. zerick

    Hi,

    I’m so amaze!…wow, very well said…yan din ngyari sa akin..”Kung noon ay may pinanghahawakan pa akong 70%-30% chance para magkasama kami completely, ngayon ay 50-50 na lang.” sad but true..kaya nga until now it’s so really hard to start all over again..co’z she’s my true love..hope and i pray that someday mgkikita prin kmi and tnx for this page, appreciated. u take care and godbless.

    January 23, 2011 at 7:02 PM

    • enjoy

      There is always a reason for everything. Hindi na kami nagkatuluyan ng binabanggit kong “true love” dyan but I’m happier now. Eventually narealize ko that all along, I was living in pretensions. I hope you’ll find your true love. Ipagdarasal ko na magtagpo ulit ang landas niyo. Love will find its way. Always believe in that. Thanks for appreciating my post Zerick!

      February 8, 2011 at 9:37 PM

  6. nice entry!!mga kapatid ako’y baguhan lamang sa larangan ng pagbablog,,, pero aking sinsikap na mapaganda lahat ng aking sinuslat,, you guys really inspired me to write more,,,
    kavog ako same situation, i’m still in the process of healing and accepting things, ang hirap pero i know in time ma get over ko na sya… mahirap lang tanggapin na ang akala mo sya na pero hinde pa pala,,,,

    @ brotherutoy “sabi nga, kahit na truly in love ang dalawang tao, kung maraming issues na hinaharap at hindi pa handang mag-submit, there’s a great chance na magkalayo rin sila…” – i agree w/ u

    April 15, 2009 at 4:53 PM

  7. ang ganda ng article mong ito, enjoy! ansarap kuhaan ng quotes. pero may isa lang akong medyo naguluhan “True love na hindi nagtagal?” ang malas namang love nun, baka naman kasi hindi true love talaga.

    God bless!

    sa aspect na yan bro. utoy, sa pananaw ko maaring one-side lang ang nakaramdam ng true love. the other person was just in love, merely in love. o maaaring hindi pa ready to commit.

    sabi nga, kahit na truly in love ang dalawang tao, kung maraming issues na hinaharap at hindi pa handang mag-submit, there’s a great chance na magkalayo rin sila…

    just an opinion🙂

    March 10, 2009 at 9:34 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s