Hindi Ako Astig

weak_by_vicdaen

Ang hirap talagang magpakasaya sa mga panahong dinadaluyong ng bagyo ang buhay mo. Pinipilit kong tumawa at ipagwalang-bahala ang ilang mga problema sa buhay ko ngayon pero para yatang nanadya ang tadhana at pilit sinusubukan ang tigas ng mukha ko. Minsan iniisip ko tuloy, ano bang meron ako at trip na trip akong paglaruan ng panahon? Tingin ba niya ay isa akong Super Woman na kayang pantayan maging ang lakas ni Super G? Mahina rin ako. Walang matibay na lakas. Isinusuko rin ako ng sarili kong katinuan.

Linggo, pagkatapos makipagdebate sa aking kalituhan ukol sa isang personal na bagay, isang balita na naman ang dumating sa ‘kin. Inatake daw ang tatay ko na nasa ‘Pinas. Mild stroke. Namamanhid ang paa at kamay at halos utal na sa pagsasalita. Matagal ng retirado ang tatay ko at umaasa na lamang siya sa kanyang pensyon at kaunting pera na ipinapadala namin. Matagal ng patay ang nanay. Walang trabaho ang mga kapatid kong lalaki na parehong nakapisan sa kanya. Ang isa ay may sakit na epilepsy at tanging ang asawa ang nagtatrabaho para sa kanilang pamilya; samantalang ang isa ay tuluyan na yatang aasa kay tatay gayong kalaki-laking tao naman. Pagod na ko sa kakasermon sa utol ko na panahon na para ayusin niya ang kanyang buhay. Maalwan ang buhay namin dati, pero di dumating sa amin na ang lahat pala ay maagang magtatapos. Lahat kami ngayon ay pawang mga imbalido sa sari-sarili naming buhay.

Ang huling balita ko kanina ay hindi pa rin bumubuti ang lagay ng tatay. Walang epekto ang mga gamot na ibinigay sa kanya at halos paralisado na ang kalahati ng kanyang katawan. Salamat na lang at nandyan ang aking mga tiyuhin at tiyahin at iba pang mga kamag-anak na nagsisilbing alalay niya ngayon sa kagipitan. Dala na rin siguro ng matinding pag-iisip kaya naaapektuhan ang kanyang kondisyon. Inatake na rin ng epilepsy kanina ang kapatid ko dahil sa stress. Sa sunud-sunod na text na natatanggap ko, hindi ko alam kung saan ako susuot at kung ano pa ang isasagot ko. Muli, napapatingin na naman ako sa langit at napapamura ng taimtim. Hindi dasal kung di mura.

Oo mahina ako. At taung-tao ako. Sa mga ganitong pagkakataon, umiiral ang karupukan ko bilang tao. Pano ba naman, kinse pa lang ako eh siksik-liglig at umaapaw na ang balde-balde kong problema. Kung makikita mo ko sa personal, hindi mo aakalain na may mabigat akong iniisip dahil tulad niyo, gusto ko rin naman na positive ang mai-project ko sa tao. Ibang-iba ang personalidad ko sa labas ng bahay at sa loob ng apat na sulok ng aking kuwarto. Maiiwasan ko ba ang magtanong? Maiiwasan ko bang kuwestiyunin ang langit kung bakit sa dinami-dami ng maangas dyan ay ako pa ang laging target ng bullseye? Pinilit kong maging isang mabuting anak noon, isang mabuting tao pero pinaulanan ako ng bala at sibat. Binawi ang buhay ng nanay ko, matapos ang anim na buwan naubos ang aming ari-arian sa isang malaking sunog. Hindi pa nga kami nakakabangon, dinaganan na agad. Sa lahat ng ito, kadalasa’y isang mahabang haaaaayyyyy ang inuusal ko at p@$^&*(^) inang buhay ito….

Marunong naman akong magdasal at magpasalamat; humingi ng gabay at pang-unawa; ikumpisal ang aking mga kasalanan sampu pa ng mga kasalanan ng aking mga kamag-anak. Kung minsa’y inaako ko pa nga maging ang pagpatay kay Rizal at rub-out sa EDSA magbigyan Niya lang ako ng parole at panadaliang makalaya sa sumpa ng tadhana. Pero ang ganda-ganda ko talaga! At dahil maganda ako, eto ang biyaya ko – sandamukal na problema na naghuhumindig sa laki sa harapan ko ngayon. At may bonus pang kaseksihan na kasama! Kaya naman ang maganda at seksing si Enjoy ay di pa rin makahanap ng trabaho hanggang sa ngayon. O di ba?

Pasensya na kung may tama ang post ko ngayon. Marahil ay dumating ka na rin sa puntong pagod na ang isip mo sa laban ng buhay at gusto mo nang sumuko pero di mo magawa kasi maraming madidismaya. Ito ang isa sa mga laban ko. At ngayon ko na-realise na mahirap palang itago ang saloobin kahit na nasa likod ka na ng kompyuter.

22 responses

  1. pasensya ka na. ngayon lang nakabloghop ulit.
    ayokong payuhan ka kasi mas alam mo na naman ang gagawin mo. ang maipapangako ko na lang ay ang dasal para sa tatay mo at para sayo na rin. God bless!

    March 10, 2009 at 9:26 PM

    • enjoy

      @bro. utoy:

      ok lang ‘yun brother… alam ko namang super busy ka rin sa iyong sariling bahay… basta wag mo lang kami kalilimutan sa mga prayers mo; paki-abisuhan na rin ang mga friendly-friends mong seminarista🙂

      March 11, 2009 at 10:50 PM

  2. enjoy

    @ aling baby & teentoinks:

    thanks for all the encouraging words and for the prayers.

    i really need a hug today…. sana andun din ako sa tabi ng tatay ko to give him one, too. mabigat nga at hindi madali lalo na pag nasa malayo ka at ang kaya mo lang gawin ay magdasal. we are keeping our faith in Him… at sana malampasan din naming lahat ito.

    February 26, 2009 at 1:10 PM

  3. Hayyss.. bitter sweet nga ang flavor ng cake mo ngayon.

    Tama sila may mga krus tayong kailangan buhatin, magkakaiba man ng bigat kanya-kanyang bitbit lang yan… Depende sayo kung gusto mo bitbitin ng mag-isa or may kasama, Kung san ka makakaluwag ang umiyak, sumigaw at mapa-haaayyy… pero sana wag mo na lang kakalimutan na “MAY BUKAS PA….” eymen? üü Matatapos din yan… Haaayyysss…

    Just incase you need a hug… i have here willing to give! üüü

    February 25, 2009 at 9:09 PM

  4. “True strength is being able to hold it all together when everyone else is expecting you to fall apart.”

    Kaya mo yan girl, kahit minsan mapapatanong ka ng bakit ako/kami at papano ko uumpisahan?? at marami pang iba.

    mabigat. oo naman. mahirap. oo naman. lahat ng pwede mong i-describe kung paanong nilulubog ka ng mga problemang ito.

    malamang nakikita niya ang karupukan mo at yun ang challenge niya sayo. Dun mo simulan. Alam ko indi madali…sana wag kang mawalan ng pag-asa.

    Umaasa ako na malalampasan ninyo ang lahat ng ito. I’ll pray for your father’s immediate recovery. Prayers can move mountains. Keep believing.🙂

    God bless.

    February 25, 2009 at 9:06 PM

  5. Kung mayayakap lamang kita… upang… upang…. maiparamdam ko sa iyong hindi ka nag-iisa!

    Ang laging tanong: BAKIT?

    May karapatan bang umangal ang NILALANG sa LUMALANG sa kaniya? Pwede bang sabihin ng silya sa karpintero, “BAKIT ganito ang pagkakagawa mo sa akin? Bakit ako pa?”

    Ang problema, pwedeng tanggapin mula sa NAGBIGAY. O pwede ring hindi kung ayaw.
    Ngunit ibinigay NIYA ito upang malaman kung hanggang saan ka. At upang malaman NIYA kung karapat-dapat ka.

    Sa paaralan, nagbabayad pa tayo para kumuha ng exam, pero itong problema mo, LIBRE!

    At kapag nakapasa ka, UMAATIKABONG grasya na siksik, liglig at umaapaw! Hindi lang “100%” galing sa teacher ang makukuha mo kapag na-perfect. Sasabitan ka pa ng medalya kung sakali. At matutuwa ang TATAY mo na may sakit dahil ang anak niyang pinakamamahal, kasama niyang naging matibay sa “examine” ng buhay.

    Makinig ka sa ingay at katahimikan, nariyan lang ang sagot… nasa tabi mo!

    sa totoo lang, nakaka-overwhelm yung comments ninyong lahat. suddenly na-realise ko na naging harsh ako sa sitwasyon. bugso ng damdamin at sa paghahangad na mailabas ko ang nararamdaman ko sa paraang alam ko. sa paraang malaya at walang takot na baka matapos ang paghahayag ay kalimutan at iwanan ako ng kapwa ko blogger o kung sino man ang makakabasa nito.

    salamat mike dahil nadagdagan ang magdarasal para sa akin at para na rin sa sitwasyon na kinakaharap ko ngayon. sana nga ay sumikat na ang haring araw…

    ENJOY mo lang. ENJOY ka lang. at bukas sa likod ng madidilim na ulap ay lalabas ang sikat ng HARING ARAW!

    Ipagdadasal ko ang iyong kaligtasan!

    —Mike Avenue—

    February 25, 2009 at 3:55 PM

  6. AC

    i’ve been to that stage as well.. (lahat naman yata tayo) and blogging has been one of my therapies since then. i’ve been doing it i think for the past 4 years na. and recently i’ve very transparent and open to the public.. na halos lahat ng pinagdadaanan ko nakabroadcast. okay lang yan, kung yan ang makakatulong sayo to cope with something awful. di naman ako mapili sa binabasa.🙂 sige lang… tuloy lang.. makikita mo, darating din ang araw sasaya ka na.

    smile lang ha?🙂 and pray…🙂

    February 25, 2009 at 1:51 PM

    • enjoy

      thanks for dropping by AC… yeah, i’m looking forward to that day when i’ll be happy and worry-free. and yes! blogging is one hell of a therapy…

      see you around and nice to have found you here🙂

      February 25, 2009 at 2:23 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s