Lito…

1_sad_winter_by_roadioartsBakit kaya ganun? May mga bagay kang gustung-gusto mong gawin pero hindi mo maituloy? Palaging andaming factor na pumipigil. Kahit na sa sarili mo ang tingin mo ay iyon ang tama at nararapat gawin, pagdating sa iba, maling-mali pa rin. Sige na nga, mali na kung mali. Pero pano mo mapapatunayang ikaw ang tama kung hindi ka naman bibigyan ng pagkakataon na patunayan ito?

Ang dami nang nasasayang na oras sa pagpapaliban ng mga plano. Ang dami na ring nasasayang na oportunidad. Kelan pa ang tamang panahon? Baka sa wala na lang mapunta ang lahat…

chic4

4 responses

  1. Akala ko Lito Lapid?!

    Toinks!
    May mga instances talagang ganyan.. Okay lang yan.. Keep your mind open lang, dont entertain negative thoughts inside..

    May tamang panahon ang lahat ng bagay, matuto lang tayong maghintay at gamitin ang oras ng tama..

    Sumisipag kang mag post ngayon enjoy ah, di na o nakakahabol sa mga posts mo

    cheers!

    ahehe… kailangan ko lang talga ng diversion. mahirap pag tuliro na tapos wala pang outlet… baka sa susunod eh sa mental na ko mag-blog😀

    ang hirap kasi pag di nae-entertain ang negative thoughts. nagpapansin… hay…

    February 23, 2009 at 1:19 AM

  2. nakkarelate ako dito.. alam ko ung pakiramdam na parang pinagtatampuhan ka ng mga pangayyari at mangyayari sa buhay mo. kung minsan kase hindi natin mapriority ung mga dapat na priorities natin sa buhay natin.. tulad nga ng sinabi mo maraming mga factors na nakakaapekto pero ganun talaga ang buhay mo. fact na yan eh kasama na talaga sa buhay natin yan.

    sana pwede rin tayong magtampo sa buhay noh? kaso di mo pwedeng gawin yun dahil lalo ka lang niyang susubukin at aasarin. kaya minsan tahimik na lang ako… mag-blog na lang baka sakaling di ko mamalayan ang oras ang lumipas na rin ang lahat…

    February 21, 2009 at 9:39 PM

  3. Humayo ka at tuparin ang nais. Maikli ang panahon upang ipagwalang bahala ang mga pagkakataon.

    Isipin lang lagi na huwag makatapak ng kapwa sa pagtupad sa mga plano’t balakin sa buhay.

    Hangad ko ang iyong kaligayahan!

    sa kaso ko, nakatapak na ko kaya nga magulo. pero sana nga ay magdilang-anghel ka at makuha ko ang kaligayahan ko.

    salamat mike…

    February 21, 2009 at 8:48 PM

  4. anu ba ang gusto mong gawin kasi?… base sa aking sariling paniniwala…

    wala naman talagang maling desisyon…nagiging mali lamang ito kung hindi ito napaninindigan…

    tama ka dyan superg… pero pano ko rin mapaninindigan kung mailap sa akin ang pagkakataon… hayz…

    February 21, 2009 at 8:37 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s