a sketch of true self

img_67561

I prefer drawing than talking. Drawing is faster, and leaves less room for lies.

Author – Le Corbusier

Ang plano ko sana ay lumiban muna sa pagsulat ngayong araw na ito. Mabigat pa rin kasi ang aking nararamdaman patungkol sa maraming bagay. Naglibot-libot ako sa blogosperyo sa pag-asang makakahanap ako ng pansamantalang karamay sa nararamdam ko. Umaasa rin ako na baka makatisod ako ng isang masayang blog na magbabalik ng aking saya kahit sandali lang pero nabigo ako. Hindi ko alam kung bilog ba ang buwan at damay-damay ang pagiging emosyonal ng mga blogero ngayon. Hindi ako makapag-komento dahil alam kong wala rin naman akong matinong masasabi. Mas lalong mahirap ang magpaka-ipokrita that everything is fine and I’m capable of giving good advices or sharing inspiring words. Until I stumbled upon Dylan’s.

Magaling akong magtago ng totoong nararamdaman ko na sa tingin ko ay hindi magandang gawain ng matinong tao. I can easily fake my smile, my laughter. But deep inside I’m bleeding. Kung minsan matigas pa rin talaga ang ulo ko, pero napapansin kong parang mas matigas pa ang puso ko. Kung minsan, parang feeling ko nawawala pa. – excerpt from Dylan’s blog, “Untitled”

Malakas ang tama sa akin nung sinabi niya. Kasi akung-ako ‘yun. Simula ng mag-teenager ako, natutunan ko nang itago sa tao ang tunay na nararamdaman ko. Magaling akong artisa. Kaya kong paikutin ang nasa paligid ko ayon sa gusto kong mangyari. Madalang akong maglahad ng problema at kung mangyari man ‘yun ay mabibilang ko lang sa daliri, at mabibilang ko lang rin ang mga taong sinasabihan ko. I don’t often get a pat on the back, ’cause most of the time, ako ang nagbibigay nun sa kanila. Aaminin ko na, I find it hard to heed other people’s advice pero di naman laging ganun. Opinionated kasi akong tao. May sariling paniniwala. Sabi nga nila, matigas ang ulo ko na kahit yata adobe ang ipukpok ay mauuna pang madurog ang adobe sa tigas ng bungo ko. Magaling pa rin akong artista hanggang ngayon. Yet this time, it’s more dramatic.

sa totoo lang, nakaka-overwhelm yung comments ninyong lahat. suddenly na-realise ko na naging harsh ako sa sitwasyon. bugso ng damdamin at sa paghahangad na mailabas ko ang nararamdaman ko sa paraang alam ko. sa paraang malaya at walang takot na baka matapos ang paghahayag ay kalimutan at iwanan ako ng kapwa ko blogger o kung sino man ang makakabasa nito.

Ito ang reply ko kay Mike Avenue sa kanyang naging komento. This is the only way I know to unload my burdens, through blogging. Dahil dito lang ako malayang makakapaghayag ng saloobin ko ng walang halong pagkukunwari. Sa ganitong paraan lang ako hindi artista.

Ilang ulit kong pinakinggan ang profile music ni Dylan habang malayang bumabagsak ang luha sa mga mata ko. I let myself drown in tears. I cried like I’ve never cried before.

Give me your hand to hold
‘Cause I can’t stand to love alone
And love alone is not enough to hold us up
We’ve got to touch your robe
So swing your robe down low
Swing your robe down low

Pagkalipas ng sampung taon, nagawa ko ulit gumuhit. Wala pang ilang minuto ay natapos ko agad ang isang sketch na naglalarawan ng nararamdaman ko ngayon.

chic4

20 responses

  1. ano ba ang dapat kainin kung mataas ang cholesterol

    September 12, 2015 at 12:21 PM

  2. i love aulin

    April 6, 2009 at 4:07 PM

  3. napadaan lang and i cant help but comment on this one. ang galing ng sketch mo! not to mention, sexy and full of emotion ah!

    very nice! i envy people who are gifted with such talent.

    thanks winkie for appreciating it winkie… at salamat din sa pagdaan 🙂

    March 16, 2009 at 8:16 PM

  4. yakapin nga kita, enjoy! uhhhmmmm….üüüü

    I would like you to watch this music video by Michael Bublé. God bless!

    http://www.clevver.com/music/video/31833/michael-buble-lost.html

    March 10, 2009 at 9:30 PM

    • enjoy

      napanood ko na bro. utoy. ang ganda nga nung video pati na yung meaning nung song… siguro nga i will never be alone and lost kasi i still have my family’s back. ano man ang mangyari sa mga plans ko this year, i know i will never be alone… 🙂

      March 11, 2009 at 10:47 PM

  5. enjoy

    @elyong:
    i guess i’m just trying to be brave for my family. mahirap kasi kung makikita din nila akong weak sa ganitong pagkakataon. yes, inside i’m bleeding at marahil ay na-master ko na nga ang pagtatago ng saloobin ko. pero alam ko in time, magiging OK din ako. 🙂

    @mike avenue:
    OK na po ako… salamat ng marami sa encouragement 🙂

    @dylan:
    salamat sis sa encouraging words mo. i know that in everything we do or feel, we do have an option. at this point, maaaring naging option ko ang maging negative at malungkot dahil na rin sa hindi na siguro kinaya ng aking sistema ang mga nararamdaman ko. but like what i’ve said, i still keep my faith and i’m pretty sure that just like before, makakalusot din ako dito.

    the name ENJOY is not only a blog name, it’s really my nickname which was given to me by my tito. oo nga pala. nakalimutan kong ENJOY nga pala ang nickname ko… so why worry when I can ENJOY life? 🙂

    March 1, 2009 at 8:14 PM

    • Nyaha! Oo nga, enjoy life.

      Pasensya ka na kung lalo mong naramdaman ang kalungkutan nung nabasa mo yung post kong yun.. I know you’ll be fine.

      Pero natuwa naman ako nung malaman kong after 10 years you were able to sketch again.. You do have skills, go!

      March 2, 2009 at 1:16 AM

  6. Wow. I mean you can sketch pretty well..

    But you know, life is a choice, sabi ko nga kung malungkot ka ngayon choice mo yun.. Nasa mga kamay mo kung paano ka magiging masaya sa kabila ng lahat ng yan.

    May purpose ang lahat ng bagay na nararamdaman o nararanasan natin.

    I like your blog name although di ko alam kung yan ba talaga ang real name mo, cuz it sounds like you do enjoy your life.

    If you could listen closely to the song, it’s not just an ordinary love song. It’s much deeper than that.

    We do have a lot of similarities I believe, that’s why you and I can relater each other very well, alam ko napansin mo yan…

    Tandaan mo, na hindi ka mananatili sa ganyang sitwasyon. Keep your head up. Be strong and take courage. God is always there by your side.

    My prayers are with you Enjoy.
    Hugs and kisses to you.
    God bless!

    March 1, 2009 at 12:18 PM

  7. I hope ok ka na ngayon.

    ismayl….. 🙂

    March 1, 2009 at 11:01 AM

  8. The problem with hiding feelings is that when you get to master it.. you don’t know how to unload feelings to anyone… leaving you the woman in the island… people’s perception of you is similar to a superwoman.. with a heart as strong as a rock, but deep inside it bleeds, bleeding till it dies.

    February 28, 2009 at 6:38 PM

Leave a reply to Elyong Cancel reply