Kamusta naman ang iyong cholesterol?

Bago ko simulan ang blog ko ngayon, nais kong pasalamatan ang mga tao at kapwa ko bloggers na sumuporta, nagdasal, nakiramay at nakisimpatiya sa akin. Sinamahan niyo ako sa aking panandaliang paglalakbay sa kalungkutan at pagluha. You stayed with me in the midst of depression and helped me through.

Kasalukuyan pa rin kaming nakikibaka sa pagsubok ng buhay—ako, ang aking ama, ang aking pamilya. Ano man ang kahinatnan ng pagsubok na ito ay maluwag pa rin naming tatanggapin at haharapin. Tulad nga ng inyong sinabi, walang pagsubok na ibinigay sa atin na hindi kayang lagpasan.

Again, thank you with all my heart.

****************************************************************************************

Dahil na rin sa kasalukuyan kong hinaharap ay naisipan kong alamin ang sakit na tumama sa ‘king tatay, ang stroke. Ugali na kasi nating mga Filipino ang ipagwalang-bahala ang kalusugan at protektahan ito mula sa mga mapanirang factors tulad ng pagkain ng fatty food, pag-inom, paninigarilyo at maling dieta. Saka na lamang natin mare-realize ang ating kapabayaan kapag nangyari na ang hindi inaasahan. Ang ma-stroke at maparalisa ang ilang bahagi ng katawan.

Ano ang STROKE?

Ang stroke ay isang “brain attack” na nangyayari kung ang isang parte ng utak ay nakaranas ng problema sa daloy ng dugo. Ang hindi maayos na pagdaloy ng dugo ang karaniwang nagiging sanhi ng pagkaputol ng supply ng oxygen sa brain cells at ang apektadong cells ay nagsimulang mamatay. Damage to the brain can cause loss of speech, vision, or movement in an arm or a leg, depending  on the part of the brain that is affected.

Ang stroke ay ang pinakalamaking form ng cerebrovascular disease or ang karaniwang tawag din sa stroke.

Uri ng Stroke

May dalawang uri ng stroke:

gem_0003_0004_0_img0608

  • Stroke na sanhi ng bara sa ugat na nagsusupply ng oxygen sa isang partikular na rehiyon sa utak (cerebral infarction). Ito ang most common type ng stroke.

85 percent ng stroke ay nangyayari dahilan sa walang sapat na dugo ang dumadaloy patungo sa ating utak. Humihinto ang daloy ng dugo kapag ang artery na nagta-transport ng dugo sa utak ay nagkaroon ng bara. Ang bara o blockage ay maaaring sanhi ng blood clot na namuo sa isang artery sa utak, o namuo sa alin mang parte ng katawan at naglakbay sa ating bloodstream patungo sa utak. Kapag ang blood clot na ito ay nanatili sa utak, asahan mong kasunod na rin ang stroke.

Masarap ang kumain ng lechon di ba? Lalo na kapag nakapakalutong ng balat. Samahan mo pa ng fried chicken, chicharong bulaklak, at crispy pata! Yum-yum! crispypataPero alam mo ba na ang masasarap na mga pagkaing ito ay tumutulong di lamang para i-satisfy ang iyong mapanuring panlasa kungdi maging sa build-up ng cholesterol at iba pang fatty deposits sa ating katawan? Yes! Yum-yum nga pero kapag ang arteries mo ay tinamaan ng atherosclerosis (o hardening of the arteries), dito na rin magsisimula ang blood clot. Isipin mo na lang ang tubo ng lababo niyo na napuno ng sebong galing sa mga mantikang itinatapon mo doon araw-araw. Ano ba sa tingin mo ang magiging resulta kung pababayaan mo na lang ito at hindi lilinisin ang grease trap. Disaster di ba?

  • Sroke na sanhi ng pagdurugo sa loob mismo ng utak (intracerebral hemmorhage).

Samantalang ang 15 percent naman ng stroke ay nagaganap kapag ang artery na nagdadala ng dugo patungo sa utak ay biglang pumutok sanhi ng weak spot sa wall ng artery, o ang tinatawag na aneurysm. Ito ay tinatawag din na hemorrhagic stroke.

May dalawang uri rin ng stroke na sanhi ng pagdurugo sa utak. Ito ay ang subarachnoid hemorrhage at intracerebral hemorrhage. Pero hindi ko na papahabain ang diskusyon tungkol dito dahil sa mga oras na ito ay inaatake na rin ako ng stroke sanhi ng “bleeding in the brain” due to technical explanation of medical science.😀

Ang iba pang impormasyon tungkol sa stroke ay makikita dito.

Hindi naman agad-agad ang pagkakaroon ng blood clot. Ito ay accumulation na rin ng mahabang panahon na pagkain natin shotglass_and_cigarette_by_ulose2piranhang fatty foods, ang pagkalulong sa bisyo tulad ng alak at sigarilyo at kawalan na rin ng proper diet at exercise. Importante pa rin na ma-burn ng ating katawan ang lahat ng excess fats upang hindi ito manatili sa ating sistema at mag-build up ang bad cholesterol. Mas mainam kung lagi rin mo rin ipapasuri ang iyong cholesterol level upang higit na makasigurong nasa tamang level pa ito.

Sa dalawang uri ng stroke na nabanggit ko sa itaas, ‘yung una ang direktang umatake sa tatay ko. Makulet kasi si tatay noong medyo malakas pa ang katawan. Mahilig sa masasarap na pagkain tulad alimango, baboy, balat ng manok at kung anu-ano pa. Malakas din siyang manigarilyo at umiinom paminsan-minsan. Matagal na rin niyang nabanggit sa akin na may bara ang isang ugat niya sa puso at makailang ulit ko na rin syang pinaalalahanan na ipatingin ito pero di niya ako sinunod. Bilang ama, inisip pa rin niya na ang perang gagastusin sa pagpapagamot ay maaari pa nilang gamiting pantawid ng gutom. Ngayon ay unti-unti na rin niyang naiintindihan ang madalas kong pangungulit sa kanya pagdating sa kanyang kalusugan.

exerciseIt is never too late to change our lifestyle, especially the way we eat. Kung talagang hirap kang iwasan ang mga bagay na ito, siguraduhin mo pa rin na hindi mo nakakalimutang mag-exercise at kumain ng prutas at gulay para ma-balance ang iyong diet at ma-maintain sa normal limits ang iyong timbang. Matuto tayong maging mapanuri sa ating kalusugan para na rin sa ating kapakanan at ng ating pamilya dahil sila higit sa lahat ang masasaktan at maapetuhan kung may mangyayari sa ating masama. Okiedoke?😉

chic4

21 responses

  1. rosalindaBurreGo

    hello sa lahat…malapit na blood chem sa ko Sept. 21 na sana maging ok lahat test ko kaso parang pakiramdam ko mataas cholesterol ko plsss help.

    September 8, 2011 at 2:26 PM

  2. naku kakatakot pala ako mataas ang cholesterol ko 294 na bata pa ko kaylangan pala mag diet lagi kc ako kumakain ng mga mamantika lalo na yung sisig at mga junk foods anu ba mgandang kainin para sa high colesterol….mainm ba kumain ng mga prutas

    April 6, 2010 at 3:40 AM

  3. naku kakatakot pala ako mataas ang cholesterol ko 294 na bata pa ko kaylangan pala mag diet lagi kc ako kumakain ng mga mamantika lalo na yung sisig at mga junk foods anu ba mgandang kainin para sa high colesterol….

    April 6, 2010 at 3:39 AM

    • Jhoan

      Ang dapat mong kainin ay mga prutas at iwasan ang mga matatabang pagkain…health is wealth….

      April 21, 2010 at 10:29 PM

  4. Leonailen C. Mariano

    kailangan mo maging maingat sa mga pagkain na itatake mo, dahil para iyon sa ikakaganda ng iyong kalusugan.
    mahirap man peo kailangang gawin at panatiliin sa buhay. salamat sa info…jejejeje3k

    God bless you….

    January 8, 2010 at 10:13 AM

    • enjoy

      Yup, dapat talaga hinay-hinay tayo sa mga kinakain natin para maprevent ang mga ganitong klase ng sakit. Salamat sa iyong pagdaan🙂

      January 10, 2010 at 8:23 PM

  5. albert

    barado yata ang ugat ko sa utak.. hindi tuloytuloy ang daloy nya pumipinntig sya lord tulugnan nyo ko.. ang dame ko na nainom na gamot ano po ba ang mabisang gamot.. meryxmas…!!!

    December 24, 2009 at 10:23 PM

  6. parehas tayo ng pinag daan kasalukuyang nasa icu ang aking tatay salamat sa iyong impormasyon tungkol s stroke

    gob bless tatay

    October 4, 2009 at 8:11 PM

    • enjoy

      I hope that he’ll recover soon. Mahirap talaga ang stroke. Hindi natin alam kung kailan ito aatake.

      My prayers with you. God bless…

      October 6, 2009 at 7:49 PM

  7. Cham

    Uhm..tnx s info..n0w mpg bBwlan q n m0my q..kxo sna nxt tym ung mga fud n dpt kainin pRa mkaiws s bad cholesterol..by d way tnx..ü

    August 9, 2009 at 8:59 PM

  8. Kalungkot naman about your father..

    Anyway, thanks for the info, its worth reading, ang daming matutunan.

    Kain lang ng healthy foods, vege and maraming fiber samahan na din ng oath at juices.

    Nagbabalik ako! cencia na tagal kong nawala..

    March 5, 2009 at 11:27 AM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s